Boss Series 1: Playboy Boss

By drklife

5.2K 214 2

Sa mundong marami ang gustong maranasang magmahal at mahalin, makakakilala si Aki ng isang lalaking hindi niy... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Anniversary
Chapter 19 -Anniversary Pt. 2
FOR IMAGERY PURPOSES
Chapter 20 -Anniversary Last Part
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 27

95 3 0
By drklife

After a couple of minutes the rescuers arrived with Rendell, kinalagan ko si Dylan habang naghihintay ng tulong. Parehas kaming iyak ng iyak dahil tatlong tao na walang malay ang kasam namin.

"Pre...g-gumawa tayo ng paraan!!!" sigaw ni Dylan

Wala akong nagawa kung hindi ang hawakan lang si Aki, natutulala ako kahit na nandoon na ang tulong walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magwala, pero wala akong lakas. Gusto kong patayin si Edward dahil sa ginawa niya, pero hindi ko kaya.

Nakaposas na si Edward ng tingnan ko, halatang nagulat din siya sa nangyari. Lalo akong nagtaka ng magpumiglas siya at hawakan ang mukha ni Eric na ngayon ay wala ng malay.

"A-Anak!!! Anak ko!!!" naghuhumigpis niyang sigaw

Napabaling ako kay Eric, tinawag niya tong anak, posible bang si Eric ang tumulong sa akin noon? Kung siya man 'yon, gusto ko siyang pasalamatan sa ginawa niya sa akin.

Unang dinala sa stretcher si Dad dahil siya ang malapit sa rescuer, sunod si Eric na parehas ang tama kay Aki. Huling dinala si Aki dahil medyo malayo kami, sumakay ako sa ambulansyang lulan si Aki. Pinapump ng pinapump ang dibdib niya, hindi man ako doctor alam kong nasa kritikal ang vitals niya.

Nang makarating kami ng hospital, lahat ng tao doon ay nagulat. Ang mga nurse agad na tumawag ng mga doctors, apat ang operating room ng hospital kaya sabay-sabay silang inoperahan.

"Stephen, you need to get a treatmeant for your wounds" sambit ni Kuya

Hindi ko alam, pero bigla nalang bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Sinusuntok ko na ang pader pero nandito pa din ang sakit.

Si Daddy may tama ng bala sa kanang tagiliran niya, napuruhan din siya ng dahil sa paghampas sa kaniya.

Si Eric naman, sa ulo tinamaan ng bala dahil papaulanan pa sana ni Edward ng bala si Daddy nung humandusay ito sa sahig. Pero bago palang dumapo ang bala may Dad, si Eric na ang sumalo non.

At si Aki, siya ang sumalo ng bala na para sa akin. Hindi ko alam pero pinipiga ng husto ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang mga mata niya bago ito mawalan ng malay, nakatingin siya sa akin bago mawalan ng malay.

Isa isang nagsidatingan ang mga tao, si Ma'am Elizabeth na halos hinamatayin sa kakaiyak. Kaya inalalayan ni Kuya bago papuntahin ng waiting area.

"S-Stephen, are you alright?" tanong niya

Tinitigan ko siya mata, gusto kong basahin kung galit ba siya sa akin dahil nangyari ito sa asawa niya ng dahil sa akin. Inaasahan kong sasampalin niya ako, sisisihin niya ako sa lahat ng nangyari. Pero wala ni isa sa mga inaasahan ko ang nangyari, dahil ng hindi ako makasagot at niyakap niya nalang ako at doon na muling bumuhos ang mga luha ko. Ang yapos ng isang ina na tatlong taon ko ng hindi nararamdaman ay naramdaman ko ulit, masakit isiping iba ang trato ko sa kaniya pero ang trato niya sa akin ay hindi mo kakikitaan ng masamang gawain.

"Shh...stop crying my son. I know how it hurts, I'm here...just call me or hug me whenever you feel in pain"

Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil sa mga sinabi niya. Maski si Kuya at Dylan na ngayon ay kasama na ang magulang niya ay umiiyak dahil sa akin.

Ganon ang sitwasyon namin ng dumating ang step mom at kapatid ni Aki.

"Asan ang kapatid ko?! Nasaan siya?!" galit na tanong ni Joy Cris kaya naman tumayo ako

Tumayo ako hindi para magpaliwanag, kung hindi ang humarap sa kanila at humingi ng tawad. Sa tanang buhay ko, hindi ako nanghingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko. Pero alam ko ang sakit na malaman mo na nasa bingit ng kamatayan ang isa sa mga kamag anak o mahal mo sa buhay. Pinunasan ko ang mga mata ko, bago humarap sa kanila. Maga na ang mata ni Joy Cris ganon din ang mama niya, lumunok ako ng tatlong beses bago lumuhod at umiyak sa harapan nila.

"P-Patawarin niyo po ako...hindi ko po g-gusto ang nangyari...kung...kung alam ko lang hindk ko hahayaang mangyari sa kaniya ito. P-Patawarin niyo po ako"

Wala ni isa sa kanila ang nagsalita dahil sabay silang umiyak.

"K-Kung pwede lang, kung pwede lang na ako ang pumalit sa posisyon ng lahat ng tao na nasa operating room ngayon ginawa ko na...hindi ko ito hiniling – m-mahal ko siya...mahal ko si Aki" yan na lamang ang nasabi ko habang nakaluhod at umiiyak pa din

Nakita kong gumalaw si Joy Cris at nilahad ang kamay niya.

"Tumayo ka diyan. Kung mahal mo ang kapatid ko, magpagamot ka. Siguraduhin mo lang na gigising siya, dahil pag hindi ako mismo ang kikitil ng buhay mo. Wala akong pakialam kung mayaman ka, may kapangyarihan ka. Sinabi mong mahal mo siya, panindigan mo"

Tumayo ako gaya ng sinabi niya, sinamahan ako ni Dylan na magpagamot. Naadmit din ako dahil sa mga sugat na nasa likod ko, napakarami non. Ang ilan ay malalalim kaya kailangan obserbahan.

Nabalitaan kong umabot ng halos 15 hours ang pag opera kay Daddy,nasa ICU na siya at under monitoring. Si Eric naman ay 16 hours, at si Aki naman ay 16 hours and 30 minutes. Natagalan dahil nag bleeding daw siya sa kalagitnaan ng operasyon.

Umabot ng tatlong araw bago ako pinayagang makauwi ng doctor, binigyan niya ako ng ointments at ibang mga gamot. Umuwi muna ako para magpahinga, maligo, at kumain. Pagkatapos ay bumalik ako ng hospital.

Magkakatabi lang silang tatlo dahil malaki ang ICU area ng hospital, may harang lang na salamin sa pagitan nilang tatlo. Nasa kanan si Dad, kaliwa naman si Eric at nasa gitna si Aki. Kung ikukumpara mo silang tatlo, mas maraming nakakabit kay Aki. Tinanong ko na iyon sa doctor at ang sabi niya ay dahil may iba pang iniinda si Aki, mas kailangan nila ng bigyang atensyon ang katawan niya. Tulad kanina, tumaas ang oxygen niya at mababa ang blood pressure niya.

Days turned into weeks. Halos dalawang linggo na silang walang malay, nagiging stable na si Dad at ang sabi ng doctor anytime daw ay magigising na siya. Masaya ako dahil alam kong ligtas na si Dad, tanging si Eric at Aki nalang ang hinihintay.

Dumating ang kapatid ni Eric na si Erica, ikinwento ko sa kaniya ang nangyari at halos mawalan siya ng malay sa nalaman niya at lalo na ang naging dahilan kung bakit nasa comatose ang kuya niya ay kagagawan ng Papa nila.

Nagsasalitan lang kami sa pagbabantay, halos bumagsak na ang katawan ko dahil kulang sa tulog at kain. Pinapagalitan na ako ng lahat dahil pinapabayaan ko na ang sarili ko.

Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko nanaman ang nangyari. Nagigising akong may luha na sa mata ko, halos buong gabi ako hinahunting ng mga nangyari.

Umabot ng isang buwan ang pagkakacomatose nila Eric at Aki, si Dad ay nagising na kaya naman inilipat na ng room. Walang araw na hindi ako umiiyak lalo na pag sinasabi ng mga doctor na palala ng palala ang sitwasyon nilang dalawa.

Tatlong beses sa isang araw kung atakihin si Ako, si Eric naman pabago bago ang vitals niya. Hindi sila stable.

"Magpahinga kana, ako na ang magbabantay sa kanila" sambit ni Dylan

"Ayoko. Dito lang ako"

"Huwag matigas ang ulo, ang payat mo na! maputla na din ang kulay mo, yung eyebags mo sobrang halata na. Magdadalawang buwan na Stephen, ayusin mo naman buhay mo"

"Paano? Sabihin mo sa akin kung paano! Pag matutulog ako nakikita ko yung nangyari, pag titingnan ko yung mga kamay ko dugo yung nakikita ko. Paano?! Kasi...tangina kahit anong limot gawin ko hindi ko magawa!! Sinisisi ko sarili ko sa mga nangyari!" hindi ko napigilang umiyak

Masakit sa aking nandito ako, buhay at nakakahinga ng maahos pero sila halos labanan si Kamatayan mabuhay lang sila.

"Alam kong hindi madali, pero wag kang panghinaan ng loob"

"Nawawalan na ako ng pag asa, hindi ko na kaya"

"W-wag mong sabihin yan. Mahal mo siya diba?"

"Mahal ko nga...pero–"

"Pero ano? Ayaw mo na? Suko kana?"

"I-I don't know what to say...I just...I just need everything to be fine"

"Anong hindi mo alam? Dapat alam mo!–Umuwi kana nga, mag isip ka. Nawawala kana sa katinuan"

Pinilit kong tumayo at naglakad papunta sa parking area. Nang makauwi ako bumagsak ang katawan ko sa sofa, may tumulo nanamang luha sa mata ko. Nag iisip ako habang nakatingin sa kisame.

Kailan ba matatapos ito? Napapagod na ako, sobra. Hindi ko na kaya na araw-araw pumupunta ng hospital pero hindi sila nagigising. Kinakain na ako ng konsensiya at hiya sa sarili ko, ako dapat ang nandoon. Pero heto ako ngayon, buhay at nakakagalaw sa kung ano ang gusto ko.

Lumingon ako sa may side table at umupo para kunin ang litrato ni Mommy.

"Mom, I'm in pain. Sana nandito ka para alalayan ako, hindi ko na kaya Mom. Sumusuko na ako at ang puso ko, sa bawat araw na nagdaan palala ng palala sitwasyon niya" sumulyap ako sa bracelet na suot ko "I miss you so much hon, babalik ka pa ba sa akin?"

Three months later...

"Umiinom ka nanaman! Ano bang balak mo sa buhay mo?!" sigaw ni Kuya

"Leave me alone! I don't need you!"

"You don't need me? Yes, I know that. But Aki needs you! Tatlong buwan na siyang tulog at halos isang buwan ka ng hindi dumadalaw sa kaniya"

Yeah. That's right, tumigil na akong magbantay at dumalaw sa kaniya. Nahihirapan na akong makita siyang ganon, nakikibalita nalang ako kay Dylan. Wala pa ding pagbabago, same sila ni Eric. Ang sabi pa ng doctor ay parang nag uunahan nalang silang dalawa kung sino ang unang mawawala.

"Ano pa bang dapat kong gawin? Diba sabi ng doctor hinihintay nalang nila na may flat ang heart beat nila? So what's the point of going there? Pinapaasa ko lang ang sarili ko sa wala!"

"What the fuck? Ganyan na ang iniisip mo? It's just a prediction! Bakit sumusuko kana?"

"Prediction or not wala naman akong magagawa kung hindi ang tingnan sila sa salamin at bantayan kung gagalaw ba sila o hindi!"

"I...I can't believe na maririnig ko 'to galing sayo. You're the one who's responsible for this!"

"Are you blaming me?"

"Yes! I'm blaming you!" sigaw niya

Nagpantig ang tenga ko kaya naman napatayo ako at sinapak siya.

