Chapter Forty Three

13 1 0
                                    

“I think it's my fault, Yuan. Walang kasalanan dito si Xiantel.”

Hindi sumagot si Ate Yna sa kanya. Seryoso lang siyang nagmamaneho habang nakatingin sa kalsada.

“I-I'm sorry. Sana pala ay hindi ko na lang kayo sinama sa Bar.” ramdam kong guilty si Ate Yna dahil sa nangyari sa amin ngayon. Hindi ko naman siya masisisi. Ako naman talaga ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Kung hindi lang sana ako naging despereda sa lalaking 'yon ay hindi sana magagalit sa akin si Yuan.

“H-Hindi mo naman kasalanan, Ate Yna.” mahina kong sagot sa kanya. “A-Ako ang may kasalanan dito.” nagpipigil ang luha na bulong ko.

“No, Xiantel. It's my fault.”

“Pareho kayong may kasalanan kaya tumahimik na lang kayo.” mahina man ay pasinghal na saad ni Yuan sa amin. Natahimik naman kami ni Ate Yna dahil sa sinabi niya.

Huhuhu! Galit talaga siya.

“Nandito na tayo.” itinigil na ni Yuan ang sasakyan sa harap ng isang condominium. Shit. Aalis na agad si Ate Yna. Noooo!

“I-I'm sorry talaga, Yuan, Xiantel.”

Napatingin ako kay Ate Yna. “Y-You don't need to say sorry po. Okay lang.” ngumiti ako sa kanya.

“No, I still need to say sorry. Mag iingat kayo.” lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi. Lalapit din sana siya kay Yuan para gawin 'yon pero umiwas din ito sa kanya.

“Yuan naman? Galit ka pa din ba?” nagtatampong tanong ni Ate Yna. Hindi naman sumagot si Yuan at tumingin na lang sa harapan.

“Aish.” napabuntong hininga si Ate Yna, “Bababa na ako, take care.” binigyan niya ako ng isang ngiti bago siya bumaba ng sasakyan. Pagbaba niya ay parang gusto ko na din sumama sa kanya at mag stay muna sa condo niya hanggang sa mawala ang galit sa akin ni Yuan. Aaaaah! Hindi ko kaya na ganito siya sa akin!

“T-Tara na.” nauutal kong sabi kay Yuan. Tahimik na pinaandar niya naman ang sasakyan niya hanggang sa makarating na kami sa bahay namin. Pagdating namin ay seryoso pa din na bumaba siya ng sasakyan dahilan para maiyak na naman ako. Nakakainis! Hindi niya ba ako kakausapin? Hindi ba namin aayusin 'tong problema namin?

“Bumaba ka na diyan at umakyat sa kwarto mo. Matutulog na ako.” rinig ko pang mahinang singhal niya sa akin bago siya nagsimulang maglakad palapit sa main door ng bahay.

Aish.

Naiiyak na bumaba na lang ako ng sasakyan at sumunod sa kanya. Pagpasok namin sa bahay ay nagpunta agad ako sa kwarto ko at naligo bago nagpalit ng damit. Nakaramdam ako ng pagkulo ng tiyan ko pero mas pinili ko na lang humiga sa kama ko at doon umiyak ng umiyak.

Huhuhu! Nakakainis talaga! Kaya niya ba akong matiis ng ganito?!

Oo, Xiantel. Nakalimutan mo na ba noong nag away kayo noon? Hinintay ka niyang maglambing sa kanya bago kayo nagbati.

Tch! Gano'n din ba ngayon, ha? Kailangan ba talaga ako ang lalapit sa kanya?

Oo, dahil kasalan mo.

“Aaaaaaaaah!” inis na nagpagulong gulong na lang ako sa kama habang sumisigaw. Waaaaaah! Nakakainis! Ako ba talaga ang lalapit sa kanya?!

Ako talaga?

AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!

“Fine!” inis na tumayo ako sa kama ko at walang pagdadalawang isip na naglakad palabas ng kwarto ko. Sige na. Ako na ang lalapit sa kanya. I'll swallow my pride na lang para sa kanya. Mahal ko siya, kaya hindi ko kayang ganito kami sa isa't isa.

We Must Be NuptialsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz