Chapter Forty Six

12 1 0
                                    

“Last Christmas, I gave you my heart

But the very next day you gave it a—”

“Oh, okay. Stop.”

Aish.

Napabuntong hininga na lang ako ng magkamali na naman ako ng pagpasok sa kanta. Grabe. Kanina pa ako nagkakamali dito, nahihiya na talaga ako!

“S-Sorry, guys.” napatungo ako dahil sa kahihiyan.

“Ano ka ba, Xiantel! Okay lang 'yan! Kakasimula pa lang naman natin mag practice, eh.” ngumiti sa akin si Megan.

“Oo nga, Xiantel. Normal lang naman 'yan.” ngumiti sa akin si Noel, ang isang guitarist nila.

“Pero in fairness, ha? Nakakasabay ka na sa'min.” puri sa akin ng isa pang vocalist na si Anna.

“I told you, guys! Magaling talaga 'to si Xiantel.” napangiti si Megan, “Oh, sige. 20 minutes break tayo. Para naman makapaghanda ng maayos si Xiantel.”

Ah, mabuti naman. Napangiti agad ako sa sinabi niya. “S-Sige.” mahinang sagot ko sa kanya bago nagsimulang maglakad papunta sa gilid kung saan naka-upo ang asawa ko.

“Hi, hon! Ang galing galing mo do'n!” sinalubong niya agad ako ng yakap. Psh. “Ano'ng magaling do'n? Puro mali nga ako.” malungkot kong sagot sa kanya.

“Hey, sa simula lang naman 'yan.” tumingin siya sa mga kasama ko sa banda, “Magaling si Xiantel, di'ba?” nakangiti niyang tanong sa mga 'to.

“Oo naman!” sabay sabay na sagot nila kay Yuan. “Sino ba naman hindi gagaling sa pagkanta kung may asawang ganyan ka-gwapo?” medyo kinikilig na saad ni Anna. Pft. Don't tell me, may crush din siya kay Yuan?

“Oo nga naman!” pagsang-ayon sa kanya ni Yuan. “Sila na may sabi, hon. Magaling ka.”

“Bola lang 'yon.” napabuntong hininga ako bago kinuha ang hawak niyang bottled water. Matapos kong uminom nito ay umupo ako sa gilid at sinimulan  ng mag practice ng kanta namin. Damn. Hindi ko maiwasan malungkot dahil sa pagkakamali ko kanina. Mahigit limang kanta kasi ang kakantahin namin tapos unang kanta pa lang, sumasablay na ako. Nakakalungkot lang isipin 'yon.

“Xiantel. Huwag ka naman ganyan.” tumabi sa akin si Yuan.

“Ano?” tumingin ako sa kanya.

“Nalulungkot din ako 'pag ganyan ka.” napanguso siya. “Magaling ka naman talaga, eh. Practice pa lang naman 'yon.” ngumiti siya sa akin. “Lahat naman ata ng vocalist ay nagkaka-ganyan, 'wag ka ng malungkot diyan.” hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.

“Psh.” hindi ko na naiwasan pang ngumiti. Kahit talaga nalulungkot ako ngayon ay kayang kaya niyang baguhin ang mood ko sa ilang segundo lang. Gano'n kalakas ang tama niya sa'kin.

“Sabayan mo akong kumanta.” ibinigay ko sa kanya ang papel na hawak ko.

“Eh? Why?” nangunot ang noo niya, “Pangit ang boses ko, hon.”

“Kaya nga.” napangiti ako, “Para naman masabi ko na magaling talaga ako.” natawa ako ng malakas.

“Tch!” sumimangot siya, “Diyan ka magaling. Iinsultuhin mo ang boses ko!”

“Joke lang.” kinurot ko ang pisngi niya. “Dali na, gusto ko ay duet tayo.” umayos ako ng upo at humarap sa kanya.

“Psh. Huwag mo 'ko igaya kay Lukas, Xiantel. Hindi maganda ang boses ko.” lalo siyang napanguso. “Okay lang 'yan.” sagot ko sa kanya.

“A-Ayoko.” napaiwas siya ng tingin, “Nakakahiya naman sa mga kasama mo.”

“Eh? Hindi 'yan.”

We Must Be NuptialsWhere stories live. Discover now