Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae

487 20 1
                                    

Author's NOTE: Striktong patnubay at gabay ng magulang sa mga batang nagbabasa.

Chapter 7

 

CL's Standpoint

 

RING! RING! RING!

Anak ng kabayo ang sarap sarap ng tulog ko. Kinuha ko yung unan sa tabi ko at tinago ko ang ulo ko doon. Titigil din yan. Badtrip!

RING! RING! RING!

"Kuya, may tumatawag" 

"Uhhh" 

RING! RING! RING!

Kainis! Bumangon ako at kinuha ang lintik na cellphone kong ring ng ring na nasa lamesa. Si Louie ang tumatawag. Anong problema nito?

"HELLO?!" iritable kong sagot. Madaling araw pa lang nang bubulabog na kaagad. For pete's sake 2am!

"Caloy pumunta ka dito sa hospital. Si Miguel mo naaksidente!"

"Ano?!" binato ko kaagad kung saan ang cellphone ko at nagpalit ng damit. Pagkabihis na pagkabihis ko kinuha ko ulit yung cellphone ko at mabuti na lang tinext ni Louie kung saang hospital at room si Miguel.

Takbo kaagad ako sa labas at mabuti na lang may taxi na dumaan. Panay ang sabi ko sa driver na bilisan niya. Anong nangyari kay Miguel? Kinakabahan ako. Pagkadating ko sa hospital tinakbo ko kaagad yung kwarto niya at nandoon sa labas ang tropa ko.

"Ano nangyari sa kanya? Ano na? Ayos na ba siya?" mga tanong ko

"Yung kotse niya nawalan ng preno mabuti sa may subdivision nila nangyari walang nadamay. Ayun binangga niya sa malaking puno ang kotse, tanga tanga hindi siya nakaseatblet." sabi ni Patrick. 

"Hindi pa rin siya nagigising" tinignan ko ang kaibigan ko sa salamin. Nasa loob siya ng ICU ang daming nakasaksak sa katawang niyang kung ano anung aparato. Napasandal na lang ako sa pader. 

"Papayag na akong tawagin niyang Caloy, gumising lang siya." sambit ko. Si Patrick at Isaiah naman na nasa harapan ko napangiti. Inirapan ko na lang. 

"Paano niyo nalaman na naaksidente siya?" tanong ko

"Kausap ko kasi siya kanina sa phone tinatanong niya kung anong gagawin kapag nawalan ng preno then iyon na nga ang nangyari. Nagbiro pa kasi ako na ibunggo na lang." sabi ni Isaiah 

Napailing na lang ako. Sinunod pala niya ang karibal niyang si Isaiah kay Fyglia. Hayss, siguro kung may kotse din ako at nawalan ng preno eh ibubunggo ko na lang din kesa mandamay pa ako ng iba. 

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ko. Sino ang magtetext sa akin ng ganitong oras? Si Mother lang ang nagtetext sa akin ng... Hayss, wag niyang sabihin na. Tsk! Yung next photoshoot nga pala na sinabi sa akin ni Kaylee. 

Dahan-dahan kong sinilip kung sino ang nagtext at nagkamali ako. Si Kaylee pala ang nagtext. Kung di lang siguro naaksidente kaibigan ko eh tuwang tuwa ako ngayon dahil tinext ako ni Kaylee ng ganitong oras. 

Di nga ako nagkamali sa prediction ko.


Outdoor Photoshoot 

Yats Clearwater Resort & Country Club

Clark, Pampanga

Susunduin ka ng service mamayang 6 a.m sharp.


Yung pwesto kong nakasandal sa pader ayun napawalling na. Napatingin sa akin ang tropa ko. Mukha nga siguro akong baliw. Tama, mababaliw nga ata. Di ko alam kung anong gagawin ko. Nasa ICU kaibigan ko tapos may trabaho ako na dapat pumunta sa Pampanga mamaya kaagad. Eh kung isang araw lang ba gaganapin yan eh. 

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon