The Last Stop (Completed)

Door Dominotrix

187K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... Meer

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle
Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ikalabintatlong Kabanata: White Lies

4.2K 112 23
Door Dominotrix

Binawi ni Sophia ang kamay niya, para siyang napaso sa sinabing iyon ni Joseph. Hindi siya nagkamali sa narinig niya. Alam nitong siya si Mysty.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" binitawan niya ang hinihiwang kamatis at kunwaring kinuha ang ibang gamit sa ref.

"Na ikaw si Mysty. Alam ko na ikaw si Mysty, matagal na. Kung babasahin mong lahat ang pag-uusap natin sa chat room, never kitang tinawag na Mysty dahil alam kong ikaw si Sophia."

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, tumindig ang lahat ng balahibo niya sa narinig niya. Sinara niya ang ref dahil wala naman talaga siyang kukuhanin doon. Hindi niya hinarap si Joseph, para bang hindi niya kayang tingnan ang binata.

"Matagal mo nang alam? Kailan pa?" gulat na gulat siya sa sinabi ni Joseph.

"Noong gabing nakitulog ako dito. Sumilip ako sa kwarto mo para lang sana makita kang natutulog, pero nagulat ako ng makitang nasa harap ka ng laptop mo. May malaking logo ng website niyo at tinandaan ko. Hindi ka ba nagtataka na gising pa ako noong oras na iyon?" pag-amin niya dito.

"Pero paanong?"magulo pa rin ang isip niya hindi niya malaman kung nagkataon lang ba at naging kliyente niya ito.

"Kinausap ko ang Boss mo at naki-usap ako na kung maari ay i-assign niya ako sa freelancer na may pangalang Sophia Velasco, kaya napunta ako sa iyo." Tuloy lang sa pagpapaliwanag si Joseph. Gusto niyang malaman ni Sophia na hindi na nito kailangang magtago sa kanya.

"Pinaglaruan mo ako? Bakit? Anong kasalanan ko sa iyo?" tumulo ang luha ni Sophia, pakiramdam niya ay naloko na naman siya ng isang lalaki at ang masama nahuhulog na ang loob niya sa lalaking ito.

Nagulat si Joseph sa naging reaksyon ni Sophia, akala niya ay maluwag nitong tatangapin ang sitwasyon. Pero taliwas sa inaasahan niya, tila iba ang dating ng ginawa niya kay Sophia.

"No, Hindi kita pinaglaruan. Naisip ko na never kang magiging open sa idea na magkarelasyon sa isang mas bata sa iyo kung hindi ko ginawa iyon. Ginawa ko lang iyon para mapalapit sa iyo. Wala akong masamang intensyon." Lumapit si Joseph kay Sophia at niyakap niya ito. Hindi niya alam na ganito pala ang mararamdaman ni Sophia kapag nalaman niya ang lahat.

Nagpumiglas si Sophia at nagsimulang itulak si Joseph ngunit sadyang mahigpit ang kapit ni Joseph.

"Layuan mo ako! Gusto mong maging ready ako sa idea na magmahal ako ng isang lalaking mas bata sa akin?" humugot siya ng malalim na hininga sabay sinigaw kay Joseph ang matagal na niyang nais marinig. "Oo, Joseph! Mahal kita! Sapat na ba sa iyo yan? Ngayon makakaalis ka na!"

Napabitiw si Joseph kay Sophia sa narinig. Ang makitang umiiyak ang mahal niya ng dahil sa kanya ay bagay na hindi niya inakalang posibleng mangyari. Ni sa hinagap niya ay hindi niya iniisip na hahantong sa ganitong eksena ang ginawa niyang pagtago sa kanyang mga nalalaman.

"Ilang beses kitang binigyan ng pagkakataong umamin, pero parang wala kang balak. Noong nagrole-playing tayo sa chatroom, noong tinanong kita tungkol sa trabaho mo, then noong narinig ko ang boses mo,at noong pinapunta ko si Adrienne sa mall para makita mo siya." Walang katapusang pagsamo ang ginawa niya kay Sophia na sana ay pakinggan siya sa mga paliwanag niya.

"Pinapunta mo si Adrienne? Anong ibig sabihin nito? Ginawa niyo akong gago at tanga?" pakiramdam niya ay tinraydor siya ng lahat ng tao. Naging mabuti siya sa mga ito ngunit ginawa lang pala siyang tautauhan ng mga ito sa isang malaking palabas ni Joseph. Para siyang nadaya.

"Adrienne is a budding model sa isang agency. Hindi siya mahirap hanapin dahil maliit lang naman ang ginagalawang mundo ng models at ng mga kagaya namin. Believe me, wala akong intensyon para ipadama sa iyo yan. Mahal na mahal lang kita Sophia." Sinubukan muling yakapin ni Joseph si Sophia ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Joseph.

"Napaka-makasarili mo. Sarili mo lang ang inisip mo sa mga ginawa mo. Iyan ba ang tinatawag mong pagmamahal? Ako, alam mo ba kung anong takot ang nararamdaman ko sa tuwing inaakala kong malalaman mo na ako si Mysty? Iniisip mo ba na natatakot akong kamuhian mo ako dahil baka isipin mong dinaya kita? Pero wala akong magawa dahil trabaho ito at ayokong isipin mong sinamantala kita. Ikaw ang iniisip ko palagi." Tuloy lang sa paghagulgol si Sophia, sino bang mag-aakala na sa edad niya ay maloloko pa pala siya ng isang mas bata sa kanya.

"Hindi ko alam. I'm sorry." Lalapit sanang muli si Joseph kay Sophia ngunit umatras si Sophia.

"Umalis ka na lang Joseph. Please. Ang tanga tanga ko. Naloko na akong minsan, nagpaloko na naman ako. Umalis ka na lang."

"Sophia"

"JUST GO!"

Ang sigaw na iyon ni Sophia ay sapat na para umalis si Joseph at bigyan ng oras para makapag-isip ang dalaga. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng kotse ay pinagsusuntok niya ang manibela at nagsisigaw. Inis na inis si Joseph sa sarili niya. Ang babaing minahal niya ay nasasaktan ngayon ng dahil sa kanya. Sa tingin niya ay wala siyang pinagkaiba sa kanyang Ina na ginagawang tauhan ang mga nasa paligid niya.

Samantala sa loob ng bahay ay narinig ni Gil ang lahat. Sa buong buhay niya na kasama ang kanyang ate ay ngayon niya lamang nakitang umiyak ito ng ganito katindi. Hindi niya alam ang gagawin niya, nakilala niya itong matapang ngunit ngayon ay mahinang mahina ito. Nanatili lang siyang nakatayo at minamasdan ang pag-iyak ng kanyang mahal na ate.

.............

Kinabukasan bago pumasok si Gil sa University ay sinilip niya ang kanyang ate. Alam nitong hindi ito nakapasok sa trabaho kagabi, buong magdamag kasing naririnig ni Gil ang pag-iyak ni Sophia. Mukha ngang nakatulugan na lamang nito ang pag-iyak. Dahan dahan niyang sinara ang pintuan at baka maistorbo pa ang kanyang ate sa pagtulog.

Pagdating sa school ay namataan niya agad sa dating lugar si Joseph. Masama ang loob niya dito sa ginawa sa kanyang ate, pero hindi niya magawang magalit. Siguro dahil sa pareho lang naman silang naglihim sa isa't isa. Tinanguan niya si Joseph bilang pagbati ngunit nilampasan niya ito.

Ngunit hindi papayag si Joseph na lagpasan lamang siya ni Gil. Hinabol niya ito at kinausap. Ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan.

"Dude, pwede tayong mag-usap?" paki-usap niya kay Gil na diretso lang noong una sa paglakad, kahit alam niyang hinahabol siya ni Joseph.

Huminto si Gil at nilingon si Joseph. Namamaga pa ang mata nito at halata mong hindi nakatulog ng maayos. Nilapitan siya ni Gil. Aakbayan lang sana siya ni Gil ngunit biglang yumakap si Joseph sa kanya. Naramdaman niya dito ang mahabang pagitan ng paghinga at ang mahina at impit na pagdaing. Buti na lamang at maaga pa noon at walang gaanong tao sa loob ng campus. Dahan dahan niyang inilakad si Joseph papunta sa malapit na bench para makaupo sila at nang makapag-usap. Patuloy pa rin si Joseph sa pag-iyak kahit na nakaupo na ito.