"Who give you the right to talk about that?! Sila lang ba ang nahihirapan?! Ako din naman!! Walang araw na hindi ako binabangungot ng nangyari! Nilululong ko nalang ang sarili ko sa alak para malasing ako! Ni minsan walang nagtanong kung ano na ba ang nangyari sa akin! Kung okay lang ako!" wala ng luhang pumatak sa mga mata ko

Hindi na siya nagsalita at umalis na, hindi na ako uminom ulit. Binuksan ko yung black na bag ko at kinuha ang passport at plane ticket ko, bukas na ang alis ko.

Walang nakakaalam kahit na sino, maski ang pamilya ko ay walang alam. Alam ko namang matutunton nila ako pero kahit pilitin nila akong umuwi, hindi ako uuwi. Hindi ako babalik hangga't nandito pa din sa isip ko ang mga nangyari.

Naligo ako at nasuot ng maayos na polo shirt at pantalon. Ito na ang huling beses na bibisita ako sa kaniya...sa kanila, kaya gusto kong maging maayos ako.

Ipinark ko ang kotse ko sa hindi kalayuang kalye malapit sa hospital, dala ko din yung sulat na iiwan ko sa kaniya baka sakaling magising siya at mabasa niya 'yon ay maiintindihan niya ako.

Sakto namang walang bantay sa kanila, nasa doctor's office daw para alamin kung may progress ba sila o wala. Nag suot ako ng mask, blue na coat, at hair dress na kulay blue. Una kong pinuntahan si Eric, at iniwan yung sulat ko para sa kaniya.

Pagpasok ko sa kwarto ni Aki, gusto kong mag back out sa pag alis. Gusto ko nalang manatili, hintayin ang kapalaran naming dalawa. Nang hawakan ko ang kamay niya, doon na ako umiyak. Hinalik-halikan ko iyon bago magsalita.

"I will disappear for a while hon. I hope you don't get mad at me, I hope you understand me. I'm having a hard time hon, I always tell myself that I have nothing to worry about but I'm wrong. I blame myself for why you are here" pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mata ko bago magsalita "Sana pag nagising ka matandaan mo ako, kasi diba most of the time yung mga taong nasaktan sa ulo nagkaka amnesia? sana hindi ka matulad sa ganon. Gusto ko matandaan mo pa din ako kahit wala ako dito sa tabi mo"

"sorry hon, mahina ako. Napagod ako, hindi ko kayang titigan ka araw-araw na ganito amg sitwasyon mo. Alam kong ilang araw palang yung naging relasyon natin, pero grabi ang epekto mo sa akin. Hanggang sa pagtulog ikaw ang nakikita ko, alam mo bang doon na ako natutulog sa kwarto mo. Funny, right? gusto kitang maramdaman kahit sa pagtulog man lang. Yung mga stolen shots na kuha ko sayo, lagi kong tinitingnan, umaasang sa susunod ay totoo na nakikita na kita. Gusto na kitang yakapin hon, makasamang kumain ng kwek-kwek, makabangayan, at makasama araw-araw. Patawarin mo ako kung gagawin ko 'to, babalik naman ako. Hindi ko nga lang alam kung kailan, pero pangako babalik ako. Aayusin ko lang ang buhay ko, at paghaharap na ako sayo gusto ko makikita mo ako na yung Stephen na hindi payat, hindi maputla, at hindi mahina"

Tumingin ako sa kaniya habang nasa pisngi ko ang kamay niya na hawak ko.

"I love you so much. Ngayon lang ako naging ganito, at masaya ako dahil sayo ko 'to naramdaman. Hon, thank you for changing me. Thank you for saving me. I will never forget you, you are my savior and my forever honey. Take care and be brave, fight for yourself not for me, but for yourself. I hope to see you again, someday. Goodbye, hon"

And in that moment, I left all the pain in my heart, mind, and soul. I left without anyone knowing. I started a new life, I faced it alone. Hopefully when I come back, everything will be fine.

--

Facebook page: Drklife

Continue Reading

You'll Also Like

132K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
8.7K 291 15
Matagal ng inlove si pappi sa kababata at matalik na kaibigan na si edison peralta. Kaya noong nasa kolehiyo palang sila ay sinubukan na niyang magta...
1K 169 30
"Because of love we learn to do things we can't do." Dinanas ni Isabela Cassandra Mortel ang lahat ng hirap sa buhay mula ng mamatay ang kaniyang mag...