Chapter 29 : Mama

261 17 6
                                    

Chapter 29 - Mama


Lutang ako sa biyahe. Alam kong umayos na ako ng upo. Pero iniisip ko pa din yung nangyari sa aming dalawa. Damn it!


"Baba" pinagbuksan niya ako ng pinto. Nung tinignan ko kung nasaan kami.Nasa Sierra Madre Hotel & Resort kami. Hotel?! 


"Anong gagawin natin dito?"

"Edi pagpapatuloy natin." nanlalaki ang mata ko habang hinihigit na niya ako palabas at ngayon nangangatog na ang tuhod ko habang may kinakausap siya sa front desk. 

Hindi ko namalayan na tapos na pala sya at nasa harapan ko na.


"Uy, okay ka lang?" napalundag ako ng haplusin niya ang pisngi ko. Nung tinignan ko siya sumilay ang mala demonyo niyang ngiti. 

"Chill ka lang... tara gala muna tayo." hinila niya ako at pinagsalop ang aming kamay. Nagtungo kami sa isang malaking puting gazebo.  Binitawan niya ang kamay ko para kuhanan ako ng litrato. 

"Bakit ganyan ang mukha mo? What's wrong?" binaba niya ang camera at tinignan ako. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Basta ang alam ko lang kahit mahirap aminin ay nabitin ako kanina. Pati ngayon ko lang din napagtanto na nawawala ang lakas ko sa tuwing naghahalikan kaming dalawa. 


Sasabihin ko na sanang ayos ako ng mag ring cellphone ko. Pagtingin ko dito si Isaiah. 

"Excuse lang." sabi ko kay Caloy dahil panigurado magagalit siya kapag nalaman niya kung sino kakausapin ko. 

"Sino yan?" ha? Panay ang malakas ng ring ng aking cellphone.

"Kapatid ko." pagsisinungaling ko tsaka ako tumungo sa lugar na malayo para hindi niya marinig.


"Hello Isaiah" sagot ko

"Hey Fyglia, di ka daw pumasok ngayon ah? Nagtanong ako sa mga kasamahan mo. May sakit ka daw?" oh shit! Anong sasabihin ko? Tsk.

"Ah--"

"Magpagaling ka ha... ayaw ko ng nagkakasakit ka. Pati naalala ko hanggang ngayon di ko pa rin pala ikaw napagbabake ng cake or nabibili. Di ba gusto mo yun?"

"Ah oo... daya mo" pagwawala ko sa usapan.

"Sige pagkagaling mo at pag pumasok ka na treat kita."

"Hehehe salamat." 

"Anong ginagawa mo ngayon?" shit naman! tapos narinig ko si Caloy na tinawag ako sa malayo. Sana hindi naman rinig ni Isaiah.

"Ah wala nagpapahinga. Nagpapahangin." well totoo naman na nagpapahangin ako. 

"Ganoon ba... gusto pa sana kitang kausapin ng matagal. Nabobored kasi ako ngayon tapos na ako sa mga paper works. Okay lang ba?"

"Ah o-" biglang may humablot sa cellphone ko at pinatay ang tawag. Kumunot ang noo niya pagtingin niya sa screen. 


"Akin na yan!" pilit kong kinukuha sa kanya ang phone ko. Nakakahiya sa may ari niyan! Bigla na lang akong nawala sa tawag baka isipin noon binabaan ko siya dahil sa tanong niya. Napatigil ako sa pagkuha ng phone ko nung tumungo siya. Kumabog ang dibdib ko nung nakita kong kumuyom ang kamao nya. Galit ba siya? 


"Caloy" unti unti kong hinawakan ang balikat niya pero iniwas niya ito sa akin. Bigla niyang kinuha ang kamay ko para ilagay ang cellphone ko. Nanlambot ako ng tuluyan ng tinalikuran niya ako ng walang pasabi. Ang tanging nakita ko lang sa mukha niya ay lungkot at galit. 

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon