The Last Stop (Completed)

By Dominotrix

187K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... More

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle
Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabintatlong Kabanata: White Lies
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan

4K 119 30
By Dominotrix

"Kumain na kayo?" tanong ni Sophia sa kanilang dalawa. Sinamahan niya si Adrienne sa isang mesa at hinainan ng pagkain. Sumunod naman si Joseph at Gil sa kanila.

"Bud, inom tayo kahit kaunti lang," yaya sa kanya ni Gil.

"Sige." Susunod na sana si Joseph sa kanya ngunit pinigilan siya ni Adrienne.

"Mamaya ka na kaya uminom," pigil sa kanya ni Adrienne habang hawak pa ang kamay nito.

"Pero last na chance na naming makapag-inom ni Gil. Isang taon pa bago bumalik 'yan. Ang tagal pa noon. Mami-miss ko yan." Sabay akbay kay Gil. Malapit talaga silang magkaibigan na dalawa.

Ngumuso si Adrienne para ipakita ang kanyang pagkadisgusto. Nakita iyon ni Sophia kaya't naisipan nitong bawalan muna ang kapatid.

"Gil, mamaya na. Kadarating lang nila. Hayaan mo muna silang kumain,"

"Pero , ate!" magsasalita pa sana siya ng pinigil na siya ni Joseph.

"Tama na, wala tayong panalo sa mga babae. Sige kakain muna kami then pwede tayong mag-inom pagkatapos," ani Joseph.

Matapos iyon ay iniwan na lang muna ni Sophia si Gil habang kinakausap si Joseph at Adrienne. Sinabi niyang marami pa siyang aasikasuhin sa kusina kahit wala naman. Maya-maya pa ay nakabuntot na sa kanya si Mamu at si Diosa para mag-usisa.

"Anak! Umaano ka dito?" kunwari ay hindi alam ni Mamu kung bakit nandoon si Sophia at parang nagtatago.

"Mamu, mapait ang apdo, nakulangan sa asin," biro ni Diosa kay Mamu na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

"Ay ganon? Teka, eh di ba ang kwento mo sa akin dead na dead sa beauty ng anak ko iyong Papa Joseph na iyon?" tanong nito kay Diosa. Tuloy lang sila sa kwentuhan na parang wala sa paligid si Sophia.

"Eh kasi Mamu, ang anak niyo choosy. Inalok nga 'yan ng sex ni Joseph pero tumanggi," kwento ni Diosa.

Nagulat naman si Sophia sa kinuwento ni Diosa sa kanyang Mamu.

"Hoy! Diosa ha," inis na sabi ni Sohpia.

"Anak, h'wag kang sumabat. Usapan namin ito ni Diosa, hindi ka kasali." Saway nito kay Sophia. "Ay, tumanggi sa grasya? Baka naman feeling ng anak ko eh, 16 years old siya at sariwa pa ang daloy ng tubig sa batis. Ilang panahon na lang tuyot na ang lawa." Sabay nag-apir sila ni Diosa.

Naupo si Sophia sa may mesa sa may kusina at nagseryoso. Natahimik naman ang dalawa at tinigilan na ang pangbubuska kay Sophia.

"Mamu kasi, bata pa siya. Immature pa ang mga decisions niya. At nakakahiya para sa edad ko na makitang kasama siya, baka mapagkamalan pa akong Nanay niya," sumbong nito sa kanyang Nanay. Kahit na lukaret naman si Mamu ay punong puno pa rin ito ng mga payo sa kanilang magkapatid.

"Anak kapag nagmahal, hindi tungkol sa edad, sa estado sa buhay, sa pisikal na anyo o kahit saan man. Kapag nagmahal, hindi pwedeng yung magandang bahagi lang ang kukuhanin mo pagkatapos itatapon mo ang iba. Dapat tanggapin mo siya ng buong buo. Tingnan mo ako Go lang ng GO. Masarap magmahal, bakit mo ipagkakait sa sarili mo iyan," payo dito ni Mamu.

"True Mamu, ewan ko ba sa anak niyo. Takot na takot pa ring lumigaya kasi feeling niya masasaktan lang siya," segunda ni Diosa.

