Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Chapter 40: Islewing
Epilogue

Chapter 16: Love Triangle

358 23 2
By AyhenPey

Chapter 16

Nagising ako na masakit ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung anong oras dumating si Krissy dito sa kwarto. Tulog pa din siya. Ang sakit talaga kapag lumulunok ako. Magkahiwalay kami ng kama ni Krissy. Pero maliit lang yung kama namin compare sa kama nila Isaiah sa kabilang kwarto.

Nagmumog ako at napagpasyahan kong maligo na din. Pagkatapos kong maligo naisip kong mag long sleeve at mag pants. Baka may magtaka na naman kung bakit di kami nilalamig. Eh mukhang malamig nga talaga dito kaya katakataka kung normal lang ang damit namin.

Pagkalabas ko sa C.R nag-iinat na si Krissy. Himala maaga siyang gumising.

"Good Morning..." bati ko.

"Sis ito food stub kuha ka na ng breakfast sa baba. Pwede bang pagdala mo na lang ako dito? Ang sakit ng katawan ko eh."

"Okay..."

Mabuti na lang nakaligo na ako. Bumaba na ako at nagtungo ako sa Cafe nitong Hotel na ito. Mabuti at may mga gulay sila dito. Kumuha ako noon tapos dalawang kape. Nang may nakita akong cake! Kaya kumuha din ako ng dalawa noon. Inabot ko lang yung food stub sa counter para makuha yung order ko.

Pagkatalikod ko. Sila na naman. Ngayong kompleto na sila.

"Hi Fyglia!" -Isaiah

"Good Morning Fyg!" -Miguel

Tapos nakangiti lang sa akin si Patrick at Louie tapos si Caloy sa harap nakatingin. Hindi ko na lang pinansin. Parang di naman ako kilala niyan.

"Good Morning" bati ko. Napalingon sa akin si Caloy. Sabi ko nga di ko papansinin. Tapos lumakad na ako nung humarang sa akin si Miguel.

"San ka pupunta? Sabay sabay na tayong kumain dito.."

"Oo nga naman" singit ni Louie.

"Kasi si Krissy..." pero di ko na natapos ang sasabihin ko nang magprisinta si Isaiah.

"Give me her food, dalhin ko na lang sa room niyo. Tapos yung iyo iwan mo dito. Para sabay ka sa amin..." bago pa ako sumagot kinuha na ni Isaiah yung tray ko tapos sineparate niya yung food ko at nilagay sa lamesa na kasya ang anim na tao. Narinig kong sumipol si Louie bago umalis si Isaiah at bago sila umorder.

Napaupo na lang ako dito habang hinihintay ang barkada niya.

Si Miguel ang unang nakabalik na may dalang kape at tinapay na iba't-ibang klase. Ang dami nga eh. Umupo siya sa harapan ko.

"Fyglia nagseselos na ako"

"Ha?"

"Kayo na ba ni Isaiah?"

"Hindi ha..."

"So may pag-asa ako?" tapos may humampas ng dyaryo sa ulo niya.

"Puro ka ligaw! Pakainin mo muna yung tao." umupo sa tabi niya si Caloy na hindi man lang tumingin sa aming dalawa tapos nagbasa na ng dyaryo. Hindi ako tao Caloy, diwata.

Bumalik na din si Louie at Patrick. Pansin ko sa kanila napakadami nilang pagkain pero si isaiah hindi nila inorder. Gusto ko sanang sabihin iyon pero nakabalik na siya. At umupo siya sa kanan ko. Sa kaliwa ko kasi si Louie tapos nasa gitna si Patrick.

Nag simula ng kumain yung apat habang si Isaiah nakatingin lang sa amin. Inusod ko yung tray ko sa harap niya. Iniwan niya kasi yung dalawang cake. Akala niya ata di ko bibigyan si Krissy..

"No, I'll buy my food."

"Kunin mo na yung dalawang cake. Masakit lalamunan ko." narinig ko syang natawa ng mahina.

"Hindi ka ata uminom ng tubig kagabi. Wait bibili ako kape."

Pagkaalis niya bigla akong tinapik ni Louie kaya yung salad na kakainin ko palang di ko nasubo.

"Kayo ha..."

"Anong kami?" sagot ko

"Nothing.. Akala ko talaga si Caloy at ikaw." tapos bigla syang nasamid. Kaya naman tinapik tapik siya ni Miguel.

"Wag kang feeling dyan. Nasama lang ang pangalan mo. Love triangle kami. Makiki love square ka pa!"

Natawa na lang ako. Di ko kasi sila maintindihan. Pansin ko sa mga taong dumadaan sa gilid namin napapatingin lalo na sa mga kasama ko. Si Miguel ang napaka giliw at nakikita kong ngumingiti sa mga iyon.

"May shoot ka pa ba Caloy?" tanong ni Patrick

"Gabi pa."

"Adventure time tayo!!"

"WHAT?! Di ba cartoons iyon?" tanong ni Miguel.

Bumalik na si Isaiah at kinain niya yung cake ko. Tahimik lang silang kumain ngayon kaya mabilis kong natapos ang pagkain ko dahil wala namang kumakausap sa akin.

Nung matapos na kaming lahat. May biglang nag salita.

"Hi guys!"

"Morning Kaylee"

"Morning..." bati nila sa kanya.

"Can I sit here?" wala pang sumasagot umupo na siya sa gitna sa pagitan ni Caloy at Isaiah. Gusto ko ng bumalik sa kwarto ko para asikasuhin si Krissy. Pero bago pa ako makaalis may nakapansin na sa akin.

"Oh you're here! Yikes, di ka pala nakakaintindi ng English. Bakit mo sila kasama? One of the boys? Barkada ka na din nila? "

Sa totoo lang kahapon pa ako naiinis kay Kaylee di ko na lang pinansin kahapon pero ngayon inuulit na naman niya yung ginawa niya sa akin. Dahil naiinis na talaga ako sa kanya at gusto ko ng umalis.

"No, It happened na niyaya nila ako and do not worry to speak in English to me. Maiintindihan ko iyon. Sige alis na ako."

Napatingin si Caloy sa akin tapos nangiti si Miguel nung masulyapan ko siya bago ako umalis. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto para ikwento kay Krissy ito. Gusto ko lang ng may pagsasabihan. Kahit one of the girlfriends niya si Kaylee. I cannot stand her!

Bago ako makarating sa kwarto namin may nadaanan akong fresh flower na nakalagay sa malaking vase. Kumuha ako ng tatlo nito at nagtungo sa kwarto namin.

Pagkapasok ko sa kwarto sinipsip ko agad ito. Hindi ko namalayan na nagbibihis pala si Krissy. Nagulat lang siya pero di naman na bother at pinagpatuloy ang pagbibihis.

"Fyglia, kayo ni Isaiah ha... May something.."

"Krissy, may ikwekwento ako."

"Ano yun?"

"Tungkol dyan kay Kaylee..." at kinuwento ko yung nangyari kahapon at ngayon. Medyo shock siya sa mga sinabi ko. Kaibigan nga niya ata iyon.

"Alam kong maldita at spoiled brat yan pero grabe siya! Di mo pa ba napapakalat sa lahat na magkapatid tayo?" umiling ako. "-you should be sis.." tapos kumindat siya sa akin.

"May shoot ka ba?"

"Na-uh mamayang gabi pa. May nakilala ako kagabi na hot guy ang he's asking me to go on a date with him today. If ever ok lang ba nasumama ako sa kanya?"

"Oo naman! Enjoy ka!" bigla kong sinabi.

"Paano ka? Ay, nandyan nga pala si Isaiah..."

"Wala ngang something at walang kami ni Isaiah..."

"Dadating ka din dyan. Paano ba yan. Alis na ako... Bye!" kinuha lang niya yung bag sa kama at umalis.

Ngayon, I'm alone again. Ang ganda ng lugar na ito. Gusto kong maglakad lakad.

Nakarinig akong ng murahan at sigawan sa labas. Naiwan pala ni Krissy na half open itong pintuan. Kaya nung sinilip ko iyon sila Caloy lang pala. Panay ang mura ni Patrick at di ko alam kung bakit. Akala ko naman may nag-aaway.

"Fyglia!" bati sa akin ni Miguel. "-gusto mo sumama?"

"Saan?"

"Gala tayo!"

"Tayo?"

"Kasama sila! Pero kung gusto mong tayong dalawa lang. Ayos na ayos sa akin. Tara.." at hinila niya ako palabas sa kwarto namin.

"Teka--" sinarado ko yung pintuan bago sumama sa kanila. May kinuha lang yung dalawa sa kwarto nila at iyon lumabas na kami sa hotel. Habang naglalakad kami,

"Astig yung kanina. Napahiya mo ang one and only Kaylee ni Caloy. Nice!" sabi ni Isaiah. Ngumiti na lang ako tapos sumakay kami sa van. Doon ako umupo sa dulo at mabuti na lang walang nagtangkang tumabi sa akin.

Dahil nakasipsip ako ng nectar kanina. Hinagod ko yung lalamunan ko at pinagaling ito. Nagulat na lang ako nung sumigaw si Patrick.

"Nag-iba ang kulay ng mata mo!" tapos tumalikod siya para humarap sa akin at tinuro ako. Nakita niya iyon? Hala! Tumingin ako sa salamin at green ang mata ko ngayon. Paano ko ba ito ipapaliwanag?

"Hindi.." pero may nagsalita na sa harapan ko..

"Namamalikmata ka lang. Nakacontact lense siya."

"Ah siguro nga. Imposible naman iyon." tapos ginulo na ni Miguel ang buhok niya dahilan kaya nagharutan na naman sila.

Nag-iiba kasi ang kulay ng mata ko kapag gumagamit ako ng kapangyarihan. Minsan green, brown at black lang naman ang mata ko.

Phew! Kinabahan talaga ako doon. Mabuti na lang niligtas ako ni Caloy. Akala ko pa naman di na niya ako kilala. Pagkatapos kong umalis sa kanila at gambalain ng punong mangga.

Nagpunta kami sa Sky Ranch gusto daw nila mag horseback riding. Nasapak na naman si Patrick dahil ang bading daw ng mga kaibigan niya at wala daw ganoon dito. At napagtanto ko din na kaya pala siya kanina pa pinupuntirya ni Miguel kasi iiwan niya kami at sasama sa girlfriend na nandito na.

"Alis na ako." pagkalapit nung girl na hinalikan niya sa pisngi. Minura na naman siya ni Miguel. Kaya pala. Hahaha.

"Zipline na lang!" sabi ni Caloy. Kaya napasama ako sa kanila kung ano ba yung zipline. Pumunta kami doon at si Louie ang busy sa bayaran. Umakyat kami sa napakataas na tore ba ito? Ewan ko basta ang taas. Tapos pinanuod ko na pinaupo yung babae sa ewan ko ang tawag at pinahawak sa bakal na nasa ulunan niya. Bago ito itulak.

Maggaganoon kami? Nakakahiya. Wala man lang akong pera pambayad.

"Louie, kayo na lang..."

"Ha? Napagbayad na kita eh. No turning back miss" tapos kumindat siya bago ako talikuran.

"I-enjoy mo na lang ang panglilibre niya..." sabi sa akin ni Isaiah nang... Biglang nawala si Miguel sa likuran namin. Kasi kami na pala ang susunod. Konti lang ang kasi ang tao ngayon dito.

Tinalian na ng kung ano ano si Isaiah at Louie bago itulak. Gusto daw nila sabay sila.. Kaya nauna silang mag zipline. Ewan ko kung namamali ba ako pero naririnig ko silang tumili nung pinaandar kung ano ba ang tawag doon. Natawa naman ako doon.

"Miss kayo na pong dalawa." dalawa? Napalingon ako sa katabi ko. Naiwan pala kami. Hindi na lang ako umimik at hinayaan si manong na talian ako ng kung ano ano. Hindi ako tumitingin sa kanya.

Naghintay kami ng ilang minuto.

