We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.9K 104 5

When I began to fall in love with my husband, memories of someone else started reappearing in a confusing man... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Sixty

17 1 0
By sooftiec

“Where are we going, Kuya?” nagtataka kong tanong kay Kuya habang sumasakay sa sasakyan niya.

“You'll know.” ngumiti siya sa akin bago paandarin ang sasakyan.

Eh? “Saan nga?” nangunot ang noo ko. “Hindi mo naman ako ibabalik sa bahay, di'ba?” kinakabahan na tanong ko sa kanya.

“No.” natawa siya, “Bakit? Gusto mo ba?” sumilip siya sa'kin.

“Ayoko.” tumingin ako sa bintana ng sasakyan. “Hindi po ako handang makita sila.” seryoso kong sagot.

“How about your husband?”

Tch. Yung totoo? May gusto ba siya kay Yuan? Bakit puro siya na lang ang tinatanong niya palagi sa'kin?

“Birthday niya na bukas, am I right?” ngumiti siya.

“Yeah.” napabuntong hininga ako. It's already January 2. Halos isang araw na din ang tinagal ko kasama si Kuya.

“Wala ka bang balak magpakita sa kanya?” nagtataka niyang tanong.

“Hindi ko alam.” mahinang sagot ko, “Don't ask me.”

“Pft, bakit?” natawa siya, “Ewan ko sa'yo, Xiantel. Mabuti ka pa nga may asawa, eh ako? Wala.” mapaklang singhal niya sa'kin.

Oh. “Bakit ba kasi ayaw mo kay Ate Yna?” pang aasar ko na naman sa kanya. Grabe. Halos kahapon ata ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang asarin siya kay Ate Yna. Natutuwa kasi ako kapag nakikita ang asar niyang mukha.

“There you go again.” mabilis na nagbago ang mood niya. “Tantanan mo na nga ako sa Yna na 'yan.”

“Bakit?” ako naman ang natawa ngayon, “Ang arte mo, Kuya. Halos lahat na nga ata ay na kay Ate Yna na.” singhal ko sa kanya.

“Oo, kaya pati kaingayan at kabaliwan ay nasa kanya na din, tch.”

Pft. “I'm sure, hanggang salita ka lang ngayon, Kuya.” natawa ako, “Kapag talaga nalaman ko kay Ate Yna na nililigawan mo siya, tatawanan talaga kita.” natatawa kong singhal sa kanya.

“Hindi mangyayari 'yan.” seryoso at inis na sagot niya. “Nandito na tayo.” saad niya bago itigil ang sasakyan.

Ha?

Napalingon naman ako sa bintana dahil sa sinabi niya. Eh? Bakit parang ang bilis ata? Halos 10 minutes pa lang ata kami nagbyahe, nandito na agad kami.

“Nasaan tayo, Kuya?” nagtataka kong tanong sa kanya. Nangunot ang noo ko ng makita na parang sementeryo ang lugar na pinuntahan namin.

“Xiantel.”

Napatingin ako kay Kuya ng tawagin niya ako. “We're here.” ngumiti siya sa'kin. “Bumaba na tayo.” nakangiti pa din na saad niya bago bumaba sa sasakyan.

Kahit nalilito ay sumunod na lang ako sa kanya, bumaba na din ako ng sasakyan. “May dadalawin ka ba dito, Kuya?” nagtataka na talagang tanong ko.

Sino naman ang dadalawin namin dito?

“Hmm.” tumango siya sa'kin bago hawakan ang braso ko at hilahin papasok sa entrance ng lugar. “I'm sure, gagaan na ang loob mo kapag nakita mo kung sino ang dadalawin natin.” nakangiti niyang saad habang hinihila ako.

Eh? “Bakit?” nangunot ang noo ko, “Kilala ko ba ang taong dadalawin natin?”

Mas lalo siyang napangiti, “Kilalang kilala.”

Okay? Mas lalo akong nalito dahil sa sinabi niya. Kilalang kilala ko daw ang dadalawin namin dito?

Ha?

Sino naman 'yo—

“Nandito na tayo.”

Shit.

Natigilan agad ako ng makita ang lapida na nasa harapan ko.

“K-Kuya?” wala sa sariling napatingin ako kay Kuya. “A-Alam m-mo?” mahina kong tanong sa kanya.

“Oo.” tumango siya sa'kin, “Nakita ko dito si Yna, noon.” ngumiti siya. “Nagtaka ako kaya pinuntahan ko ang lugar na 'to. And yes,” tumingin siya sa lapida na nasa harapan, “It's Yovanni's grave.”

Fuck.

Dahan dahan akong napatingin sa lapida na nasa harapan. Pagtingin ko dito ay nakaramdam agad ako ng kirot sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay parang tinutusok muli ang puso ko sa sakit ng makita ang pangalan ni Yovanni sa lapida.

“Y-Yovanni...” wala sa sariling lumapit ako dito at lumuhod sa harapan ng lapida niya. “Y-Yovanni..” mahina kong bulong habang hinahaplos ito. Shit. Naramdaman ko agad ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. “Y-Yovanni.” hinaplos ko ang pangalan niya, “I-I'm here." mahina kong bulong, “I-I'm here a-already.”

Shit.

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Para silang masaganang ulan na nagpatakan galing sa mga mata ko. “Y-Yovanni.” napahawak na lang ako sa dibdib ko ng maramdaman kong kumirot ito ng sobra. “I-I'm sorry.” mahina kong bulong habang umiiyak, “I-I'm r-really r-really s-sorry.” napapikit ako. “I-I'm sorry, I-I'm sorry.” napatungo na lang ako habang nakaluhod at nakahawak sa lapida niya.

“I-I'm sorry, Yovanni. I'm sorry.” emosyonal na bulong ko habang napapapikit sa sakit. Damn. This is all my fault. This is all my fucking fault!

“I-I'm sorry.” muli kong hinaplos ang lapida niya. Habang hinahaplos ko ito ay mas nagdagdagan ang sakit na nararamdaman ko.

“I-I'm sorry.” napapikit ulit ako ng maramdaman ang luha ko, pakiramdam ko ay basang basa na ang lapida ni Yovanni dahil sa mga luhang walang tigil sa paglabas sa mata ko.

“I-I'm sorry.” tinitigan ko ang pangalan niya na naka-ukit dito, “I-I loved you.” mahina kong bulong habang nakahawak sa pangalan niya.

“I-I loved you, Y-Yovanni. I-I'm sorry.”

“Xiantel, stop crying already. Hindi ka ba napapagod?”

Hindi ko pinansin ang sinabi sa akin ni Kuya at umiyak na lang ng umiyak.

Pakiramdam ko ay naubos na ang luha ko kanina, pero ngayon, may nailalabas pa din ako.

“Xiantel.” hinawakan ni Kuya ang mukha ko at iniharap sa kanya, “Hindi gusto ni Yovanni 'yan. Hindi niya gusto na umiiyak ka.” pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Hindi naman ako nakasagot at napatung na lang.

Ang sakit. Ang sakit sakit lang makita ng lapida niya kanina. Akala ko kapag nakita ko 'yon, giginhawa ang pakiramdam ko at mawawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi, hindi nawala. Mas lalo pa atang nadagdagan.

“Stop crying.” pinunasan niya ng pinunasan ang pisngi ko. “Ayan, ang pangit mo na tuloy.” tinitigan niya ang mukha ko, “Ang pangit mong umiyak, Xiantel.”

Aish. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. “T-Tara ng umuwi, nagugutom na ako.” mahina kong saad bago tumingin sa bintana ng sasakyan niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, “Okay.” sagot niya bago sinimulang paandarin ang sasakyan.

Habang naandar ang sasakyan, hindi ko pa din maiwasan maiyak ng maalala ko ulit si Yovanni. God. Hindi na ata ako matatapos sa kakaiyak kung parati ko siyang maaalala. Kapag kasi pumapasok sa isip ko na namatay siya dahil sa'kin, naiiyak talaga ako. It's all my fault. Tama si Don Rico, kasalanan ko ang lahat. Dapat ako ang sisihin kung bakit siya nawala.

“Ano? Iiyak ka na naman?” rinig kong singhal sa akin ni Kuya.

“Tumigil ka na.” seryoso niyang saad, “Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari sa kanya.”

Hindi na ako nagulat ng malaman niya kung ano ang rason ng pag iyak ko.

“Pareho kayong may mali, Xiantel. Huwag mong solohin ang kasalanan.” seryoso niyang singhal sa'kin. “Kung iisipin mo na kasalanan mo ang lahat, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman mo diyan sa dibdib mo.”

Pakiramdam ko ay tinuro niya mismo ang dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kirot dito.

“Nabulag lang kayo sa pagmamahal kaya nagawa niyo 'yon.”

“....”

“Akala mo ay siya lang ang taong kayang magpasaya sa'yo kaya sumama sa kanya.”

“....”

“Masyado ka pang bata noon, hindi mo pa alam ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal.”

Damn. Alam ko. Alam ko 'yon.

“Pareho kayong may mali ni Yovanni, kaya huwag mong isisi sa'yo ang lahat ng kasalanan.”

“O-Oo na.” pagsuko sa kanya. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Totoo pala na kapag tinanggap ko ang katotohanan na 'yon, mababawasan ang sakit na nararamdaman ko.

“Ano? Nabawasan ba?” seryoso niyang tanong bago sumilip sa akin. Dahan dahan naman akong tumango bilang sagot.

“Good.” humarap ulit siya sa kalsada, “Mas mabuti siguro kung kakalimutan mo na ang lahat ng sakit ng nakaraan, Xiantel.” seryoso at madiin niyang saad.

Natigilan naman ako dahil doon.

“Itira mo na lamang ang magagandang ala-ala niyo ni Yovanni diyan sa isip mo.” muli siyang sumilip sa akin, “At kalimutan ang lahat ng masasakit na nangyari sa inyo.”

“K-Kuya...” napatungo ako. Shit. Dapat ko na bang kalimutan ang lahat ng 'yon?

“Mas maganda kung ayon ang gagawin mo, Xiantel.” ngumiti siya sa'kin, “Para mawala na ang lahat ng sakit na nararamdaman mo.”

Hindi ako nakakibo at nakasagot dahil sa sinabi ni Kuya.

Pakiramdam ko ay mayro'n parte ng sarili ko na sumang-ayon sa sinabi niya. Parang sinasabi ng parteng 'yon na tama siya, dapat ko ng kalimutan ang sakit ng nakaraan, at itira na lamang ang magandang ala-ala namin ni Yovanni.

“Nandito na tayo.”

Wala sa sariling napatingin na lang ako sa bintana ng sasakyan ng marinig ko ang sinabi niya. Naramdaman kong bumaba na siya ng sasakyan kaya tahimik na sumunod na lang ako sa kanya.

“Ano'ng gusto mong kainin?” mahinahon na tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami papasok ng bahay niya. “Kahit ano na lang.” mahina kong sagot sa kanya.

“Walang kahit ano na lang dito, Xiantel.”

Napatingin ako kay Kuya.

Eh?

Bakit nakangiti na siya ngayon?

“Hay nako.” lumapit siya sa'kin at niyakap ako ng mahigpit, “Move on na, Xiantel. Matagal na 'yon.” mahinahon niyang saad habang hinahaplos ang buhok ko. “Kung parati mong iisipin si Yovanni, pati na din ang masasakit na ala-ala niyo. Hindi ka magiging masaya ulit.”

“K-Kuya..”

“Oras na para maging masaya ka, Xiantel. Kalimutan mo na ang lahat ng 'yon, okay?” humarap siya sa'kin, “Ngiti na.” nakangiti niyang utos sa akin.

“K-Kuya—”

“Ngiti.”

“H-Hindi ko k-ka—”

“Isa, ngumiti ka.”

“K-Kuy—”

“Xiantel?”

Argh.

Fine.

Wala sa sariling ngumiti ako sa kanya.

“Ayan, good.” napangiti siya, “Gusto ko ay parati kong makikita ang ngiti na 'yan sa mukha mo, okay?”

Napatango ako, “Okay.” napapa-buntong hininga na sagot ko.

Mabuti pa nga siguro na kalimutan ko na ang lahat na masasakit na ala-ala namin ni Yovanni, at itira na lamang ang magaganda at masaya na pinagsamahan namin. Hindi naman masama kung gawin ko 'yon, gusto ko lang maging masaya. Masaya ulit.

“So, ano? Mahal mo si Yuan?”

Eh?

“Kuya?” nangunot ang noo ko. Aish. Nagsisimula na naman siya.

“Ano nga? Mahal mo siya?” ngumisi siya sa'kin.

Psh. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. “Gutom na ako, tara ng kumain.” saad ko bago nagsimulang maglakad papunta sa kusina. “Ano ba'ng pwedeng lutuin dito?” tanong ko sa kanya habang pumapasok sa kusina niya.

Ah.

Pakiramdam ko ay guminhawa ang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi ni Kuya. He's right. I need to accept, forget, anything that happened on the past. Mas maganda kung magsisimula ako ng panibagong yugto ng buhay ko ng nakangiti at masaya.

“Maalam ka magluto?” namamanghang tanong sa akin ni Kuya pagpasok niya ng kusina.

“I need to learn.” sagot ko sa kanya.

“Ah? Because of Yuan?” napangisi na naman siya.

Psh. “Ano'ng gusto mong ulam, Kuya?” tanong ko sa kanya habang binubuksan ang ref niya.

“Pork steak na lang.”

Shit.

Natigilan ako ng maalala ko si Yuan dahil sa sinabi niya. Argh. Right. Ito kasi ang itinuro ko sa kanya noon, kaya naging paburito niya na ito. Damn.

“Ano? Maalam ka ba no'n?”

“O-Oo.” sagot ko kay Kuya. “Marami akong alam.” pagmamayabang ko sa kanya.

“Weh?” natawa siya, “Ilang taon ka na nga ulit? 19? Grabe.” napahalakhak siya, “Sa edad mong 'yan, marami ka ng alam?”

Tch. “Pagluluto ang sinasabi ko.” singhal ko sa kanya.

“Oo nga, that's what I'm talking about. Bakit? Iba ba ang naiisip mo?” napangisi siya.

Aish. Isa din pala 'tong pilyo.

“Tumigil ka na, Kuya. Wala ka namang girlfriend.” malakas na talagang singhal ko sa kanya.

“Ouch!” kunwaring nasaktan ito at napahawak sa dibdib, “Ang sakit mo naman magsalita.”

“Psh. Totoo naman kasi.” natawa ako, “Kay Ate Yna ka na kasi, masarap din 'yon magluto.” ngumiti ako sa kanya.

“Ah.” bigla siyang umayos ng tayo, “Bigla ata akong nawalan ng gana kumain.” napaiwas siya ng tingin, “Bilisan mo na diyan, baka magka-gana ako kapag nakita ko na ang niluto mo. Tch.” inis na saad niya bago tumalikod at lumabas ng kusina.

Pft. Natawa na lang talaga ako dahil doon.

Argh.

God. I'm so thankful. I'm so thankful that I have him as my brother.

Grabe, hindi ko ata kayang maging masaya ulit kung wala dito si Kuya.

Ah. Right. I should start my year with a smile and hope.

Napangiti ako.

Yes.

I should forget all my bad memories and,

start with a new and happy one.

**

A/N: Votes and Comments are both highly appreciated hehe 🥺🤍

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
149K 246 5
[Wattis Awards 2018 Participant] [Wattys2018 Participant] Enemy- yan ang tawag sa mga taong ayaw na ayaw mo. Yung tipong sira na ang araw mo pag naki...
96.3K 2.2K 49
Book two of The Casanova's Match Former: Mr. Loverboy meets miss Deadma
127K 513 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.