"Ah ganun ba? Oh eh di h'wag ka ng maghanap ng lalaki, mamamatay kang virgin at single. Tatanda ka ng walang aalalay sa iyo. At least ako gabi-gabing nadidiligan." Totoo ang bawat salitang iyon ni Mamu, hindi na siya bata at lumalabo na ang tsansa na makapag-asawa siya. Isipin niya pa lamang na tatanda siyang mag-isa na walang anak o asawang kasama ay nakapangingilabot na.

"Pero may iba na siya ngayon," wika ni Sophia na may halong pagsisisi.

"Magpaganda ka, magsuot ng palda na may slit Anne Curtis ang level, yung naghehello na ang pintuan ng langit. Tingnan lang natin kung hindi bumalik sa iyo 'yan," sabi ni Diosa.

"Hoy, h'wag munang maghe-hello ang langit. Masama iyon. Magsimula ka sa dibdib, tara sa kwarto may damit ako d'yan na kakaway ang kambal," sabay sayaw ni mamu ng sexy. "Akitin mo siya, yung hindi na siya makakatanggi. Ikaw naman ang mag-alok."

"Puro naman kayo biro. Anong tingin niyo sa akin? Kalamay na nilalako sa daan?" Tumayo si Sophia na akmang aalis.

"Hindi, sa tingin ko sayo isang fishball, may karatula na nakaharap kay Joseph, tusukin mo na bago pa tusukin ng iba," nagtatawa si Diosa at Mamu na lalong kinainis ni Sophia.

"Pwede namang Jollibee si Papa Joseph, unlimited ang gravy." Tuluyang nang nagwalk out si Sophia matapos marinig iyon sa Nanay niya.

......................

Habang lumalalim ang gabi ay napaparami ang naiinom na alak nila Gil at Joseph kasama ng mga barkada nila. Nagpa-alam na nga sila Diosa at sumabay na sa kanya si Adrienne sa pag-uwi tutal malapit lang naman ang uuwian nilang dalawa. Dumating ang punto na si Gil at si Joseph na lamang ang naiiwan. Si Mamu naman at ang kanyang boyfriend ay pumasok na sa kwarto. Si Sophia naman paminsan minsan ay lumalabas para dalhan sila ng malamig na beer.

"Ate, upo ka muna. Kanina ka pa pagod, kwentuhan muna tayong tatlo," tawag sa kanya ni Gil.

"Hindi na, marami pa akong aasikasuhin," dahilan naman ni Sophia.

"Sino pa bang aasikasuhin mo eh ako na lang at si Gil ang nasa labas? Unless umiiwas ka sa akin." Mayabang na sagot ni Joseph.

Ayaw namang isipin ni Sophia na affected siya sa presensiya ni Joseph kaya't umupo na siya at nakipagkwentuhan.

"Kamusta ka na?" halos sabay na tanong ni Joseph at ni Sophia sa isa't isa.

Natawa naman si Gil sa kanilang dalawa. Ramdam na ramdam mo pa talaga ang pagka-ilang nito sa bawat isa.

"Okay lang ako," ani Sophia na hindi makatingin ng diretso kay Joseph.

"Buti ka pa, okay na. Ako, miserable pa rin." Walang kakurap kurap na sabi ni Joseph kay Sophia.

"Anong miserable. Eh ikaw nga ang may girlfriend."may pagtutol na sabi ni Sophia at nagpakawala siya ng isang plastic na tawa.

Nailang si Gil sa usapan ng dalawa at nagpaalam na pupunta lamang sa banyo sandali at parang sasabog na ang pantog niya.

"Hindi ba't iyon ang gusto mo? Ang ligawan ko si Adrienne. Lahat na lang ng gusto mo sinunod ko."

"Lasing ka na! Itigil niyo na ang inuman na ito." Tatayo sana at aalis si Sophia ng hawakn siya ni Joseph sa mga kamay.

"Akala mo ba, ganoon kita kabilis na makakalimutan? Ako ba, nakalimutan mo na?" tanong nito kay Sophia.

"May girlfriend ka na. Itigil mo na ito," gigil na sabi niya kay Joseph.