"Ready na po ba?" tanong ni manong. Di ako sumagot. Siya na bahala dyan.

"Ma'am, Sir ready na po ba??" wala pa rin umimik sa amin.

"Itutulak ko na po kayo. Hawak po." ginawa ko naman ang sinabi niya tapos iyon tinulak na niya kami.

Para lang akong lumilipad yun nga lang may nakatali sa akin at hindi ako malaya. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung taal volcano. Habang nadadaanan naman namin sa baba ay puro puno. Hindi ko naman sila makausap.

"Humawak ka nga!" hindi ko namalayan di na pala ako nakahawak.

"No need. Lumilipad di ba ako?" sabi ko.

Hanggang sa nakarating na kami. Pinababa kami at umakyat daw kami sa kabilang hagdan. Ginawa naman namin iyon pero hindi kami nag-iimikan. Inayos uli kami. Tinanong uli kami kung ready na ba. Sumagot na ako, nakakahiya naman kanina pa kami ganito. Tapos iyon tinulak na kami at naramdaman ko na naman ang masarap na hangin. Binaba ko ang kamay ko. Nakakangawit kasi.

Nang magtatalon talon yung kable na nakakabit sa amin ni Caloy.

"Fyglia..." nakarinig din kami ng kumakaluskos na bakal. "-di ba tayo mahuhulog?"

"Ewan ko" tapos tumunog na naman ito ng malakas.

"AHHHHHHHHH!!" sigaw niya tumingin ako sa kanya kasi nakapikit siya habang sumisigaw. Nakalimutan ata ni Caloy na may kapangyarihan ako kung sakali naman na mahulog kami eh gagawa ako ng paraan.

Natawa na lang ako kasi nakarating na kami at sumisigaw pa din siya habang nakapikit. Ang nakakatawa sa sigaw niya buong buo ang boses. Hahaha

Dahil may pagkapilyo si Louie hinatak niya yung kable ni Caloy. Hindi naman niya alam kaya napahigpit ang hawak nito sa bakal na nasa ulunan niya.

"HAHAHAHAHA" hindi ko mapigilan.

"HAHHAHAHA" tawa din nung mga tao doon. Minulat niya ang kanyang mata. Narealize na niya kung ano ang nangyayari. Kaya mabilis niyang pinatanggal yung tali at nagmadaling bumaba.

"Ahahah pikon talaga." sabi ni Louie

"Duwag talaga iyon Fyglia. Kunyari lang tapang tapangan." tawa kami ng tawa habang pababa. Di na namin siya natagpuan pagkababa namin kaya napag desisyunan na lang namin na mag Ferris Wheel na lang.

- - -

Mag aalas siyete na nung makabalik kami sa Hotel kumain kami sa di ko alam kung anong tawag sa kainan na iyon basta masarap ang pagkain. Malapit din sa Sky Ranch. Hayss nakakapagod. Nakakapagod pakingang ang sigaw nung dalawa. Sumakay kami sa Viking. Yung barkong nag swiswing kaliwa't kanan.

Kaya iyon pagod kaming nakarating sa hotel. Si Caloy nauna na pala. Nag uumpisa na yung shoot. At mukhang commercial itong ginagawa. Ganoon pa din ang tema, mga couples. Ibang model ito eh.

Si Miguel at Patrick? Ewan namin hindi na bumalik eh. Nag-enjoy naman kami. At lalo ko pang naging kaclose si Louie. Ang first impression ko kasi sa kanya matured at serious pero may pagkakwela pala talaga siya. Pagbigyan na lang namin daw siya dahil lagi siyang busy sa work. He wants some air naman daw.

Nabadingan naman si Isaiah sa kanya. Kung siya naman, ganoon pa din. Caring at sweet.

Nanunuod kami ng shoot. Mas nakakatuwa na ang tema ngayon, pinag-aagawan yung lalaki ng dalawang magandang modelo. Pansin ko lang nakaupo lang si Caloy sa gilid. Bakit di siya kumukuha ng litrato ngayon?

Ayun, nakita ko na si Krissy. May kausap na makisig na lalaki na nakahawak sa bewang niya at hinahaplos naman niya ang mukha nito. Loving loving ata sila kaya iniwas ko na lang ang tingin ko.

"Pagod na ako. Iwan ko na kayo" paalam ni Isaiah. "-di ko na kaya. Baka magkasakit pa ako eh."

"Ako din Fyglia. Teka, dito ka muna ba?"

"Oo" nagpaalam silang dalawa sa akin. Naglakad lakad ako at nagpunta ako sa may swimming pool. Walang tao dito eh. Nandoon lahat sa set. Gusto kong lumangoy kaso may rules na dapat naka swimwear daw.

Baka magtaka ang mga tao kung magsusuot ako ng ganoon tapos ang lamig lamig.

Wag na nga lang.

Pero dahil makulit ako umupo na lang ako sa gilid nung pool at dinawdaw ang paa ko. Gusto ko sanang subukan na pagalawin ang tubig pero wag na sayang lang ang kapangyarihan ko.

"I guess I'm stuck here..."

"Marunong ka pala ng English?" muntik na akong mapatalon sa pool mabuti na lang hinawakan niya ako sa balikat. Umupo siya sa tabi ko. Tinanggal niya yung sapatos niya at tinaas yung pantalon.

"Oo, bigla na lang din akong natuto nung sinubukan akong turuan ni Lyn habang pinapakita sa akin yung libro niya. Binasa ko tapos naintindihan ko, ganoon."

"Astig..."

"Bakit ka nandito? Di ba dapat nagpipicture ka?" tanong ko. Sa palagay ko ito na ang pinakamatino naming usapan simula nung magkakilala kami.

"Kinausap ako nung isa kong kasamahan na kung pwede siya muna daw. Gusto niya kasi na malagay sa portfolio iyon. Okay lang naman sa akin kasi meron na ako kaya binigay ko na sa kanya."

"Bakit bigla ka na lang umalis?" napalingon ako sa kanya at pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko nung magtama ang mata namin. Hindi ko pa ba nasasabi sa kanya? Ay di nga pala pwedeng sabihin.

"Wala na yung misyon ko. Kaya di na kita guguluhin."

"Hindi ko talaga gets yang mission mission na yan. Noon nag bar hopping tayo binibigay ko na sarili ko sayo para matapos na yang mission mo na yan. Tapos ngayon sasabihin mo wala na. Pero sana kung aalis ka sana sinabi mo. Hindi yung bigla ka na lang aalis basta-basta."

Hindi lang siya masungit. Madaldal pa.

Sinesermonan ata ako nito. Tumingin ako sa kanya pero malayo ang tingin niya. Tapos na ba sermon niya? Akala ko meron pa. Bigla nagsalita ulit siya.

"May nabasa nga ako sa internet: If you leave someone at least tell them why, because what's more painful than being abandoned is, knowing you're not worth an explanation."

Tumingin uli siya sa akin at di ko mawari kung nalulungkot ba siya. Napayuko ako. Hindi ko pwedeng sabihin ang lahat eh.

"Hindi naman ako nang-iwan nandito pa din ako. Bali binalik ko lang kung ano ang buhay niyo dati. Pero don't worry maghahanap ako ng sagot sa tanong mo kung bakit kayo ginugulo nung puno. And I decided na magtatrabaho na ako para sa ganoon mabayaran din kita sa pagpapatuloy mo sa akin sa inyo."

"Hindi mo kailangan gawin iyon."

"Kailangan, naging pabigat kaya ako sa inyo."

"Fyglia!" napalingon ako sa kanya.

"Nagsusungit ka na naman."

"Kaya ka rin ba umalis kasi masungit ako?" seryoso niyang tanong.

"Oo" sumagot agad ako ng oo kahit hindi ko naman pinapansin ang kasungitan niya. Wala lang gusto ko lang magjoke din.

Bigla ko na lang naramdaman na gusto ko ng tumalon sa pool kasi sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. At sinabing,

"Patawad, aking diwata."


Continue Reading

You'll Also Like

243K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
21.3M 788K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...