Boss Series 1: Playboy Boss

Autorstwa drklife

4.4K 183 2

Sa mundong marami ang gustong maranasang magmahal at mahalin, makakakilala si Aki ng isang lalaking hindi niy... Więcej

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18 - Anniversary
Chapter 19 -Anniversary Pt. 2
FOR IMAGERY PURPOSES
Chapter 20 -Anniversary Last Part
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 17

78 6 0
Autorstwa drklife

Lumipas ang mga araw na nanatili ako sa poder nila Papa, sa opisina lang kami nagkikita ni Stephen. Sabado ngayon at mamayang 4:00 pm ang alis namin para bumalik sa resort dahil sa lunes na yung event. Nagtitipa ako sa laptop ng lumabas si Stephen sa loob ng opisina niya, madilim ang aura niya, well bagay naman sa kaniya. May nabago sa hairstyle niya, lagi na siyang naka brushed up. Naalala ko tuloy yung attorney na nakilala ko, ano nga ulit pangalan non? Tss...makakalimutin na ata ako ah

"What's my schedule for today?" tanong ni Stephen

"You don't have any important appointment, Sir"

"Good. Umuwi kana after niyan, magkita nalang tayo sa bahay. Naideliver na yung isusuot mo, kailangan ma fitting para masiguro yung size"

"O-Okay"

Tumayo pa ako at yumuko, tanda ng pag galang sa kaniya. Ako dapat yung galit ah? Bakit siya? Ang unfair! Ako tong nilihiman niya!

Tinapos ko nalang yung chart na kailangan ipasa, sinend ko yon sa email account ni Mr. Miller. Hindi ko alam, pero kada linggo o araw ata ay nagpapalit si Mr. Miller ng secretary niya, hindi ko tuloy alam kung nakakaya ng bagong papalit yung trabahong naiwan ng nauna sa kaniya

"Hi" nag aayos na ako ng bag ng magsalita ang pamilyar na boses na iyon

Parang nakita ko na siya. Naka suit and tie na black, attache case lang ang dala niya, naka specs siya, yung buhok niya naman ay nakahati sa kaliwang side tapos may volume yung makapal na bahagi nung hati hindi ko alam tawag sa hairstyle na iyon

"Hey!" tawag niya "are you alright?"

"O-Oo, s-sino ka?"

Tumawa lang siya. Ayy may mali ba sa tanong ko?

"Grabi ka naman, kakakilala lang natin nung nakaraan nakalimutan mo na agad ako"

Yung boses niya!! Hindi pwede! Siya ba yon? Bakit mas gumwapo siya?

"It's me, Eric"

"I-Ikaw ba yan? Bakit hindi kita nakilala?"

Tumawa siya bago sumagot "Nagbago lang ako ng kaunti, aatend din kasi ako sa event"

Aatend siya? Eh ako nag ayos ng invitation ah? Pati sa design ako din. Sa arranging ng mga guests ako din! Bakit hindi ko matandaang nakalagay siya doon?

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Huli ng pinagawa ni Mr. Miller yung para sa akin, kailan lang naman kasi ako naging attorney niya. Namatay kasi si Attorney Perez, kaya ako yung pumalit sa kaniya"

Ah..yun pala! Akala ko naman may pagkukulang ako

"I heard you planned all of it"

"Huh?"

"Wag ka na magulat, lahat ng mga tao dito alam na yung idea sa theme ay galing sayo. Pinolish lang ni Stephen pagdating sa actual place" lumapit siya sa akin halos gahibla nalang ng buhok ang pagitan namin "I like it, beach party"

Pagkasabi niya non ay inabot niya yung calling card niya, infairness ang elegante tingnan. Simple pero may dating

Paglabas ko hindi ko inaasahang nandon sa may kanto si Stephen, nakapamaywang pa siya

"Ang tagal mo!" sigaw niya

"Wala akong sinabing hintayin mo ako. Ano palagay mo sakin? Lumpo? Hindi makakapunta ng bahay mo?"

"Hanggang kailan ka ba magiging malamig sa akin?"

