Black Mafia 7: Austin Guiller...

By RHNA24

49.6K 1.9K 40

-I'm a girl that liquor is the solution if I'm hurt. But unexpectedly, the mistake I made lead me to my desti... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE

CHAPTER 7

1.7K 74 1
By RHNA24

Cristel

"Mom! Bakit Kailangan pa nating mag shopping?"

"Shut up sweetheart. Kailangang maging maganda ka sa birthday mo."

Kanina pa ako reklamo ng reklamo pero kanina pa din niya ako sinusuway sa parehong dahilan.

Kailangang maging maganda daw ako sa birthday party ko. That means mamaya.

It's been two days when I visited Analyn on her rest house. Dalawang araw na din ang nakakaraan at hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkikita.

Napabuntong hininga ako at mabilis na winaglit sa isipan ang nangyari. Ayoko munang maalala yun.

Ngayon ang mahalagang araw ng buhay ko. No negative vibes. Just a positive one.

Ilang boutique na ang napasukan namin. Kanina pa din kami ikot ng ikot para maghanap ng magandang damit.

Honestly, marami na kaming nabiling damit. Ito lang talagang si mom ang hindi makontento.

"Mom, let's go home." Nabubugnot na sita ko sa kanya nang pumasok na naman kami sa ibang boutique.

"No sweetheart. Kailangang maraming damit ang bilhin natin so that marami kang mapiling damit. Understood?"

I just rolled my eyes. Sinundan ko nalang si mom sa kung saan siya pumunta.

Hindi ko naman kailangang pumunta ngayon sa kompanya para magtrabaho dahil pinag leave ako ni Dad.

That's why I'm stucked with my mom here. Hindi naman ako makapag protesta dahil pinapagalitan niya ako.

Sukat dito. Sukat duon. Sukatin ito. Sukatin iyon.

Iyon lang ang ginawa ko hanggang sa mapagdesisyonan ni mom na kumain muna kami.

Lihim nalang akong nakahinga ng maluwag dahil kanina pa talaga ako napapagod.

"By the way hija, sinong mga bisita mo?" Tanong ni mom nang kumakain na kami sa napili naming kainan.

"It's just Analyn's family. Wala naman akong masyadong close friends at alam mo yun mom."

"How about your boyfriend?"

Napaubo ako sa sinabi ni mom. Masama ko siyang tiningnan bago uminom ng tubig.

"Mom! Bakit mo naman natanong yan? I don't have a boyfriend either!"

Napaiwas ako ng tingin ng biglang sumagi sa utak ko ang imahe ni Austin. Mabilis din itong nawala nang ipinilig ko ang aking ulo.

"Oh, I misunderstood it."

Napabalik ang tingin ko sa kanya. "Misunderstood what? Na may boyfriend ako?"

"Sort of. Nakita kasi kita na sumakay sa kotse ni Austin. One of your father's business colleague. Kaya I thought he's your boyfriend."

"Mom." It came out as a whisper rather than a shout when I saw a smile on my mother's face.

Gusto ko siyang pagalitan sa kanyang sinabi pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano pero bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko?

"You know what hija, I like him to be your boyfriend."

Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ng aking Ina. Nakangiti pa siya habang binabanggit ang salitang yun.

I can't cope up the words I want to say. Gusto kong magtanong kung bakit nasabi niya yun. Pero iba ang lumabas sa aking bibig.

"May girlfriend na siya mom."

I didn't heard her respond. Kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain na mukhang hindi ko na kayang ubusin. I lost my appetite. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Natapos nalang kaming kumain pero wala paring umimik sa aming dalawa. I thought mom was mad or something but I'm wrong when she speak.

"You like him."

Gulat ang bakas ng mukhang napatingin ako sa kanya. The words she said was not a question. It was a statement.

"Mom.."

"Anak kita. I'm a woman too. Hindi mahirap sa akin na basahin ang emosyon mo. The first time you saw him, it was different. Kaya I assume na magkasintahan kayo or what."

Napaiwas ako ng tingin at mapait na ngumiti. Siguro oo? Siguro hindi? Hindi ko alam. Sabi ko nga, something changed. Alam ko kung ano yun pero dinedeny ko lang.

"But he have a girlfriend mom." Was all I said.

"The last time I know, hindi ka nagpapatalo. The last time I remember, wala kang inaatrasan. Why now my daughter?"

"Because something have changed. Siguro nuong umalis ako papuntang amerika, maraming nagbago. Hindi ko lang alam kung ano. Basta marami." Mahina akong natawa sa sinabi ko.

Kahit nga ako mismo, hindi alam kung anong nagbago. Maybe because hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang paligid ko.

Fucos lang ako noon sa trabaho ko at walang ibang iniisip.

"Hindi ko man alam kung ano ang nasa isip mo anak, pero alam kung alam mo kung ano ang nagbago sayo. Hindi mo lang kayang aminin dahil takot kang masaktan. Takot kang sumugal."

Napaatras ang dila ko sa huling sinabi ni mom. Nanatiling nakatatak sa utak ko ang sinabi niya habang papauwi kami ng bahay.

My birthday party will be held at exactly 6:30 pm. Kaya alas tres palang ay nakauwi na kami ni mom sa bahay galing sa mall.

Busy ang lahat ng tao sa bahay. Maraming mga waiters at kasambahay na busy sa pag me-maintain ng hall.

Malaki ang space ng living room ng bahay. Kailangan lang kunin ang mga sofa duon para ma organize ang paligid.

Dahil sa sobrang pagod ko sa mall ay humilata ako deretso sa aking kama nang makaakyat ako sa kwarto. I just want to take a nap but it came out as a sleep.

Nagising nalang ako sa lakas ng boses ng aking kaibigan.

"Jusko Cristel! Gumising kanang bruhilda ka! Wala ka bang planong magpakita sa kanila?! Kanina ka pa hinihintay ni Austin sa ibaba!"

Awtomatikong napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang kanyang pangalan.

Naningkit ang mata ng maganda kong kaibigan at pabiro akong sinabunutan.

"Masyadong kang halata aking mahal na kaibigan. Pangalan lang naman pala niya ang makapagpagising sayo. Gawin mo nalang kayang alarm clock ang boses niya?"

Binato ko siya ng unan na nakuha ko bago tumayo. "Gaga. Nagising ako sa ingay mo."

Narinig ko pa siyang nagreklamo bago ako dumeretso sa banyo. Nag half bath lang ako bago lumabas ng banyo.

May nakalatag ng maraming damit sa kama. Mukhang si Analyn ang may gawa nito dahil wala na din siya sa kwarto.

Nakapameywang na hinarap ko ang mga damit na nakalatag sa kama. Simpleng dress lang ito lahat. Pero ileganteng tingnan.

Napatingin ako sa relo sa bedside table ko at mahinang napamura. May thirty minutes nalang ako para mag-ayos.

Pinili ko nalang ang spaghetti red dress ko na hapit na hapit sa aking katawan. Mababa ang neck line nito cause me to reveal my clevage.

May X na design ang likod ko kaya kitang kita ito. Nang maisuot ko na ito ay hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko.

I put some light make up on my face. Sinuot ko ang diamond earing ko na kapag natatapatan ng ilaw ay kumikinang.

I put a six inch red stilleto and a red lipstick. Hindi ko na naisipang mag contact lense dahil sapat na ang asul kong mga mata.

Nama ko ito kay dad.

Isang red purse din ang napili ko para duon ilagay ang aking phone. Nang makontento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng aking kwarto.

"Mabuti naman at tapos kana. Happy birthday."

Iyon kaagad ang sinabi ni Analyn nang magkasalubong kami sa hallway. Mukhang balak niyang sunduin na ako dahil naririnig ko na ang ingay sa living room.

"Thanks Analyn."

Nakipagyakapan pa ako sa kanya ng mahigpit bago kumalas. Namumula ang mata niya na mahina kong ikinatawa.

"Anong nakakatawa? I'm just so happy for you."

I silently chuckled. "I know. Kaya nga I'm so thankful dahil ikaw ang naging kaibigan. Such a supportive one."

"Now, now, don't make me cry. Baka masira ang make up ko." Binuntunan pa niya iyon ng mahinang tawa. "oh siya, maiwan na muna kita. Malapit ng magsimula. Just wait your escort here, okay?"

Huli na para pigilan ko siya para sana magtanong kung sino ang escort ko. Nagkibit balikat nalang ako habang nakikinig sa sinasabi ng emcee.

I think si dad ang esco—

"Happy birthday."

Naging isang malamig na yelo ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun.

The voice that I been searching for. The voice that I miss.

"Austin.."

Naibulong ko sa hangin ang kanyang pangalan nang pumunta siya sa harapan ko.

Muntik na akong napapikit nang haplusin niya ang aking pisngi.

Tila may bolta-boltaheng kuryente ang hatid ng kanyang kamay. It send a tingling sensation through my body that I can't explain. Kakaiba sa pakiramdam.

"Your beauty is like a goddess. As ever. Happy birthday once again. I miss you." Puno ng lambing ang kanyang boses na muntik ko ng ikapikit.

Mabilis kong kinastigo ang aking sarili nang muntik ko ng sabihin ang salitang 'I miss you too'.

Nginitian ko na lamang siya at bahagyang umatras upang mapalayo ng kaunti.

"Salamat. Mabuti naman ang dumating ka."

"Of course I will. Bakit, na miss mo ba ako?"

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Lalo na't narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

".. and let's all welcome. The birthday girl, Cristel Bridgeman!"

Napatingin ako kay Austin ng ilahad niya ang kanyang braso. Nakalimutan ko, siya pala ang magiging escort ko ngayong gabi.

Huminga ako ng malalim bago inangkla ang aking kamay sa kanyang braso.

"Baka magselos ang girlfriend mo."

"I don't have any."

Hindi ko na nagawang magsalita dahil nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan.

As if naman wala siyang girlfriend. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pangalan ng binaggit niya para iwan niya ako duon sa rest house nila Analyn.

Nakaplaster ang malaking ngiti sa labi ko nang tuluyan na kaming makababa ng hagdan. Pinigilan ko ang sarili kong mapapikit sa dami ng flash ng camera.

Kaliwa't kanan ang bumati sa akin. Kaliwa't kanan din ang pagbibigay ko ng pasasalamat habang nakangiti.

"Just enjoy your day."

I look at him when he said those words. When our eyes met, I instantly smiled.

Siguro nga tama si mom. Na indenial lang ako sa totoo kong nararamdaman dahil takot akong masaktan. Dahil ayokong masaktan.

But the truth is, takot akong mas lumalim pa itong nararamdaman ko sa kanya.





RHNA24 | rhiena manunulat

Vote for more updates❤️

08-26-20

Continue Reading

You'll Also Like

12.9K 162 19
The infamous Michael Myers goes back to his hometown to kill off his sister. Although during his time there, something catches his eye. It was y/n. ...
39.9K 2.4K 15
โ”โ”โ”โ”โ” ่งฃๅ†ณ ( yandere!duke x male!reader ) หš เผ˜โ™ก ยทหš โ‚Šหšห‘เผ„ุ˜ ใ€Œ You wake up one day only to find that your childhood best friend, the heir to the Dukedom, ha...
60.7K 773 45
Maaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng...
56.1K 1.6K 34
-I live like a princess. Not until I met him and become his slave- Rix Navarro known as a typical playboy. He seldoms talk to others aside to his fri...