"Bakit mo kasi ginawa iyon? Pina-iyak mo ng husto si ate. 'Yan tuloy pati ikaw nasasaktan. Sira-ulo ka talaga ano?" ani Gil sa kaibigan.

"Wala akong masamang intensyon bud. Natakot akong ma-reject ng ate mo. Alam kong kung hindi nangyari ang pag-uusap namin ng ate mo sa chat eh never siyang magiging bukas sa idea na magkaroon ng relasyon sa lalaking 20 years ang agwat ng edad sa kanya. Unti-unti, hinahanda ko siya, sinasabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko, walang halong pretention iyon." Paliwanag nito sa kaibigan.

"Alam ko naman iyon. Kaya lang, syempre hindi mo maiaalis kay ate na hindi masaktan. Niloko mo siya. Pare tinuring ka naming pamilya," wika nito na may halong pagtatampo.

"Sorry, pare. Hindi ako nag-iisip. I'm really sorry."

"Sa akin okay na yun. Pero kay ate, medyo matatagalan. Alam mo namang minsan na iyong nasaktan, sinaktan mo na naman." Ani Gil sa kaibigan

"Tulungan mo ako, bud." Pagmamakaawa ni Joseph kay Gil.

...............

Nag-ayos lang si Sophia ng kanyang sarili at agad ding pumunta kay Diosa matapos niyang gumising. Tinext niya rin si Adrienne, gusto niyang marinig ang paliwanag nito kahit na sabihing hindi na kailangan at narinig niya na ang buong kwento kay Joseph. Umaasa siya na may malalim na dahilan si Adrienne kaya niya nagawa iyon.

Pagdating niya sa coffee shop ni Diosa ay wala pa si Adrienne kaya't nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap ni Diosa tungkol sa nangyari kahapon.

"Matagal niya na palang alam na ako si Mysty, para pa tayong sirang takot na takot magtago sa kanya," sumbong nito kay Diosa.

"Oh eh anong ginawa mo?"

"Pinalayas ko siya. Hindi ako nakapagpigil. Niloko niya ako," sagot nito kay Diosa

"Gaga! Parehas lang kayong nanloko. Isipin mo kung hindi alam ni Joseph na ikaw si Mysty, I'm sure hanggang ngayon hindi ka pa rin umaamin. Kung nauna ka kasing umamin eh di sana walang mangyayaring dramatic scene na pang Urian," sermon nito "Ay teh! Nagwalling ka ba?" biro nito sa kaibigan.

"Pero alam niya nga eh. At hindi niya sinabi sa akin, hinayaan niya akong magmukhang tanga," inis na sabi ni Sophia.

"Ay teh! Dapat nga ikaw pa ang nakakaintindi sa kanya. Dahil pareho pala kayong nagtataguan ng lihim sa isa't isa."

"Yun na nga, kung ngayon pa lang nagkakalokohan na kami, paano pa kaya kung naging kami na. Buti na lang hangga't maaga pa eh nakilala ko siya."

Mula sa malayo ay nakita niyang pagdating si Adrienne. Nakangiti itong bumati sa kanya pero hindi niya napigilan ang galit niya at nasampal niya si Adrienne.

"Ay Mare! Sandali!" pigil ni Diosa kay Sophia. Ayaw niya namang maeskandalo ang kanyang mga parokyano. "Pasensya na po, may sasalihan po kaming shooting sa kabilang daan, nagpa-praktis lang sila," wika ni Diosa sa mga customers.

Nang makakalma si Sophia ay umupo ito. Si Adrienne naman ay wala pa ring alam kung bakit siya sinampal ni Sophia.

"Alam mong ginamit ka ni Joseph para lokohin ako?" ani Sophia

Nagulat si Adrienne sa sinabi ni Sophia, alam na pala nito ang katotohanan. Ang usapan kasi nila ni Joseph ay hahayaan nilang kusang umamin si Sophia at pagkatapos ay parang bulang mawawala ang napagkasunduan nila.

Tumango na lamang si Adrienne, hindi siya makapagsalita at nahihiya siya dito.

"Bakit mo naman ginawa iyon sa akin? Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan?" Pinipigilan sanang umiyak ni Sophia dahil pagod na rin siya pero parang awtomatiko nang bumabagsak ang mga luha niya sa tuwing mapag-uusapan ang bagay na iyon.

"Ate, hindi ko sinasadya. Isa akong modelo at gaya nga ng alam mo nagmodel ako para doon sa site niyo." Sandaling Huminto si Adrienne na parang hinahanda ang sarili sa pangungumpisal. "Hindi tulad ng akala ng karamihan na malaki ang kita naming mga modelo, hindi totoo 'yun. Ang totoo maliit lang ang kita namin. Ang iba sa amin kung saan-saan kumakapit, naroong makipagtalik sa mga kilalang designers, maging bayaran ng pulitiko at negosyante kumita lang ng pera. Pero meron pa rin namang matitino, yun nga lang hindi sapat ang kita namin. Nilapitan ako ni Joseph at naki-usap. Malaking pera ang inaalok niya sa akin, kapalit ng pagpapanggap ko. Ate, may binubuhay akong kapatid ko." Humagulgol sa iyak si Adrienne, napamahal siya kay Sophia sa maikling panahon ng pagsasama nila. Para bang nakakita siya ng isang ate na pwede niyang hingahan ng sama ng loob.

Tumayo si Sophia at niyakap si Adrienne. Naiintindihan niya ang posisyon nito. Kahit siya noong panahong nawala ang kanilang ama ay kung anu-anong trabaho ang pinasok niya, ghost writer, data entry, transcriber, research person, sales person, customer representative, kahit anong trabaho online na makikita niya ay susunggaban niya.

"Palakpakan! I'm sure pwede kayong lead actress," sigaw ni Diosa, sumunod ding nagpalakpakan ang mga customer sa loob na iniisip na isa nga iyong dula.

..............

Gabi na nang makauwi si Sophia sa kanilang bahay. Akala niya ay nadoon na si Gil ngunit nagtaka siya na nakasusi pa ang pinto at patay pa ang ilaw. Naupo muna siya sa sofa at huminga. Maya-maya pa ay dumating na si Gil at may inabot sa kanyang ate.

"Ano ito?" tanong nito sa kapatid

"Program ng commencement exercise namin 'yan. Ga-graduate na ako ate," tuwang-tuwang sabi ni Gil.

Nagtatalon sa tuwa si Sophia. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang mahabang panahon ng pagtataguyod mo sa edukasyon ng kapatid mo ay matatapos na, napaka-fulfilling.

"Ate! Samahan mo ako sa martsa ha!"

"Oo naman. Magpapatahi ako ng bongang-bongang gown na may mahabang terrain," humalakhak siya sa sobrang tuwa.

"Graduation ito, hindi ito kasal."

"Joke lang syempre. Excited ang ate." Hinalikan niya sa pisngi ang kapatid sa pagkatuwa.

Naupo sila sa sofang pareho at binuksan ni Sophia ang program sa graduation para hanapin ang pangalan ng kapatid.

"Ate anong regalo mo sa akin?" tanong nito sa ate niya.

"Kailangan ko pa bang magregalo, eh itong hirap ko lang sa pagpapa-aral sa iyo eh sobra sobra na."

"Sige na ate," pilit ni Gil

"O sige, eh ano bang gusto mo?" tanong nito sa kapatid niya.

Umalis panandalian si Gil ng kanilang bahay. Ilang segundo pa ay bumalik ito na may kasama.

"Mag-usap na kayong dalawa. Gusto ko makikita ko kayong dalawa kapag nasa taas na ako ng stage."

Hindi na nakapagsalita si Sophia ng makita niyang si Joseph ang kasama ng kapatid niya. Naroon ito, nakatayo at nakatingin lamang sa kanya. Namumugto ang mga mata at mukhang anumang sandali ay muli itong iiyak.

"Sophia..." mahinang tawag sa kanya ni Joseph.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

238K 6.4K 48
Napagdesisyunan ni Cheyenne na kumawala na sa rehas ng kanyang kwarto at ospital kung saan nauubos ang kanyang oras sa pagpapahinga at pag-inom ng mg...
1.9M 33.6K 75
"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-mani...
6.2K 254 60
This is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love w...