Chapter 4: Cake

515 25 0
                                    

Chapter 4

'Hindi maari... Hindi dapat siya mawalay sa lamang lupang iyon!'

'Malaki na sya at mahusay siyang diwata alam niya ang gagawin niya'

'Sana nga, sana hindi nya tayo biguin.'

 

 "Kuya, bakla ka ba?"

Tinignan ko ng masama ang kapatid ko sa dami dami ng matinong tanong na pwedeng itanong bakit yan pa? Nakakainit ng ulo aba.

"Hindi."

"Eh bakit wala ka pa rin girlfriend?" napabuntong hininga naman ako. Ilang ulit ko bang sasabihin sa kanya na ayaw kong pag-usapan ang mga ganyang bagay. Isang tao lang naaalala ko eh. Pati porket ba walang girlfriend bading na kaagad? Nakaasar din mag-isip minsan ang mga babae eh. Kung di ko lang ito kapatid eh.

"Hay naku, umuwi na nga tayo" hinigit ko na lang ang braso ng kapatid ko at lumabas sa Mall. Binalikan namin si Fyglia at Louie sa McDo pero pagdating namin doon wala na yung dalawa. 

"Nakaalis na pala sila." sambit ni LynLyn

"Samahan mo na lang ako sa Luneta."

"Ha?Bakit?"

"Hmm, wala na naman tayong gagawin eh. Point and Shoot lang. Ikaw subject."napangiti si LynLyn at hinawakan pa ang kamay ko. 

"Let's go!" time to relax! Mabuti wala ang pang pagulo ng buhay ko ngayon na si Fyglia!


Fyglia's Standpoint


Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya.

Siya daw si Isaiah, kanina kasama ko si Louie pero may pupuntahan pa daw siya kaya si Isaiah na lang ang pinasama niya sa akin.

Kaibigan naman siya ni Caloy kaya alam kong wala sa aking mangyayaring masama. Pati nakakatuwa siyang kausap nabanggit niya kasi sa akin na mahilig siya sa halaman at ngayon dadalhin daw niya ako sa lugar na hindi ko makakalimutan. 

Napangiti na lang ako. Mamaya ko na lang iisipin ang misyon. Pero minsan may mga salita siya na hindi ko naiintindihan. Dapat kinausap ko si Ama tungkol dito. Nahihirapan akong intindihin ang isa pa nilang linggwahe katulad ngayon.

"We'll be there" minsan tumatango na lang ako o kaya binabalewala ang mga naririnig ko kasi di ko talaga naiintindihan. Mga ilang sandali huminto kami sa isang kaharian napakalaki at yari sa bato. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hanggang ngayon naninibago pa din ako sa mga gamit na nandito sa kalupaan.

Katulad nito isang bakal na umaandar. Hindi ko kasi pwedeng gamitin ang kapangyarihan ko dito panigurado magagalit si Ama kapag lumabag ako sa utos pero hindi ko talaga maiwasan eh.

Pagkapasok namin sa kaharian nila napangiti ako. Kakaiba ang kaharian nila kumpara sa amin. 

"Come on, papakita ko sa iyo halamanan namin." nagtungo kami sa likod nung kaharian nila at nung masulyapan ko ang halamanan nila. Hindi ko napigilang kagatin ang labi ko at mapangiti sa mga kaibigan kong paru-paro na nagsisiliparan. 

Dahil katabi ko si Isaiah di ko pwedeng kausapin ang mga kaibigan ko kaya tinaas ko na lang ang daliri ko at lumapit si Marigold sa akin. 


'Kamusta ka na? Hindi ka ba minamaltrato ng mga tagalupa?'

'Ayos lang ako, mababait naman sila. Hindi sila tulad ng iniisip niyo'

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon