Chapter Twenty Eight

16 1 0
                                    

“Saan ka galing?”

“Sinamahan ko lang ang kaibigan ko kanina sa Mall.”

“Ah. Kaibigan mo na pala si Lukas ngayon?”

Humarap ako sa kanya. “Hindi ba't sinabi ko na sa'yo noon na kaibigan ko siya.” pinigilan ko ang mainis. Grabe. Aawayin niya na naman ba ako dahil lang kay Lukas?

“Hindi ka nagpaalam sa'kin na sasamahan mo siya.” pigil din ang inis na singhal niya sa akin.

“Bakit?” natawa ako, “Dapat ba alam mo lahat ng gagawin ko, Yuan?”

“Oo, dahil asawa mo ako.” sumeryoso siya.

Tch. Tumingin ako sa kanya ng seryoso, “Ayon nga. Asawa lang kita. Asawa lang.” pilit kong pinaintindi sa kanya ang bagay na gusto kong malaman niya.

“Ah.” nakita kong nasaktan siya, “Asawa mo lang ako. Tapos si Lukas, gusto mo? Gano'n ba?” natawa siya ng mahina. “Sana pala sinabi mo noon pa.” tumayo ito mula sa sofa.

“Yuan—”

“Kumain ka na ba? Kung hindi pa ay kainin mo ang niluto ko kanina, kung ayaw mo naman ay okay lang.” dere-deretsong sabi niya habang naglalakad papunta sa hagdanan.

Napatitig na lang ako sa kanya habang naglalakad siya pataas ng hagdanan. Hindi ko namalayan na sobra na pala ang pagkakahawak ko sa paper bag na dala ko. Shit. Naiinis ako sa kanya. Kung kanina ay iniisip ko na makipag-ayos sa kanya, ngayon, parang hindi ko na kayang gawin 'yon.

Hindi siya maalam makinig sa akin. Ayon ang problema sa kanya.

“Psh.” napailing na lang ako bago nagsimulang maglakad papunta sa dining area. Pagdating ko dito ay nakita ko ang pagkain na niluto niya, as expected, mga frozen foods na naman 'yon. Hindi na lang ako umarte pa at kinain na lamang ang niluto niya. Matapos kong gawin 'yon ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay nagdesisyon akong tumambay sa 4th floor at doon gawin ang lahat ng mga assignments ko at thesis. Mahangin kasi do'n at saka relaxing.

♫ It's going down

I'm yelling timber

You better move

You better dance ♫

Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan ng marinig ko ang malakas na tugtog na 'yon.

Tch. Don't tell me do'n siya nagpa-practice ng sayaw? Aish.

Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating ko sa 4th floor ay tama nga ako, dito siya nagpa-practice ng sayaw. Rinig na rinig ko ang malakas na tugtog mula sa speaker niya at kitang kita ko kung paano siya magsayaw.

“Hey.” tawag ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagsasayaw at napatingin sa akin. “Oh?” walang gana na tanong niya bago patayin ang speaker. “Tatambay ka ba dito?” tanong niya sa akin habang nagpupunas ng pawis.

“Sana.” napabuntong hininga ako.

“Sige.” inalis niya ang pagkakasaksak ng speaker at kinuha ang nakapatong na bottled water sa mini table. “Aalis na ako.” mahina niya paalam bago nagsimulang maglakad pababa ng hagdan.

Aaaaargh!

Inis na naglakad ako papunta sa couch at ibinaba ang mga gamit ko dito. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Bakit ba ganito siya? Bakit natitiis niya ako, ha? Akala ko ba ay mahal niya ako? Bakit ganyan siya?! AAAAAH!

“Nakakainis ka!” medyo malakas na sigaw ko habang nakatingin sa langit. Inis na binuksan ko ang laptop ko at inis na sinimulan ang pag gawa ko ng assignments ko. Habang gumagawa ako ay nakaramdam ako ng lamig dahil sa nakabukas na glass wall sa harapan ko. Inis na tumayo ako mula sa couch at lumapit dito para isara ito. Nang maisara ko na 'to ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

We Must Be NuptialsOnde histórias criam vida. Descubra agora