Chapter 27- Boyfriend

336 24 4
                                    

Chapter 27


"Caloy!!!!" sigaw ko kahit nakalayo na ang sasakyan sa akin. May mga nakatingin sa akin ngunit ko na lang pinansin. Susunod ako sa kanya hindi pwedeng ganito. Mabuti na lang at may humintong taxi sa harapan ko. Hindi na ako nag atubiling sumakay.


"Manong Project 4 po." 

"Ineng gusto mo patayin ko aircon? Basang basa ka baka magkasakit ka." napalingon ako kay manong at umoo na lang. Dahil nakainom ako ng nectar kakaiba ang pangagatawan ko ngayon. Di ko anintala ang lamig. 


Pagkababa ko sa kanila dumerecho na agad ako sa pintuan. Nakabukas naman ang gate. 


Natigilan ako ng matagpuan ko si Caloy at Kaylee na nag-uusap. Mahina ang pag-uusap nila pero rinig na rinig ko ito at di ata nila napansin na nandito ako.


"My agency has a big offer for you. Please kahit ngayon na lang... di ba you are really fond of underwater photoshoot? Please pumayag ka na Ciel."

"Kaylee" tinulak niya ang kamay nito na humahawak sa braso niya. Napangiti ako ng bahagya. 

"Basta Ciel think about it. It is two weeks from now pa naman. I gotta go. Also you can bring your friends... except Fyglia" 


Napalundag ako nung narinig ko ang pangalan ko. Dahil doon nakabuo ako ng tunog mula sa sapatos ko. Bigla silang napalingon sa akin. Tinamaan ako ng masamang tingin ni Kaylee dahil doon.


"Oh! Fyglia!" hindi ko na lang siya pinansin kung hindi tinuon ko ang tingin ko kay Caloy na nag-iwas ng tingin sa akin. 


"Bye Ciel" paalam ni Kaylee. At hinalikan pa niya ito sa pisngi! The nerve! Bago siya lumabas binangga pa niya ang balikat ko. 


"Nakaharang ka. Two-timer" bulong nito bago umalis. Nilingon ko ito sa sobrang inis ko. Ang kapal ng mukha niya! Hindi ako two-timer! Pero bago pa ako makalakad para habulin siya may braso ng humigit sa akin. 


Sinarado niya rin ang pinto at hinarap ako.


"Oh bakit ka nandito?" 


Oo nga bakit nga ba ako nandito? Dahil ba sa aayawan na niya ako kaya ako pumunta rito? Ano nga ba ang dahilan ko? Oo dahil sa aayawan na niya ako! Tama! Ang mission ko madidispalinghado pagnagkataon. 


Nilunok ko ang lahat ng pride ko. Mission Fyglia.


Niyakap ko siya at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya. 


"I'm sorry" sabi ko. Napairap na lang ako. Bakit ba ako nagsosorry? Bigla niya akong tinulak. 


Bakit?


"Confuse ka lang. Kaya ka nandito." 

"Hindi Caloy..." hindi ko kayang dagdagan ang pangungusap ko. Alam ko may gusto siyang marinig mula sa akin, mula sa mga kinilos ko. 


Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon