Chapter Sixty Five

19 1 0
                                    

“Hey! Malakas 'yon, ha!”

“Anong malakas?! Mahina pa nga 'yon—AAAAAH! Yuan!” napatili si Ate Yna ng bigla siyang basain ni Yuan ng tubig.

“Go, Yuan! Go, Yuan!” malakas na cheer sa kanya ni Kuya Tani. Pft.

“Alyana, Pearl! Help me! Basain natin ang mga 'to!” parang nagtatawag ng resbak na siyaw ni Ate Yna kila Alyana at Pearl na nasa likuran niya.

“Game!”

“Sure!”

“Pft. They're so funny.” natatawang bulong sa'kin ni Lukas habang naka-upo kami pareho sa buhangin at pinapanood sila Yuan, Kuya, Ate Yna, Alyana at Pearl na nagbabasaan sa may bukana ng dagat.

“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” tanong sa'kin ni Lukas habang nakatingin sa'kin.

“Ayokong mabasa.” natatawa kong sagot sa kanya. “Hey, oo nga pala.” humarap ako sa kanya, “Bakit hindi mo sinabi sa'kin na kaibigan mo si Kuya, ha?” nakataas ang dalawang kilay na tanong ko sa kanya.

“I can't tell you.” natawa siya, “Alam mo naman siguro 'yon, di'ba?”

Psh. “Oo.” sagot ko, “Pero kahit na.” inirapan ko siya, “Alam mo naman na matagal ko nang hinahanap si Kuya.” singhal ko sa kanya.

“Sorry.” natawa pa din siya, “Nakita mo naman na siya ngayon, di'ba? Okay na.” ngumiti siya sa'kin.

“Tch.” ngumiti na lang din ako. Hindi naman talaga ako galit sa kanya, eh. Nainis lang siguro kasi hindi niya sinabi sa'kin na kilala niya pala si Kuya Tani.

“Aaaaaah! Xiantel! Help! Yung asawa mo binabasa ako!”

Nagulat na lang ako ng biglang lumapit sa akin si Ate Yna at nagtago sa likuran ko. “Hey! You're such a cheater! Huwag ka ngang magtago diyan!” singhal sa kanya ni Yuan habang may hawak na baso na may laman na tubig galing sa dagat.

“Why? You're scared?” nang aasar na tanong sa kanya ni Ate Yna. “Ano? Bakit hindi mo ako basain ngayon?” halatang nakangisi siya ngayon.

“Umalis ka diyan.” sumama ang tingin ni Yuan sa kapatid niya. “Ayoko nga.” mapang-asar na sagot sa kanya ni Ate Yna.

“Hon?” tumingin sa'kin si Yuan, “Pwede ka ba umalis diyan, please?” malambing na tanong niya habang nagpapa-cute sa'kin.

Pft. Natawa na lang ako.

“No! Don't go anywhere, Xiantel!” hinawakan ni Ate Yna ang pareho kong balikat, “Don't you dare!” pananakot pa  niya sa'kin.

“Hey! What the hell are you doing to my wife?” inis na tanong sa kanya ni Yuan. “Hon, get up now. Please, babasain ko lang siya.” pakiusap sa'kin ni Yuan.

“No! No, Xiantel! Don't listen to hi—AAAAAAAAAH!”

Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw at napabitaw sa'kin. “Hey! You! Why did you do that?!”

Pft. Natawa ako ng todo ng makita si Kuya Tani na may hawak na baso ng tubig. “Tch. Serves you right.” nakangisi na sagot sa kanya ni Kuya bago tumakbo pabalik sa dagat. “Hey! Phynix! Argh! Lagot ka sa'kin!” inis na sigaw ni Ate Yna bago tumakbo pasunod kay Kuya.

Hahaha! They look cu—

“Aaaah!” napatili ako ng may maramdaman akong malamig na tubig sa katawan ko.

Argh! “Yuan!” malakas na sigaw ko ng makita si Yuan na nakangisi sa harapan ko. “Would you like to join us, Mrs Rico?” nakangisi niyang tanong sa'kin.

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now