"Ay wow! Sino kaya satin yung pabebe? Ako yung nilihiman pero kung makitungo ka sa akin parang ako pa may kasalanan!"

"Whatever! Get in!"

Sinadya kong umupo sa likod, bahala siya sa buhay niya. Nakikita ko siya sa salamin, kulang nalang maglabas siya ng apoy sa ilong niya. Ano bang problema ng lalaking to?

Sa lumipas na mga araw, naging okay na din yung kundisyon ni Papa dahil sa everyday treatment niya ay nkakatayo na siya. Doon ako ngayon sa bahay tumutuloy, dala ko naman yung gamit ko noong umalis ako

"Sit there, kukunin ko lang yung damit mo"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Mabuti naman at walang nagbago, pero yung aura masyadong malungkot, halatang isang tao lang ang nakatira

"Ayan na" inabot niya sa akin yung puting box na medyo mahaba "sukatin mo yan ngayon, dito"

"Eh?"

"May angal?"

"Ito na! Doon na muna ako sa dating kwarto ko"

Pagkapasok ko umupo agad ako sa kama, pinagmasdan ko pa muna yung box

Ano kaya kulay nito? Babagay ba sa akin? Hindi ba ako magmumukhang tanga? Magugustuhan kaya to ni Stephen?

Natigilan ako sa iniisip ko, bakit siya pumasok sa iniisip ko? Ano bang paki ko kung magugustuhan niya o hindi?
Tss...weird

Pagkabukas ko sa box, tumambad sa akin ang makinang na kulay red na damit, hindi lang siya basta kulay pula...fire red ang color non! Kumikinang dahil sa glitters na nakapaligid doon. Tinanggal ko iyon at mas lalo akong namangha sa disenyo! fitted iyon, may slit sa gilid, natuwa ako sa likod dahil back less iyon, masyadong daring at manipis lang yung lace niyon, yung bandang dibdib naman ay medyo may foam sa loob flat chested kasi ako...pero hindi naman as in flat meron naman pero hindi katulad ng iba

Sinukat ko iyon at sakto lang sa katawan ko, kitang kita ang kurba ng katawan ko, hindi sa pagmamayabang pero ang dress na ito ay bagay sa akin. Tumalikod ako at kitang kita naman yung likod ko, hindi ba ako ginawin sa ganitong suot?

"Ano? Tapos kana ba? Ang tagal mo naman? Patingin!"

Kahit kailan talaga panira ng moment! Lumabas ako at nandoon siya sa gilid halatang naghihintay sa akin. Tumingin siya, nakita ko pang lumunok siya gusto kong matawa pero baka magbangayan pa kami. Tiningnan niya ang kabuuan ko, inuusisa ang bawat anggulo

"Turn around" utos niya na agad ko naman sinunod "komportable ka ba diyan?" tanong niya

"O-Oo, bagay ba sa akin?"

Tinitigan mo siya at nakatingin din siya sa akin, ngayon ko lang napansin na medyo may pagka brown pala yung mata niya!

"You...you...look gorgeous" nahihiya niyang sambit

Ewan ko ba pero parang natuwa ako bahagya, akala ko kasi hindi niya magugustuhan. Ay teka? Ano ba tong iniisip ko?!

"Magpalit kana, nandiyan na gamit mo. Kinuha ko kanina kaya nauna akong umalis, sabay na tayo mamaya. Sa business class tayo, may mga kasabay na tayong mga investors at ibang board of directors"

Sinunod ko naman ang sinabi niya at naghintay ng oras ng pag alis namin

--

"Ako nga ho pala yung mangangalaga sa mga bagahe ninyo. Ako si Manoy" bati ng matandang lalaking magdadala ng maleta namin sa hotel

Hindi na kami doon sa pinagtuluyan namin nung nakaraan dahil invited ang pamilya nila Clinton, magkatabi lang kami ng hotel ni Aki. Room 502 ako at Room 503 naman siya

"I'll go first, I need to rest. Excuse me"

Pagbukas ng elevator nakita ko yung mga babae nakatingin sa akin. Magaganda at may turista pa, kaso wala ako sa mood makipagharutan ngayon dahil bukas na yung event paniguradong mapapagod ako kakangiti sa mga plastik na tao bukas

Pagkadating ko sa room ko dumiresto ako sa bedroom, nakakapagod ang araw na to. Pero pag pinipikit ko ang mga mata ko nakikita ko si Aki, suot niya yung idadamit niya bukas. Nakakainis!! Bakit ganon kaikli? Bakit daring yung damit? Hindi ganon yung sinabi ko kay Cassie!

"Hey baby! Napatawag ka?" si Cassie

"Ang sabi ko lang gawin mong fitted! Hindi ko sinabing backless at may slit yung damit! It's too much!"

"Why?! You don't like it?"

Ayaw ko nga ba? o nag iinarte lang ako? Kaso sobra naman ata yung style ng damit ni Aki. Puro hoodie nga yung damit niya tapos magsusuot siya ng ganoon ka daring

"Hey! Are you still there?"

"Y-Yeah"

"Come on, minsan lang mag susuot ng ganoon ang sekretarya mo. Wag ka ngang mag inarte diyan! baka isipin ko pa na gusto mo ikaw mag suot non!"

"What?!"

"Just kidding! HAHA gotta go! Bye!"

Nakatingala lang ako sa kisame, nararamdaman ko na yung antok. Ayoko pang matulog, may nagsasabi sa akin na lumabas ako at maglakad malapit sa beach, but I'm too lazy to do that

"Hoy! Hoy! Kingina tulog pa din?"

"Wag niyo istorbuhin baka mamaya upakan tayo niyan"

"Bro! We need to wake him up and tell him that we are here. Stupid"

"Mamaya nalang baka pagod"

"No! Ako gigising sa kaniya!"

Ang ingay masyado sa loob ng room ko, lalo na dito sa bedroom. Binuksan ko ang mga mata ko, tatlong lalaki medyo malabo pa kaya kinusot ko ang mga mata ko

"Finally!! You're awake!" si Drew

"I told you, I can wake him up" si John

"Kingina ang arte gigising din pala" si Carlos

What the hell are they doing here?!

"What? Aren't you going to get up, wash your god damn body and clean your fucking teeth?" maarteng sabi ni John

"Alam mo, simula ng nag America ka ang arte mo na!" sigaw ko

"Whatever. Get up! Ang dami ng bisita hindi ka pa kumikilos!"

"What time is it?"

"It's 10:00 pm!!" sigaw nilang tatlo

What?! Ang tagal ko palang nakatulog? Hindi ko namalayan ang oras! Pero paano sila nakapasok dito? whatever! I need to clean myself!

Naligo ako, at nag toothbrush. Napansin ko din yung balbas ko medyo umuusbong na kaya nag shave ako. Pagkalabas ko wala na yung tatlo kaya nag tingin ako sa closet kung ano pwede kong suotin. Puro formal, long sleeve, at T-shirt lang ang dala since two days lang naman kami dito

I picked up my tropical shirt, partnered with maong ripped short. Inayos ko lang ng bahagya yung buhok ko, nagpabango at lumabas na

"Wow! Summer na summer!" si Carlos

"For sure, all women will salivate because of what you are wearing" dagdag pa ni John

"Tara na! Madaming chicks ang nandito" si Drew

Kahit kailan talaga di na nagbago yon pagdating sa babae. Bumaba na kami papuntang lobby at lahat ng tao ay nakatingin sa amin, kung nandito lang si Dylan for sure naglaway na lahat ng mga babae dito. Palinga linga naman ako sa gilid ko, may hinahanap ako pero di ko alam kung sino sa dami ba naman ng tao na nasa isip ko ngayon

"Hoy kung saan-saan ka tumitingin!" sinita ako ni Carlos

"I'm just looking for something" pagpapalusot ko

"Something or Someone?" ngising sambit ni John "If you are looking for your Miss secretary she's at the beach side"

"Hindi siya ang hinahanap ko!"

"Eh, kung hindi siya. Ano nga? O baka naman Sino?" si Drew

"Nang aasar ba kayo?" inis na tanong ko

"No. But, can you introduce us to your gorgeous secretary?" si John

"Paano niyo siya nakilala?"

"Kanina kasi hinahanap ka namin, hindi naman namin alam na may secretary ka. Sakto naman yung lumabas na babae patungong beach side nakasalubong namin kaya nagbakasakali kaming magtanong only to find out that she's your secretary. Kaya ayon sinamahan niya kami sa informatiom desk at humingi kami ng spare key card sa room mo" pagpapaliwanang ni Carlos

"Ang ganda non, taken na ba yon bro? As far as I know hindi ganon yung tipo mo ng babae eh. Ayaw mo sa babaeng nagho-hoodie" si Drew

"I don't know and I don't care! Why don't you ask her! Diyan na nga kayo!"

Hindi ko alam kung bakit nainis ako sa tanong  ni Drew. Pwede naman kasing siya na ang nagtanong, bakit ako pa? Sa pagkakaalam ko hindi siya torpe pagdating sa babae!

Sabi pa nila GORGEOUS siya? Eh ang pangit pangit nga niya!!

Naglakad lang ako ng naglakad, napatigil nalang ako dahil nasa beach side na pala ako! What am I doing here?! dito pa talaga ako nahinto sa lugar kung saan ko nakasama ang babaeng yon nung death anniversary ni Mom!

Tumingin ako sa dagat, kahit sobrang gabi na makikita mo pa din ang ganda ng alon ng tubig. Sakto kasi na sa pwesto ko nakapagitna yung buwan, ang sarap pagmasdan. Nakakawala ng pagod, parang walang problema sa mundo pag nakatingin ka doon

Lumingon ako sa gilid at nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa buhangin, hawak hawak niya ang dalawang tuhod niya. Halata din namang ninanamnam niya ang sariwang hangin. Nang ayusin niya yung buhok niya na nababangga ang gilid ng mukha niya para akong na estatwa nakapako lang ang tingin ko sa kaniya, nakangiti siya habang pinagmamasdan ang alon

Bigla akong napahawak sa dibdib ko, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakikipag unahan sa hininga ko. First time kong makaramdam ng ganito, kakaiba. Masarap sa pakiramdam nakakagaan lalo ng loob

Tumingin ulit ako sa side niya, kaso nawala yung ngiti ko ng may tumabing lalaki sa kaniya. Agad siyang nakangiti sa lalaking yon, nagtatawanan pa sila. Naiinis ako! Hindi siya ganoon sa akin, hindi niya nga ako pinapansin ng maayos!

Who's that fucking guy? I want his face get out of your sight! I want you to see me, only me!

Ano ba yung ganitong pakiramdam? I've never felt this kind of feeling before. I do flings but I never experience this one. Kung pwede lang lumapit sa inyo at hilahin ang kamay mo papalayo sa kaniya ginawa ko na, kaso hindi ko naman alam tong nararamdaman ko. Ano ba 'to Aki?. Hindi ko inaasahan yung ganitong pakiramdam, at mas lalong nakakagulat kasi dahil sayo nararamdaman ko tong bagay na to

--

Facebook page: Drklife

Questions:

Kailan po ito matatapos?
-Sabi ko, by October. Kaso ewan ko parang mahaba pa kwento nila Aki eh. Wala pa sila sa #RoadtoForever moment. Ayy wala palang Forever mga be! Hahahaha. As of now patuloy ko muna itong susulat.

Keep on supporting my study by voting and commenting :)

Keep safe ❤

Siya nga pala, ganito yung style ng damit na suot ni Stephen

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
40.3K 1K 50
( A story of Shakeera's sister and James brother. THE MAN BEHIND THE MASK) This is a love story of Shaina Alcantara and Jason Arth Smith. A story bet...
69.7K 1.2K 37
LUKE DAVID NATIVIDAD IS ONE OF THE RICHEST MAN ALIVE IN JUST HIS AGE. WHILE ON THE OTHER HAND, CASSANDRA LHYN SANCHEZ, A SIMPLE WOMAN WITH A BIG HEA...
5.5K 74 45
Morgan Gazakov was always been distant to other people, he never let anyone enter his chaotic life. With a beyond gorgeous faced and a greek god body...