"Umupo ka muna, h'wag kang umalis. Ang tagal na nang huli kitang nakita." Nakiusap si Joseph kay Sophia na umupo muna at mag-usap sila sa ilang buwan na hindi nila pagkikita. "Si Adrienne? Kailangan ko siya para makalimutan ka. Sabihin mo nang masama ako pero hindi ko kayang kalimutan ka ng mag-isa, alam ni Adrienne 'yun. Sabi niya tutulungan niya akong kalimutan ka, pero hindi pala iyon ganoon kadali. Sabihin mo lang na bumalik ako sa iyo, babalik ako."

"Ginagamit mo si Adrienne? Pero mahal ka niya, masasaktan mo siya. Napaka-immature mo pa talaga."

"Mahal kita, pero sinasaktan mo ako. Yun ba naiintindihan mo? Palaging iba ang iniisip mo, isipin mo naman ako." May kalakasan ang boses ni Joseph dahil na rin siguro sa dami ng nainom.

"Napag-usapan na natin ito, Joseph. Tama na."

Tumayo si Sophia at tinalikuran si Joseph pero hinabol siya nito. Hinatak niya si Sophia at binigyan ng madiin na halik, nagpumiglas noong una si Sophia ngunit sadyang malakas si Joseph, hindi ito papayag na makakawala si Sophia ng mga oras na iyon. Maya-maya ay naramdaman na ni Sophia ang init at pagkasabik kay Joseph. Ginantihan ni Sophia ng mainit na halik si Joseph na ikinatuwa ng binata. Niluwagan niya ang pagkakahawak kay Sophia dahil hindi na ito nagpupumiglas. Painit ng painit ang halik ni Sophia hanggang sa makagat pa nito ang mga labi ni Joseph.

"Aray!" nasaktan si Joseph at tila natapyas ang balat ng kanyang labi sa kagat ni Sophia. Nahinto sila sa kanilang ginagawa at natawa si Joseph.

"Bakit ka tumatawa?" inis na tanong nito kay Joseph at tila pinagtatawanan ang ginawa niya.

"Wild mo! But I like it wild."

"Umuwi ka na Joseph. Lasing ka na." Taboy nito sa binata.

"Yun na lang iyon? Pagkatapos mong paduguin ang labi ko, tapos na? Damang dama ko ang mga halik mong 'yon. Hindi mo maikakaila sa akin na mahal mo pa ako."

"Hindi na kita mahal," tanggi ni Sophia

"Oh c'mon Sophia, kung nasa loob tayo ng kwarto mo, baka nasa sahig na ang mga damit natin. Napakataas ng tingin mo sa sarili mo. Bakit, wala ba akong karapatan na magmahal sa iyo?" galit na sabi ni Joseph.

"Hindi mataas ang tingin ko sa sarili ko."

"Enough with that bullshit. Aminin mo sa akin, hindi ba't ang dahilan kung bakit hindi mo matanggap ang pagmamahal ko sa iyo ay dahil takot na takot kang mahusgahan ng iba? Takot na takot kang masaktan kita dahil immature pa ako. Isang batang tatanga tanga lang ang tingin mo sa akin. Noong una akala ko natatakot ka na baka hindi kita kayang ipagmalaki pero ang totoo ako pala ang hindi mo kayang ipagmalaki."

"Hindi toto yan!"

"THEN PROVE IT! Nandito ako, ipagmalaki mo ako sa lahat ng tao. Tanggapin mo ako."

"Hindi ganoon kadali ang lahat," sagot ni Sophia

"Napakarami mong dahilan Sophia. Lahat makikitaan mo ng dahilan para lang ipagtulakan ako." Nadismaya si Joseph sa sagot ni Sophia. Unti-unti itong umatras at iniwan si Sophia. Tanging ang tunog na lamang ng makina ang narinig ni Sophia, tanda na umalis na si Joseph.

Papasok na si Sophia sa bahay ng makita niya si Gil. Yumakap siya dito na parang bata, nagsimula siyang sumibi at pumatak ang luha niya. Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ng nakababatang kapatid.

"Ate, alam mo ba na ang dahilan ko kaya ko pinapunta si Joseph dito ay hindi para magpa-alam ako sa kanya. Alam kong mahal mo siya at gusto kitang lumigaya. Ilang taon na ang inubos mo sa akin, sana sarili mo naman ang isipin mo," payo nito sa ate

"Natatakot ako. Tama si Joseph, natatakot akong ipakita na mahal siya. Ang taas taas ng tingin ko sa sarili ko. Sino ba ako?"

"Alam ko namang natatakot ka, siguro kasi noong una masyado kang umasa pero nasaktan ka. Pero hindi naman kalabisan na buksan mo ulit ang puso mo. Iba si Kuya Matthew kay Joseph."

"Girlfriend niya si Adrienne ngayon at hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira nila," pangako ni Sophia sa sarili niya.

Niyakap ni Gil nang mahigpit ang ate niya. "Then, kailangan mong magtiis sa sakit na mararamdaman mo. Itigil mo na ang pagpaparusa mo sa sarili mo ate. Wala kang naging kasalanan kung bakit hindi nagwork-out ang dati mong relationship. Sumubok ka naman ulit," paki-usap nito sa ate niya.

................

Dumating ang araw na ihahatid nila sa airport si Gil. Kasama doon si Joseph, Adrienne, Mamu, Diosa pati na rin si Sophia at ang boyfriend ni Mamu.

"Anak! Mag-iingat ka doon may balita ako na yang ganyan ka-gwapo, delikado doon," paalala nito sa anak.

"Mamu! Offshore kami, tubig ang nasa paligid namin. Magkaroon man kami ng dayoff sandali lang," sagot nito sa Ina.

Matapos ay nagpa-alam ito sa kanyang ate Diosa. Yumakap ito at nagsabing siya na ang bahala kay Sophia. Nilapitan niya ang kanyang ate, mangiyak ngiyak siyang nagpaalam, ito yata ang unang pagkakataon na magkakalayo silang dalawa.

"Ate! Salamat sa lahat. Wala ka nang aalagaang bata, alagaan mo naman ang sarili mo," sabay yakap nito sa mahal na kapatid.

"Oo naman, kaya kong alagaan ang sarili ko. Ikaw ang mag-ingat at wala kang kasama doon. Kami dito madami kami, isang tawag ko lang kay Diosa tatakbo yan papunta sa akin. Turuan yan eh," biro niya kay Diosa.

Bumaling naman ito kay Joseph matapos magpa-alam kay Sophia.

"Dude usap muna tayo doon," yaya nito sa kaibigan.

Lumayo silang dalawa sa kanilang mga kasama para magkaroon ng pribadong pag-uusap.

"Dude, bahala ka na kay ate. Pasensya ka na, kasi medyo inexperienced yan pagdating sa love." Sabay tapik nito sa balikat ng kaibigan.

"Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang ate mo. Siya lang naman ang nagtataboy sa akin. Isang salita lang naman niya at babalik ako sa kanya," pag-amin nito.

"Dude, h'wag ganyan, masasaktan si Adrienne. Ayusin mo muna ang lahat. Bakit naman kasi nagawa mong makipagrelasyon sa iba para lang makalimutan si Ate. Una pa lang naman tutol na ako sa relasyon niyo ni Adrienne dahil alam ko naman ang dahilan mo," wika nito kay Joseph.

"Wala na akong mapagpilian. Nahihirapan akong kalimutan ang ate mo."

"So? H'wag mo siyang kalimutan. Kung hindi kayang ipaglaban ni ate ang pagmamahal niya sa iyo, ipaglaban mo hanggang makakuha na siya ng lakas sa iyo para ipaglaban ka." Inakbayan nito ang kaibigan.

"Masakit mahalin ang ate mo," wika niya sa kanyang kaibigan.

"Pagod ka na?" tanong ng kaibigan.

"Ikaw na lang ang nag-iisang connection namin, aalis ka pa. Sa tingin mo may pag-asa pa kami?" unti unti na yatang lumalabo ang pag-asa niya na magiging sila ni Sophia.

"Kapit lang pare." Sabay niyakap niya ang kaibigan at nagpa-alam na.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 187 31
Ang kwentong nagsimula sa messenger. Reto kung tawagin. pagmamahalang walang label. Characters: Sheena Lance Charisse Oliver Charmaine Leoken All R...
1M 41.6K 48
Allyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong umi...
6.2K 254 60
This is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love w...