Chapter 19: Ang saraaaap

336 20 1
                                    

Chapter 19


Mag-iisang oras na akong tapos maligo at nakapagbihis pero di pa rin bumabalik si Caloy. Hindi ko tuloy alam kung saan ako matutulog. Tabi ba kami? Wala pang sofa na pwedeng higaan dito. Napahikab ako. Pagod na pagod din ako mula pa kanina. Gusto ko ng matulog. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humiga sa kanang bahagi ng malaking kama sa harap ko.

Gigising na lang ako mamaya pag dating niya. 


Naalimpungatan ako ng may gumalaw sa gilid ko. Hindi ko muna liningon ito. Nasaan ako? Ahh, Cavite nga pala. Paglingon ko,


"Sanay akong may katabing babae sa pagtulog. I won't do any harm. Matutulog lang." narinig ko pa siyang bumulong 'as if type kita'


Tumalikod na lang ako sa kanya at sinubukang bumalik sa pagtulog. Hindi pa pala alam ni Krissy kung nasaan ako. Sana na lang sinabi ni Louie sa kanya kung nasaan ako. 


Mga ilang minuto na ata ang nakakalipas at di pa rin ako inaantok. Nadidistract din ako sa katabi kong galaw ng galaw sa likuran ko. 

"Hindi ka makatulog?" tanong ko. Napapikit na lang ako nung marealize ko na baka magalit siya sa akin sa pagiging pakielamera ko. 


"Oo eh. Uhm Fyglia, ano k-kasi..." 

"Hmm?"

"Favor naman. Pwedeng pamasahe ako sa likuran?" napasinghap ako. Kung di ko akalain na hihingi siya ng favor sa akin. "-ang sakit kasi ng likuran ko. Pero kung ayaw mo okay lang naman." 


Napabangon na lang ako. At minuwestra ko siyang dumapa. Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. Siguro gusto ko rin maging close kami in a good way ni Caloy. Baka ito ang paraan. 


Ngayon ko lang napansin, topless na pala siya kanina pa! Nagkibit balikat na lang ako at sinimulang imasahe ang likuran niya. Marunong din ako nito napag-aralan ko kasi ito nung nag-aaral pa ako ng panggagamot sa Faylinn. Bigla akong may nakitang flower vase sa gilid ng kama namin! 


"Sandali lang.." tumayo ako at kinuha ang magandang bulaklak sa vase. Hihigupin ko na sana ang nectar nito ng napansin kong nakatingin si Caloy sa akin. Kaya tumalikod ako. Nang matapos na akong gawin ito. Pinisa ko ang petals nito at gumawa ng lalagyan nito. Para sa ganoon may langis akong ilalagay sa likuran niya. 


Pagkaharap ko sa kanya, mangha ang nakita ko sa mukha niya. Ngumiti ako ng kaunti at bumalik sa kama. Hindi pa rin ako sanay sa Caloy na nakikita ko ngayon. 


Nagpahid ako sa palad ko sabay punas sa likuran niya. Napalunok ako ng gumalaw ang muscle sa likuran niya. 



"Uhm, F-Fyglia gusto mo umupo ka sa l-likuran ko. M-Mukhang nahihirapan ka..." tama siya nahihirapan nga akong abutin yung kabilang balikat niya. Dahan dahan akong umupo sa likuran niya at nagawa ko ng maayos ang pagmamasahe ko. 


"Ahhhh..." daing niya. Nangiti ako ng kaunti, ewan ko kung bakit. Kaya pinag-igi ko pa ang pagpisa sa likuran niya. May hangin din sa loob ng likuran niya marahil kaya ito masakit.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon