Chapter 37: Torture

136 13 11
                                    

Chapter 37

Hindi ko magalaw ang ano mang parte ng katawan ko. Tanging pag mulat lang ng mata ang kaya ko. Unti-unting luminaw ang paningin ko at di ako makapaniwala sa itsura ko. Nakatali ang buong katawan ko habang nakaupo sa silya at ang paa ko ay nakatali din sa paa ng silya. Anong nangyari? Bakit ako nakaganito? Nilibot ko ang paningin ko. Nasa isa akong kwarto na walang bintana at may isang pinto sa dulo at tanging ilaw lang sa itaas ang nagbibigay liwanag sa malaking kwarto na ito.

Hanggang sa bumalik sa aking alaala ang nangyari... Kanina ba iyon o may araw ng lumipas? Nasaan sila Karina, Lyn at Caloy? Si Inang Reyna?!

"Gising ka na pala" pumasok sa kwarto si Miguel. Anong ginagawa niya dito? Siya ba ang gumawa sa akin nito? Humihithit siya ng sigarilyo habang naglalakad papalapit sa akin. Bigla akong kinabahan ng makita ang tingin na binigay niya sa akin. Umismid siya bago umupo ng indian sit sa harapan ko. Gusto ko siyang sigawan na pakawalan ako dito pero hindi ako magawa dahil sa panyong nakaharang sa bibig ko.

Napasigaw ako ng dinikit niya ang upos ng sigarilyo sa binti ko. Talagang sinadya niya! Hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ito sa balat ko. Napaluha ako sa sobrang sakit. Tuwang tuwa siya habang tinitignan ako. Hayop ka Miguel!

Pigil na pigil ang sigaw ko dahil sa panyong nakaharang sa bibig ko. At dinikdik ni Miguel ang upos sa balat ko. Pagkaalis niya nito ay may itim na marka na ang binti ko.
"Kulang pa yan Fyglia. Ah! Naalala ko yung pag sipa mo sa akin. Grabe! Ilang salonpas ang dinikit sa likuran ko noon. Dapat talaga hinayaan ka na lang ni Caloy malunod eh." bigla siyang tumayo at umatras ng konti sa harapan ko. Naggagagalaw ako pero wala ring kwenta dahil sa mga tali. Kahit ang pag gamit ko ng mahika ay wala ring silbi.

Bigla niyang tinaas ang paa niya napapikit ako sa sapatos na papalapit sa ulo ko. Ngunit walang tumama na masakit kaya minulat ko na ulit ang mata ko. Napaatras ang ulo ko ng makita ko siyang sobrang lapit sa akin.

"Natakot ka?" tapos bigla siyang humagalpak ng tawa. "-marami pa kaming gagawin sa'yo Fyglia. Wait ka lang. Kung natakot ka sa ginawa ko, there's more..." bigla niyang niluwagan ng konti ang tali na nakapalibot sa katawan ko tska niya pinasok ang kamay sa lubid sa bandang parte ng dibdib ko.

Napasigaw ako ng lamasin niya ang isa kong dibdib. Walang hiya!!! Makawala lang ako dito babalatan kita ng buhay Miguel. Tuwang tuwa siyang tinitignan ako. Inalis niya ang kamay niya rito ginapangan ako ng kaba ng tumingin siya sa ibaba ko. Unti unting lumalapit ang kamay niya roon ng bumukas ang pinto at pumasok ang mga kabarkada niya.

"Anong ginagawa mo?!" mabilis na tumakbo palapit kay Miguel si Caloy at hinatak ito palayo.
"Chill... ginaganti lang kita"
"Ako lang ang magpaparusa sa halimaw na iyan" tinaas ni Miguel ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko at tumalikod para lumapit sa mga barkada niya. Ngayon ko lang napansin na may mahabang sofa pala doon at nag upuan sila doon. Tinignan ako ni Caloy at napaiwas ako ng tingin. Sana pinatay na lang niya ako ng tuluyan nung mga panahon na wala akong malay.

"Pwede niyo ba muna kaming iwan?" sabi ni Caloy. Mayamaya ay naglabasan sila Louie, Miguel, Patrick at Isaiah. Bago lumabas si Isaiah ay tinignan niya ako ng napakalungkot.

Walang atubili hinigit ni Caloy ang panyo sa bibig ko. Biglang naglabasan ang mga luha sa mata ko habang tinitignan siya. Nauuhaw ako.
"T-tubig" hirap kong sabihin. Umismid siya at napailing. Naglakad lakad siya hanggang may kinuha sya sa sahig. Nanlaki ang mata ko sa hawak niyang baseball bat. Pinaglaruan niya habang lumalapit sa akin. Umismid muli siya ng makita ang expression ko.

"Alam mo bang nasa critical ang Mama ko? Salamat sa'yo narealize kong mahalaga pa rin sa akin ang Mama ko pero yung ginawa mo kay Lyn ang hinding hindi ko mapapatawad." tinungkod niya ang baseball bat sa sahig tsaka sya umupo sa tapat ko. "-kaya ka ba nandito para sa Mama ko? Kaya ba nung binibigay ko na sayo ang sarili ko para matapos ang mission mo ay umiiling ka dahil hindi naman ako ang kailangan mo?"
Napatungo ako. Tubig... uhaw na uhaw ako.
Inangat niya ang baba ko, "SUMAGOT KA!"
"Nauuhaw ako."
"Magkwekwento ka o ihahampas ko sa ulo mo ito?" nanginig ako ng tinaas niya ang baseball bat at akmang ihahampas sa ulo ko ito.
"Oo ang mama mo ang dahilan kung bakit ako narito. Nakisama ako sayo para madali ko siyang makuha. Dahil nakipag kasundo ako sa Inang Reyna na dadalhin ko sa Faylinn ang sumira ng Bantayan upang parusahan kapalit ang paglaya ng Ama ko at ng mga kasamahan niya."
"Ha! Sa palagay mo maniniwala ako? Kung maniwala man ako... bakit kailangan mong gawin sa kanila iyon?"
"Hindi ako nagpahirap sa kanila!!"
"Sinungaling! Ikaw lang ang taong nandoon malamang ikaw ang nagpahirap sa Mama at kapatid ko!"
"Hindi ako Caloy! Maniwala ka! Si Inang Reyna ang kumikilos sa katawan ko!" bigla niya akong sinampal. Mas masakit pala kapag siya ang nanakit sa akin. Sampal lang ito kumpara sa ginawa ni Miguel kanina pero mas masakit ito.
Patawad Caloy... sige saktan mo ako. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong makawala dito at magpaliwanag sa'yo para maniwala ka at mapatawad mo ako. Dahil wala na rin namang kwenta. Hindi ko rin alam kung makakabalik pa ako sa amin pagkatapos nito. Kahit patayin mo ako ayos lang din sa akin.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon