Chapter Sixteen

26 1 0
                                    

“Yuan, pwede mo bang hinaan ang air-con?” napayakap ako sa katawan ko ng makaramdam ako ng lamig.

“Nilalamig ka, hon?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. “Wait.” sagot niya bago hinaan ang air-con ng sasakyan. Matapos niyang gawin 'yon ay medyo nagulat ako ng igilid niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada.

“Yuan?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Here, wear this.” hinubad niya ang suot na uniform coat at binigay sa akin. “H-Ha?” napatingin ako sa suot niya, tanging puting polo na lang at necktie ang suot niya. “How about you? Malamig.”

“I'm fine.” kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang coat niya. “Dali na.” he smiled at me.

“O-Okay, thanks.” ngumiti ako sa kanya. Natawa naman siya. “You're so formal, hon. Para naman tayong hindi mag asawa niyan.” natatawa niyang sabi.

Tch. “Thank you, hon.” malambing na saad ko dahilan para mapatawa siya lalo. “Tara na dali, baka naghihintay na sila sa'tin.” singhal ko sa kanya kaya naman pinaandar niya na muli ang sasakyan. Pag andar nito ay sinuot ko na ang coat niya sa katawan ko. Oh, ang sarap pala sa feeling ng coat ng mga lalaki.

“Mabango 'yan.” pagmamayabang niya sa akin. “Wala akong pake.” sagot ko sa kanya. Just kidding. Mabango naman talaga ang coat niya. Amoy Lacoste.

Pagdating namin sa parking lot ng Mall ay sinalubong agad kami nila Alyana, Pearl at Lukas. “Ang tagal niyo, ha!” reklamo sa amin ni Alyana. Napatigil ito ng makita si Yuan na nakapolo na lang, maya maya ay napatingin ito sa akin. “Oh my God. Bakit nasa iyo ang coat ni Yuan?” hindi makapaniwalang tanong nito.

Natawa si Yuan, “Nilalamig daw siya, eh.” sagot niya kay Alyana.

“Ako din! Nilalamig ako!”

“Manahimik ka diyan.” singhal sa kanya ni Pearl. “Tara na, nagugutom na ako. Kumain na muna tayo.”

“Hmm, saan niyo gusto kumain?” tanong sa amin ni Lukas. “Sa KFC na lang tayo, miss ko na ang manok nila eh, hehehe.” suggest ni Alyana sa amin.

“Ano? KFC na naman?”

“Hahahaha, babe, alam mo naman na mahilig ako sa manok nila, di'ba?”

Napatungo ako ng makaramdam ako ng kaunting hilo. Napahawak pa ako kay Yuan ng hindi sinasadyang mapa-atras ako ng kaunti. “Hey? Are you okay?” nagaalalang tanong sa akin ni Yuan.

“Peach? Okay ka lang?” tanong naman sa akin ni Pearl.

Tumingin ako sa kanila at pilit na ngumiti. “Y-Yeah.” sagot ko, “Nagugutom na siguro ako.” palusot ko sa kanila.

“So ano? Tara na sa KFC?” tanong sa amin ni Alyana. Tumango na lang kami sa kanya dahil pabor naman kami sa sinuggest niya kanina. Habang naglalakad kami papasok sa Mall ay bumulong sa akin si Yuan.

“Okay ka lang?” bulong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya bago ngumiti para hindi na siya magalala.

Shit.

Nakaalala na naman ako. Muli na naman nangyari sa'kin 'to.

“Aaaaah! Nagugutom na agad ako!” mahinang sigaw ni Alyana ng makita na ang KFC restaurant sa harapan namin. Hindi naman kami nagdalawang isip pa at pumasok na agad kami dito. Pagpasok namin dito ay napatingin agad sa amin ang mga tao. Para bang naka-agaw kami ng attention dahil sa dalawang lalaki na kasama namin. Ah, oo nga pala. Gwapo nga pala sila.

“Dito tayo!” hinila kami ni Alyana papunta sa isang table 'di kalayuan sa may counter. “Oh, sinong o-order?” tanong ni Pearl sa amin.

“Ako na lang.” sagot sa kanya ni Lukas. “Sama ako.” saad ni Yuan.

We Must Be NuptialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon