Look, I found you (UNDER REVI...

By CloudedTale

9.8K 1.4K 673

How does it feel to be a character in the story or in a comic book? What if you are not aware that you are in... More

LAPSES
MENTAL ILLNESS?
GLIMPSE OF THE FUTURE?
IN DENIAL
FATE OF AN EXTRA
DOING MY ROLE
ZACK'S ROLE
IRREFUTABLE PROOF
THE SCENE CHANGED
THE PROTAGONIST'S CONFLICTS ARISES
LITTLE THINGS
TRYING A CHANGE
FINDING MYSTERY GUY
PLANNING TO MARRY
TRIVIAL HIM
SECRET HERO
FIELD TRIP
TREVOR'S REJECTION
WISHING STONE
I REMEMBER YOU
LOST IN THE WOODS
HIRO
GETTING CLOSE
ZACK MEETS HIRO
TREVOR'S JEALOUSY
BAD CHANGES
WITH HIM
GLIMPSE OF THE PAST
TREVOR CARES
JAXTON'S MOTHER
JAXTON'S BIRTHDAY
CELEBRATION OR NOT?
HIRO IS MISSING?
TREVOR KNOWING THE TRUTH
YOU WON'T BE HIM
ALORA'S HARD TIME
DISTRACTION
HIRO IS BACK
DREAMY DATE
EDGE OF DYING
SAVING ALORA
A GOOD NEWS?
HURT
AWARENESS AND DISAPPEARANCE
AWARENESS AND DISAPPEARANCE 2
FEW LAST PAGES
SAME ENDING?
PAIN REMEMBERS
SAY MY NAME
A BRAND NEW START

WORLD OF COMICS

370 75 31
By CloudedTale

CHAPTER4:



The next day, inabangan ko kung makikita ko ulit ang warp na nakita ko kahapon. It keeps steady, hindi ito nawala hanggang mawala sa paningin ko.

I wonder if someone also experiencing the same as what I am experiencing right now. Lalo na ngayon, hindi ko alam na mayroon pala akong sakit sa puso. I don't understand myself anymore. Minsan hindi ko ma-control ang sinasabi at kinikilos ko, minsan naman ay oo.

Natanaw ko kaagad si Trevor, kasama si Jaxton at Zack na naglalaro ng soccer sa field. Kumaway ako sa kanila, pero Trevor just snobbed me.



"Aiissh. Apaka suplado mo, talaga!" bulyaw ko sarili ko, pero para talaga iyon kay Trevor.


Like this, I don't know my feelings for Trevor. If I really like him or not.



*Click*


"Trevor!" masaya kong binati si Trevor mula sa malayo.


Hindi na naman ako kumikilos, ayon sa gusto ng isip ko. Maglalakad na sana ako papalayo ng biglang mangyari ito.


"Alora." nag-aalala ang tinig niya. Trevor's eyes looked at me na parang naiirita. "Bakit nandito ka? Baka mahimatay ka na naman, at magpaawa dahil sa sakit mo, tss." Umirap siya sa akin, at muli akong tiningnan.


"Sabay tayo mag-lunch, please?" Pakiusap ko kay Trevor. Kinuha ko ang kamay niya, ngunit hindi nabago ang reaksyon niya.


"Umalis ka na." utos niya, at tinanggal ang kamay niya sa pagkahawak ko sa kanya.


Nalungkot ako bigla, at napayuko dahil sa hiya.

Pagkatapos noon ay parang bumalik na ulit ako sa normal. Padabog akong umalis, at inismiran si Trevor.


"Sandali, Alora," Hinawakan ni Trevor ang kamay ko, at napalingon ulit ako sa kanya. Maangas pa rin ang dating niya.


"Sabay na tayo kumain." pagkasabi niya noon, ay tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.


"I've changed my mind." matigas at maarte kong sabi. Iwinasiwas ko din ang maikli kong buhok at saka umalis. Akala niya siguro, siya lang may ganang mag-sungit. No way.


Nang lunch na ay kay Becky at Karl ako sumabay. Nakapila kaming tatlo para kumuha ng pagkain. Sa may harap na humihingi ng pagkain ay nagkakagulo, napansin kong sumisilip din si Becky sa mga nasa harap na ng pila.


"Anong me'ron? Bakit nagkakagulo sila?" saad ko, hindi ko tuloy maiwasang makiusyoso dahil pati si Becky ay napapangiti nalang.


"Kase, may bagong cook. Ang gwapo daw e. They called him, curry fairy. Ang cute 'no?"


Curry.


Nang makalapit na kami, ay biglang nagpapabebe si Becky. Nasa unahan si Karl, at siya ang unang nabigyan.


"Hi, I'm becky. Hello, Curry fairy." Medyo malanding bati nito sa cook.


He is just cute, and nasa twenties palang siguro niya. Palagi siyang nakangiti sa mga estudyante, simula kanina. He looks like an older brother to me.


"Eat well, Becky." sagot naman nito, at ni-served niya na rin ng pagkain ito. Masayang umalis ng pila si Becky, at kinikilig kilig pa.


"Hello!" bati niya sa akin. Nakangiti siya, pero hindi ko na iyon pinansin. "Curry?"


"No, thanks. May trauma ako sa curry," sagot ko, at inimuwestra ang kamay ko na ayaw ko.


"Ako 'yun, Curry fairy ang tawag nila sa'kin," at sinerved niya na rin ako ng pagkain. Napa-dungaw ako sa labas, dahil lumabas na naman ang black hole na nakita ko kahapon.


Hindi pa ako umaalis ng pwesto ko dahil napako ang tingin ko sa labas. Napansin kong napayuko si Curry fairy ng mahagip ng mga mata niya ang bintana. nakikita niya rin kaya ang warp?


"Nakita mo!" naibulalas ko. Kahit lumakas ang boses ko ay hindi ko na namalayan. Hindi kasi ako nag-iisa.


"Wala. Wala akong nakita." sumeryoso na ang boses niya. Iniba niya rin ang usapan ng palapitin niya na ang ibang estudyante sa harap.


"Meron, may nakita ka." pagpupumilit ko pa.


"Umalis ka na, at huwag mo nang pansinin ang nakita mo," Aniya, at parang itinataboy na ako palayo.


Hindi ko siya titigilan, hangga't hindi siya umaamin. I know what I saw, at alam kong nakita niya rin iyon.


Habang nagka-klase ay hindi ako makapag-hintay na mag-dismissed na. Mangungulit ako hanggang magsalita siya.


"Hindi ako sasabay sa inyo mamaya, ah?" Sabi ko kay Becky. I won't tell them na hindi muna ako uuwi, hindi rin naman nila maiintindihan.


"Ha?" Naguguluhang tugon ni Becky. "Bakit? May date kayo ni Trevor, 'no?" Napalakas ang boses ni Becky, at bigla kaming sinamaan ng tingin ng teacher namin.


Napalingon din sa may bandang likuran kung saan naka-puwesto si Trevor. Napansin kong natingin din siya sa amin. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin, at itinuon ang mata sa harapan.

Nang matapos ang buong klase ay tumunog na ang bell, hudyat na puwede na kaming umuwi. Sinabayan ko muna si Becky at Karl, hanggang makalabas kami ng school grounds.


"Mauna na kayo, ingat ah?" Napahinto kami sa paglalakad ng masabi ko iyon.


"Paano ka?" Medyo nag-aalalang tinig ni Becky.


"Don't mind her, may Trevor 'yan," Pang-aasar pa ni Karl.


"Pssh. Don't say that name." saway ko. "Sige na, may aasikasuhin lang ako." Nakangiting saad ko para hindi na sila mag-alala.


"Okay, Bye Alora!" Paalam ni Becky ng makalayo sa'kin. Walang humpay din siyang kumaway hanggang mawala sa paningin ko.


Wala na rin masyadong estudyante sa loob ng school ng makapasok ako. Agad akong nagtungo sa Cafeteria, hindi dapat umalis ang Curry fairy na iyon. I am full of courage habang naglalakad papunta ng cafeteria. Ngayon mapapatunayan kong hindi talaga ako nababaliw.

Pagpasok ko palang ng cafeteria ay hinanap ko na agad si Curry fairy. Wala siya sa counter, 'di tulad ng inaasahan. May maliit na pinto sa may counter's area, daanan siguro ito papunta sa kitchen. Naka-closed kasi ang buong counter dahil may mga nagkakagulo, at nasisira ang harang sa may pila at pagitan ng counter.

Pumasok ako doon, at nag-diretso na agad sa may kitchen, malaki ang school kitchen dahil may isle dining table.

Gulat na gulat na lumabas si Curry fairy mula sa naiiangat na part ng isle. Kung saan pupwedeng dumaan para makapasok sa kitchen stock room. Napahawak pa ito sa dibdib, hindi niya inaasahang pupunta ako.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin. Tiniklop niya ang mahabang manggas ng suot niyang chef's coat. Napa-crossed arms din siya, ngunit piniling ngitian ako.


"May itatanong lang ako," sagot ko dito. Sana naman ay pansinin niya ako.


"Tapos na ang oras ng klase, 'diba?" Naupo siya at nakangiti pa ring nakaharap sa'kin.


"Ano 'yun? Ano 'yung warp na 'yon? Alam kong nakita mo kaya 'wag ka magsinungaling." Banta ko pa.


"Wala nga akong nakita. Umalis ka na." Tumayo siya at tinalikuran ako. Kumuha siya ng chopping board at Lemons sa tray ng prutas.


"Pwes, hindi ako aalis dito. Sasabihin ko sa Mommy ni Jaxton na mahilig ka sa mga bata!" saad ko, at ako naman ang naupo sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa isle table.


"A-ano?!" Nanlaki ang mata niya, at parang nahiya. Napabuntong-hininga din siya at umupo sa harapan ko. "Sige, sasabihin ko sa'yo." Sabi na at makukulitan din siya sa'kin, e.


Mayroon siyang inilabas mula sa cabinet na nasa ilalim nasa itaas ng isle. Tumuntong pa siya ng upuan upang kunin ang isang parang doll house. Ito ay miniature ng school, at may mga parang wooden doll na figurine na nakasuot din ng school uniform gaya ko. Ang mga design ng miniature na iyon, at parang puppet. Kailangang pagalawin din gamit ng daliri.


Inilapag niya iyon sa table, at saka siya umupo.


"Makinig ka, Alora." Ngumiti ulit siya at saka inilabas ang isang babaeng figurine sa labas ng miniature. "This is our world," aniya sabay lahad ng kamay sa miniature. "Ikaw naman ito." at hinawakan naman sa isang kamay ang figurine.


Nakatutok lang ako sa ginagawa niya habang nakikinig.


"Kapag nandito tayo sa loob ng mundong ito," inilagay niya ang manika sa tapat ng miniature. "Hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. Sumusunod tayo ayon sa gusto ng writer. Gets mo?" Muli siyang napa-crossed arms.


"Ha? Ano 'yon?" takang tanong ko.


Napaturo ang hintuturo niya sa akin, bago kumuha ng tyempong magsalita.


"Welcome to the world of comics, Alora." Napatayo siya, at nailahad ang dalawang braso pagkasabi no'n.


"Comics?"

"mmm-mmm. Tama ka! Pansinin mo yung lamp na 'yun na nasa tabi ng tray." Saad niya, napatingin din naman ako.


"B-bakit l-lumulutang?" Nagulat din ako sa nakita ko. Lumulutang ang mga gamit sa kusina.


"Dahil nandito tayo sa shadow," inilayo niya ang figurine sa tapat ng miniature. "Sa labas ng stage, kaya nating gumalaw ng naaayon sa sarili natin. Kaya akala mo, lumilipas ang araw, sumusunod tayo ayon sa gustong isulat ng writer."


"Kaya ba minsan, bigla nalang naiiba yung suot ko, yung lugar dahil nasa eksena ako?"


"Tama ka rin. At hindi ka nababaliw, ang totoo niyan ay nagising ka. Naging self-aware ka na, kaya alam at natatandaan mo ang mga nangyari," sagot nito.


Dahil sa mga paliwanag niya, ay mas lalong dumami ang tanong sa isipan ko.



Author's note:

Please support my story! Leave a comment&vote for my story. Til' the next update. 💙

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 110 21
[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil p...
57.8K 718 34
Ianne Velasquez, one of DLSU Lady Spikers. Because of her mischievous friends, she even got close, she always there to support and cheer, her one and...
506K 23.7K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
Raven University By lollybae

Mystery / Thriller

375K 18.1K 44
Welcome to Raven University! Kung saan hindi pang akademikong asignatura ang iyong aaralin, kundi kung paano lumaban para mabuhay at... pumatay. Thi...