The Alexus: The Present (GxG)

由 astraeatheuniverse

57.8K 2.6K 747

(GXG - Second Half) Dumako na sa bagong yugto ng buhay ang mga Alexus ngunit wala pa ring nakakaalam kung ano... 更多

Alexus 42: Introduction
Alexus 43: First Job
Alexus 44: Casabae's Work
Alexus 45: Shan?
Alexus 46: Dream
Alexus 47: Shots
Alexus 48: Words
Alexus 49: Meet and Greet with Shana Casabae
Alexus 50: Crystal's Girlfriend
Alexus 51: Date with Friends
Alexus 52: Again
Alexus 53: Art Gallery with Confession
Alexus 54: The Alexus
Alexus 55: Past
Alexus 56: Second Warning
Alexus 57: Truth
Alexus 58: Japan Battle
Alexus 59: Tour
Alexus 60: Tweet, Tweet!
Alexus 61: Three in Six
Alexus 62: fOreVER
Alexus 63: 18th
Alexus 64: School Fair
Alexus 65: Basketball
Alexus 66: Es-Es-Ay-Key
Alexus 67: A Trip
Alexus 68: University Trip
Alexus 68.5: University Trip
Alexus 69: Party
Alexus 70: Winter
Alexus 71: Old versus New
Alexus 72: Personalities
Alexus 72.5: Personalities
Alexus 73: Night
Alexus 74: 3 in 1
Alexus 75: 4th Floor
Alexus 76: Unusual Date
Alexus 77: Casabae
Alexus 77.5: Casabae
Alexus 79: Rules
Alexus 80: Hear Me
Alexus 80.5: Hear Me
Alexus 81: Decisions
Alexus 81.5: Decisions
Alexus 82: Ocean
Alexus 83: 10 Points!
Alexus 84: Square One
Alexus 84.5: Square One
Alexus 85: Eptá
Alexus 86: Forbidden Love
Alexus 87: Missing Piece
Alexus 87.5: Missing Piece
Alexus 88: Near

Alexus 78: QUEEN

713 47 23
由 astraeatheuniverse

Azel's POV

"Akala ko po ba hindi muna tayo tatabi?" Tanong ko kay Miss Shana na nakayakap sa akin habang nakapikit ngunit nakangiti.

Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at hinahaplos ang tiyan ko kaya hindi ko napigilang mailang sa ginagawa niya. "Wala naman akong sinabi na simula no'ng araw na 'yon hindi na tayo magtatabi." 

Bumuntong-hininga ako dahil ilang araw ng ganito si Miss Shana. Hindi ko rin siya makausap ng maayos dahil puro pambabanat lang ang isinasagot niya sa akin. Wala akong ideya kung bakit masaya siya araw-araw.

Gano'n pa rin ang ikot ng buhay naming dalawa. Busy pa rin si Miss Shana sa trabaho niya at sa Alexus. At ako naman ay palagi ring nakasunod sa kanya kung saan man siya magpunta at minsan pa ay kasama namin si Shaw kapag pinagsasabay ni Miss Shana ang trabaho sa Elite Fashionista at sa studio niya. Marami rin akong nakasalamuha na sikat na mga model pero walang makakatalo kay Miss Yuki dahil number one model pa rin siya sa Pilipinas at nasa top three siya sa buong mundo.

Kung usapang akademiko, naka-online class kaming pareho ni Miss Shana sa kadahilanang humihigpit lalo ang schedule niya. Naiintindihan naman ni Miss Zoe dahil hindi naman daw maiiwasan 'yon lalo na't hindi lang estudyante si Miss Shana. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss ang unibersidad na pinapasukan namin.

Naramdaman kong gumalaw si Miss Shana kaya napatingin ako sa kanya na umupo na. Umunat-unat pa siya at tumingin sa akin. "Huwag mong tingnan ang katawan ko. Ayoko namang pagnasaan mo ako."

Umiwas ako ng tingin no'ng umiling-iling siya at tumatawa. Minsan talaga hindi ko na talaga siya maintindihan. Malayo na siya sa Shana Casabae na nakilala ko. Tumayo na si Miss Shana at kinuha ang robe niya pero bago pa siya makalabas ng kuwarto ay tumunog ang cellphone niya.

"Shana, 'yong---"

"Sumunod ka na."

Sinara niya ang pintuan kaya naman napatingin ako sa side table dahil nando'n ang cellphone niya na tumutunog. Kinuha ko 'yon at tumatawag sa kanya si Shaw kaya sinagot ko.

"Hello, Shaw?"

"Where's Miss Shana?"

"Nasa sala siguro siya. May kailangan ka?" Tumayo na ako at inayos ko ang sarili ko para sumunod na kay Miss Shana.

"I need to talk to her about her upcoming show."

"Upcoming show?" Ulit ko at binuksan ko ang pintuan. Hindi ko nakita si Miss Shana sa sala kaya napatingin ako sa dining area no'ng may maamoy ako mabangong pagkain.

"Yes."

"Sandali lang, pupuntahan ko siya."

Pumunta ako sa dining area at nakita ko ro'n si Miss Shana na nagluluto ng almusal kaya tumabi ako sa kanya. Ang ganda niya sa pink na apron na may design na piglet sa gitna. Nakatitig lang ako sa omelette na niluluto niya dahil ang seryoso ng mukha niya.

"Azel?"

Natauhan ako no'ng marinig ko si Shaw at binigay ko kay Miss Shana ang cellphone niya. "Gusto ka raw pong kausapin ni Shaw."

"Loudspeaker." Utos ni Miss Shana habang seryoso na nagluluto.

Pinindot ko ang loudspeaker at nilapag ang cellphone sa lamesa. Napangiti ako no'ng hindi pa rin nagbabago ang mukha niya. Ilang araw na rin siyang ganyan sa tuwing magluluto siya at sa tingin ko hindi talaga siya sanay magluto pero masarap naman lahat ng niluluto niya kahit simple lang. Pang-ibang bansa kasi karamihan sa mga niluluto niya kaya hindi pamilyar sa akin ang mga pangalan at lasa ng mga 'yon.

"Good morning, Miss Shana." Bati ni Shaw.

"Hindi mo ba ako mahintay, Shaw?" Masungit na tanong ni Miss Shana.

"Sorry, Miss Shana."

"Anong kailangan mo?"

Kinalabit ko si Miss Shana habang nagsasalita si Shaw kaya napatingin siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

"Ako na po ang magluluto." Bulong ko.

"Ako na." Bulong niya pabalik at ngumiti. "Ano ulit 'yon?"

"I'm done with everything for the upcoming show and I want to ask if you have anything else to add?"

"Wala." Sagot ni Miss Shana. "Ilapag mo na lang din sa table ko lahat ng pipirmahan ko. May sasabihin ka pa ba?"

"About the appointment with Miss Cullen, Miss Shana."

Napahinto si Miss Shana sa sinabi ni Secretary Shaw at nagulat ako no'ng hubarin niya 'yong apron niya. "Sorry. Will you please take care of this?"

"A-Ah, sige po."

"Thank you." Sinuot ni Miss Shana sa akin ang apron at hinalikan ako sa ulo. Kinuha niya 'yong cellphone at nagmadaling tumungo sa sala.

Ipinagpatuloy ko ang iniwang omelette ni Miss Shana at hindi naman 'to mahirap gawin dahil ang naalala kong pangalan nito ay tamagoyaki o Japanese rolled omelette. Nalaman ko lang ito kay Miss Yuki no'ng minsan ko siyang makitang magluto sa mansion ni Miss Kaya. Hinanda ko na ang lamesa at sakto namang bumalik si Miss Shana na may kinakalikot sa cellphone niya.

"Are you done?" Tanong ni Miss Shana at umupo sa tabi ko.

"P-Po?"

"Tapos ka na ba kumain?" Tanong niya ulit habang nakatutok sa cellphone niya. Hindi ko maintindihan 'yong ginagawa niya dahil zoom in at zoom out lang ang napapansin ko.

"K-Katatapos ko lang po magluto." Sagot ko sa kanya at tumingin siya sa akin sabay sa lamesa. Natawa siya nang mahina at nilapag ang cellphone sa tabi.

"Sorry. Marami lang ako iniisip." Kinamot niya saglit 'yong tainga niya at napansin kong hindi mapakali ang kamay niya kaya hinawakan ko ito.

"May problema po ba?"

"W-Wala naman." Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Kain na tayo. Marami pa akong gagawin sa office ngayon."

Tumango-tango naman ako at hindi na nagsalita si Miss Shana pagkatapos no'n. Napansin ko rin na naipon din ang mga gawain niya simula no'ng makabalik kami ng Maynila. Halos hindi na rin siya makatulog dahil nakatutok lang siya sa laptop niya at dala niya pa minsan ang mga papeles dito sa condo unit kaya hindi na ako magtataka kapag dumating 'yong araw na buong araw siyang tulog.

No'ng matapos na kaming kumain ay nag-asikaso na kami papuntang opisina. Kinakalikot pa rin ni Miss Shana ang cellphone niya no'ng makaalis na kami sa unit niya at nagulat ako nang mauntog siya sa poste no'ng naglalakad na kami papunta sa kotse niya.

Imbis na matawa ay nagmadali akong pumunta sa kanya na hinihimas-himas 'yong noo niya. May pagka-clumsy rin pala si Miss Shana paminsan-minsan.

"Ayos ka lang po?"

"O-Oo." Nakasimangot siya habang nakatingin do'n sa poste sabay irap kaya natawa ako nang mahina. "Bakit?"

"W-Wala naman po. Tara na po."

Sumakay na kami sa sports car niya at nag-seatbelt na. Nalaman ko kay Miss Shana na hindi niya na ugaling kumuha ng driver dahil nawawalan daw siya ng privacy. Nirerespeto ko naman pero naaawa lang ako minsan sa kanya dahil sa tuwing uuwi kami ay pagod na pagod siya. Minsan pa nga ay inaalok siya ni Shaw na ipag-drive siya pero tumatanggi siya dahil alam niya rin daw na pagod na pagod na si Shaw.

"May sinend ba si Secretary Shaw na schedule ngayong araw?" Tanong ni Miss Shana sa akin habang nasa byahe kami.

"Tignan ko po." Kinuha ko ang iPad sa compartment at tinignan ang e-mail ni Miss Shana. Binuksan ko kaagad ang file no'ng makita ko ang pangalan ni Shaw. "Mayro'n po."

"Ano ang nasa schedule?"

"May meetings ka po ngayong umaga at photoshoot po mamayang hapon. Sa gabi naman po, work room po ang nakalagay."

"Photoshoot?" Tanong niya kaya tumango-tango ako. "Sino ang naka-schedule ngayon?"

"Si..." Nanlaki ang mga mata ko at para bang may napapansin akong lumilipad na maliliit na paruparo. Nananaginip ba ako?

"Si?"

Napalunok ako at ngumiti. "S-Si Miss Yuki po."

"Sabihin mo kay Secretary Shaw na i-reschedule niya."

Nanlaki ang mga ko no'ng tignan ko siya. "Bakit naman po?! Mukhang importante po 'yong photoshoot!"

"Marami namang time si Yuki." Kalmadong sabi ni Miss Shana. "I don't feel holding a camera today."

Tinignan ko ang schedule ni Miss Yuki na naka-connect sa e-mail ni Miss Shana at wala akong mapansing puting kulay sa schedule niya ngayong buwan.

"Wala pong bakanteng oras si Miss Yuki." Sabi ko sa kanya at medyo ngumiti pa ako. 

Gustong-gusto ko talagang makita si Miss Yuki na kinukuhanan sa harap ko dahil sa magazine ko lang nakikita ang pagmo-model niya. Matagal na niya akong tagahanga ngunit natatakot akong lumapit sa kanya tuwing nakikita ko siyang nakatambay sa sala o sa tabi ng swimming pool.

Nagulat ako no'ng biglang kinuha ni Miss Shana 'yong iPad at may ginawa siya bago ibalik sa akin. Hinanap ko naman kaagad kung ano 'yong ginawa niya at nagulat ako no'ng ilipat niya ang photoshoot sa susunod na buwan.

Nagtataka akong tumingin sa kanya ngunit kalmado lang siya habang nagtatanggal ng seatbelt. Napansin naman niyang tinitignan ko siya kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"What?"

"B-Bakit po sa susunod na buwan pa?"

"I told you, I don't feel---"

"Ituloy mo po!" Sigaw ko at nagulat ako no'ng mapagtanto ko ang ginawa ko.

Nanlaki ang mga mata niya pero saglit lang 'yon at tumingin sa harap sabay bumuntong-hininga. "Bakit mo ba pinipilit ang photoshoot ngayong araw?"

"G-Gusto ko lang po makita."

"I'm not in the mood." Sabi niya at kasabay no'n ang pag-ring ng cellphone niya. Bumuntong-hininga ulit siya at sinagot ang tawag. Binato niya 'yong cellphone sa taas ng dashboard kaya nagulat ako.

"Shana!" Dinig kong sigaw ni Miss Yuki na mukhang galit na galit. "Why did you reschedule our photoshoot?!"

"I don't feel holding a camera today." Ulit niya sa sinabi niya sa akin kanina. Nakatukod ang kamay niya banda sa door handle at nakatingin sa labas. Nandito na pala kami sa parking lot ng kumpanya ni Miss Shana.

"What do you mean? I'm busy for your information!"

"That's why I reschedule it." Masungit na sabi ni Miss Shana at nakita ko kung paano umikot ang mga mata niya.

"You know that this is really important!"

"We can just publish the next issue anytime you want after the photoshoot next month." Kalmadong sabi ni Miss Shana.

 "For heaven's sake, we will continue the photoshoot whether you like it or not!" Naiinis na sabi ni Miss Yuki at pinatay na ang tawag.

Bumuntong-hininga na naman si Miss Shana at napahilamos. "Bakit ba hindi niyo ako maintindihan?"

"B-Bakit po ba ayaw mo?"

"Tinatamad ako."

Ako naman ang bumuntong-hininga at nagulat ako no'ng hawakan niya ang mukha ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at sabay ngumiti.

"Umuwi ka na pagkatapos ko rito sa company."

Nagtaka naman ako dahil wala naman akong nakikitang dahilan para hindi niya ako isama sa mga lakad niya ngayon. "H-Hindi po ako pupunta ng studio?"

"No." Matigas ang pagkakasabi niya pero nakangiti pa rin siya.

"B-Bakit po? G-Gusto ko pong makita si Miss Yuki mamaya."

Biglang siyang sumimangot at tumaas ang kilay. Mukhang may mali ata akong nasabi. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa mukha ko at lumabas na sa kotse. Lumabas na rin ako at kitang-kita ko pa kung paano sumimangot ang mukha niya. Parang ayaw niya talaga akong isama ngunit hindi ko alam kung bakit.

Mabilis siyang naglakad kaya hinabol ko siya. Muntik pa nga akong matapilok dahil lakad-takbo na ang ginawa ko para lang mahabol siya. Sumakay na kami sa elevator pero wala akong narinig na isang salita mula kay Miss Shana.

Bakit ayaw niyang ituloy 'yong photoshoot ngayon?

Nakalabas na kami sa elevator at biglang tumayo si Shaw at binati si Miss Shana. "Good morning, Miss Shana."

"Ihanda mo lahat ng naka-assign para sa next issue ni Yuki." Walang reaksyon na sabi ni Miss Shana kay Shaw at tuloy-tuloy lang sa pagpasok hanggang sa makaupo siya sa table niya.

"I already talked the supervisor and---"

"Didn't you hear me? I want to release the magazine by next week."

"Miss Shana, we cannot expect the publisher to rush the next issue---"

Seryosong tinignan ni Miss Shana si Secretary Shaw na parang nawawalan ng pag-asa kalabanin ang boss niya. Wala akong magawa kundi manuod lang sa kanila at makinig habang nakatayo malapit sa sofa. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pinagdaraanan nila kapag may minamadali silang magazine na ilalabas sa publiko.

"It's the best way to promote our new collections."

Hindi na mapakali si Shaw dahil tinatapik-tapik niya ang mga daliri sa hawak niyang iPad. Kahit ako hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil wala naman akong ideya sa takbo ng business industry dahil estudyante pa lang ako.

"I don't recommend it, Miss Shana."

"I don't need your opinion."

"But Miss Shana, that's the day of your birthday celebration!" Sabi ni Secretary Shaw na nagpahinto sa amin ni Miss Shana.

B-Birthday ni Miss Shana? Ha? Kailan?

"You know I really don't care if it's my birthday or not. I want to increase our sales this year, do you understand?" Mariin na sabi ni Miss Shana kaya sa palagay ko walang nagawa si Shaw no'ng may ginawa siya sa iPad na hawak niya.

"Yes, Miss Shana. I understand."

"You may go."

Inikot ni Miss Shana ang swivel chair niya at nag-bow si Shaw bago umalis. Walang lumalabas sa bibig ko kahit na marami akong gustong itanong sa kanya pero alam ko naman na hindi ako makakatanggap ng matinong sagot mula sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas ay humarap ulit si Miss Shana at nagsimula na siyang magbasa ng mga papeles. Hindi ko na siya inistorbo at kinuha ko ang magazine sa table na nasa harap ko. Puro kay Miss Yuki ang magazine at mga latest issue kaya tinignan ko ito. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming bumibili ng mga disenyo ni Miss Shana dahil magaling mang-akit 'yong model niya na tipong unang kita pa lang ay gusto mo na kaagad bumili no'n kahit magkano pa.

Hindi ako madalas sinasama ni Miss Shana kapag si Miss Yuki ang model niya. Hindi ko alam kung bakit pero palagi lang niya sinasabi ay may pag-uusapan daw silang importante kaya naiintindihan ko naman.

"Gab." Tawag ni Miss Shana kaya lumapit ako sa kanya.

"A-Ano po 'yon?"

"Pumunta ka ng fifth floor at ibigay mo 'to sa kung sino man ang boss nila ro'n." Sabi ni Miss Shana nang hindi tumitingin sa akin at patuloy lang sa pagpirma. Mukhang masama ang timpla niya ngayon.

Kinuha ko ang folder na nasa kamay niya at napalunok ako. "G-Gusto mo po ba ng kape?"

"No need."

"I-Ito lang po ipapagawa mo?"

"Yes."

Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa malamig na sagot niya. "O-Okay po."

"Make it fast."

"Sige po."

Tinalikuran ko na si Miss Shana at nagulat ako no'ng tawagin niya ako ulit. Napatingin naman ako sa kanya na nakatingin lang sa mga papeles.

"Mag-iingat ka."

"I-Ikaw rin po."

Lumabas na ako sa office niya at nagpakawala ako ng hangin mula sa loob ng opisina ni Miss Shana. Nakakatakot 'yong atmospera na parang babagyo mayamaya. Ayoko talagang nakikita siyang gano'n at wala man lang akong ideya kung bakit naiinis siya.

Tumingin ako kay Shaw na mukhang stress na stress na dahil ang daming niyang binubuklat na mga papel at pasilip-silip pa sa iPad na nasa gilid o sa computer na nasa harap niya.

Nilampasan ko na siya pero bago ako makasakay sa elevator ay tinawag ako ni Shaw. "Azel."

Tumingin naman ako sa kanya na nakatutok pa rin sa papeles. "B-Bakit, Shaw?"

"Saan ka pupunta?"

"May pinapautos si Miss Shana sa baba."

Napatingin naman sa akin si Shaw at tumayo. "Ako na ang bahala d'yan. Bumalik ka na sa loob."

Umiling-iling ako at ngumiti. "Wala naman akong ginagawa. Unahin mo muna 'yang mga pinapagawa sa 'yo."

"What floor?"

"Fifth floor daw."

May sinulat si Secretary Shaw at binigay niya 'yong maliit na papel sa akin. Kulay ginto 'yon.

"Bago ka makapasok may guard na haharang sa 'yo. Ibigay mo 'to sa kanya."

Kinuha ko naman 'yon at nagpasalamat sa kanya. "Balik ka na ulit sa trabaho mo. Salamat dito."

"Walang anuman."

Biglang may pumasok sa utak ko at napatingin ulit kay Shaw. "Shaw, pwede ba akong makahingi ng pabor sa 'yo?

Lumapit ako sa kanya at sinabi ang pabor ko. Ayokong mag-expect ng malaki ngunit sana gumana. Sumakay na ako sa elevator pagkatapos kong kausapin si Shaw at tinitigan ko lang 'yong papel na sinulat niya.

"Shut or we will talk later." Banggit ko sa nakasulat kaya nagtaka ako. Aanhin naman 'to ng guwardiya?

No'ng tumunog na ang elevator ay lumabas na ako. Napakalawak ng palapag na 'to at ang daming mga cubicle kung saan nagtatrabaho ang mga nag-oopisina. Sa susunod ako naman ang nandito.

Panglimang hakbang ko palang no'ng harangin ako ng dalawang guwardiya. Tama nga si Shaw sa sinabi niya.

"Anong kailangan mo rito?" Tanong no'ng guwardiya na mukhang nasa 20's.

"Nagtatrabaho ka ba rito?" Tanong din no'ng isa na nasa 50's.

"Hindi po pero may pinapaabot po si Miss Shana sa akin."

"Nasaan si Secretary? Ngayon lang kita nakita rito." Tano'ng no'ng mas batang guwardiya.

"Nasa taas po." Sagot ko naman at tumango-tango sila.

Walang nagsalita sa amin pagkatapos at hinihintay ko lang silang umalis sa harapan ko pero nakatayo lang sila at tinitignan ako. Hindi ko alam kung matatakot ako o hindi dahil inutusan lang naman ako.

"Wala bang bilin sa 'yo? Hindi namin alam kung totoo ba 'yong mga sinabi mo." Sabi no'ng mas matanda.

Nabigla naman ako at nagmadaling ibigay sa kanila 'yong pinapaabot ni Shaw. Nakalimutan ko 'yong bilin sa akin. Nakita ko namang binasa nilang dalawa 'yong mensahe ni Secretary Shaw at umiling-iling.

"'Yong bata na 'yon walang talagang pinili kung sino tatanggalan ng trabaho."

"Oo nga, Mang Ron. Halos araw-araw may bagong mukha tayong nakikita."

Napatingin naman silang dalawa sa akin na nakikinig lang sa usapan nila kaya natawa sila.

"Sige na, hija. Lahat ng makikita mong pinto na kulay puti, pumasok ka lang do'n." Sabi naman no'ng mas matanda na nagngangalang Mang Ron kaya ngumiti ako.

"Salamat po."

Naglakad na ako at tinignan ko lang 'yong mga cubicle. Tahimik na nagtatrabaho 'yong mga empleyado kaya napangiti ako. Ganito siguro ako kapag naka-graduate na ako. Hindi ko na kailangan pang maging assistant.

Pumasok na ako sa kulay puti na pinto at nagulat ako sa bumungad sa akin. Mga nagtatakbuhang mga empleyado, nakakalat na mga papel, tunog ng mga telepono at kung ano-ano pa. Lahat sila nagpa-panic kaya napapalunok ako.

Anong opisina 'to?

Malapit lang sa pwesto ko ang kulay puti na pintuan kaya pumunta kaagad ako ro'n. Halos mabunggo na rin ako ng mga nagmamadaling empleyado kaya napasinghap ako. Bakit pakiramdam ko kasalanan ko na nangyayari 'to?

Pumasok na ako sa huling pintuan at nando'n 'yong supervisor na nakahawak na sa noo niya. Mukhang hindi niya na alam ang gagawin dahil ang daming papeles sa lamesa niya at may telepono pa sa tainga niya.

"Ikaw ba 'yong pinapunta ni Miss Shana? Umupo ka muna." Turo niya sa sofa na nasa gilid kaya umupo ako ro'n.

Medyo may kalakihan ang office niya pero punong-puno ng mga papeles ngayon dito na kahit ang coffee table ay may mga papeles din.

"Sinabi ko naman sa 'yo na ihanda na 'yon! Alam mo namang pagkatapos ni Miss Shana kunan si Miss Yuki ay pupunta na kaagad dito ang mga taga-studio!" Dinig kong sigaw no'ng boss nila rito kaya napalunok ako.

Dapat pala hindi na ako nakialam sa reschedule ni Miss Shana. Gusto ko tuloy sisihin ang sarili ko ngayon.

"Dapat lahat ay malinis! Kapag hindi inaprubahan ni Miss Shana ang mga proposals niyo regarding sa flow ng magazine, magpaalam na kayo sa kumpanyang 'to!" Sigaw niya ulit kaya napapikit ako. "Tawagan mo ako after five minutes!"

Wala na akong narinig pa pagkatapos no'n at nagulat ako no'ng umupo sa harap ko 'yong boss nila rito. Mukhang stress na stress na rin siya pero wala naman akong magawa dahil ayaw rin ni Miss Yuki i-reschedule 'yong photoshoot niya mamaya.

"May I have the folder?" Sabi no'ng boss nila rito. Maganda siyang babae at nasa 40's na siguro.

Inabot ko naman ang folder at napapikit siya matapos niyang basahin ang nasa loob. Hindi ko alam kung anong nilalaman no'n pero mukhang dadagdag 'yon sa mga iisipin niya.

"Pagod na ako. I need a break." Sabi niya at napasandal na siya.

"P-Pasensya na po." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"P-Parang kasalanan ko po kasi na nangyayari 'to ngayon. Pinilit ko po kasi si Miss Shana na ituloy 'yong photoshoot."

Umupo siya ng maayos at ngumiti. Kahit halata sa mukha niya ang pagod ay napagaan ako ng isang matamis niyang ngiti. "It's okay. Wala kang kasalanan dahil wala namang bago sa ginagawa namin."

Pinirmahan niya 'yong folder na binigay ko sa kanya at saktong tumunog ulit ang telepono kaya tumayo 'yong babaeng boss nila rito. "Excuse me."

Sinagot niya ang tawag at bago pa siya makapagsalita ay napalunok siya. Tumingin siya sa gawi ko kaya nagtaka naman ako no'ng nakatitig lang siya sa akin habang kinakausap 'yong nasa kabilang linya.

"Opo. Nabasa ko na po. Salamat po." Binaba na niya 'yong telepono at bumuntong-hininga. "Pinapaakyat ka na ni Miss Shana."

Napatingin naman ako sa orasan at anong oras na pala. Napatayo naman ako at nag-bow sa kanya. "S-Salamat po!"

"Para saan?" Tumawa ng mahina at tumango-tango sabay abot ng folder sa akin. "Sige na. Baka mainis pa 'yon sa akin dahil mukhang wala siya sa mood ngayon."

Ngumiti naman ako sa kanya at nagpaalam na. Gano'n pa rin ang nadatnan ko na sitwasyon sa loob ng opisina pero nakalabas naman ako kaagad. Sa tingin ko itong katabi nilang office ay konektado sa studio dahil may naririnig ako na pag-uusap ng empleyado mula ro'n sa magulong office saka mula rito sa labas na tahimik lang. Nasa tabi lang ang dalawang guard na nakatutok ang isa sa laptop at si Mang Ron naman ay ngumiti sa akin kaya nginitian ko siya pabalik.

Umakyat na ako sa itaas at nadatnan ko si Shaw na busy pa rin. Hindi niya ako tinapunan ng pansin kaya dire-diretso naman akong pumasok sa opisina ni Miss Shana at nagulat ako no'ng may humigit sa akin at sinandal ako sa pader.

Napalunok naman ako hindi dahil sa nakakatakot na awra ni Miss Shana kundi sa mga mata niyang akala mo ay may papatayin mayamaya.

"Ang tagal mo." Sabi niya sa akin na may halong reklamo. Kaninang umaga ang sweet niya pero kapag trabaho ang usapan umiiba talaga siya.

"S-Saglit lang naman po ako." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mukha niya. Napakaganda pa rin. "Kaya mo po ba pina-reschedule 'yong photoshoot dahil alam mo pong mangyayari 'to?"

Hindi siya nagsalita at bumuntong-hininga na lang. Niyakap niya ako at nagulat ako no'ng isiksik niya ang mukha niya sa leeg ko sabay bulong. "Huwag ka nang sumama sa studio."

"B-Bakit po?"

"Ayoko lang."

Hindi na ako nagsalita at nanatili lang ang gano'ng posisyon namin ng ilang minuto bago niya ako pakawalan. Kinuha niya 'yong bag sa lamesa at nabigla naman ako dahil wala nang papeles sa lamesa niya. Natapos niya kaagad lahat 'yon?

"We need to go. Nasa baba na si Crystal."

Tumango-tango naman ako at hinila niya na ako. Hindi na kami nagpaalam kay Shaw dahil magkikita naman kami mamaya. Sobrang busy talaga niya ngayon kaya hinayaan na namin.

Nakababa na kami at nando'n si Miss Crystal na naka-shades at nakasimangot habang nakaupo sa harap ng kotse niya. Sports car ang dala niya pero may apat na upuan hindi katulad do'n sa mga kotse ni Miss Shana na dalawa lang.

"Ilang oras pa ba akong maghihintay sa 'yo, Shana? Sawang-sawa na akong maghintay."

"Walang may sabing maghintay ka." Umikot ang mga mata ni Miss Shana. "Bakit hindi mo pinagsabihan si Yuki? Alam niyo namang marami akong trabaho."

"Late mo na kasi naisipang ilipat ang schedule." Umiling-iling si Miss Crystal at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang jacket. "Ayaw mo bang kumuha ng photographer? Kung gusto mo kokontakin ko lahat ng sikat na photographer sa Pilipinas."

"At sino ang nangunguna?"

Sumimangot si Miss Crystal at umirap. "Oo na. Ikaw na. Binabawi ko na 'yong sinabi ko."

Pinagbuksan ako ni Miss Shana ng pintuan sa likod dahil sa harap siguro siya uupo, tatabi kay Miss Crystal. Sumakay na rin silang dalawa at nag-seat belt na.

"Nando'n na ba si Yuki?" Tanong ni Miss Shana kay Miss Crystal no'ng pinaandar na ni Miss Crystal ang sasakyan.

"Kanina pa! Ayaw ngang magpaawat dahil hindi raw siya aalis do'n hangga't hindi ka sumusulpot." Natatawang sabi ni Miss Crystal. "Nando'n din 'yong manager, makeup artists at kung sino-sino pa na hindi ko kilala."

"Maraming tao sa labas?"

"Wala akong pinost sa page mo dahil alam ko namang rush 'tong gagawin nating release. Ayaw ba ni Yuki i-reschedule?"

"Oo." Bumuntong-hininga si Miss Shana. "Sayang din ang sales kapag hindi natin isinabay."

"Pero party mo 'yon, eh."

"Business is business, Crystal. May bago pa ba?"

"Wala." Bumuntong-hininga rin si Miss Crystal. "Nakahanda na 'yong mga susuotin ni Yuki ro'n at may idadagdag ka pa ba?"

"Para kang si Shaw." Sabi ni Miss Shana. "Nando'n na ba 'yong partner niya?"

"Hindi ko lang alam kung makakapunta dahil ngayon ang operation niya sa ibang bansa."

Napatingin si Miss Shana kay Miss Crystal. "Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Chill ka lang!" Natatawang sabi ni Miss Crystal. "Malalaman naman natin kapag wala pa siya ro'n sa oras ng photoshoot nilang dalawa ni Yuki since solo muna ni Yuki ang uunahin mo, 'di ba?"

"What if wala siya?"

"Leave it to me!" Tumawa si Miss Crystal at nagulat ako no'ng lumakas ang tunog ng kanta sa loob ng sasakyan. "Ang harsh mo, Shana!"

"Shut up and drive."

Mayamaya ay nakarating na kami sa studio ni Miss Shana. Wala naman masyadong tao maliban sa mga customer na labas-pasok. May nakikita rin akong sumisilip-silip kapag napapadaan sila sa studio kaya hindi ko maiwasang ngumiti dahil parang dati lang ako ang nasa pwesto nila.

"Gab." Tawag ni Miss Shana kaya napatingin ako sa kanya. Nagmadali naman akong kunin 'yong mask niya at cap sa hawak kong bag sabay bigay sa kanya. "Thank you."

"Buti hindi ka dinudumog, Azel." Komento ni Miss Crystal kaya naman nagtataka akong tumingin sa kanya.

"B-Bakit naman po?"

"Palagi kang nasa picture kung saan man magpunta si Shana. May mga nakikita rin akong comments na sana kaibigan ka raw nila para makalapit sila kay Shana." Natatawang sabi ni Miss Crystal.

"G-Gano'n po ba." Ngumiti ako dahil naalala ko na naman si Janella, 'yong kaibigan ko.

Tumingin si Miss Crystal kay Miss Shana at may inabot siya rito. "Kunin mo 'to at pumasok ka na. Susunod ako."

"Hindi ko naman kailangan 'to." Sabi ni Miss Shana habang nakatingin do'n sa maliit na bilog na binigay ni Miss Crystal.

Lumingon si Miss Crystal sa akin at ngumuso. Pinapaalis na niya kami.

"M-Miss Shana, tara na po."

Lumabas na ako at may sinabi pa si Miss Shana kay Miss Crystal bago lumabas. Habang naglalakad kami papuntang studio ay nagulat ako no'ng sinuotan ako ni Miss Shana ng sumbrero.

"Mas kailangan mo po 'to." Sabi ko habang hawak 'yong sumbrero.

"Kahit naman naka-costume pa ako, makikilala pa rin ako dahil sa height ko." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya ngumiti rin ako.

"Gusto mo pong bawasan ko?"

"Paano? Ganito ba?" Dahan-dahan siyang yumuko kaya hinawakan ko ang balikat niya. "Bakit?"

"Miss Shana, boss po kita ngayon."

Bumalik siya sa pagkakatayo at nilagay ang kamay sa baba niya. "Pero girlfriend kita."

"M-Miss Shana!" Tawag ko at medyo nagulat no'ng nasigawan ko siya. "P-Pumasok na po tayo."

"Ang cute mo." Natatawang sabi ni Miss Shana at naglakad na.

Napansin ko naman na umiinit 'yong mukha ko kaya yumuko ako. Wala talagang pinipiling lugar si Miss Shana kapag bumabanat siya. Paano na lang kapag nahuli kaming dalawa?

Wala naman masyadong nakapansin kay Miss Shana dahil marami ring matatangkad na dumaan kaya nakahinga ako ng maluwag. Pumasok na kami sa studio at dito ko na masasabi na marami ang nakapansin sa kanya dahil ang kaninang maraming ginagawang mga tauhan ay biglang tumayo ng tuwid at yumuko no'ng makita ang babaeng nasa tabi ko.

May mga tao rin sa lobby na nagtitilian at 'yong iba pa ay abot tainga ang ngiti. Bawal picture-an si Miss Shana kaya lumapit 'yong guard do'n sa babaeng magtatangka sana. Oo nga 'no? Wala pa kaming picture ni Miss Shana na magkasama maliban do'n sa mga stolen shots na kumakalat sa internet.

Napansin kong may lumapit kay Miss Shana na magandang babae at medyo mataas sa akin. May inabot siyang iPad at tiningnan 'yon ni Miss Shana.

"Sabihan mo si Crystal kapag dumating na siya." Sabi niya ro'n sa babae at binigay ulit ang iPad do'n sa babae.

"Yes, Miss Shana."

Naglakad na si Miss Shana kaya sumunod ako. Maraming nakasunod sa amin kaya naiilang ako. Palagi namang ganito ang nadadatnan ko pero hindi pa rin ako kumportable. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nobya ko ang babaeng tinitingala ng lahat.

Pumasok na kami sa loob at napansin kong napakalawak ng kuwartong ito. Doble ang lawak niya sa mga normal na studio na napupuntahan namin. Marami ring mga tao sa paligid kaya hindi ako mapakali. Ganito ba karami ang mga tao rito kapag si Miss Yuki ang model?

"Shana!" Nagulat ako no'ng mahinang sinuntok ni Miss Yuki si Miss Shana sa braso. Mukhang inaayusan si Miss Yuki dahil may mga kung ano-anong nakasabit sa buhok niya at naka-robe pa siya.

"Be professional, Yuki." Rinig kong bulong ni Miss Shana dahil katabi lang niya ako.

"Paano ako magiging professional kung nataranta lahat ng cells ko sa katawan!" Reklamo ni Miss Yuki habang nakapamewang.

"Wala nga ako sa mood mag-photoshoot." Kalmadong sabi ni Miss Shana at mukhang pagod na pagod na.

"Seryoso ka ba d'yan?! Ano bang nangyari?!"

"Wala naman. About business stuffs, I guess."

"Whatever." Inirapan ni Miss Yuki si Miss Shana at nagulat ako no'ng tignan niya ako. "Hi, Azel! Ngayon lang kita nakita sa photoshoot ko, ah?" Bati ni Miss Yuki.

"M-Magandang hapon po." Yumuko ako at tinignan siya. "M-Marami po akong ginagawa."

"I see." Hinead to toe ako ni Miss Yuki pero nanlaki ang mga mata ko no'ng humarang si Miss Shana.

"Huwag mo nang paghintayin ang mga nag-aayos sa 'yo."

"Alright!"

Umalis na si Miss Shana sa harapan ko at wala na rin si Miss Yuki. Humarap siya sa akin kaya tinignan ko siya. Hindi pa rin ako sanay sa setup naming dalawa kahit na palagi naman kaming ganito. Siguro dahil girlfriend ko na siya ngayon... hindi ko alam.

"Ihanda mo 'yong camera ko. Magpapalit lang ako ng damit."

"Sige po."

Umalis na si Miss Shana at kinuha ko ang camera niya sa table ni Miss Crystal. Hindi ko alam kung anong lens ang gagamitin niya kaya naman hinintay ko na lang siya. Tinignan ko ang paligid at napakaraming tao. Hindi pwedeng bawasan ang mga tao dahil lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa. May nag-aayos ng lights, susuotin ni Miss Yuki at kung ano-ano pa.

"N-Nasaan si Shana?"

Napatingin ako kay Miss Crystal na pawis na pawis at hinihingal pa.

"Magbibihis daw po siya." Sagot ko. "Gusto mo po ba ng tubig?"

"Hindi na kailangan. Salamat."

"Ano po palang lens ang gagamitin ni Miss Shana?"

"Ilagay mo na lang sa harap. Siya na ang bahala ro'n."

Tumango-tango naman ako at inilagay ang mga gamit sa lamesa na nasa gitna. Maliwanag banda ro'n gawa ng background kung saan kukuhanan si Miss Yuki. Hindi ako mapakali dahil ngayon ko lang siya makikitang kuhanan sa personal.

Nakayuko akong naglakad pabalik sa table ni Miss Crystal at nagulat ako no'ng may mabangga ako. "P-Paumanhin po!"

Inayos niya ang salamin niya at ngumiti. "Ayos lang. Baguhan ka ba rito?"

"H-Hindi po."

"Anong pangalan mo?"

"Azel Montenegro po."

Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti ng matamis. Mukha siyang masungit at may hawak pa siyang pamaymay. Mamahalin din ang mga suot niyang mga damit at puro tatak ng Elite Fashionista ang nakikita ko kaya naman napaiwas ako. Hindi ko alam kung naiirita siya sa akin o hindi dahil iba ang sinasabi ng bibig niya sa mata niya.

"Assistant ka ni Miss Shana, tama ba ako?"

"O-Opo."

"See you around." Ngumiti siya sa akin at umalis na.

Hindi ko na siya tinignan pa dahil naiilang ako sa mga tingin nila sa akin. Pumunta na ako sa table ni Miss Crystal at nando'n lang siya, kumakain ng chips.

"Huwag kang kabahan, Azel. Tao lang din sila kagaya mo."  Sambit ni Miss Crystal.

Tumabi ako sa kanya at pinagdikit ko ang mga kamay ko dahil nanlalamig ako. Gusto kasi ni Miss Shana na malamig ang paligid niya.

Lumabas na si Miss Shana galing sa isang kuwarto. Napanganga ako at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya papalapit sa inihanda kong camera at lenses. Naka-v-neck shirt sya na itim, jeans na kulay dark blue, sneakers, naka-relo at kalahati ng buhok niya na banda sa taas ay naka-top knot.

"Oh~ ang hot naman! Lahat sila napanganga, oh." Puri ni Miss Crystal kay Miss Shana kaya natauhan ako.

Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay napahinto sa ginagawa nila. Nakanganga sila at 'yong iba pa ay napapalunok. Gusto ko sanang sabihin sa kanila na akin 'yang babaeng 'yan pero mapapagalitan ako ni Miss Shana.

"Gawin niyo ang mga trabaho niyo." Sabi ni Miss Shana kaya naman umiwas silang lahat ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa nila.

"Ano ba 'yan! Bakit mas maganda pa sa akin 'yong photographer?!" Reklamo ni Miss Yuki. Suot niya na ang isa sa mga collection na ilalabas ng Elite Fashionista kaya naman excited akong makita ang output no'n. Hindi na ako makapaghintay!

"Pumwesto ka na." Sabi ni Miss Shana na inayos 'yong lens na gagamitin at may pinipindot siya sa camera niya.

"Okaaay!"

Nagsimula na sila at hindi ko maiwasang mamangha sa itsura na ipinapakita ni Miss Yuki. Ganito pala kapag nasa likod ng camera. Nakakakaba na nakaka-excite!

"Good. Ganyan ka lang. Isipin mo kung anong feeling kapag maraming camera ang nakatutok sa 'yo." Sambit ni Miss Shana kay Miss Yuki. Medyo natatawa pa si Miss Yuki pero sinamaan siya ng tingin ni Miss Shana.

Narinig ko namang bumungisngis si Miss Crystal kaya tinignan ko siya. Wala namang nakakatawa ro'n pero patuloy lang sa pagtawa si Miss Crystal ngunit mahina lang.

"B-Bakit ka po tumatawa?"

Tumingin siya sa akin at umiling-iling. "W-Wala. Akala ko kasi ako 'yong minumura."

"P-Po?"

"Don't mind me, Azel. Lumapit tayo banda ro'n para makita mo lalo."

Lumapit kami at lahat kaming nasa likod ng camera ay nakatitig lang sa dalawang taong parang may sariling mundo. Hinahayaan lang ni Miss Shana si Miss Yuki dahil mukhang alam na ni Miss Yuki ang mga ganitong concept---evening gowns.

Nakita kong tinignan ni Miss Crystal ang cellphone niya at bigla itong tumunog kaya nag-panic siya. Nabitawan pa niya 'yong hawak niyang chips.

"Silence!" Sigaw ni Miss Shana.

"Sorry!" Paumanhin ni Miss Crystal.

Hindi sinagot ni Miss Crystal ang tawag pero sumimangot siya no'ng tignan niya ang cellphone niya. Hindi ko alam kung anong tinitignan niya pero umiba ang awra niya ngayon kesa kanina.

Lumipas ang ilang oras ay tumawag na si Miss Shana ng break kaya naman nakahinga nang maluwag ang mga tao rito. Ilang beses din kasing nagkamali si Miss Yuki at napansin ko na puro perfect na anggulo ang kinukuhanan ni Miss Shana.

Ito ba ang dahilan kaya ayaw niya akong papuntahin sa photoshoot nila ni Miss Yuki? Baka mapuna ko ang mga kilos na ginagawa niya?

Maraming lumapit kay Miss Shana pero nginitian niya lang ang mga 'yon at lumapit sa akin. "Follow me."

Pumasok kami sa kuwarto kung saan siya nagpalit kanina. Napakalawak pero nagulat ako no'ng ang daming pagkain sa bandang gitna.

"Nagugutom ka ba?" Tanong sa akin ni Miss Shana. Lumapit siya ro'n at sumubo ng nuggets.

"Hindi naman po."

"Anong gusto mo?"

"W-Wala po."

Tumingin sa akin si Miss Shana at nakataas ang isa niyang kilay. "Wala pa tayong lunch. Imposibleng hindi ka nagugutom."

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Wala talaga akong ganang kumain dahil sa porma niya ngayon. Masyadong... hindi ko maipaliwanag.

"Sigurado ka ba talaga, Gab?"

"O-Opo."

"O baka naman nabusog ka katititig sa akin?" Nakangiting sabi ni Miss Shana habang may brownies sa kamay niya. Kung ano-ano ang mga pinagkukuha niya at mukhang gutom na gutom siya.

Hindi ko siya pinansin at umupo sa tabi. May mga damit sa paligid pero hindi ko alam kung saan kinuha ni Miss Shana 'yong suot niya ngayon dahil wala akong maalala na nagdala ako ng gano'ng damit at puro dress lang ang nandito.

Tumabi sa akin si Miss Shana at hindi ko naiwasang humikab ngunit nagulat ako no'ng subuan niya ako ng nuggets kaya naman tumawa siya.

"Sorry, Gab!" Paumanhin ni Miss Shana pero natatawa pa rin. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang ngumunguya ako. Ayoko nga sabing kumain.

"May susunod pa po pagkatapos nito?" Tanong ko sa kanya at kumuha sa hawak niyang bowl na puro nuggets. Ang sarap pala.

"Yes pero may kasama na si Yuki."

"Sino po?"

"I think si---"

Bigla kaming napatingin no'ng may marinig kaming kalabog ng pinto. Napaupo si Miss Crystal sa sahig at hinahabol ang kanyang hininga habang nakalagay sa mukha niya ang mga kamay niya. Anong mayro'n?

"Hindi mo naman kailangang magmadali." Sambit ni Miss Shana at patuloy lang sa pagkain ng nuggets.

"M-May problema!"

"Ano?"

"Natuloy siya sa ibang bansa!" Singhal ni Miss Crystal at mukhang nag-aalala na.

"Akala ko ba ikaw ang bahala?" Kalmadong sabi ni Miss Shana.

"Alam mo namang charot lang 'yon!"

Napatingin ako kay Miss Shana na nilagay 'yong bowl sa kandungan ko at tumayo sabay umunat-unat. "Anong gagawin ko, Crystal?"

"Shana naman, eh!"

Tumingin sa akin si Miss Shana at tinuro 'yong bowl. "Ubusin mo 'yan bago ka lumabas. Naiintindihan mo ba ako?"

Lumunok ako at tumango-tango. Marami pang natitirang nuggets pero wala naman na akong nagawa dahil kahit anong iutos niya ay gagawin ko.

"Opo."

Binalik ni Miss Shana ang tingin sa kaibigan. "Sa labas tayo mag-usap, Crystal."

Sa isang saglit ay wala na silang dalawa sa paningin ko kaya naman kinuha ko ang cellphone na ibinigay sa akin ni Miss Shana. Kulay berde ang buong katawan ni Io sa screen kaya sa tingin ko ay maayos naman siya ro'n sa bahay ni Miss Wine.

Inubos ko na ang nuggets ni Miss Shana ngunit nagulat ako no'ng may tumawag. Nagmadali naman akong sagutin 'yon dahil ngayon pa lang na may tumawag sa cellphone na 'to maliban kay Miss Shana.

"H-Hello?"

"Azel!"

Kumunot ang noo ko no'ng makarinig ako ng pamilyar na boses. "Frances?"

"Azel!" Naiiyak na tawag ni Frances sa akin. "Kumusta ka na? Tama ba 'yong desisyon ko? Pero once in a lifetime experience 'yon, eh! Azel, I don't know what to do!"

"K-Kalma ka lang, Frances! Ano bang nangyari?"

"Hindi ako pumunta sa photoshoot ni Miss Shana." Naiiyak na sabi ni Frances.

"I-Ikaw 'yong kasama ni Miss Yuki?"

"Yes!" Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Frances. "H-Help me, Azel. Hindi ko alam kung iba-block ba nila ako or what."

"S-Sige, susubukan ko siyang kausapin."

"T-Thank you, Azel! I miss you!"

"Mag-iingat ka d'yan, Frances."

"For you!  Ako na ang susunod sa operation. Bye, Azel!"

Pinatay na ni Frances ang tawag at bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko naman hawak ang desisyon ni Miss Shana pero susubukan ko siyang kausapin. Naalala ko tuloy ang sinabi nina Frances at Erin na hindi sila tatanggapin dahil retokada sila. Sa tingin ko wala naman 'yon kay Miss Shana basta magawa ng maayos ang trabaho.

E-Erin?! Oo, si Erin!

Patakbo akong pumunta sa pintuan at binuksan ito. Si Erin ang irerekomenda ko tutal model din siya katulad ni Frances. Hindi naman siguro masama dahil parehas na silang naka-move on ni Miss Crystal, 'di ba?

"Miss Sha---"

"Oh, great! Perfect timing!" Pumalakpak 'yong babaeng nabangga ko kanina kaya nagtataka akong tumingin sa kanya---sa kanila pala dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Si Azel ang tinutukoy mo, Mamsh?" Tanong ni Miss Yuki ro'n sa babae. Sa tingin ko siya 'yong manager ni Miss Yuki.

M-Manager?!

"I already told you that I will not allow her to be the replacement model!" Naiinis na sabi ni Miss Shana habang nakatingin sa Manager ni Miss Yuki.

Naguguluhan ako dahil gusto ko lang naman irekomenda si Erin sa kanila pero bakit nakatuon ang pansin nila sa akin?

"She has a good physique, innocent face and unique personality! Bakit hindi na lang siya tutal ikaw ang nagsabi na ako ang pumili ng babagay kay Yuki?"

Tumingin ako kay Miss Crystal na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam ang iniisip niya ngunit tumatango-tango siya.

"Anyone but not my assistant!"

Hindi siya pinansin ng Manager ni Miss Yuki at tumingin lang siya kay Miss Crystal. "What do you think, Miss Reed?"

Bigla namang tumingin si Miss Crystal sa Manager ni Miss Yuki at napalunok. "Ayos lang sa akin pero si Shana pa rin ang susundin ko."

"Yuki?" Tawag naman ng Manager kaya napatingin si Miss Yuki na kanina ay nakatingin sa akin.

"Excuse me?"

"What do you think?"

Umayos ng upo si Miss Yuki habang may hawak na kape sa kamay niya at tinignan ako ng maigi. Ano ba ang pinag-uusapan nila?

"Okay lang din sa akin as long as pumayag si Azel."

"Yuki!" Tawag ni Miss Shana at tumingin sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero bumuntong-hininga lang siya. "Ayusan niyo si Gabrielle."

-----

Lumapit na kami ni Miss Crystal banda kay Miss Shana at kanina pa ngumingiti nang malawak ang Manager ni Miss Yuki. Samantalang ako, kanina pa kinakabahan dahil wala naman akong karanasan sa mga ganitong bagay. Medyo hindi pa ako makalakad nang maayos dahil ang taas ng heels. Kailangan ko raw pantayan kahit papaano si Miss Yuki.

"See? She's perfect!"

Tumingin sa akin si Miss Shana kaya yumuko ako. Alam kong pwede naman akong tumanggi pero wala na akong nagawa dahil nagdesisyon kaagad si Miss Shana.

"Join me, Azel!" Dinig kong sabi ni Miss Yuki kaya kinabahan ako lalo.

"Kumalma ka lang. Isipin mo na kayong tatlo lang ang nandito." Bulong ni Miss Crystal kaya tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa harap. "Alam kong gusto mong irekomenda si Erin pero baka mapahamak siya kapag nagkita sila ni Yuki."

"P-Pasensya na po."

"Samahan mo na si Yuki. Kaya mo 'yan, Azel!"

Ngumiti ako kay Miss Crystal at tumango-tango. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ni Miss Crystal pero natutuwa ako dahil naiisip niya pa rin si Erin. Wala na akong masyadong balita sa kanya dahil gusto ko muna siyang hayaan na makapag-isip-isip.

Tumabi na ako kay Miss Yuki na nakatayo. May box sa tabi niya at tinapik-tapik niya 'yon gamit ang paa niya kaya umupo ako ro'n. Bale ang posisyon namin ay naka-upo ako sa box at 'yong paa niya ay nakapatong ro'n habang nakatayo siya.

Naka-evening gown kaming dalawa ni Miss Yuki at hindi ko maitatanggi na sobrang ganda niya ngayon. Gusto ko lang naman siyang makita pero hindi ko inaasahan na mabibigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang mga ganitong bagay.

"Azel, look at me."

Tumingin ako kay Miss Yuki na seryosong nakatingin sa akin pero ang sexy ng ekspresyon niya kaya napalunok ako.

"Who told you na magtinginan kayong dalawa?" Napatingin ako kay Miss Shana na nakakunot ang noo kaya umiwas ako ng tingin.

Miss Yuki, girlfriend ko 'yong photographer natin!

"Ah, I thought ako pa rin ang magli-lead." Nakangiting sabi ni Miss Yuki kay Miss Shana.

"Follow my instructions from now on."

"Be professional, Shana."

"I am." Seryosong sabi ni Miss Shana.

Nagsimula na kami ulit at hindi ko mapigilan na mapatingin kay Miss Crystal na natatawa pero pinipigilan niya lang sa paraan ng pagkagat niya sa mga kuko niya dahil baka magalit ulit si Miss Shana sa kanya.

"Tumalikod kayo sa isa't isa. Gusto ko ng fierce."

Sinunod namin si Miss Shana at kinuhanan kami ngunit nagulat ako no'ng pinaharap ako ni Miss Yuki sa gawi ni Miss Shana at inilagay ang kamay sa baywang ko.

"Fierce, Azel." Sambit ni Miss Yuki kaya naman ginawa ko ang sinabi niya at tumingin ako banda kay Miss Shana na walang emosyon. Ganito ba siya kapag camera ang hawak niya?

Ilang oras din ang lumipas at marami ang ginawa naming posisyon katulad ng umupo sa magandang upuan ngunit nakahiga, hawakan ang mukha ng isa't isa, nakatalikod ang isa samantalang ang isa ay nakatagilid at kung ano-ano pa. Na-enjoy ko na no'ng nasa bandang gitna na dahil nakikipagkwentuhan na sa akin si Miss Yuki na ikinatuwa ko naman dahil kung ano-anong kalokohan ang pinagkukwento niya.

"Pack up!" Sigaw ni Miss Crystal kaya masayang nagsigawan din ang mga staffs at biglang namatay ang mga ilaw na ginamit sa photoshoot. Nakarinig na ako ng mga 'thank you' galing sa mga staffs kaya namangha ako.

"T-Tapos na po?" Tanong ko kay Miss Yuki.

"Ayaw mo pa ba, Azel?" Natatawang sabi ni Miss Yuki at hinalikan ako sa pisngi. "Otsukaresama desu! (Thank you for your hardwork!)"

Umalis na si Miss Yuki sa tabi ko at iniwan niya akong nakatulala. Napahawak ako sa pisngi ako dahil hindi ako makapaniwalang hinalikan ako ni Miss Yuki.

"Thank you, Azel." Natauhan ako at tinignan ko ang nakangiting magandang babae, ang Manager ni Miss Yuki.

"T-Thank you rin po."

"I hope someday maging professional model ka. You are great!"

Hindi ako nagsawang pasalamatan siya at ang mga nagtatrabaho sa likod ng camera. Nakangiti silang lahat sa akin kaya ngumingiti rin ako sa kanila pabalik. Ganito pala ang pakiramdam kapag naging isang model pero wala akong balak dahil ayokong mapalayo kay Miss Shana.

"Congratulations, Azel! Ang laki ng itinulong mo!" Masayang bati ni Miss Crystal kaya nahihiya akong ngumiti sa kanya sa kabila ng sinabi ko tungkol sa kanya.

"W-Wala po 'yon. Ako dapat ang magpasalamat dahil malaking karangalan ang makasama si Miss Yuki."

"Paano si Miss Shana?" Nakangising sabi ni Miss Crystal kaya nagmadali akong hanapin si Miss Shana at nadatnan ko siyang papasok sa isang kuwarto.

"M-Magpapalit na po ako." Paalam ko kay Miss Crystal at sumunod ako kay Miss Shana ngunit nagulat ako no'ng hilahin ako ng mga nag-ayos sa akin kanina.

"Dito po tayo." Nakangiti nilang sabi sa akin at dinala ako sa kabilang kuwarto. Bumuntong-hininga na lang ako dahil alam kong magiging mahabang araw 'to.

-----

Nakasunod ako kay Miss Shana at nakikinig lang ako sa pag-uusap nila ni Miss Crystal. Hindi namin namalayan na gabi na pala kung hindi pa humikab si Miss Crystal kaya heto kami, papalabas ng studio.

"May pasok ka ba bukas?" Tanong ni Miss Shana kay Miss Crystal.

Umiling si Miss Crystal na kumakain ng lollipop. "Ilang buwan kaming break kaya walang sagabal sa pag-aasikaso ko ng project ngayon."

"Siguraduhin mo dahil kakanta ka pa sa show."

Napahinto si Miss Crystal na namumula ang mukha. Tumingin siya sa akin at kay Miss Shana sabay lalayo tapos lulunok. Mahina akong natawa dahil para siyang high school na ngayon lang nalaman na may pagsusulit bukas.

"Sigurado ka ba ro'n, Shana?!"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Pwede bang huwag na? Nakakahiya!"

"Coming from you?" Mataray na sabi ni Miss Shana kaya sumimangot si Miss Crystal.

"Sige na nga! Dagdagan mo ang sweldo ko, ah?"

"Kahit triple pa."

"Yes!" Nag-fist pump silang dalawa at tuwang-tuwa si Miss Crystal sa narinig niya. "Tara na at matutulog ako nang nakangiti ngayon!"

Umiling-iling lang si Miss Shana kaya napangiti ako. Kahit na ganyan sila sa isa't isa, nararamdaman ko talaga na mag-best friend sila. Minsan nga hindi ko alam kung sino ang nagtitiis sa kanilang dalawa dahil isang masungit at isang makulit pero masaya ako sa tuwing nakikita ko ang ngiti sa mga labi nila kesa sa mga nakakunot nilang noo.

Sumakay na kami sa limousine na nasa harap ng studio. Wala namang masyadong tao dahil gabi na rin. Unang sumakay si Miss Crystal at katapat niya 'yong mini bar ni Miss Shana at simple lang naman ang disenyo ng loob.

Walang kumibo sa amin buong byahe dahil umidlip silang dalawa. Mukhang pagod na pagod sila dahil humihilik pa sila nang mahina. Hindi naman maiiwasan 'yon dahil pareho silang malalaking tao.

Tumingin ako kay Miss Shana na nakasandal ang ulo sa bintana. Kanina pa niya ako hindi pinapansin pero iniintindi ko na lang dahil baka gano'n talaga siya kapag sa studio siya nagtatrabaho, ngunit bilib ako sa kanya dahil kahit na busy siya ay nakakaya ng katawan niya lahat ang pagod na nararanasan niya araw-araw. Nagpapasalamat ako palagi sa Kanya dahil hindi niya pinapabayaan si Miss Shana.

"Miss Shana, Miss Crystal, sa tapat ko po ba kayo ibababa o sa parking lot?"

Napatingin ako sa harap at hindi naman nakasilip ang chauffeur kaya napatingin ako kay Miss Shana. Hindi ko tuloy alam kung gigisingin ko siya.

"Miss Shana? Miss Crystal?"

"Sa harap na lang sina Shana tapos hatid mo ako sa condo ko!" Nagulat ako sa sigaw ni Miss Crystal at humiga siya na kanina lang ay naka-upo. Mukhang antok na antok na talaga siya.

"Yes, Miss Crystal."

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa condo ni Miss Shana kaya tinapik-tapik ko ang mukha niya. "Miss Shana, nandito na po tayo."

Naalimpungatan naman siya at tumingin sa paligid. "H-Hindi tayo sa parking lot?"

"Sabi po ni Miss Crystal sa harap po tayo."

Tumingin si Miss Shana kay Miss Crystal. "Ingat ka baka masagasaan lahat ng babae mo."

Bumaba na si Miss Shana at bababa na rin sana ako no'ng marinig kong magsalita si Miss Crystal.

"Azel, keep your distance as early as possible."

"P-Po?"

"Gab, inaantok na ako." Tumingin ako kay Miss Shana na humikab habang nakapikit kaya nagpaalam na ako kay Miss Crystal.

"Ingat ka po."

Lumabas na ako at umalis na ang limousine. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Miss Crystal pero sigurado akong hindi maganda 'yon.

"Ah, ang tagal naman." Hinila ako ni Miss Shana paakyat kaya sumimangot ako.

Naalala ko na naman 'yong pinagbitbit niya ako ng pizza sa mahabang hagdan na 'to. Mabuti na lang ay wala kaming masyadong dala ngayon kundi susuko na agad ako sa pag-akyat.

Nilagpasan lang namin 'yong receptionist na mukhang kinikilig no'ng makita si Miss Shana pero dire-diretso lang si Miss Shana papuntang elevator. Natatawa pa ako nang mahina dahil para siyang lasing kung maglakad.

Nakarating na kami sa condo unit ni Miss Shana at dire-diretso lang siya sa kuwarto niya at humiga na. Nakikita ko kasi ang paa niya banda sa pintuan kaya umiling-iling ako. Pumunta naman ako banda sa pintuan at dahan-dahan na tinanggal ang sapatos niya. Kumuha ako ng planggana na may tubig at towel no'ng matapos kong itabi 'yong sapatos niya. No'ng matapos ko ng ihanda ay pumasok na ako sa loob ng kuwarto at itinihaya ko si Miss Shana na natutulog na.

Tinanggal ko ang damit niya at pinunasan siya. Hindi naman na ako naiilang dahil araw-araw ko siyang nakikitang nakahubad pero kinakabahan lang ako ng kaunti dahil baka magising ko siya at magalit sa akin.

Nalaman ko rin sa internet na posibleng lumabas ang alter kapag pagod 'yong real o 'yong original ngunit natutuwa ako dahil bihira lang silang lumabas na dalawa. Marami pa akong gustong malaman sa alter ni Miss Shana at kung paano sila mapahina dahil iniisip ko pa lang na ako siya ay nahihirapan na ako.

"Ang lalim ng iniisip mo."

Tumingin ako kay Miss Shana na nakapikit at napakagat-labi pa ako dahil ang lalim ng boses niya. Madalas ko namang naririnig 'yon pero palaging bago sa pandinig ko kaya hindi ko maiiwasang mailang.

"Iniisip ko lang po 'yong birthday mo."

"Huwag mo nang isipin dahil hindi naman importante 'yon."

"I-Importante po 'yon!" Sabi ko sakanya dahilan para imulat niya ang mga mata niya.

"Tatanda lang naman ako ng isang taon."

"Basta po importante 'yon!"

Umupo si Miss Shana at kinuha niya 'yong towel sa kamay ko, siya na ang nagpunas sa sarili niya. "Anong gusto mong regalo, Gab?"

"Hindi po ako ang may birthday."

Napa-isip si Miss Shana at nilagay na ang towel sa maliit na planggana. "Anong gusto mo sa birthday mo, Shana?" Natatawa niyang tanong sa sarili.

"Ano po ba?" Tanong ko.

"Huwag akong iwan ni Gabrielle Azel Montenegro." Nakangiti niyang sabi at itinabi ang planggana. "Ayokong iwan mo ako."

"H-Hindi naman po kita iiwan." Nahihiyang sabi ko sa kanya dahil kakaiba ang titig niya sa akin kaya umiwas ako.

"Talaga ba, Gab?"

"O-Opo."

"Mahal mo ako, Gab?"

"O-Opo naman."

"Bakit mo tinitigan si Yuki kanina?"

Tumingin si Miss Shana sa akin at naniningkit ang mga mata niya. Kaya ba hindi niya ako pinapansin dahil do'n?

"S-Sabi niya po tignan ko siya."

"Gusto ko ako lang ang titignan mo palagi."

Mahina akong natawa dahil nakanguso siya ngayon. Malayo siya sa unang Shana na nakilala ko.

"Ikaw lang naman po tinitignan ko palagi."

Tumango-tango siya ngunit nakasimangot. "Hilain mo ang nguso no'n sa susunod kapag hinalikan ka ulit."

Natawa na naman ako at inilagay sa lapag ang planggana. "Oo na po."

"Good." Hinila ako ni Miss Shana pahiga dahilan para pumaibabaw ako sa kanya.

Napalunok ako lalo na no'ng dilaan niya ang labi niya. Bakit kahit anong gawin ni Miss Shana ay iba ang epekto sa akin? Napaka-hot niya!

"S-Shana..."

"Yes, love?"

"M-Magbibihis na po ako."

"Ako na ang magbihis sa 'yo."

Lumunok ako at umiwas ng tingin. Balak ko na sanang umupo ngunit hinila na naman ako ni Miss Shana kaya napahiga ako sa dibdib niya.

Papa, Mama!

"Let's stay in this position for five minutes." Sambit ni Miss Shana at niyakap ako.

Wala naman akong nagawa kaya niyakap ko siya pabalik. Kahit napakagulo niya ay mahal ko siya.

-----

Tinitigan ko ang suot ko sa salamin at hindi ko mapigilang kabahan. Naka-high low dress ako na tube na kulay navy blue at sa loob ng palda ko ay may mga disenyo na mga rosas. Mayro'n din akong kulay gintong belt na manipis sa bandang baywang. Hindi ako lalo mapakali dahil sa taas ng heels ko. Naka-low bun with criss cross din ang buhok ko dahil utos 'yon ni Miss Shana sa nag-ayos sa akin.

Pinagdikit ko ang mga kamay ko dahil ninenerbyos ako sa mangyayari mamaya sa show. Birthday ngayon ni Miss Shana at ngayon din ilalabas ang issue ngayong buwan kaya hindi ko alam kung anong uunahin kong isipin.

"Gab?"

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Miss Shana na naka-long gown na pula. Manipis ang strap nito at may mahabang slit banda sa hita niya. Naka-straight ang buhok niya ngunit medyo curly sa dulo kaya nabigla ako. Ang simple pero napakaganda niya!

"Gab, gusto mong magkumot?" Tanong sa akin ni Miss Shana. Maganda sana kung maliwanag ang mukha niya pero nakasimangot siya at parang walang pakialam sa mundo.

"P-Po?"

"Kumot na lang isuot mo." Bumuntong-hininga siya kaya humarap ulit ako sa salamin.

"B-Bakit po ako magkukumot?" Tanong ko dahil ang pangit tignan kung kumot ang susuotin ko.

"Nakikita nila 'yong balat mo."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, hindi ko pinansin ang nakasimangot niyang mukha. "Gusto mo rin pong magkumot?"

Ngumisi si Miss Shana na nagpatindig ng balahibo ko. Parang may binabalak na naman siya.

"Baka hindi mo magustuhan kapag nagkumot ako."

"P-Po?"

"Come on. Hinihintay na nila tayo." Inabot ni Miss Shana ang kamay niya sa akin kaya kinuha ko 'yon. Natawa siya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. "You need to relax, Gab."

"H-Hindi ko po maiwasan..."

"Ako ang bahala sa 'yo." Nakangiting sabi ni Miss Shana na nagpasingkit ng mga mata niya.

Sobrang ganda ni Miss Shana.

"Miss Shana."

Napatingin kami kay Shaw na may hawak na iPad at nakasalamin. Nagmukhang matured si Shaw habang tumatagal. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka napagkamalan ko siyang nagmamay-ari rin ng isang malaking kumpanya.

"Happy birthday." Bati ni Shaw kay Miss Shana.

Tumango lang si Miss Shana at hindi pinansin ang bati ni Secretary Shaw sa kanya. "Report."

"Everything is all set."

"Si Yuki?"

"She's waiting outside the venue."

"Tell her that we are on our way."

"Yes, Miss Shana."

Tumingin sa akin si Miss Shana at ngumiti. Naglakad na kami at sinusundan namin si Shaw. Hawak-hawak ni Miss Shana ang isa kong kamay kaya hindi na ako masyado ninerbyos. Ang init ng palad niya kaya kumalma ako ng kaunti.

Nakarating na kami sa labas at kinuha ko ang kamay ko kay Miss Shana no'ng makita ang bilang ng mga tao na naghihintay sa labas. Nasa isa sa mga boutique kami ni Miss Shana at balita ko ay ito ang pinakamalaki niyang boutique sa Pilipinas.

May mga guards sa paligid na pinipigilan ang mga tao na makalapit kay Miss Shana. Nasa harap namin ang isang mahabang limousine at kumakaway sa bintana si Yohan kaya ngumiti ako sa kanya.

"Happy birthday, Shana Casabae!"

Tinignan ko si Miss Shana na nakangiti habang kumakaway sa mga umiidolo sa kanya. "Thank you for coming here just to see me. Sorry if I can't stay longer because I have important show to attend but take care everyone!"

Nagtilian ang mga tao at hindi ko sila mabilang dahil napakarami nila. Tumawag pa ng back up si Shaw dahil nagpupumilit ang iba na makalapit kay Miss Shana.

"Shana, hop in already!"

Napatingin ako kay Miss Crystal na nakasimangot pero kumakaway sa mga fans mayamaya kaya mahina akong natawa. Mayro'n din palang fans si Miss Crystal dahil may mga tumatawag din sa kanya.

Sumakay na si Miss Shana at sumunod na ako. Sa harap ng limousine ay may itim na kotse at do'n sumakay si Shaw. Yumuko ako bilang pagbati no'ng makita ko si Miss Manchu na tahimik lang nakatingin sa cellphone niya pero yumuko rin siya no'ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya.

"Haaay! Na-miss ko 'yong gano'n, Shana!" Masayang sabi ni Miss Crystal. "Happy birthday sa baby girl namin! Pahingi nga ako ng hug!"

"Shut up, Crystal. I'm busy." Sabi ni Miss Shana na nakatingin sa cellphone niya at maraming ginagawa. Hindi ko ugaling tignan kung sino ang kausap ni Miss Shana pero nakita ko ang pangalan ni Shaw kaya baka may pinag-uusapan silang importante.

"Sana all busy." Nakasimangot na sabi ni Miss Crystal. Nakasuot siya ng bodycon dress na kulay itim na may gold na kumikinang sa gilid nito. Naka-bob hair siya at napakataas na heels kahit na matangkad na siya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Do you like my dress?"

"O-Opo." Nahihiya kong sabi sa kanya dahil hapit na hapit sa katawan niya ang dress kaya kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan.

"You look beautiful today, Azel."

"I-Ikaw rin po, Miss Crystal."

"Kami po, Master Crystal?" Napatingin kami kay Yohan at nakita namin silang dalawa ni Luis na pumorma na nakatsek ang kamay nila sabay nilagay nila 'yon sa baba nila.

"Ikaw lang ang gwapo, Yohan. Huwag mong isama si Luis dahil naiirita ako." Natatawang sabi ni Miss Crystal at lalo pa siya natawa no'ng sumimangot si Luis.

"Ang sakit mo naman pong magsalita, Master Crystal!"

"Ay, masakit ba? Okay lang 'yan. Ganyan 'yong mga nararamdaman ng mga babae mo." Tumawa nang malakas si Miss Crystal pero napahinto siya no'ng nagsalita si Miss Manchu.

"At talagang galing pa sa 'yo, Crystal?" Walang emosyong sabi ni Miss Manchu kaya inirapan siya ni Miss Crystal.

"Pasensya ka na ngunit ako ay isang loyal na diwata."

Umiwas kami ng tingin kay Miss Crystal na bigla namang nag-react. "Ang bad, ha!"

"May sinend ako sa 'yo. Asikasuhin mo ang mga staffs mo para sa film na gagawin niyo mamaya." Sambit ni Miss Shana na nakatingin sa labas ng bintana.

"Hanggang dito ba naman trabaho pa rin?" Reklamo ni Miss Crystal pero hindi siya kinibuan ni Miss Shana.

"Manchu, how's life?" Tanong ni Miss Shana.

"Good." Walang ganag sagot ni Miss Manchu kaya tumango-tango na lang si Miss Shana.

Naka-empire dress si Miss Manchu na kulay mint green at naka-bun ang kanyang buhok. Nakatitig lang siya sa cellphone niya samantalang si Miss Crystal ay nakasimangot habang nakatingin sa iPad na hawak niya. Sina Luis at Yohan ay naka-tuxedo ngunit kulay itim ito na may puti at ginto na disenyo.

Tumingin ako kay Miss Shana at nagulat ako no'ng magtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko inaasahan na nakatingin pala siya sa akin dahil iniiwasan namin ang mga ganitong bagay lalo na sa harap ng mga Alexus. Ngumiti lang ako sa kanya at ini-imagine ko na nasa gitna siya ng maraming tao.

Malaking event ang show ni Miss Shana ngunit mas nangibabaw sa social media at mga balita na birthday niya ngayon. Pero sa kaso ng mga kasama ko ngayon, wala silang pakialam dahil mukhang mas importante pa 'yong event.

"Malapit na po tayo." Sabi ni Luis kaya napatingin kami sa kanya at nabigla ako no'ng magtama ang mata naming dalawa. Bakit siya nakatingin sa akin?

"Tawagan niyo na si Yuki. Isasama ko si Gab." Seryosong sabi ni Miss Shana kaya napalunok ako. Ganitong-ganito siya kapag nasa trabaho.

"Pwede mo namang itago ang profile ni Azel at sabihin mong hindi niya profession ang modeling." Sabi ni Miss Crystal no'ng tumingin siya kay Miss Shana.

"Subject ko pa rin siya. Alam mong wala tayong takas do'n. Sino ba naman kasing pumayag na gawing model si Gab?" Naiinis na sabi ni Miss Shana at inirapan si Miss Crystal kaya napayuko ako. Ilang araw na rin silang ganyan.

"Anong ako? Si Yuki kaya!"

"At talagang siya pa ituturo mo?!"

"Will you please lower your voice? Hindi ako maka-concentrate." Matamlay na sabi ni Miss Manchu habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.

Hindi na kumibo sina Miss Crystal at Miss Shana at umirap sila sa isa't isa. Kailan kaya nila tatapusin 'yong pagtatalo nila tungkol do'n?

"Be ready po. Sa likod na lang po kami dadaanan nina Master Manchu at Yohan, Bossing." Sabi ni Luis kaya tumango-tango naman si Miss Shana.

"Tawagan niyo na rin 'yong bodyguards na naka-assign sa kanya dahil marami ring nag-aabang do'n. Pito ba naman silang pumunta." Bumuntong-hininga si Miss Shana. "Simpleng fashion show lang naman 'to."

Nakita kong ngumisi si Miss Crystal at sumimangot din no'ng tignan niya ako. Minsan hindi ko rin maintindihan ang ugali ng buong Alexus.

Huminto na ang limousine sa tapat ng red carpet at nakarinig kami ng tilian kahit nasa loob pa kami ng sasakyan. Kinabahan ako lalo dahil sa dami ng tao na may hawak na camera at sa kulay pula na red carpet na madalas sa mga pelikula ko lang nakikita.

Tumingin ako sa labas kahit na puro kislap galing sa mga camera ang nakikita ko. Ngunit sa mga kislap na 'yon ay kitang-kita ko kung paano kumaway sa madla si Miss Yuki.

Binuksan na ang pintuan banda kay Miss Shana at dahan-dahan siyang lumabas. Ang kaninang mga tilian ay biglang lumakas na para bang mabibingi kami mayamaya lang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil para akong napako sa kinauupuan ko lalo na no'ng makita ko ang mga ngiti ni Miss Shana habang nakatingin sa maraming tao.

"Huwag kang kabahan, Miss Azel. Nandito lang kami!" Nakangiting sabi ni Luis.

"Pero kung ayaw mo po, pwede ka naman pong sumabay sa amin." Mahinahong sabi ni Yohan. Lumabas na si Miss Crystal kaya mas lalo akong kinabahan.

"Gusto niyo bang mapagalitan ni Shana?" Napatingin kami kay Miss Manchu na tinitignan ang mga tao sa labas. "Isa ka sa mga subject niya at hindi mo pwedeng iwan si Yuki."

"P-Po?"

"Hinihintay ka ni Yuki kaya sa kanya ka sumama."

"P-Pero ang sabi po ni Miss Shana ay sa kanya po ako sasama."

"Gusto mo bang mag-isa lang si Yuki?"

Napatingin ako sa labas at nakita ko ro'n si Miss Yuki na nakangiti. Wala na akong nagawa kaya tumango-tango ako bilang pagpayag sa gusto ni Miss Manchu. Hinawakan ko ang dibdib ko no'ng makarinig na naman ako ng tili mula sa mga tagahanga ni Miss Shana. Kaya ko 'to. Kailangan ko lang isipin na trabaho ko 'to at natural lang na may ganitong event.

"Cheer ka po namin!" Masayang sabi ni Yohan at kahit na kinakabahan ay ngumiti ako sa kanya.

"S-Salamat."

Tumingin ako sa pintuang nakasara at no'ng dahan-dahan itong nagbukas ay parang hinahabol ang puso ko. Hindi ako sanay na nakatutok sa akin ang camera. Ayokong pinagtitinginan ako ng mga tao. Mahirap ang trabaho ko... pero kaya ko 'to!

Dahan-dahan akong lumabas at napalunok ako no'ng makatayo na ako sa red carpet. Napakaganda ng mga kislap ng ilaw. Namangha rin ako sa hagdan na may kulay pulang carpet at may mga tao sa gilid. Mas lalo akong kinabahan pero hindi ko naisip 'yon no'ng tawagin ako ni Miss Yuki.

"Ang ganda mo, Azel!!" Kumindat si Miss Yuki sa akin kaya napanganga ako.

S-Si Miss Yuki ba 'to?

Naka-long gown siya na tube at pastel rainbow na smudge ang disenyo. Naka-straight ang buhok niya at para akong aatakihin sa kaba dahil ang ganda niya tapos sasabihan niya ako ng maganda? Siya kaya ang maganda!

"H-Hello po..." Nahihiya kong bati sa kanya.

Tumawa siya nang mahina at kinuha ang kamay ko. "Aagawin muna kita."

"P-Po? K-Kanino po?"

"Hindi ko alam!" Tumawa siya at ngumiti rin pagkatapos sa camera. "Smile ka, Azel!"

Tumingin ako sa paligid at ngumiti. Sabay kaming naglakad ni Miss Yuki papuntang entrance ng hotel at akala ko ay do'n na nagtatapos ang pagkuha ng litrato ngunit pati rin dito sa loob ay may mga camera rin. Hindi naman nila kami nilalapitan pero nakatutok sa amin ang mga camera nila.

Hawak pa rin ni Miss Yuki ang isa kong kamay habang kumakaway siya sa mga bumabati sa kanya. Nakarating na kami sa hall at namangha ako sa laki nito. Maraming mga tao na naka-suit at gown ngunit hindi ko papalampasin ang disenyo na kulay puti at ginto sa buong hall. May mga upuan sa gilid at mahabang stage kung saan rarampa ang mga kinuhang models para sa bagong collections ni Miss Shana.

"M-Miss Yuki... pwede po ba akong magtanong?"

Napahinto kami pero hindi niya ako pinansin. May kinuha siya sa gilid at ngayon ko lang na may mga pagkain pala rito.

"Sorry. Gutom na kasi talaga ako." Tumawa siya nang mahina at hindi ko itatanggi na ang ganda niya tumawa. "Ano pala 'yon, Azel?"

Umiwas ako ng tingin dahil manghang-mangha ako sa ganda niya. "M-Maglalakad ka rin po ba sa stage?"

"Sa pagkakaalam ko, maglalakad tayong dalawa but you don't need to worry kasi kasama naman natin si Shana. Isa rin 'yon sa marketing strategy para may bumili ng issue this month at collections niya."

"Pero wala pa naman po akong pangalan sa industriyang pinasok ko."

"Oh, babe! Masyado ka namang conscious. Si Shana ang bahala ro'n." Kumindat siya sa akin kaya yumuko ako. Nakikita ko si Miss Crystal sa kanya.

"P-Pasensya na po..."

Naramdaman kong may humawak sa baba ko at pinatingin niya ako sa kanya kaya sa gulat ko ay napaatras ako. Ang ganda ng mga mata niyang kakulay ng langit.

"M-Miss K-Kaya..." Tawag ko at yumuko. Hindi ko inaasahan na makita siya rito.

"Hi, Azel!" Nakangiting bati ni Miss Kaya. "Bagong babe ka na ni Yuki?"

"Tumigil ka, Kaya! Mayayari ako kay Wine!"

"Nasa likod mo siya." Nakasimangot na sabi ni Miss Kaya.

Dahan-dahan namang tumingin si Miss Yuki sa likod niya at hindi nga nagkakamali si Miss Kaya, nando'n si Miss Wine na nakangiti pero seryoso ang mga mata.

"Sabihin mo lang kung may bago ka na para hindi ako magmukhang tanga."

Tinakpan ni Miss Yuki ang bibig ni Miss Wine at ngumiti sa amin. "Kailangan ko munang patahimikan si Wine. Ipapasundo kita kay Luis mamaya, Azel."

Umalis na si Miss Yuki kasama si Miss Wine kaya kami na lang ni Miss Kaya ang natira pero may mga tao sa paligid namin ngunit hindi ko naman sila mga kilala.

"You look amazing today, Azel."

"S-Salamat po. Ikaw rin po."

Naka-mermaid gown si Miss Kaya at kumikintab ito. Para siyang ombre na may kulay na sky blue at puti, namangha pa ako lalo dahil mukhang mamahalin ito.

"Azel, may gusto sana akong itanong sa 'yo."

"A-Ano po 'yon?"

"Mayro'n ba kayong---"

"Aha! I found you!" Nagulat ako no'ng may humawak sa dalawa kong balikat galing sa likod kaya napatingin ako sa kanya. Aatakihin ako sa puso dahil sa ginawa niya. "Whoa! Ngayon na lang ulit kita nakita, Kaya! Kailan ka umuwi?"

"Kanina lang. Nakita mo ba si Shana?"

Tumabi sa akin si Miss Crystal at may itinuro siya na hindi ko makita kung saan dahil ang tatangkad ng mga tao na nandito. "May kausap siyang executive producer. Ang alam ko siya 'yong madalas sa mga pageant."

"Sige, puntahan ko lang siya." Nakangiting sabi ni Miss Kaya at tumingin sa akin. "I'll ask you next time, ah?"

"S-Sige po, Miss Kaya."

Nagpaalam na si Miss Kaya kaya nakahinga ako nang maluwag. Ilang Alexus na ba ang nakita ko ngayong araw?

"Naglilitawan na ang mga kampon ni Satanas." Tumawa nang malakas si Miss Crystal kaya napatingin sa amin ang mga tao. "Umupo na tayo, Azel. Gusto mong mapanood 'yong gawa ni Shana, 'di ba?"

"O-Opo."

Naglakad na kami ni Miss Crystal at may mga bumabati sa kanya. Napapahinto pa kami dahil may mga nagtatanong kung ako ba raw ang kasama ni Miss Yuki sa magazine at tango lang ang sagot ni Miss Crystal. Nakaupo na kami sa harap at bumuntong-hininga si Miss Crystal.

"Ang hirap talagang iwasan ng mga chismis."

Nagtataka akong tumingin kay Miss Crystal kaya napatingin naman siya sa akin.

"Bakit?"

"Hindi po ba palagi naman pong gano'n kapag may mga ganitong event?"

"Ang plastik kaya nila!" Sumimangot si Miss Crystal. "Tinakas lang talaga kita sa mga anghel na walang pakpak."

Namula naman ako at umiwas ng tingin. "B-Bakit naman po?"

"Saglit, ah? Tanungin ko lang si Shana." Sarkastikong sabi ni Miss Crystal at tumawa nang mahina. "Alam mo namang hindi madali sa ganitong industriya. Kailangan mong makipagplastikan para umangat, Azel."

"G-Ginagawa niyo po ba 'yon?"

"Syempre naman!" Ngumisi si Miss Crystal. "Hindi nila pwedeng malaman ang kahinaan namin dahil maaari nila itong gamitin panlaban sa amin."

Wala akong naintindihan sa sinabi ni Miss Crystal kaya nakinig na lang ako sa kanya.

"Tungkol sa business din ang kinukuha mo, 'di ba? Malalaman mo 'yon kapag ikaw na ang nasa pwesto namin kaya gugustuhin mo pa bang maging kagaya namin?"

Inilagay ko ang mga kamay ko sa hita ko. Tama si Miss Crystal dahil 'yong mga nakikita ko ngayon ay malayo pa sa nararanasan nila kaya natatakot ako kung itutuloy ko pa ang kursong kinukuha ko. Sa tuwing nakikita ko si Miss Shana ay alam kong mahirap ang trabahong pinasukan niya na kahit ako ay hindi 'yon kinakaya.

Nangarap akong maging kagaya ni Miss Shana pero sa tingin ko ay papangarapin ko pa lalong maging siya. Kung kaya niya, kaya ko rin!

"Gusto ko pong maging... isang sikat na businesswoman."

"Whoa! Iba na 'yong Azel na nakilala ko!"

Tumingin ako kay Miss Crystal na nakalagay ang kamay sa sandalan ng upuan na nasa tabi niya at ngayon ko lang napansin na nando'n si Jin na kumaway sa akin sabay ngiti.

"P-Po?"

"Ipaliwanag mo nga Jin kung bakit ibang Azel na ang nasa tabi ko." Utos ni Miss Crystal kay Jin na nagulat pa.

Umubo si Jin at inayos ang sarili sabay ngumiti. "Palaban na po si Miss Azel ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa baba. Ilang buwan ko na silang kasama pero hindi ko naman napansin na nagbabago na ako. Wala naman 'yon sa diksyonaryo ko dahil ako pa rin 'yong Azel na una nilang nakilala.

"Saka naging maganda po siya lalo!"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ro'n si Yohan na may bitbit na mga trolli, may kasama rin siyang babae na mukhang pamilyar sa akin. May nakalagay sa dalawa niyang tainga kaya baka nagpapatugtog siya dahil hindi pa naman simula. Ngumiti lang siya sa akin kaya nginitian ko siya pabalik.

"M-Maganda naman si Miss Azel... k-kahit hindi mo sabihin." Tumingin ako kay Steve na nakatingin lang sa baba at inirapan ako no'ng tumingin siya sa akin. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ngayon na lang kami nagsama ng ganito.

"Kung pwede lang asawahin si Miss Azel baka ginawa ko na." Tumawa si Luis at sinamaan lang siya ng tingin ni Zeus kaya nanahimik ito.

"Hindi na nakapagtataka kung sino ang mga nag-impluwensya kay Azel." Umiling-iling si Miss Crystal kaya natawa ang mga Tree ni Miss Shana.

Nagbago lahat ang reaksyon nila no'ng may tiningnan sila sa likod ko. Nagulat pa ako no'ng napaupo sila ng maayos at tumingin sa mga cellphone nila samantalang si Miss Crystal ay umiwas ng tingin sabay kumanta nang mahina.

"B-Bakit po?" Tanong ko sa kanila dahil para silang mga robot na mukhang hindi mapakali.

"I guess you are enjoying being with them that you forgot about me."

Dahan-dahan akong tumingin kung saan galing ang malalim na boses na 'yon. Malamig at nakakakaba kaya napalunok ako.

"M-Miss... ah... S-Shana..."

Nandidilim ang mukha ni Miss Shana kaya hinawakan ko nang mahigpit ang kaunting bahagi ng dress na suot ko.

"Come with me. Now."

"O-Opo, Miss Shana."

Sumunod na ako kay Miss Shana at pumunta kami ng backstage. Maraming mga taong hindi alam ang gagawin at 'yong iba naman ay may mga nakasuot na magagandang damit na sa tingin ko ay 'yon na ang mga collection ni Miss Shana ngayong season na 'to. Napakaganda nila sa evening gowns na suot nila. May nakabangga sa akin pero tumango lang ako sa kanya no'ng humingi siya ng paumanhin. Naiintindihan ko naman dahil nagpa-panic na sila.

Pumasok kami sa isang kuwarto at nakita ko ro'n si Miss Yuki na inaayusan at naka-robe. Nasa tabi naman si Miss Wine na nagbabasa ng libro habang naka-earphones kaya hindi niya napansin na dumating kami.

"Ako na ang nagsundo sa kanya." Sabi ni Miss Shana at umupo sa tabi ni Miss Yuki na nasa harap ng salamin.

"I told you na inutusan ko nga si Luis. Bakit ka pa lumabas do'n?"

"Because I want to." Sumenyas sa akin si Miss Shana na tumabi sa tabi ni Miss Yuki pero sa kabila naman.

"Ang hirap mo kayang hilain sa mga kumakausap sa 'yo. Paano na lang kung na-stuck ka ro'n? Buti na lang nand'yan si Kaya."

"I need to greet them kung hindi ay mawawalan ako ng mga sponsors."

"Hindi mo naman kailangan 'yon!" Sumimangot si Miss Yuki.

Sakto namang dumating 'yong mag-aayos sa akin pero umiling ako. Maayos naman na ang mukha ko at ang suot ko.

"Pero, Ma'am---"

"Hayaan mo kung ayaw niya. Maganda na si Azel kaya huwag mong pagandahin lalo baka magkaroon 'yan ng boyfriend at iwan kami!" Umirap si Miss Yuki kaya nahihiya akong tumingin sa salamin para makita 'yong reaksyon ng mag-aayos sa akin. Nakita kong natawa naman siya at nagpaalam na. Baka ganito talaga si Miss Yuki.

"Ang init ng ulo mo." Komento ni Miss Shana at sumandal. Hindi rin siya nagpalit at mukhang inaantok na siya. "Wala na bang itatagal 'tong show na 'to?"

"Ang ganda ng theme mo ngayon pero bakit hindi ka excited? Gustong-gusto ko kaya lahat ng collections mo ngayon." Tinuro ni Miss Yuki ang mga mata niya kaya naman do'n nagpokus ang makeup artist niya. "Matagal na 'yong last fashion show mo kaya dapat excited ka!"

"Kahit walang fashion show, marami pa ring bibili ng mga collections ko."

Dinilat ni Miss Yuki ang mga mata niya at tumingin kay Miss Shana. "Gagayahin na ba kita? Kailangan ko na atang maging praktikal dahil puro ganda na lang ako." Nilagay ni Miss Yuki ang kamay niya sa baba niya at tinitigan niya ang sarili sa salamin. "Mag-business na rin kaya ako?"

"Wala kang future do'n." Napatingin kami kay Miss Wine na tumayo at umunat-unat.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil future mo ako."

Nanlaki ang mga mata ko lalo na no'ng ngumisi si Miss Wine. Tumingin naman ako kay Miss Shana na ngumiwi at umiling-iling. Nakikita kaya ni Miss Shana 'yong sarili niya kay Miss Wine kaya siya ngumiwi?

"You know, Wine, humanda ka sa akin mamaya."

"Sure! Kahit saang location pa basta kumportable ka." Ngumisi si Miss Wine kaya naningkit ang mga mata ni Miss Yuki.

"Lalabas muna kami ni Gab. Sumunod ka ro'n, Yuki."

"S-Shana, huwag mo akong iwan dito!" Pagmamakaawa ni Miss Yuki. "Iinisin lang ako ni WIne, eh."

"I'm bored." Humikab si Miss Shana at tumayo na. "Gab."

"Opo." Tumayo na ako at sumunod kay Miss Shana.

Lumabas na kami at akala ko ay babalik kami sa labas ngunit pumasok si Miss Shana sa elevator kaya sumunod ako. Wala akong ideya kung saan kami pupunta dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

Pumasok kami sa isang pintuan at bumungad sa amin si Miss Rai na nakaupo sa harap ng isang malaking glass wall at kitang-kita ro'n ang rarampahan ng mga model. Ngayon ko lang napagtanto na ginawa nilang logo ng Elite Fashionista ang runaway stage. Sa sobrang mangha ko ay natulala na lang ako. May mga tao sa gilid ng stage pero ang nakikita ko lang ay 'yong rarampahan ng mga model dahil may ilaw 'yon na kulay puti na may ginto.

"You told me you would pick up Azel but it took you a while to get back." Walang emosyon na sabi ni Miss Rai no'ng tumingin siya sa amin. May hawak siya sa kamay niya na alak.

Bakit parang nandito lahat ng Alexus? Isa-isa ko silang nakikita.

Umupo kami ni Miss Shana at napagigitnaan namin siya ni Miss Rai. Nakatingin lang kami sa mga taong kumakaway kay Miss Shana. Napakarami niyang mga tagahanga na pati ang mga artista ay handang pumunta rito para lang makita siya at mapanuod ang show niya.

"May I ask why you are all here?"

"It's been a long time since we last attended your fashion show that's why we are here."

"Accepted."

"Then good." Sabi ni Miss Rai at may inabot kay Miss Shana. "Happy birthday."

Tinanggap ni Miss Shana 'yong maliit na box na binigay ni Miss Rai at ngumiti no'ng buksan niya ito. Kinuha ni Miss Shana ang necklace na may pendant na bullet. Kumikinang-kinang ito at para siyang diamanteng bala.

"You'll be triggered. Stop staring."

"Why did you give it to me if you don't want me to stare at it?"

"It's cute. Got a problem with that?"

"Rude."

Umiwas ako ng tingin dahil baka madala ako sa usapan nilang dalawa. Sumasakit ang ulo ko kapag puro Ingles ang napapakinggan ko. Tumingin ako sa selpon at puro mensahe ang natatanggap ko kaya ngumiti ako.

"Where are Zoe and Hermione?"

"Somewhere. I don't know."

Tumingin sa akin si Miss Shana at may binigay siya sa aking parang button kaya tinignan ko ito. "P-Para saan po ito?"

"Just click it."

Sinunod ko ang sinabi ni Miss Shana dahil nakatitig lang siya sa akin. No'ng pagkapindot ko ay kasabay nang pagbago ng mga kulay ng ilaw at gumalaw ito kaya namangha ako. May narinig din akong tunog na nagpapatunay na nasa isang fashion show nga talaga ako.

May nagsalita na sa harap pero hindi ko 'yon pinakinggan ngunit tumingin ako kay Miss Shana na pinipigilan ang tawa niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Aw... huwag kang ganyan." Matamis niyang sabi kaya umiwas ako ng tingin dahil naaakit ako sa boses niya.

"B-Bakit ka po kasi natatawa?"

Lumapit sa bandang tainga ko si Miss Shana at bumulong. "Ang ganda mo ngayon, Gab."

Umiwas ako at inayos ko ang sarili. Hindi ata niya alam na maraming nakatingin sa kanya.

"Sorry, I'm late!" Napatingin ako kay Miss Yuki na sobrang ganda sa suot niyang gown na kulay berde.

Nagsimula na ang fashion show at rumarampa sa harap namin ang mga modelo na halatang ilang taon ang ginugol nila para maging perpekto ang bawat lakad at porma nila. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga suot nilang gown na kumikinang na animo'y parang mga bituin sa langit. Hindi ko rin mabilang kung ilan sila dahil napakarami nila na sunod-sunod na lumalabas galing sa pintuan at malalaki ang gap nila sa isa't isa.

Napaisip ako sandali at tinitigan ang mga suot nila. Hindi ko pa nakikita si Miss Shana na mag-drawing kaya nahihiwagaan ako kung paano niya nagawa lahat nang 'to kung kasama niya naman ako palagi, pero totoo nga talagang halimaw siya pagdating sa fashion industry.

"Pati ba naman 'yong designs mo hinaluan mo ng business stuffs." Natatawang sabi ni Miss Yuki na nakatayo malapit sa glass wall. "That gown looks amazing!"

"Aanhin ko ang mga designs na hindi ko naman mabebenta." Walang ganang sabi ni Miss Shana.

Tinitigan ko ang mga suot ng mga modelo at naintindihan ko ang pinag-usapan nila. May mga nakita na akong litrato ng fashion show na galing sa dyaryo at napansin kong kakaiba ang suot ng mga modelo. Kaya siguro ganitong mga disenyo ang ginawa ni Miss Shana dahil gusto niya ilagay sa mga boutique ang mga ganitong disenyo hanggang sa matapos ang taon. Ito ay isa rin sa mga stratehiya para i-promote ang mga disenyo na ginawa niya.

"Kaya's waving. She's taking a pic of each model." Naiiling na sabi ni Miss Rai kaya naman hinanap ko si Miss Kaya na nakangiti sa mga rumarampa na modelo sa harap niya. "Do you think she's planning to find a girlfriend?"

"Subukan nating obserbahan siya ng ilang months." Natatawang sabi ni Miss Yuki.

"Stop talking about her behind her back." Sabi naman ni Miss Shana pero natawa lang lalo si Miss Yuki.

"Kumalma ka lang. Masyado ka namang seryoso d'yan." Sambit ni Miss Yuki.

"Inaantok na ako." Tinakpan ni Miss Shana ang bibig niya at humikab.

"Wala bang celebration d'yan, Fifth?" Tanong ni Miss Yuki na nakatingin lang sa baba.

"Not interested."

"Sabagay. Hindi naman kasi uso sa atin 'yon." Nakangiting sabi ni Miss Yuki. "Ano kayang feeling na mag-celebrate ng birthday sa harap ng maraming tao? Sa harap ng mga tagahanga mo?"

"Why don't you try?" Tanong ni Miss Rai.

Umiling-iling si Miss Yuki. "Nah. I need to work. Wala akong oras para ro'n."

Nakaramdam ako ng lungkot no'ng natahimik sila. Naghalo 'yong mga nararamdaman ko dahil sa narinig ko. Masaya ako kasi iniisip nila ang mga kaibigan nila pero nalulungkot ako dahil kahit na marami silang pera ay mas inuuna pa rin nila ang trabaho kesa ipagdiwang ang kaarawan nila. Nag-celebrate naman ng birthday si Miss Yuki pero hindi gano'n karaming tao gaya ng gusto niya.

Pasimple akong tumingin kay Miss Shana na nanunuod lang sa mga modelong rumarampa. Wala akong makitang lungkot sa mukha at mata niya na para bang sanay na siyang ganito ang takbo ng buhay niya. Gusto kong may magawa kahit papaano ngayong kaarawan niya ngunit kinakabahan ako.

"Standby, Miss Shana, Miss Yuki and Miss Azel."

Tumayo na kami at tumalikod na si Miss Yuki. Tinignan ko ang mga modelo at pumasok ulit sila ngunit ngayon ay maiksi lang ang gap nila sa isa't isa.

"See you tomorrow, Rai!" Paalam ni Miss Yuki.

"As if."

Sumunod na kami ni Miss Shana kay Miss Yuki. Bumaba na kami at pumwesto sa backstage. Ang sabi sa amin ay kami muna ni Miss Yuki ang lalabas bago si Miss Shana. Rarampa raw kami kaya kinabahan na naman ako at nararamdaman kong nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Ayos ka lang?"

Tumingin ako kay Miss Yuki na umunat-unat kaya tumango-tango ako at sinarado ko ang mga kamay ko sabay pump nito, ini-imagine ko na para akong may hawak na pump. Ayokong mahawaan siya ng kaba ko.

"Okay lang 'yan, Azel. Hindi mo naman sila makikita, eh. Naka-design talaga ang stage para sa 'yo."

"P-Po?"

"Mananahimik ka o puputulin ko ang dila mo?" Banta ni Miss Shana kaya nagtaka ako. Anong pinag-uusapan nila?

"Standby na tayo, Azel. Ayoko pang mawalan ng trabaho sa Elite Fashionista. Sayang ang milyones." Tumawa si Miss Yuki at pumasok na sa parang cube kung nasaan ang pintuan. Sabay kaming maglalakad pero magkaibang parte ng stage.

Tumayo na ako malapit sa pintuan at huminga nang malalim pero nagulat ako no'ng sumunod sa akin si Miss Shana na nakapwesto sa gilid ko kaya tinignan ko siya sabay hinanap ko ang kamera. Nakahinga naman ako nang maluwag no'ng wala akong nakita.

"Huwag mong iisipin ang mga tao sa paligid mo."

"H-Hindi ko po kaya." Pag-amin ko sa kanya dahil nanginginig na ako sa kaba.

"You can do it, Gab. I'm so proud of you!" Tumingin ako kay Miss Shana na nakangiti habang nakatingin sa akin, umakbay siya sa akin sabay hinalikan ako sa buhok. "Palagi mong iisipin na nandito ako para sa 'yo."

"S-Shana..."

Pumwesto sya sa likod ko at may nilagay sa tainga sabay hinawakan ako sa dalawa kong balikat. "Go ahead and slay, love."

Natulala ako sa nakakaakit niyang boses at kasabay no'n ang boses ni Miss Yuki sa kabilang linya. "Azeeel!"

Pumikit ako saglit at huminga nang malalim. Kaya ko 'to. Nand'yan si Miss Shana para gabayan ako. Nandito ako nang dahil kay Miss Shana. Binigyan niya ako ng pagkakataon para maging isa sa mga model niya na kahit na wala akong karanasan sa ganito.

Dinilat ko na ang mga mata ko at naglakad na. Napatingin ako kay Miss Yuki na nakatingin din sa akin at kumindat kaya ngumiti ako sa kanya. Sabay kaming tumingin sa harap at sa isang sandali ay nabigla ako dahil wala akong makitang mga tao. Tanging mga lens lang ng kamera, ilaw na galing sa taas at umiilaw na stage. Totoo nga 'yong sinabi ni Miss Yuki!

Ang sarap sa pakiramdam na maglakad sa umiilaw na sahig. Para bang isa akong bituin na kumikinang ngayon. Akala ko no'ng una ay kaba ang magwawagi ngunit nagkamali pala ako. Sa sandaling ito, gusto kong mas kuminang pa sa harap ng maraming tao.

Hindi namin inikot ni Miss Yuki ang stage bagkus ay huminto lang kami sa dulo nito at pinakita ang mga suot namin. Umikot kami at bumalik sa pintuan kung saan kami lumabas.

"Ang sarap sa feeling! Ang galing mo, Azel!" Dinig kong sabi ni Miss Yuki at nagmumura pa siya habang tumatawa.

Napaupo ako sa sahig no'ng makapasok na ako at nagulat ako nang makita ko ang mataas na stilettos na kulay ginto at may mga diamante sa heel nito. Nakaupo siya sa harap ko, nakatingin sa akin habang nakatukod ang siko niya sa hita niya at nakapangalumbaba.

"Hindi ko alam na magaling pala ang girlfriend ko pagdating sa mga ganitong bagay." Nakangising sambit ni Miss Shana kaya napanganga ako.

A-Ang lambot ng mga labi niya!

Umiwas ako ng tingin at lumunok. "A-Ayoko na pong maulit 'to."

"What? Plano ko pa namang gawin kang main model sa next issue."

Mabilis akong umiling, nagmamakaawang tumingin sa kanya. "S-Shana... huwag po."

Tumawa si Miss Shana at hinawakan ang mukha ko. Nakita ko ang nakangising labi niya ngunit ang mga mata niya ay nakatingin sa labi ko. "Don't say that. Wala pa akong ginagawa sa 'yo." Tumayo si Miss Shana at inayos ang suot niyang gown. "Stay here and wait for me."

Tumango-tango ako at tinignan ko si Miss Shana na maglakad sa stage na ang itsura ay logo ng kanyang kumpanya. Naniniwala ako na nakamit na ni Miss Shana lahat ng gusto niya kahit na normal lang sa kanya ang ganitong fashion show ay malaking karangalan para sa amin na mapabilang dito.

Palakpakan ng mga tao ang naririnig ko at hindi ko mapigilang mapaluha sa babaeng kumakaway ngayon sa maraming tao. Napakahusay niya sa murang edad kaya hindi na nakapagtataka kung halos buong mundo ang nababaliw sa kanya.

"A-Ayokong maistorbo ka, Miss Azel... pero kailangan mo pong sumama sa akin."

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa taong nagsalita. Napaatras ako no'ng makita ko si Luis na naka-mask. Akala ko kung sino.

"Sorry, Miss Azel! Nagulat ka ba?"

"H-Hindi naman." Sagot ko. "B-Bakit ka pala nandito?"

"Inutusan ako ni Miss Kaya na sunduin ka po."

"B-Bakit daw?"

Natawa si Luis at hinawakan ang kamay ko. "Hindi lang naman po tayo. Syempre sila rin!"

Hinila ako ni Luis palabas at kasabay no'n ang sigawan ng mga tao no'ng may narinig kaming kanta na hindi pamilyar sa akin.

-----

Shana's POV

"What the hell?" Masungit kong sabi no'ng hinarangan ako ni Crystal pabalik sa lugar kung saan ko iniwan si Gab.

Ano na namang pakulo 'to?

"You can leave after this, okay?" Kumindat si Crystal sa akin at hinila ako sa gitna ng runaway stage.

Biglang lumabas si Yuki at hindi ko alam kung saan siya galing. May hawak siyang microphone at tumingin sa mga tao.

"Let's all stand up and greet Miss Shana Casabae a happy birthday!"

Nagsigawan ang mga tao at sumayaw-sayaw no'ng biglang may kanta kaming narinig kaya sumimangot ako lalo. Walang sinabi sa akin si Shaw na may kasunod pa pala pagkatapos kong magpakita sa mga tao.

[Birthday - Katy Perry]

"I heard you're feeling nothing's going right, why don't you let me stop by," Panimula ni Yuki sabay kindat sa akin. Ang hilig nilang kumindat ngayong araw. Kaunti na lang tutusukin ko na 'yong mga mata nila lalo na 'tong si Yuki na kindat nang kindat kay Gab. "The clock is ticking, running out of time, so we should party, all night,"

Nagulat ako no'ng may humawak sa balikat ko at tinignan si Hermione na kumanta at 'yong iba naman ay sumasayaw sa likod ko pero hindi ko alam kung sino-sino sila. "So cover your eyes, I have a surprise, I hope you got a healthy appetite,"

"If you wanna dance, if you want it all, you know that I'm the girl that you should call," Kumindat sa akin si Hermione at tinapik ang balikat ko at bumalik sa likod.

Tinignan ko ang mga tao na sinasabayan ang beat ng kanta. Napakasaya nila. Nakita ko rin sa isang tabi sina Kaya, Zoe, mga Tree ko at si Gab na nakangiti habang pumapalakpak.

May alam kaya si Gab dito?

Nagtilian ang mga tao at nagulat ako no'ng may maramdaman akong yumakap sa akin galing sa gilid, si Crystal. "Girl when you're with me, I'll give you a taste, make it like your birthday everyday,"

"I know you like it sweet, so you can have your cake, give you something good to celebrate," Napatingin naman ako sa kabila no'ng may yumakap na naman sa akin. Nakangiti lang si Manchu sa akin kahit na alam kong pilit 'yon.

"So make a wish, I'll make it like your birthday everyday," Bigla akong natawa no'ng makita ko ang mukha ni Wine na pinipilit ginagawa 'yong part niya. Pakiramdam ko pinilit siya ni Yuki. Kaya pala naka-earphones kanina para kumalma siya.

"I'll be your gift, give you something good to celebrate," Kanta ni Rai at may binigay sa aking maliit na box. Ano na naman kayang laman nito?

Bumalik na ulit silang lahat sa likod kaya sinilip ko sila habang tumatawa ako. Hindi ko alam kung kailan nila pinractice 'to dahil palagi naman kaming magkasama pero wala man lang akong ideya na may ganitong trip silang gagawin.

Sabi kong ayokong may mga ganito, eh.

"Pop your confetti, pop your Perignon," May hawak si Yuki na champagne at binigyan naman ako ni Crystal ng tulip glass sabay nilagyan 'yon ni Yuki. "So hot and heavy, 'till dawn,"

"I got you spinning, like a disco ball, I'll have them playing, your song," Tinuro ako ni Crystal at tumalon-talon siya. Enjoy na enjoy niya 'yong kanta.

Umakbay sa akin si Wine at narinig ko pa siyang magmura kaya natawa ako. "We're living the life, we're doing it right, you're never gonna be unsatisfied,"

Tumingin naman ako sa kabila dahil may yumakap sa braso ko at napangiti ako dahil nakikita kong masaya si Rai sa performance nila. "If you wanna dance, if you want it all, you know I'm the girl that you should call,"

"Girl when you're with me, I'll give you a taste, make it like your birthday everyday," Nagulat ako no'ng nagtabi na silang lahat at sabay-sabay na kumanta. Nasa gitna nila ako kaya wala na akong nagawa kundi sumabay sa kanilang kumanta. "I know you like it sweet, so you can have your cake, give you something good to celebrate,"

"So make a wish, I'll make it like your birthday everyday," Kanta ni Hermione at lumapit sa akin na may hawak na cake.

Lumapit din sa akin si Manchu na may hawak na maliit na candle at nilagay 'yon sa gitna ng cake. "I'll be your gift, give you something good to celebrate,"

Nagpalakpakan ang lahat at sabay-sabay nilang akong binati. "Happy birthday, Miss Shana!"

"Make a wish and blow the candle!" Sigaw ni Crystal at pumalakpak.

Nag-wish ako pagkatapos ay hinipan ko na ang candle, at inabutan ako ni Wine ng microphone.

"Once again, thank you for coming today. And thanks to my friends who made this effort to do this performance." Tinaas ko ang tulip glass na hawak ko. "Cheers!"

Nagpalakpakan ang mga tao no'ng naubos ko na 'yong champagne. Ngumiti ako sa kanila at kumaway. Umalis na kami sa stage at si Crystal na ang nag-wrap up.

"Natapos din ang naramdaman kong kaba." Rinig kong sabi ni Wine na pinapaypayan ang sarili.

"Ikaw kaya ang nagsabi sa amin na hindi ka kinakabahan." Masungit na sabi ni Yuki.

"Sa birthday pa talaga ni Shana kayo mag-aaway?" Tanong ni Hermione sa dalawa kaya natawa ako.

"It's okay para mabawasan naman ang taken sa mundo." Nakangisi kong sabi.

"Last mo na 'yan, Shana." Magkasabay na sabi nina Wine at Yuki.

Lumapit si Shaw sa amin at yumuko. "Good evening, Masters."

"Sinusundo ka na agad, Shana? Akala ko may inuman pa, eh." Nakasimangot na sabi ni Yuki.

"Tayo na lang mag-inumang dalawa." Nakangiting sabi ni Wine sa girlfriend niya pero inirapan lang siya.

"Congratulations, Shana." Tumingin naman si Hermione sa orasan niya. "Kailangan ko ng ilabas 'yong kotse baka dumugin na 'yong parking lot mamaya."

"Happy birthday again, Shana." Bati ni Rai at hinalikan ako sa pisngi. "Enjoy your night."

"Thank you sa inyo." Nakangiti kong sabi.

Nagpaalam na sila pero kitang-kita ko ang lungkot sa mukha ni Manchu. Hinayaan ko na lang dahil baka natalo na naman siya sa casino.

"Ano 'yon, Shaw?" Tanong ko dahil alam kong hindi siya basta-basta lumalapit lalo na kapag kausap ko ang Alexus.

"Let me accompany you to Miss Kaya and Miss Zoe."

Tumango ako at sinundan si Shaw. Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko 'yong mukha ng Alexus. Halata namang prepared sila pero ramdam ko 'yong pressure nila dahil puro mayayamang tao ang inimbita ni Shaw.

Malaking ngiti ni Kaya ang sumalubong sa akin. Hinalikan niya ako sa kabilang pisngi kung saan hindi hinalikan ni Rai. Ang natanggap ko ngayon ay yakap, akbay, tapik at halik. Ayaw ba nila sa legs ko?

"Happy birthday and congratulations, Shana!" Bati ni Kaya na sobrang saya.

"Thank you." Nakangiti kong sabi.

Nandito kami ngayon sa kuwarto malapit sa parking lot dahil dudumugin ako kung mananatili kami sa taas.

"How's the hotel? Ayos lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kaya. Masyado siyang conscious sa mga ganitong bagay lalo na't isa sa pagmamay-ari nila 'tong hotel.

Ginulo ko ang buhok niya kaya ngumuso siya. Baby as always. "Don't worry, maganda ang hotel."

"Thank you for that!" Bumungisngis siya. Naalala ko na naman si Manchu.

"Sorry if hindi kami sumali ro'n." Tumingin ako kay Zoe na may hawak na champagne. "Happy birthday."

"Well, thank you. Ayos lang naman as long as nakita ko kayo ngayong birthday ko."

"Kikiligin na ba ako?" Natatawang sabi ni Zoe habang pinapaikot 'yong tulip glass.

Nagkibit-balikat ako at natawa. "Why not?"

"Magseselos si Hermione n'yan." Tumawa si Kaya at umiling-iling. "You need to go, Shana. May gagawin pa kami."

"Battle?" Tanong ko sa kanya.

Tumango-tango siya at ngumiti. "Kailan ko munang linisan 'tong hotel."

"Sino ang mga kasama mo?"

"Zoe, Wine, and Rai."

"Please take care of yourselves."

"We will. Thank you."

Nagpaalam na ako sa kanila at dumaan kami ni Shaw sa fire exit. Binuksan ni Shaw ang pintuan at sinilip kung maraming tao. Walang kaming ibang kasama pero nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Tumingin ako sa likod at sa taas pero wala naman akong nakita kaya hinayaan ko dahil baka guni-guni ko lang.

"May mga reporters po." Sabi ni Shaw at bumuntong hininga.

"May bantay sa labas?"

"Y-Yes, Miss Shana."

"C'mon. We need to go bago pa mapuno ang parking lot."

Inabot sa akin ni Shaw ang mask kaya nagtaka ako. "Saan mo nakuha 'to?"

"Miss Azel gave it to me."

Napangiti ako pero hindi ko pinahalata kay Shaw. "Where is she?"

"Nasa loob na po ng van."

Sinuot ko na ang mask at lumabas na kami ni Shaw. Pinaligiran kami kaagad ng mga bantay bago kami paligiran ng media. Hindi ko naman masisisi ang security rito dahil baka hindi rin nila kinaya ang media.

Kumaway lang ako sa kanila bago ako pumasok sa loob ng van. Hindi na sumama si Shaw dahil may aasikasuhin daw siya. Baka 'yong sa issue na ilalabas dahil ngayong gabi ire-release online 'yon.

Nakita ko si Gab sa dulo ng van at mukhang nahihiya. Wala pang isang oras pero miss na miss ko na siya kahit na hindi niya pa ako binabati mula kanina pang paggising naming dalawa.

"Happy birthday, Bossing!" Bati nilang lima sa akin kaya napatingin ako sa kanila.

"Buhay pa pala kayo."

"Syempre naman, Bossing!" Proud na sabi ni Luis na nasa driver's seat.

"Hindi namamatay ang masamang damo!" Tinaas pa ni Steve ang kamay niya.

"May masamang damo po ba? Hindi po ba nasa lupa lang sila? Paano po sila nagiging masama?" Tanong ni Yohan kay Steve.

Here comes trouble.

"Gusto mo hanapan kita?" Tanong pabalik ni Steve.

"Hindi mo pa ba nakikita, Yohan? Tignan mo lang si Steve. Best example 'yon." Mahinahong sabi ni Jin habang nakatingin sa cellphone niya.

"Anong sinabi mo, Jin?!"

Napasapo ako sa noo ko dahil hindi talaga magandang impluwensiya kapag nagsama-sama sila. Tahimik lang sa tabi si Zeus na naka-earphones. Halata rin sa mga mukha nila ang pagod pero ang energetic pa rin. Pinaandar na ni Luis ang sasakyan at nagpaalam pa siya sa mga media sa labas kaya umiling ako. Hindi na ako magtataka kapag nasa articles na siya mayamaya lang.

Pumwesto ako sa tabi ni Gab na umiwas ng tingin kaya tumaas ang kilay ko. Sa pagkakatanda ko ay wala akong maalala na ginawa sa kanya.

"Gab?" Tawag ko dahil hindi niya ako kinikibo.

Tumingin siya sa akin at mahina akong tumawa no'ng makita ko ang namumula niyang mukha. Parang alam ko na kung sino nagpainom sa kanya.

"Are you okay? Mukha kang may sakit."

"A-Ayos lang po ako."

Sumandal ako sa kanya at pumikit. "Idlip lang ako."

"S-Sige po, S-Shana."

Naaamoy ko sa kanya 'yong alak kaya nagkagat-labi ako para pigilan ang ngiti ko.

"Mag-rest ka muna kung nahihilo ka."

"O-Opo."

"I miss you, Gab."

"I... mi... S-Shana!"

-----

Nagising ako sa ingay ng mga aso kaya tumingin ako sa paligid ko. Hindi pamilyar sa akin kung nasaan kami kaya napatingin ako kay Gab na natutulog sa tabi ko. Marami sigurong pinainom sa kanya ni Zoe. Napaupo ako nang maayos no'ng nagising siya sabay ngumiti kaya nagtaka ako.

Bakit parang ang saya niya?

"S-Shana, pwede mo po ba itong suotin?" May inabot siya sa aking blindfold kaya ngumisi ako.

"Kailangan ko pa bang magpanggap na wala akong alam, Gab?"

"O-Opo." Nahihiyang sabi niya.

Sinuot ko na ang blindfold at nagpanggap na walang alam. Ayoko namang masayang ang effort niya at gusto ko rin makita kung ano ang pinlano niya ngayong birthday ko. Naalala ko na naman 'yong birthday niya na wala akong kaalam-alam.

"L-Luis." Tawag ni Gab.

"Okay na?" Rinig kong tanong ni Luis at naramdaman ko na may humawak sa braso ko. "Dahan-dahan po, Bossing. Wala po akong pambayad kapag na-hospital ka."

"Bakit parang kasalanan ko pa kapag na-hospital ako?"

"Ay, gano'n po ba? Sige, Bossing, iaalay ko ang aking kagwapuhan para mabayaran ko ang bills mo."

"Huwag na, Luis. Wala ka naman no'n."

"Bars ka, brad!" Dinig kong sigaw ni Steve at tumatawa pa.

"Ikaw, Steve, manahimik ka. Alam mo namang joker si Bossing!"

Sumimangot ako pero sa loob ko ay natatawa ako sa boses niya na parang napipikon. "Luis, hindi ako nagbibiro."

"Aray naman, Luis!" Natatawang sabi ni Jin.

"Bossing, masyado kang mapanakit." Kahit hindi ko tignan ay alam kong naluluha si Luis.

"Nasaan ba si Gab?" Tanong ko dahil si Luis lang ang nararamdaman kong malapit sa 'kin.

May humawak sa braso ko kaya napanatag ako. Ang lamig ng mga kamay niya kaya kinagat ko ang labi ko. Hindi naman halatang kinakabahan si Gab.

"Nasaan ba kasi tayo, ha?"

"Let me see what spring is like on a Jupiter and Mars~" Dinig kong kanta ni Luis kaya mahigpit kong pinisil ang balikat niya. "Aray, Bossing!"

"Nagtatanong ako nang maayos."

"Luis left the group." Tinanggal ni Luis ang pagkakahawak ko sa balikat niya at nilagay ang kamay ko sa kamay ni Gab na nakahawak sa braso ko. "Miss Azel join the group."

"What the f*ck?"

"Bossing, bad daw pong magmura sabi ni Miss Azel." Sabi ni Yohan kaya napalunok ako.

"S-Sorry."

"Malapit na po tayo." Bulong ni Gab kaya tumango-tango ako. Kapag siya talaga ang nababanggit, nanlalambot ako, eh.

Pinahinto ako ni Gab at hindi ko na narinig ang ingay ng mga Tree ko. Dahan-dahan namang tinanggal ni Gab ang kamay niya sa braso ko pero hinigpitan ko ang hawak ko dahil natatakot ako na baka iwan niya ako.

"Nandito lang po ako. Hindi naman po ako mawawala." Pinisil ni Gab ang kamay ko at pinakawalan na ang braso ko.

Lumunok ako at hinawakan ang braso ko. Nakaramdam din ako ng lamig dahil sa gown na suot ko. Hindi naman ako basta-basta na nilalamig pero iba 'yong pakiramdam ko ngayon lalo na't wala akong makita.

"S-Shana, tanggalin mo na po 'yong blindfold."

Hinanap ko ang knot ng blindfold sa likod ng ulo ko at tinanggal 'yon. Pumikit-pikit ako dahil ang labo ng paningin at tanging mga ilaw na bilog lang ang nakikita ko. Humampas ang malakas na malamig na hangin kaya gininaw ako ng kaunti. Tumingin ako sa harap ko at natulala ako sa nakita ko.

"Happy birthday, Shana! We love you!" Sigaw nila at nakapwesto sila sa baba ng mga balloons na lumulutang.

Nakangiti silang lahat dahilan kaya napangiti rin ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa dahil hindi ang Alexus ang nandito kundi ang pamilya ko. Tinignan ko si Gab na may malaking ngiti sa mukha niya at nakayakap siya sa braso ng mga magulang ko kaya napaluha ako.

F*ck... kailan pa?

Nakita kong dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ni Gab. Hindi ko inaasahan na ganitong surpresa ang ibibigay niya sa akin kaya nilagay ko ang mga kamay ko sa mukha ko dahil anytime ay tutula na 'yong luha ko.

May naramdaman akong humawak sa wrists ko at tinanggal niya ang mga kamay ko sa mukha ko. Bumalik ulit ang ngiti niya sa mga labi niya dahilan kaya naningkit ang mga mata niya na may luha ring tumakas sa mga mata niya.

"Maligayang kaarawan sa 'yo, Shana!" May sinuot si Gab sa akin na sash kaya hindi na ako nakapag-isip pa at mahigpit kong niyakap si Gab. Hindi ko alam kung kanino ako magpapasalamat pero masaya ako na nakilala ko siya.

"S-Shana, m-maraming nakatingin sa atin..."

"Sino ba ang may kasalanan?"

"P-Po? A-Ako po ba?"

"Sige, ako na lang."

Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya natawa rin ako. Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat at hinarap ko siya sa akin.

"Salamat, Gabrielle."

Umiling-iling siya kaya nagtaka ako. Tinuro niya 'yong mga taong nasa likod niya at nakita ko ang nakangiti kong mga magulang, butlers, aso at mga Tree. Inabot sa akin ni Gab ang tissue kaya pinunasan ko ang mukha ko.

Lumapit kami sa kanila at nasa likod nila ang long table at may mga kandila sa gitna nito. Nasa garden kami ng bahay ng mga magulang ko at maraming mga rosas sa paligid kaya napailing ako.

"Alam kong may surpresa kayo pero hindi ko akalain na nandito sina Papa at Mama." Naluha na naman ako kaya nilagay ko ang dila ko sa pisngi sabay tingin sa taas. Ano ba naman 'to!

"Si Azel ang nakaisip nito." Tumingin ako sa Mama ko na nakangiti habang nakayakap sa Papa ko.

Akala ko ba ayaw nila kay Gab?

"Salamat sa inyong lahat. Sobra na 'yong natanggap kong blessings ngayong araw."

"Then let's celebrate!" Masayang sabi ni Luis at binuksan ang wine. "Masaya kami para sa 'yo, Bossing!"

"Ha?" Nagtataka kong sabi.

"Ang sabi niya po, masaya siyang single siya." Nagpipigil ng tawa si Steve kaya nag-asaran na naman silang dalawa.

"Kumain na tayo." Pag-aaya ng Papa ko na nakangiti at hinalikan si Mama sa buhok.

Ah, sana all.

"Sige po, Mister and Missus Casabae. Gutom na po kami. Hehehe." Nahihiyang sabi ni Yohan kaya nagtawanan kaming lahat no'ng tumunog ang tiyan niya.

Umupo na kami at tinabi ko sa akin si Gab na namumula. Nilagay ko ang index finger ko sa labi ko at pinipigilan kong tumawa. Para kasi siyang kamatis na mayamaya ay sasabog na. Hindi pa rin nawawala 'yon simula kanina pa.

Nagkukwentuhan silang lahat at natatawa kami sa tuwing may kinukwento silang mga nakakatawang pangyayari sa buhay nila, syempre hindi mawawala ro'n ang mga Tree ko lalo na si Luis. Pinalitan ng mga butlers ng alak ang mga pagkaing hindi na maubos ng mga Tree ko kaya nagsigawan sila. Nakikihalubilo rin ang mga butlers kaya puro tawa lang ang naririnig ko.

Nilagyan ng mga butlers ang bawat glass namin ng wine kaya napangiti ako no'ng unang nagtaas ng glass si Papa. "Para sa kaarawan ng mga anak kong babae. Tagay!"

Nagsigawan ang mga butlers at mga Tree ko kaya napailing ako. Tinaas namin ang mga glass namin at napatingin ulit ako kay Gab na tumatawa dahil inaasar siya ni Papa na uminom siya ng marami.

Tumingin ako sa langit at ang daming mga bituin na kumikislap. May nakikita pa akong mga shooting star kaya napapikit ako.

Shara, maligayang kaarawan sa ating dalawa.

"Bossing, tagay pa!" Napamulat ako at natawa no'ng pumupungay na ang mga mata nina Zeus at Jin.

"Sure, why not? Kahit hanggang bukas pa tayo rito."

Nagsigawan na naman sila kaya natawa ang iba sa amin.

Mahal na mahal kita, Ate.

-----

Binuksan ko ang pintuan at hiniga ko si Gab sa kama rito sa guest room. Dito muna kami matutulog dahil nag-aalala ako na baka lumabas si Shan dahil nati-trigger siya lalo na kapag tungkol sa patayan ang usapan.

Nagbihis muna ako bago ko siya bihisan. Ginawa ko ang makakaya kong huwag tumingin sa katawan niya. Gumalaw kaunti si Gab pagkatapos ko siyang kumutan kaya napasinghap ako dahil baka magising siya. Nilagay ko ang kamay ko sa gilid ng mukha niya at hinaplos ito, ginalaw naman niya ang mukha niya na para bang kinukuskos niya ito sa mga daliri ko kaya napangiti ako. Hindi pa ako nakuntento at pinisil ko ang pisngi niya sabay natawa nang mahina.

Ang ganda ni Gab.

Lumabas ako sa kuwarto at nando'n sina Seren at Luna, I petted them on the chest kaya napapapikit sila. "Matulog na kayong dalawa dahil hindi kayo paniki."

Tumayo na ako at naglakad papunta sa terrace at nakita ko ro'n si Papa na nakaupo, nakatingin siya sa malayo habang may hawak na tasa. Napatingin naman ako sa lamesa at nando'n ang litrato naming dalawa ni Shara.

"Pa." Tawag ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin.

"Hindi ka pa matutulog?"

Umupo ako sa harap niya at kumuha sa kaha na binigay ni Rai kanina ng sigarilyo. Sinindihan ko ito at tinitigan. Ito 'yong pangalawang regalo na binigay ni Rai sa akin.

"Mayro'n ka pa, Shana?"

Tumingin naman ako sa kanya kaya natawa ako. "Akala ko pagbabawalan niyo ako, eh."

"Malaki ka na kaya hindi ko papakialaman ang buhay mo."

Binigay ko sa kanya ang kaha at lighter. Nagsindi rin siya ng sa kanya. Tumingin ako sa malayo at nag-smoke.

"Pa, thank you."

"Para saan?"

"Tinanggap niyo si Gab."

Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya. Nilagay niya ang paa niya sa kabila niyang hita at sumandal.

"Apo ang gusto ko, Shana."

"Si Gab ang pinag-uusapan nating dalawa, Pa."

"Syempre tatanggapin ko ang babaeng magsisilang ng mga apo ko."

Pinaningkitan ko siya ng mata at tinignan si Shara. "Sabihan mo nga si Papa kung anong klaseng babae si Gab. Gusto ko gandahan mo ang sagot mo, ah."

Humalakhak naman si Papa pero inirapan ko lang siya. Nasa twenties palang ako pero apo kaagad ang nasa isip niya.

"Ang totoo niyan, anak..." Nag-smoke muna siya pero umiwas lang ako ng tingin. Hindi ako sanay na tawagin niya akong anak. "Mabait na bata si Azel. Gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya."

Nanlaki naman ang mga mata ko at naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Sa dami niyang pwedeng sabihin bakit 'yon pa? Hindi ko tuloy alam kung maiilang ako o kikiligin.

"Naalala ko pa na pinapunta niya ang mga kaibigan mo rito para lang magpadala ng mga sulat."

"Sulat?"

Ngumisi siya kaya sumimangot ako. "Hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo dahil sikreto naming dalawa 'yon."

"Bakit mo pa sinabi? Gusto ko tuloy mabasa."

"Gusto ko lang sabihin na napakaswerte mo sa kanya."

"Alam ko, Pa. Hindi mo na kailangang sabihin."

Nagtawanan kaming dalawa at nanahimik sandali. Hindi ko alam na ganito pala ang tumatakbo sa isip niya.

"Gusto kong magpakasal ka sa taong mahal mo dahil ayokong magsisi ka sa huli." Ininom niya 'yong natitirang laman ng tasa niya. "Gusto kong mahalin mo ang anak mo ng buo."

"Gagawin ko ang sinabi niyo."

"Paumanhin sa mga nagawa namin sa 'yo. Alam kong mahirap ang mga pinagdaanan mo at marami kaming nasabi ng Mama mo sa 'yo na masasakit na mga salita ngunit gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka namin." Naluluha na si Papa at pinatong ang cigarette niya sa ashtray kaya nilagay ko rin ang akin.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay 'yon sa mukha ko. "Sorry rin sa mga nagawa at nasabi ko. Tinatanggap ko po ang apology niyo ng buo... para na rin po kay Shara."

"Hindi man namin magawang balikan ng Mama mo ang nangyari noon para baguhin namin ngunit handa kaming magsimula ulit tayo para sa ikabubuti niyo ni Shara."

Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil gusto na nitong sumabog sa tuwa.

"Salamat, Pa."

"Salamat din sa 'yo, Shana. Mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo."

Ngumiti ako at pumikit.

Salamat, Gabrielle Azel.

-----

Third Person's POV

Nanggigigil na ibinato niya ang hawak na jacket at regalo sa sofa sabay inilagay ang mga kamay sa baywang niya. Kanina pa siya hindi mapakali dahil muntik na niyang mahanap ang mga sagot sa katanungan niya.

"Ano na ang nangyari sa pag-iimbestiga?" Tanong niya sa mga tauhan niyang kararating lang. Binigyan naman siya ng isang basong tubig ngunit ibinato niya ito sa glass wall na nasa harap niya kaya nagkaroon ito ng kaunting basag.

"Hindi pa po sila handa kaya sa tingin ko po ay may oras pa po tayo."

Ngumisi siya at tinitigan niya sa baba ang mga nagkalat na Alexus dahil hindi pa nagsisimula ang fashion show.

"Bumaba kayo at hanapin niyo sila. Kung gusto nila ng laban, pagbibigyan natin sila."

Kinuha niya ang regalo at binuksan 'yon. Bumungad sa kanya ang litrato ng buong Alexus na may dugo ang bawat mukha.

Pinanood niya ang mga tumatawang Alexus at nakaramdam siya ng kirot sa puso niya.

"Hindi pa huli ang lahat... hindi pa."

繼續閱讀

You'll Also Like

516K 1.6K 5
There will be circumstances in your life wherein you have to choose between you and your happiness. Being in this world means everything to a person:...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
115K 5K 53
Barkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory
33.4K 1.5K 65
Both have feelings but scared to tell the truth.. Searching for some answers that were already solved but they keep on denying the truth.. A promise...