Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER

102K 3K 812
By altheadelarama

Chapter Sixty Four: KING VS THE SERPENT HOLDER

THIRD PERSON POV

Nakatayo si Kneel sa ibabaw ng entablado, sa likod nya naandoon ang isang orchestra na walang humpay sa pagtugtog sa bawat kumpas ng kamay nito. Sa ibaba naman ay ang mga underlings ni Ophiuchus na masayang nagsisigawan na para bang nanalo sa isang laban at mas lalo pang lumakas ang sigawan ng lahat nang mula sa may pintuan, ipinasok ang labing dalawang kabaong na kulay itim.

Ipinagawa ni Ophiuchus ang labing dalawang kabaong na yun para paglibingan sa labing dalawang Apostles. Buhat buhat ang mga ito ng mga taong nakahood na pula at naglalakad papunta sa unahan.

Dahan-dahan nilang ibinaba ang labing dalawang kabaong at nakahilera ito according sa pagkakasunod-sunod nila sa zodiac. Sa ibabaw ng bawat isang kabaong, naka-engrave ang kulay gold na crest na simbolo ng isang Apostle.

Napapikit si Ophiuchus habang patuloy lang sa pagtugtog ang Orchestra. Navi-visualize na nya sa kanyang isip ang mga pangyayari sa bahay ni Lyra. Ang pagsabog nito, ang mga katawan nilang nagkalasog lasog o hiwalay, ang duguan nilang katawan na naipit sa mga nadurog na semento.

Humarap si Kneel sa mga tauhan nito na mga nakasuot din ng hood at tumigil sa pagkumpas. Pinagmasdan nya ang mga kabaong na lalagyan ng katawan ng labing dalawang Apostles. Pinapahukay na nya ang katawan ni Quince at Ryo sa sementeryo at pinapahanap na din nito ang katawan ni Isly. Hindi magtatagal at makokompleto na sila bilang malalamig na bangkay.

"Shiii..."

Pinatahimik ni Kneel ang mga underlings nito at agad naman silang sumunod sa kanila. Mas lalong nagbibigay ng tension sa paligid ang dalawang bon fire na nasa gilid lang ng mga ito na once na matumba, siguradong susunugin ang buong lugar.

Kinuha ni Kneel ang cellphone nito at tinawagan ang isang tauhan na nasa lugar ng pagsabog para kumpirmahin ang pagkamatay ng mga ito. Ilang sandali pa ay may sumagot na dito.

"Boss, confirm. Walang naiwang buhay sa kanila..."

Napangiti si Ophiuchus at iwinawagayway pa nito ang cellphone nya saka ulit bumaling sa kausap.

"Good, dalhin nyo na ang bangkay nila dito..."

Nag-inat si Kneel at saka itinabi ang cellphone nito. Sobrang dali, sobrang dali ng lahat ng ito na sana noon pa lang pala ay ginawa na nya. Hindi nya mapigilan ang sarili na hindi mapangiti sa mga pangyayari.

"Should I call for a celebration?"

"YEAH!!!"

Isang lalaki ang lumapit kay Kneel at inabutan ito ng glass na may wine. Kinuha nya ito at itinaas sa mga underlings saka tinangkang inumin.

Malapit ng lumapat sa labi nito ang baso ng bigla itong mabasag sa kamay nya. Isang malakas na putok ang narinig sa lugar na nakaagaw ng atensyon ng lahat.

Humarap si Kneel sa mga tauhan nito at hinanap ang pinanggalingan ng putok. Mula sa kinatatayuan nito, nakita nya ang isang lalaki na natatakpan ng hood ang nakatayo sa gitna at nakatutok ang baril nito sa kanya.

Inangat nito ang hood na suot suot at mula dito, nakita ng lahat ang itsura nya, si Jireh.

"What a surprise? The king of Helena Gang..." biglang napangiti si Kneel.

Pinagmasdan ni Kneel ang kamay nya na dumudugo dahil sa balang tumama mula sa baril ni Jireh sa baso nya.

Kumuha ng panyo si Kneel at pinunasan nito ang kamay saka naglakad pababa sa stage.

"Hindi ko ine-expect na ganito na pala kalakas ang loob mo para pumunta dito mag-isa..."

"The truth is, hindi ako nagiisa..."

At mula pa sa ilang tao sa baba, pinagtatanggal nila ang hood na suot at inireveal nito ang mga tauhan ni Libra. Agad na itinaas nila ang mga baril at deadly weapons na hawak at itinutok ito sa mga tauhan ni Ophiuchus saka sila kinorner.

"Wow, I didn't expect that..." nakangiting saad parin ni Kneel habang pinagmamasdan ang paligid nya.

"It's over, Kneel..."

Tinitigan ni Kneel si Jireh at saka sumimangot ito sa sinabi nito. Para syang nagmamakaawa sa harap ni Jireh o pinaglalaruan ito.

"Coming here is like asking for your death, Montenegro!" saka tumawa si Kneel.

Nag-snap ito sa harap ng lahat at mula sa taas naglabasan ang mga tauhan ni Taurus at Sagittarius na may hawak na mga baril at nakatutok sa kanila.

Nagulat si Jireh sa nakita nya. The reason why Ophiuchus is stealing the mask of the Apostles ay para magamit ang mga underlings ng mga ito sa mga plano nya.

Sinubukang lumaban at magpaputok ng isa sa mga underlings nya, pero kasabay din nito ang pagpapaputok ng isa sa mga nasa taas. Tinamaan nito ang underlings ni Libra at isa sa mga tauhan ni Ophiuchus.

Napataas ang sulok ng labi ni Ophiuchus.

Wala syang pakeelam kung paulanan man nila ng bala ngayon ang lahat ng tao na nasa baba nya. Kahit sabihin pa na tauhan nya din ang mga naandoon, wala syang pakeelam, parte lang sila ng mga plano nya at hanggang dito na lang ang silbe nila.

"Kneel!"

Itinaas ni Kneel ang kamay nito at ipinababa ang mga armas ng tauhan nya at lumapit kay Jireh. Pinatabi nya din sa isang sulok ang lahat ng mga underlings na naandoon.

"Dahil mabait ako, I'll give you a chance... let's do it man to man..."

Saka ito nag-inat ng katawan at itinaas ang kamao na parang hinahamon si Jireh sa isang mano manong labanan. Walang underlings, walang armas o kahit na ano.

Hindi ibinaba ni Jireh ang baril nito, sigurado sya na sa oras na gawin nya yon, Kneel will take the chance na patayin sya.

Nagulat na lang si Jireh ng biglang mawala sa harapan nya si Kneel at ng lumingon sya sa kaliwa nya ay naandoon na ito at pasipa sa mukha nya. Agad na itinaas ni Jireh ang dalawang kamay para iharang dito.

Bahagyang napalayo si Jireh sa lakas ng sipa ni Ophiuchus, kung hindi nya naiharang agad ang kamay nya, sigurado sya na kaya sya nitong patumbahin sa sipang iyon.

Nakalaban na nila noon si Ophiuchus sa birthday party nito at aminado sya na mabilis talaga ang kalaban sa harapan nya ngayon. Sa lahat ng mga Apostles, si Bloody Maria na ang pinakamabilis at hindi nya mapigilan ang sarili na hindi ito ikumpara dito.

Ophiuchus have the speed of Virgo, the power of Leo the strength of Aries at hindi alam ni Jireh kung papaano nya lalabanan ito. He came here to give him a shock at umatake ng mabilisan pero biglang nabago ang sitwasyon.

Napaatras si Jireh at tumama ang paa nya sa isa sa mga kabaong na nakahilera sa unahan. Humarap ulit sya sa unahan at para bang naghihintay lang si Kneel sa kanya na umatake.

Sinenyasan ni Jireh ang mga tauhan ni Libra at sa isang iglap, biglang kumilos ang mga ito at sinugod ang mga tauhan ni Ophiuchus. Sunod-sunod din ang mga balang kumawala mula sa mga tao na nasa itaas.

"HAAAAA!!!!"

Sumugod ang mga ito na tanging ang kalaban sa unahan lang ang nakikita. Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa lugar. May mga ilan din na nahulog mula sa itaas pababa matapos tamaan ng bala o di kaya ay batuhin.

Itinutok ulit ni Jireh ang baril nya kay Kneel habang iniiwasan ang iba pang gangster na lumalaban din sa tabi nya. Bukod pa doon, nadaplisan sya ng isang bala sa may balikat at nagsisimula na itong kumirot ngayon.

Ipinutok ni Jireh ang baril nito pero nakalapit sa kanya agad si Kneel at itinaas ang baril nya kaya sa itaas ito tumama. Isa sa mga tao ni Sagittarius ang tinamaan at nahulog pababa.

Umikot si Jireh at sinipa si Kneel sa tagiliran na nasangga din nito. Binitawan ni Jireh ang baril saka sinuntok si Kneel bago ulit nito sinalo ang armas saka sunod-sunod na nagpaputok sa kalaban.

Tumakbo si Kneel para iwasan ang mga ito, iniharang nya ang mga tauhan para sila ang tamaan ng bala. Nagkalat sa paligid at sahig ang mga dugo ng mga ito isama pa ang katawan ng mga nasugatan at namatay na.

Napatigil at napayuko si Jireh ng may biglang sumabog mula sa likod nya. Kinuha itong pagkakataon ni Kneel para suntukin at sipain si Jireh ng sabay. Napatumba ito at gumulong palayo, tumama pa si Jireh sa isa sa mga tauhan ni Ophiuchus.

Agad na hinugot naman nya ang isang maliit na knife na nakatago sa may paa nya at isinaksak ito sa tauhan ng isa.

Saglit na tumigil si Jireh at huminga ng malalim, mas nakakadagdag pa sa pagod nya ang init na nagmumula sa bon fire. Napapikit sya ng may dumaloy na dugo sa mata nya, ni hindi na nya maalala kung saan o sino ang nakatama sa kanya.

Saglit pa lang silang kumikilos at naglalaban pero pakiramdam nya ay sobrang pagod na ang katawan nya.

Napatingin ulit sya sa unahan kung saan naandoon ang mga kabaong ng Apostles. He heard what Kneel did to them at hindi nya maiwasang hindi mag-alala.

"Lyra"

Ikinuyom ni Jireh ang kamao nito, hinila nya ang isa sa mga tauhan ni Ophiuchus at inagaw ang baril nito. Lumalabo ang mata nya dahil sa init sa lugar at sa dugo na dumadaloy sa may mata nya. Nabibingi na sya sa walang tigil na hiyawan ng mga tao sa paligid nya at ang sunod sunod na putok ng baril.

Pinaputukan ni Jireh ang mga tauhan ni Taurus at Sagittarius na makita nya sunod ay bumaling sya kay Ophiuchus na abala din na patayin ang mga kasama nya.

Mabagal itong naglalakad sa gitna ng lahat habang sa likuran naman nito ay naandoon ang isang bon fire na mas lalo pa yatang lumakas ang apoy dahil sa mga kaganapan.

Napatigil ulit sila sa tapat ng isat-isa, sinipa pa ni Kneel palayo ang katawan ng isa sa mga gangsters na bumagsak sa harapan nya.

"Ginawa ko lang ang isang bagay na hindi mo nagawa Jireh. You want them dead for killing your brother and now they are dead. DEAD!"

Isinigaw ni Kneel ang huling salita nito sa harap mismo ng mukha ni Jireh. He's not weak para kalimutan na lang ang lahat, na hahayaan na lang nya na matapos ng ganito dahil lang sa napalapit na sya sa kanila.

It's part of his plan and now, sya naman ang babawi sa kanilang lahat.

"Kung meron mang pumatay sa kapatid ko, hindi si Lyra yun kung hindi ikaw..."

Kung hindi iniwan ni Ophiuchus ang maskara nito at hindi napunta sa kanila, hindi ito kukunin ni Liam at magpapanggap na isang Apostle. Alam ni Jireh na planado lahat ito ni Kneel pero hindi nya maintindihan kung bakit kailangang idamay nito ang kapatid nya.

Napatawa si Kneel saka sinuklay ang buhok sa mga daliri nito sa kamay.

"Yeah, I killed your brother, OUR dearest brother Jireh..."

Nagulat si Jireh sa sinabi ni Kneel, hindi nito maintindihan ang bagay na yon pero sigurado sya na sa kabila ng malalakas na sigawan at putok ng baril, narinig nya ng tama ang sinabi nito.

Our dearest brother...

"He is an illegitimate son of your father, the youngest son of my mother and I know na hindi mo alam ang bagay na iyon..."

All this time, ang buong alam ni Jireh ay buo nyang kapatid si Liam at kahit minsan hindi nya pinagdudahan ang bagay na yon. At ang isang bagay na halos hindi nya maisip, ay ang lokohin ng ama nya ang mama nya.

"I don't believe you..."

Posible na sinasabi lang ito lahat ni Kneel para lituhin sya at guluhin ang isipan nya. Kung kapatid man nya si Liam o hindi, wala na syang pakeelam doon at isa pa, bakit nya papatayin si Liam kung kapatid nya nga ito?

"Trust me Jireh, madami pa akong alam na baho ng pamilya mo na hindi mo alam and being the heir of Montenegro, mamanahin mo din ang lahat ng iyon..."

Isang malakas na sipa ang ibinigay ni Kneel kay Jireh na hindi na nya naiwasan. Napabagsak si Jireh saka humawak sa labi nito na pumutok.

"After using my mother, iniwan na lang sya basta ng ama mo na parang isang basura. You don't know how it feels na makita ang mama mo na lumuluhod at nagmamakaawa sa iba. You don't know the feelings na araw-araw kang pumupunta sa hospital para lang makita ang kamatayan nya... Someone like you who grew up in luxury wouldn't understand that at ganun din si Liam. He is a sin na ginawa ng ama mo at patuloy na nagpapaalala ng mga kasalanan nya sa akin at kung kaano kasakit mabuhay sa mundong ito that's why, I eliminated him..." saglit na napatigil si Kneel at inalala ang mga pangyayari saka ulit bumaling kay Jireh.

"I thought that hatred and all were gone pero naandito parin sila, nagtatago lang..." itinuro nito ang tapat ng puso. "Bakit? Dahil ganun ang tao Jireh..."

"We tend to say na okay na ang lahat, na tapos na, na mali ito at iyun ang tama pero iba ang nararamdaman natin. Ikinukulong lang natin yung galit at sakit sa loob natin at kapag napuno na at hindi mo na kaya, lumalabas na lang sila bigla at kapag nangyari na yun, doon tayo nakakagawa ng masasamang bagay..."

Saglit na tumigil si Kneel at niluwagan ang polo nito, para syang nasasakal sa t'wing naaalala nya ang lahat ng mga nangyari sa kanya and how he ended up in this situation.

"So don't blame me Jireh, kayo ang dahilan kaya ako naging ganito at kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito... I'm just returning the lesson na kung gusto mong patuloy na mabuhay sa mundong ito, kailangan mong matutong lumaban..."

Isa pang malakas na sipa ang ginawa ni Kneel na nagpatalsik kay Jireh papalayo. Nasa bulsa pa pareho ang kamay nito ng ginawa iyon.

Lumapit si Kneel kay Jireh at tinapakan ito sa mukha. Pinagmasdan nito ang itsura ng huli at para kay Kneel, kulang pa ang lahat ng sakit na nararamdaman nito.

Paulit-ulit nyang tinapakan ang mukha ni Jireh hanggang sa magsimula itong dumugo. Inililibot nya din ang paningin sa paligid kung saan hindi padin tapos ang iba sa laban nila.

Now that he finished everything, he felt bored. Kailangan na lang nyang hintayin sa lugar na ito mismo ang katawan ng mga Apostles at tapos na ang lahat.

Biglang napangiti si Kneel at tumingin ulit sa may paanan nya.

"You know, I really... really like tragic stories... Shakespeare, Thomas Hardy" mas diniinan pa nito ang pagtapak sa mukha ni Jireh.

"Othello, Macbeth, Lovely Bones, Romeo and Juliet..." Paalon alon ang ulo ni Kneel na para bang iniisip nito at inaalala lahat ng alam nya na novel sa utak.

"and my most favorite one" saglit syang tumigil at saka sinipa ng malakas sa sikmura si Jireh na nagpatiklop dito.

"Jireh and Lyra by Ophiuchus"

Halos mapasuka si Jireh sa lakas ng pagkakasipa sa kanya ni Kneel. Napayakap sya sa sarili sa sobrang sakit ng nararamdaman, mula sa kinatatayuan nya ay pilit nyang tinatanaw ang kabaong sa unahan kung saan nakasulat ang pangalan na Virgo.

The tragic story of Romeo and Juliet, hindi nya hahayaan na mangyari yun sa kanila ni Lyra. Both of them will live at sisiguraduhin nya ang bagay na ito.

Lumakad si Kneel papalapit kay Jireh at bahagyang umupo. Tinanaw nito ang lugar kung saan nakatingin si Jireh at hindi maiwasang hindi mapangiti. Hinawakan ni Kneel ang buhok ni Jireh at mula dito ay binuhat nya si Jireh at kinaladkad papalapit sa kabaong ni Virgo ng nakangiti.

"Fuck!"

Pilit na tinatanggal ni Jireh ang pagkakahawak ni Kneel sa buhok nya habang kinakaladkad sya nito. Parang mabubunot ito kasama ng ulo nya sa sobrang sakit. Namumula na din ang mukha nya at mababakas mo ang mga ugat na naglalabasan sa gilid nito.

Umikot si Jireh at sinubukang sumuntok pero nakailag si Kneel. Nagawa nyang makawala sa pagkakahawak nito magkaganun man, may ilang hibla ng buhok na natanggal sa ulo nya.

Hinipan ni Kneel ang kamay nito at nagpagpag saka ulit bumaling kay Jireh. Hindi parin sumusuko si Jireh kay Ophiuchus at hinding hindi mangyayari yun hanggat nasa kanya ang maskara ni Libra.

"I told you a nice story at hindi mo man lang na appreciate?"

Huminga ng malalim si Kneel at saka ulit bumaling kay Jireh. Napatap din ito sa semento at bahagyang nag-isip.

"Let's stop this, I won't kill you Jireh but it doesn't mean that you won't die. Hindi lang ako ang papatay sayo..."

Mula sa likuran ni Jireh ay lumabas si Enzo na may hawak na baril at nakatutok ito sa kanya. Matagal ng gustong makuha ni Enzo ang maskara ni Libra at since Jireh defeated him, nakuha na nito ang title na yon. Kung matatalo sya ni Enzo, makukuha na nito ang maskara ni Libra.

Muling humarap si Jireh kay Kneel na nakangiti sa kanya habang sya ay bakas parin ng pagkagulat.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam na sayo napunta ang maskara ni Libra? Maybe Isly planned it all like this, hindi nila maiisip na ikaw ang papatay sa kanya since you hate the Apostles so much at dahil doon, mawawala ang atesnyon ko kay Libra..."

Naikuyom ni Jireh ang kamay nito saka tumayo. Isang ngiti pa ang pinakawalan ni Kneel sa kanya bago ito tumalikod sa kanya.

"Bumalik ka dito!"

Hahabulin pa sana ni Jireh ang papalayong si Ophiuchus pero pinaputukan na sya sa paa ni Enzo na nasa likod nya lang.

"Ako ang kalaban mo..." saad ni Enzo sa kanya.

Patuloy lang sa paglalakad papalao si Kneel habang nakangiti, hindi na nito pinapansin ang iba pang gangsters na naglalaban sa paligid nya. Isang bagay na lang ang dapat nyang gawin, iyun ay ang hintayin ang mga bangkay ng iba pang Apostles at sabay sabay silang ilibing sa lupa.

Ngayon palang, hindi nya mapaigilan ang sarili na magsaya. Hindi ito ang pagtatapos na inaasahan nya pero mas higit pa ito sa kung anoman ang naiisip nya.

Malapit na sa may pintuan si Kneel ng bigla itong mapatigil ng makarinig ng kakaibang tunog mula sa unahan. Agad syang lumingon at humarap sa labing dalawang kabaong na nasa unahan.

Sigurado sya sa narinig nya at pinapatunayan ito ng kaba na nararamdaman nya ngayon.

Kasabay ng malalakas na putok at sigawan ng mga gangsters sa paligid, biglang nagliparan ang mga takip ng kabaong pataas na nagpatigil sa lahat at nagpagulat. Mula sa mga kabaong na yun ay nagsibangunan ang mga Apostles na kanila lang ay inaakala nilang patay at sa gitna nila, doon nakatayo ang nagiisang Bloody Maria na nakangiti kay Kneel.

"How come...?"

Sigurado si Kneel na patay na sila, iyun ang inireport sa kanya ng tauhan nya. Naandoon sila mismo sa sumabog na bahay ni Lyra...

Paanong...?

Mas lalo namang lumawak ang ngiti ni Lyra ng makita ang expression sa mukha ni Kneel. Umayon lahat sa plano nya at ngayon, it's time to counter attack.

Nagsmirk si Lyra at direktang tumitig sa mga mata ni Ophiuchus at saka ipinatong ang katana sa balikat nito.

"Welcome Ad Infernum, Ophiuchus"

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 45.6K 27
She needs money. So Cassandra had no choice but to register on an app to find a suitable 'sugar daddy' for her needs. Little did she know, she will...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
6.1M 321K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
14.2M 432K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...