Cold Lies In Baguio [Baguio S...

By dEmprexx

50K 1.3K 179

Baguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest o... More

Cold Lies In Baguio
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Ryden Jer Abillon
Notes

Chapter 1

2.2K 55 3
By dEmprexx

Chapter 1 

Hapon na ng makarating ako sa Baguio. Halos magagabi na rin. Nang nasa Marcos Highway na kami ay sandaling tumigil ang bus para sa mga baba sa may Bakakeng daw. Pero sabi sa akin ni lola sa mismong terminal ako baba at doon na mag-abang ng taxi papunta sa pinsan niya. 

Hindi ko kakilala ang pinsan ni lola rito sa Baguio dahil hindi naman kami pumupunta ng Luzon. Ito ang unang beses kong pumunta rito, hindi ako pamilyar sa lugar. Hindi rin ako pamilyar sa dayalektong ginagamit nila. At lalong hindi ako pamilyar sa mga tao, mga bagong itsura ang makakasalamuha ko—mga hindi ko kakilala. 

Dagli kong sinuot ang jacket dahil humahaplos na sa akin ang lamig. July palang ngayon pero ang lamig na sa Baguio, wala ka narin masyadong makita dahil sa hamog. Ang ganda rin pala sa lugar na ito, parang hinehele ang puso ko kahit kumikirot na. 

Habang nasa biyahe nga lang ako kanina, parang humupa lahat ng nararamdaman ko nang makita ko ang mga puno, yung klima. Ewan ko pero mayroong something sa Baguio na magpapabawas ng lungkot kapag pumunta ka rito.

Bago ako umalis sa Albay, binilhan na ako ni tita ng jacket at hoodie dahil nga kakaiba ang klima rito. Kung ganito lang sana ang klima sa buong Pilipinas, nakaka-relax. 

Nagsitayuan na halos lahat kaya tumingin ako sa bintana kung nasaan kami. Nasa terminal na kami, marami ring tao sa terminal at medyo nahirapan pa ako sa dala ko. May dala akong dalawang malaking bag at isang malaking back bag. Sabi naman ni tita, marami ang ukayan dito kaya papadalhan nalang niya ako kung sakali man na magkulang ako sa gamit. 

Tinulungan ako ng kundoktor na ibaba ang mga gamit ko kaya nagpasalamat ako sa kaniya. Pagkababa ko palang ay tumunog na kaagad ang tiyan ko, hindi pa nga pala ako kumakain magmula kaninang alas tres ng madaling araw nang hinatid ako sa airport nina tita. 

Naaalala ko tuloy sila, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay na wala silang dalawa sa tabi ko. Alam kong nag-aalala na rin niyan sa akin si lola pero wala akong magawa dahil ako naman ang may kasalanan. 

Sa bawat kasalanan, may kabayaran. 

Kaya heto ako ngayon nagdudusa sa isang siyudad na hindi pamilyar sa akin. Sa isang siyudad na bago sa paningin ko. 

"Huwag kang mag-alala. Makakapag kolehiyo ka naman doon." Wika sa akin ni lola habang kumakain kami ng hapunan bago ang alis ko papuntang Baguio. 

"May bakanteng kuwarto pa ba kina Tiya Pasing, Ma?" Akala ko talaga hindi na ako papansinin ni tita pagkatapos nang ginawa ko pero nagkamali ako. 

Naging ina na rin siya sa akin magsimula nung namatay ang kapatid niya—yung tunay kong ina. Akala ko hindi na niya ako mapapatawad sa galit niya sa akin noong araw na iyon pero heto siya gumagawa ng paraan para maayos ang buhay ko. 

"Meron pa naman daw. Mura lang naman ang uupahan, nakausap ko na siya." Kanina kasi ay naghiram ng cellphone sa akin si lola para kausapin ang sinasabi niyang pinsan, mabuti nalang at may number yung iba kong tita na nandito sa Albay sa kanila kaya hindi na kami nahirapan pa na maabot ang tawag sa kanila. 

"Magkano ho raw ba?" Nahiya tuloy ako, gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko. Nakakahiya rin minsan na ang daming ginagastos sa akin ni tita at ni lola pero ganito pa ang isinukli ko. 

"Apat na libo kasama na ang kuryente pero dahil kamag-anak naman daw tayo ay tatlong libo nalang para makatulong din daw." Mabuti nalang talaga at mababait ang ilang kamag-anak namin, may mga kamag-anak kasi tayo na mauuna pang manghusga kaysa sa ibang tao. 

"Mabuti naman iyon. Nasabi ba kung may malapit na paaralan don?" Tanong ulit ni tita. "Balita ko rin kasi mahal ang mga unibersidad sa Baguio." 

"Meron daw. Ano nga ulit pangalan non?" Inalala pa ni lola kung anong pangalan ng school, hindi ko siya matulungan sa pag-alala dahil silang dalawa ang nag-usap. "Ah oo, Easter College." 

"Mag research ka na tungkol sa Easter College. Ano nga ulit ang kukunin mong course?" Napatigil pa ako nang kinausap ako ni tita, madalang kaming mag-usap magsimula nung nangyari noong araw na iyon. 

Naging malamig ang pagtrato niya sa akin pero naintindihan ko iyon, kasalanan ko eh. 

"Ah. Business Management po, ma-mamita." Hindi ko mabanggit ang tawag ko sakaniya dahil sa sobrang kahihiyan. Tumango-tango siya sa sagot kong kurso. 

Simula nung grade ten ako, iyon na ang gusto kong kurso dahil gusto ko rin magtayo ng restaurant katulad ng kay tita. O kaya naman ay palakihin ang restaurant niya, magkaroon ng franchise sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas. Kaya naman nagdecide ako na ABM ang kunin kong strand sa senior high. 

Habang nasa senior high ako ay nakahiligan ko na rin ang pagbabake, kaya baka magtayo rin ako ng bake shop kapag nakapag-ipon na ako. Ang simple lang ng pangarap ko sa buhay, sana, kung hindi lang ako gumawa ng pagkakamali. 

Nang maggabi, hinanda ko na ang mga dadalhin ko sa Baguio. Nakapag-impake na ako pero tiningnan ko pa rin kung wala na akong nakalimutan. Halos mga bagong damit ang dala ko dahil hindi naman angkop sa klima ang mga damit na nakasanayan kong gamitin. 

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas. Pumasok si tita, humalukipkip tiyaka sumandal sa pader habang nakatingin sa akin. Mamaya na ang flight ko papuntang Clark. 

"Kaya mo bang mag-isa?" Seryoso ang pagkakatanong niya, ramdam ko rin ang pag-aalala. 

"Kakayanin po." Kasi iyon naman talaga ang dapat. Dahil alam kong simula pa lang, mali na ang ginawa ko kaya dapat kayanin ko kung ano mang kapalit sa lahat ng sakit na dinulot ko sa ibang tao—sa kaibigan ko. 

"Gusto kong ayusin mo ang buhay mo ron. Hindi mo na maiitatama ang nagawa mong mali. Forgive yourself too but never forget what you did. You will forget the lesson if you did and keep repeating the same mistake." She said. Tumango ako. 

I already cut my connection to anyone here in our province. Kahit kay Richelle, well, binlock na niya ako pati na rin ang number ko kaya hindi na ako nakahingi pa ng paumahin ulit sakaniya. In-unfriend ko na rin ang mga kaklase ko at mga kakilala namin dito. Ilang tao na nga lang ang natira sa friend list ko. 

Pinrivate ko na rin ang mga account ko dahil nakakatanggap ako nang mga messages galing kung kani-kanino, marami rin kaming mga kaibigan ni Richelle kaya lahat sila galit sa akin. May iilang lalaki rin na puro kabastusan ang pinagsesend sa akin dahil akala nila, nagpagalaw ako. 

Pero hindi ko ginawa iyon, siguro sabik lang talaga ako sa pagmamahal ng isang ama kaya nakagawa ako ng pagkakamali. Pero hindi kailanman majajustify non ang ginawa ko, mali ako. Maling-mali. 

I was wrong and I won't justify my reasons. I am really sorry for the people I've hurt. My conscience is killing me. 

"Opo, mamita." Umupo siya sa kama, sa tabi ko tiyaka kinuha ang kamay ko. Marahan niya itong hinaplos-haplos. 

"Bata ka pa, marami pang mangyayari sa buhay mo. Nadapa ka ngayon pero nandito lang kami ni mama para tulungan kang bumangon." Namuo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Na kahit na napakalaking pagkakamali ng ginawa ko, nandito pa rin sila sa tabi ko. "Lagi mo kaming tawagan ah? May problema man o wala." Tumango ako sa bilang sagot dahil tuluyan na akong humagulgol. 

Mamimiss ko silang dalawa ni lola. Sa loob ng eighteen years ko rito sa mundo, silang dalawa ang kasa-kasama ko. Silang dalawa ang umalalay sa akin. Silang dalawa ang laging nasa tabi ko. Kaya napakahirap na iwanan silang dalawa rito, lagi ko silang mamimiss. Lalo na at hindi biro ang milyang nakapagitan sa amin. Hindi biro ang oras na lalakbayin namin para lang makita ang isa't-isa. 

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni tita kaya lalo akong napahagulgol. Hindi ko inaasahan na isang araw pala, mahihiwalay ako sakanila. Pero wala eh, wala na akong magagawa, nangyari na. 

May yumakap pa sa amin kaya napaangat ako ng tingin para tingnan si Lola na nagpupunas na rin ng luha niya. Lalo tuloy akong humagulgol dahil don. 

Hindi ko yata kaya. 

Pero kailangan kayanin. Gusto kong patunayan kina lola na hindi sayang ang lahat ng sakripisyo nila para sa akin. At para rin patunayan sa sarili ko na kaya kong bumangon ulit. 

"Oh tama na iyan, tama na iyan, pumunta na tayong airport. Nandito na si Jude para ihatid tayo." Mabilis na nagpunas ng luha si mamita tiyaka tumayo. 

Tahimik kami sa biyahe, si lola ay nakatulog na rin sa biyahe papuntang airport. Si tito Jude ay matagal ng kaibigan ni tita, alam ko nanliligaw sa kaniya pero wala pa naman siyang sinasabi sa akin na sinagot na niya. 

Nang nakaraang taon ay narinig ko silang nag-uusap ni lola kung bakit hindi pa niya sinasagot si tito Jude. Dahil hindi pa ako nakapagtapos ng kolehiyo, dahil hindi ko pa natutupad ang pangarap ko. 

Bigla tuloy nagbara ang lalamunan ko nang maalala ko iyon at kung anong ginawa ko ngayon. Ang daming sakripisyo na hindi ko na mabilang at hindi ko na nga matandaan pa iyong iba. Pero napakakapal ng mukha ko para bigyan sila ng problemang ganito. 

Alam kong naapektuhan ang business ni tita sa nangyari, Richelle's family is one of the powerful family in Albay. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam ko na ako iyong nakagawa ng mali. Minsan gusto ko nalang magpakamatay lalo na kapag nakakarinig ako ng kung ano-ano galing sa mga kapit-bahay namin. Pati na rin ang mga messages ng mga kaibigan ko noon na pinagmumura na ako. Idagdag pa ang kabastusan ng ibang lalaki. 

"Mag-ingat ka lagi ron. Huwag kang papagutom ha?" Habilin sa akin ni lola bago ako sumakay ng eroplano. "Tawagan mo lang kami kapag may problema sa pera para kaagad kaming makapagpadala sayo. Huwag mong papabayaan ang sarili mo, apo." Hinaplos niya ang pisngi ko kaya tumango ako sa kaniya habang nakangiti. Ayaw kong umiyak ngayon dahil panigurado maiiyak si lola at dobleng sakit para sa akin ang makita siyang umiiyak. 

Kaya ngayon, bitbit ang bag ko. Naghanap ako ng makakain sa may terminal pero mukhang walang bakanteng upuan. Napatingin tuloy ako sa isang restaurant na nandoon, inihaws. Natakam pa ako dahil mukhang masarap. 

Sa huli, lumapit ako roon para makapag order. May malapit na upuan din sa counter na walang nakaupo kaya doon na ako umupo, halos punuan na dahil siguro malapit na ang hapunan. Tahimik lang ako sa inuupuan ko tiyaka nagmessage kina lola na nandito na ako sa Baguio at kakain muna ako bago pumunta sa pinsan niya. 

Naserve na rin ang order ko, affordable naman ang inihaw na manok lalo na at unli rice pa. Tahimik lang akong kumakain hanggang sa nag ring ang cellphone ko, tumatawag si Lola kaya kahit na kumakain ako ay sinagot ko ito. 

"Hello, La." 

[Hello, apo. Kumusta naman ang biyahe? Maayos lang ba? Hindi ka naman ba nahilo? Uminom ka kaagad ng gamot. Anong kinakain mo ngayon? Huwag ka papalipas ng gutom.] Napangiti ako sa sunod-sunod na tanong niya, wala pa nga akong isang araw miss na miss ko na silang dalawa ni tita. 

"Ayos lang po, La. Wala naman masakit sa akin. Kumakain ako ngayon dito sa Inihaws. Masarap, la! Tapos affordable pa." Pagkukuwento ko sakaniya. 

[Mabuti kung ganon, tiyaka nga pala. Nasabi ko na kay lola Pasing mo na nandiyan ka na. Papasundo ka raw niya roon sa kakilala niya dahil baka matiyamba ka pa sa mga loko-lokong taxi driver diyan. Mahirap na.] 

"Pupunta po siya ngayon dito?" Nagtatakang tanong ko. "Kasama po ba si lola Pasing?" 

[Hindi siya kasama dahil inaasikaso yung pinsan mo na may sakit. Binigay ko na sa kaniya ang numero mo kaya ibaba ko na muna ito baka tumawag na ang susundo sa'yo.] 

"Sige po, la. Thank you po. Miss ko na po kayo agad ni tita. I love you both." 

"Nako, alam mo naman lahat nang kaya naming ibigay, ibibigay namin sayo, apo. Miss ka na rin namin. Nagpabili nga ako nitong cellphone sa tiya mo para lagi kitang matawagan. Miss na miss na talaga kita. Mahal ka namin ng tita mo ha? Lagi mong tandaan iyan." 

Wala na akong pake kung nakatingin na ang iba sa akin dahil umiiyak ako habang kumakain. Miss ko na talaga sina lola, gusto ko na silang mayakap pero wala akong magawa. Nandito ako ngayon sa Baguio nasa Albay sila. Matagal pa bago kami ulit magkita. 

Tumunog ang cellphone ko dahil may nagmessage. Pinunasan ko ang luha ko tiyaka tiningnan iyon, mula sa unknown number. 

+639********: Hello. Is this the granddaughter of Aling Pasing? 

Me: ah. oo. 

Siguro hindi naman ito scammer diba? Alam niya ang number ko at kilala niya si lola Pasing. 

+639********: i'm here. where are u? 

Me: inihaws. 

Nagmessage si lola kaya kaagad kong binuksan iyon. 

Lola: Nariyan Na Raw Ang Susundo Sa Yo Apo. Marunong Na Rin Pala Ako Mag Text Hehehe. 

Natawa tuloy ako sa message ni lola pero kaagad ding bumuhos ang luha ko. Homesick na kaagad ako, wala pa nga yata akong isang oras dito sa Baguio gusto ko nang lumipad pabalik sa kanila. 

Para na talaga akong tangang umiiyak dito. 

"Are you okay?" Napaangat ako ng tingin sa boses ng lalaki na nasa side ko. 

He was shock to see me but his reaction immediately vanished and his lips turned into a straight line. Little by little, it forms a smile. 

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 174 15
"why dont we make a deal that will benefit the two of us?"
210K 5.9K 44
Architect Series #1 Vena and Fabian are partner in this game called 'falling game' made by their friend, Melanie. They know that everything is a part...
2M 71.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
1.9M 87.7K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...