A Night with The Frontman

By ilovemitchietorres

6.1K 259 99

I promise you "forever" right now - Takahiro "Taka" Moriuchi This is a story of unexpected pregnancy, a one n... More

Chapter 1: Intro
Chapter 2: Just Another Normal Day
Chapter 3: When The Lights Out
Chapter 4: He's The Band Front Man
Chapter 5: Who Are You? Where Are You?
Chapter 6: Positive
Chapter 7: Unknown Number
Chapter 8: Disconnected
Chapter 9: Thinkin' About You
Chapter 10: Missed Calls
Chapter 11: Push Back
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Paper Bag
Chapter 14: Suitor
Chapter 15: Let Me
Chapter 16: Spill the Tea
Chapter 17: Dreamer
Chapter 18: How to strike the Clock Strikes?
Chapter 19: Cry Out
Chapter 20: It's Nothing
Chapter 21: Band Merchandise
Chapter 22: Stay with Me
Chapter 23: Cookies n Kisses
Chapter 24: Future Plan
Chapter 25: Road Trip
Chapter 26: Groupie
Chapter 27: Hanabi
Chapter 28: Lost Angel
Chapter 29: All Mine
Chapter 30 : Missing You
Chapter 31: So this is heartache?
ANWTF : One-Shot
Chapter 32: I was hers
Chapter 34 : Gossip and Relationship
Chapter 35 : Fangirl Life (Jessie)
Chapter 36 : I'll stay for another year (Tristan)
Chapter 37 : Nonchalant Guitarist (Tristan x Jessie)
Chapter 38 : Right By Your Side
Chapter 39 : Oniichan
Chapter 40 : Companion and Confession
Chapter 41 : Champs and Wedding Bells

Chapter 33: Things we never said

187 8 11
By ilovemitchietorres

"If you truly in love with someone, time never lets your feelings slips away it lets your feelings grow together." — anon

Chapter 33
REGIE

Laugh trip talaga kanina. Di ko pa din mapigilan na hindi tumawa ang epic kasi ng nangyare. Itong si Takahiro ang baba na tao pero kung umasta kala mo mala 6 footer ang tangkad.

Bangis talaga ng lalakeng to kahit kailan.

...

"Sir bawal talaga kayong pumasok. Sabi ng kasama mo kanina hindi siya studyante dito at malamang ikaw din." Sabi nung guard sa akin pinapakiusapan ko kasing papasukin na kami ni Takahiro.

"Ang policy namin dito No ID No Entry."

Sumagot na ang kasama ko.

Tumabi siya sa akin.

Yung itsura niya napakaseryoso parang mananapak na maya-maya.

"Sir pakinggan niyo muna kasi ako. Una sa lahat, drop out ako."

Nanlaki ang mga mata ko ng madinig kong sinabi yon ni Takahiro.

Tangina proud na proud ang mokong sa pagkakasabi niyang drop out siya.

"Pangalawa, 22 years old na ako ito ID ko katibayan." Kinuha ni Takahiro yung mga ID niya sa wallet para ipakita sa guard.

"Pangatlo, bokalista ako ng banda na kakanta dyan mamaya sa loob."

"Oo nga bokalista namin yan." Sinang-ayunan ko agad ang sinabi ng kasama ko.

22 years old na talaga tong kasama ko mag23 na pala siya ilang buwan simula ngayon yun nga lang hindi halata kasi sa aming apat siya yung may 'baby face' na tinatawag.

Naalala ko nga one time parang nangyare din yung ganito hindi siya binigyan ng alak nung waiter kasi akala high school student siya.

Tawang-tawa kami nila Yuta non.

In short, madalas napapagkamalang underage ang vocalist namin.

Parati kaming napapahamak dahil sa kanya.

...

"Tanginang mukha mo kasi yan Takahiro mapapahanak tayo. Mukha ka kasing bata." Napadaing ako ng banatan ako ng sikmuraan ako ni bansot.

"Takahiro. Regie. Umayos nga kayong dalawa!"
—————————————————
Naglakad-lakad kami. Ang laki at ang lawak pala ng lugar na to sa loob. Ang daming taong naglalakad at kahit saan ka tumingin napapalibutan ka ng matataas na building na sa tingin ko mga classrooms.

Grabe, nakakapangliit naman dito.

Ang nakakasalubong namin mga studyante dahil halos lahat sila may suot na ID lace at merong ilan na nakauniform pa din.

Napapaisip tuloy ako kung anong mga course ng mga ito at kung anong pakiramdam ng college student.

Masaya kaya?

Kung sakaling pinagpatuloy ko ang pagaaral ko ano kaya ang course na kukunin ko?

Graduate na kaya ako ngayon?

Katulad ni Taka dropout din ako ng highschool. Hindi ko na natapos ang pagaaral dahil mas pinili ko ang pagsali sa banda. Pinili ko ang pagiging musikero sa murang edad kesa sa edukasyon na gusto ng mga magulang ko.

Rebelde?

Siguro.

Hindi ko talaga gusto mag-aral.

Nahihirapan ako.

Imbis na ganahan ako pumasok araw-araw sa school pakiramdam ko tinotorture ako. Hindi ko maramdaman yung saya sa school at nahanap ko lang yung tunay na kaligayan ng una akong humawak ng gitara.

Masaya ako kung na saan ako ngayon kasama ang banda ko pero hindi ko maiwasan na magmuni-muni at magbalik tanaw sa nakaraan.

Paano kaya kung...

Pinaglatuloy ko ang pagaaral ko at sinunod ko ang gusto ng mga magulang ko.

Na saan na kaya ako?






TAKA

Hinatid kami ni Tristan dito sa campus meron pa kasi silang dadaanan sa bayan ni Yuta.

Kasama ko ngayon sa paglalakad si Regie.

"Pre saan ba tayo pupunta?"

"Sumunod ka na lang."

Sa totoo lang hindi ko din alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Gusto ko lang talaga maglibot at hanapin yung building ni Kris. Ang alam ko lang fine arts student siya base don sa mga napagkwentuhan namin dati.

Nakaabot na kami ni Regie sa kainan.

Sa tingin ko ito yung isa sa mga canteen nila.

Napakadaming lamesa at upuan na nakahilera.

"Pre bili muna tayo ng samalamig. Nauuhaw na ako. Napakainit e." Aya ni Regie.

Naghanap kami ng mapagbibilhan ng inumin sakto naman na natanaw namin yung hilehilerang food stand na may palamig na tinda na may ibat-ibang kulay.

Nakipila kami don sa mga bumibili.

Ang dami talagang tao.

Nahirapan akong tignan yung mga label ng inumin dahil sa dami ng tao ngayon na gustong bumili.

"Oi Mori-chan ano sayo?"

Hindi ko nga makita yung pangalan ng mga inumin at hindi ako malapili.

Si Regie meron ng nabili.

"Sore wa ikura desu ka?" (Magkano yang hawak mo?)

Tinaas ni Regie yung hawak niya.

"Juugo." (15)

"Yan na lang."

"Malamig to tol."

Oo nga pala bawal nga pala ako ng malamig.

Tae na yan.

"Tubig na lang sa akin." Sabi ko sa kanya.

Nakikain pa kami don sa katabing nagluluto ng mga street foods. Nakituhog sa mga fishball, kikyam, squidball at hotdog. Ito kasing si Regie inaya akong kumain at natakam naman ako sa tinda kaya hindi na rin ako nagpaawat.

Nasa gilid kami ni Regie habang kumakain.

Nagtanong na ako don sa ate na nagtitinda ng fishball.  Nakakwentuhan na din kasi ni Regie kaya nakisingit na din ako sa pagtatanong.

"Miss, saan ba dito yung building ng fine arts?"

"Maglakad pa kayo dyan diretsuhin niyo pa tas kapag may nakita kayong puro salamin na building kaliwa kayo.... makikita niyo don yung lumang building na puro kahoy. Ayun na yung building na hinahanap niyo."

"Ahh sige ho. Salamat."

"Transferee student ba kayo?"

Ito na naman kami napagkakamalan na studyante.

"Hindi ho."

"Tiga labas ba kayo?" Naging curious na siya kung anong ginagawa naming dalawa ni Regie dito kung hindi kami studyante ng NRU.

"Ate magpeperform kami mamaya."

"Ah talaga ba?"

"Nasa banda kami." Sabay turo sa akin ni Regie at nagsasalita siya na may pagkain pa sa bibig.

Bastos talaga.

"Itong kasama ko bokalista namin."

"Wow, mga musikero pala kayo."

"Oo te." Nagkwento na naman si Regie tungkol sa background ng grupo namin. Mukhang aabutin kami dito ng maghapon kung di ko pa siya aawatin. Balak ata ikwento lahat ng nangyare sa amin mula noong nagsisimula pa lang kami.

Taragis tong si Regie napakadaldal na tao.

"Pwede bang papicture sa inyong dalawa? Souvenir ko para ipakita ko sa anak ko sa probinsya."

"Ay sige ho."

Sumenyas si Regie na lumapit ako.

Pinagitnan namin si ate para pagbigyan siya sa request niya.

Uminom ako ng tubig ulit.

"Wala ba kayong mga girlfriend ha?"

"Ako ho single... ito si Taka andito girlfriend niya—" nasamid ako bigla ng madinig ang sinagot ni Regie.

Pati na naman personal na bagay balak niya ding ikwento?

Napatingin ako kay ate ng magsalita siya.

"Sayang naman ipapakilala ko sana kayo sa mga kaibigan ko dito na nursing student."

Nangiti na lang ako sa nadinig ko.

Si Regie tuwang-tuwa ang puta.

Sa totoo lang nakakalibang din naman kausap itong si ate. Matagal na pala siyang crew dito sa kainan na to at halos ito na rin yung nagiging source ng income niya na pinapadala sa mga anak niya sa probinsya. Yung asawa niya naiwan don sa kanila karpintero at minsan magsisideline maging construction worker.




JESSIE

Friday.

Last day na ng Instrams ngayong araw.

Ngayong araw lang kami makakapagtinda. Magbebenta kami ngayon ng merch dito sa loob ng campus. Nakiusap ako don sa council at nagtanong kung pwede bang magtayo kami ng sarili naming stall kahit maliit lang para makapagbenta at dahil may kakilala naman ako don pumayag naman sila.

Dapat nga nakapagbente na kami nung isang araw pa pero dahil hagol na sa oras dahil yung mga materyales at yung mismongpariprint late na kaya ngayong araw lang kami nakahabol.

Buti nga kahit isang araw lang yung palugit namin nakaabot pa.

Actually mangiyak-ngiyak nga ako kasi syempre kung di kami makakabenta ngayong araw matagal bago makbalik yung puhunan ksi thru online lang namin maibebenta yung mga merch.

Laking pasalamat ko nung sinabi ni Tristan sa akin na makukuha na yung mga damit ngayong araw din mismo.

Maaga akong pumasok para maasikaso tong stall namin. Last minute na din kasi buti na lang may nahanap akong sa bahay na table na pwedeng magamit.

Ang init pa grabe ramdam ko yung lagatak ng pawis ko.

Andito pala kami ngayon sa open space ng campus malapit don sa covered court kung saan gaganapin yung closing program mamaya.

Hinahanda na din yung stage.

Madaming mga guest performer at isa na don ang Clock Strikes. Nung nasabi ni Tristan sa akin yung balita na yun syempre nagulat ako I mean given na na magaling sila and all pero yung tutugtog sila sa harap ng mga studyante at take note sa campus pa namin ha nakakabilib. Alam kong proud na proud si Tristan ngayon dahil hindi lang mga bar at night life gigs sil makakatugtog dahil ngayon pati North Richmond iniinvade na nila.

Nakakatuwa.

Nakakaproud.

Hindi na ako makapagantay sa setlist nila mamaya. Sa totoo lang tinanong ko na si Tristan tungkol don pero sabi niya abangan ko na lang daw. Yung lalakeng iyon parang di ako kasama sa team nila. Hindi ko imanage ang fanpages nila e makita niya. Isa kaya ako sa supporter nila!

Anyways kung ayaw niyang ishare ang details sa akin e di wag.

Teka, asan na ba yung lalakeng yon?

Sabi niya sa akin mga 2PM andito na daw siya.

Anong petsa na?

Tatawagan ko na siya ng matanaw yung lalakeng may bitbit ng malaking bag sa magkabilang kamay niya. Nakasunod si Yuta sa likod niya na merong ding bitbit.

Lumapit ako agad.

Tutulong sana ako.

"Wag na mabigat to." Sabi ni Tristan agad.

Okay.

"San yung pwesto natin?"

"Doon." Tinuro ko yung nalilimliman ng puno. Maliit lang na pwesto pero pwede na kesa sa wala at least dito tanaw ko yung stage kahit papaano. Mung titignan para ngang pinilit at siniksik lang yung stall namin.

"Ang tagal niyo naman." Sabi ko at isa-isa ng nilabas yung mga paninda namin para ayusin. Ilang oras na lang kasi ang natitira para makapagtinda kami ngayong araw.

"Traffic sa bayan."

Kaya naman pala sabagay Friday ngayon.

Napansin kong pawisan yung dalawa.

Nakaka-awa naman tong mga to.

Inabutan ko ng pamunas at maiinom.

"Oh tubig."

"Salamat." Sabi ni Yuta at naupo sa gilid. Sa itsura niya ngayon na mamula-mula ang mukha halatang init na init siya.

Inabutan ko na din ng pamaypay wala pang kahangin-hangin ngayon.

Tirik na tirik ang araw.

"Na saan pala yung dalawa?" Tanong ko kay Tristan. Hindi ko pa nakikita sila Taka at Regie.

Missing in action yung dalawa.

"Nauna na silang pumunta dito."

"Ha?"

"Andito na yung mga yon." Paguulit ni Tristan.

"Hindi ko pa sila nakikita." Sabi ko.

Saan ba magsususuot yung dalawa iyon?

Halos patapos na din kaming magayos dahil kabisado ko na kung paano ilatag yung mga paninda namin. Nagdisplay din ako ng mga sample na design para makita ng mga customers agad at di na ako magbukas pa.

"Pre bili lang ako ng tubig." Paalam ni Yuta.

Mukhang kulang yung binigay kong mineral water.

Naiwan na kami ni Tristan sa stall.

Ako tinitignan kung pantay ba yung pagkakasabit at pagkalalagay ni Tristan sa mga tinda namin. All in all okay na. Ready na kami magopen. Hinanda ko na yung mga pera na panukli actually bago ako umalis ng bahay nagpabarya ako sa kalapit naming tindahan panigurado lang na hindi kami mauubusan.

"Ate magkano dito?"

"350 lang..."

"Ay ang mahal."

Nginitian ko siya.

Kailangan maging friendly ako sa mga customer. Nagsisimula pa lang kami magbenta pero ganito na agad ang bungad.

Wag susungitan.

"Maganda naman kasi yung ginamit namin dito sa tela...." nagexplain pa ako ng mga brand ng shirt na ginamit namin kasi hindi basta-basta kaya medyo mahal yung price namin.

Dito talaga masusubok ang sales talk ko.

Okay para makabenta ng madami kailangan ng mahabang pasensya.

Bumili naman sila ng 2 piraso kahit papaano hindi napunta sa wala ang kakachika ko sa kanila.

Nauhaw ako bigla.

Kinuha ko yung mineral bottled water ko na nasa loob ng bag ko.

"Pre tignan natin to."

"Mukhang maganda to."

"Tara."

"Magkano dito ate?"

Iinom pa lang ako ng may madinig akong mga boses ng lalake at paglingon ko nakita ko lang naman yung mga varsity players na nasa harap ngayon ng stall namin.

WHAT?!!!

Pinadaan ko ang tingin ko sa kanila.

Grabe nakakalula ang tatangkad nila na halos dumilim yung paligid dahil natatakpan ng katangkatan nilang lahat ang sikat ng araw.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang familiar na mukha ng star player ng campus namin.

Shuta....

Ohmyghad.

OHMYGOSHHH SI ALEC!!!

Si number 4!

Binitawan ko agad ang hawak ko at sabay ayos ng buhok ko. Grabe okay ba ang mukha ko? Hala amoy pawis na ako. Wait, magsalamin muna kaya ako? Magsuklay at nagpowder? Ang haggard ko na.

Yung kabog ng dibdib ko parang hihiwalay na sa ribs ko ang puso ko.

Pinagpapawisana ako lalo.

"Uhhh excuse me miss?"

Shuta si Alec yung nagsalita!

"Magkano dito?"

"..." dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Kahit ilang beses ko na siyang nakita sa personal dahil nga same campus lang kami at parati kong dinadayo ang building nila hindi pa rin ako nagsasawang makita ang mukha niya.

Napakagwapo.

Sobrang gwapo nakakaiyak.

Kinikilig ako.

Gusto kong manghampas.

OMG.

Ang bango-bango niya pa.

Girl, ang papi.

Ang fresh niya tignan at totoo nga ang bango-bango niya. Ang sarap niyang yakapin ngayon. Pinipigilan ko lang ang sarili kong gawin yun.

Meron pa naman akong natitiranh kahihiyan dito.

Kalma self.

"Miss? Magkano to?"

"..."

"450." Nadinig kong sagot ni Tristan sa tabi ko.

Tinignan ko siya.

Anong 450? 350 lang benta namin dito bakit pinapatungan niya?

"Meron ba kayong ibang design—"

"Ayan na sa harapan mo lahat." Sagot ni Tristan na napakasungit ng dating.

Itong lalakeng to nagsusuplado na naman.

"Ahh ano bang size ang kukunin mo—"hindi ko natuloy nag sasabihin ko ng magsalita na naman si Tristan.

"Ano bang kukunin mo?"

"Isa nito." Sagot ni Alec.

Hindi na ako kumibo dahil silang dalawa na ang naguusap.

Nanggigigil ako kay Tristan sa totoo lang.

Bwisit tong lalakeng to moment ko na to e tas sisingit siya.

"Anong size?"

"Medium."

Hahanapin ko na agad yung size na medium ng maunahan ako ni Tristan. Binalot niya na din agad.

Iniabot ni Alec yung bayad.

Yes! Ako na ang magbibigay ng sukli ng maunahan na naman ako ni Tristan.

Shuta talaga!

Gusto kong magwala ngayon sa sobrang inis ko.

Mangilid-ngilid ang luha ko habang sinusundan ng tingin si Alec na ngayon nakikipagusap sa mga kasamahan niya.

Pinanggigigilan ko yung hawak kong tela.

Pinanggigigilan ko yung paninda namin.

"Pre, ikaw yung gitarista ng Clock Strikes diba?" Tanong nung isa sa mga kaibigan ni Alec.

Nung sinulyapan ko yung katabi ko nakita ko lang siyang tumango.

"Idol!!!" Sabi agad nung mga varsity players.

Ang ending pinagkaguluhan si Tristan at ako ang nagkuha ng group picture nila. Nakakainis talaga. Ngingiti-ngiti lang ako pero deep inside gusto ko panggigilan so Tristan.

Tumambay pa sila sa stall namin para makipagkwentuhan kaya ako ito nasa gilid nakikinig lang habang nagbebenta.

"Sayang noh wala pala dito sila Taka." Dinig ko yung panghihinayanh nung isa sa kanila.

Fanboy din siguro to.

"Baka makasalubong natin sila pre sabi ni Tristan andito naman daw sila sa campus ngayon."

"Sige pre abangan namin set niyo mamaya."

"Salamat."

Katulad kanina wala na akong nagawa kundi sundan na lang ng tingin si Alec at ang mga kaibigan niyang palayo na ngayon.

Ang tagal din nilang tumambay dito sa stall namin tas hindi ko man lang nakausap yung crush ko.

Nakakainis talaga.

"Ate magkano dito?"

"350 pesos kapag dalawa bibilhin mo 650 na lang."

"Sige te dalawa kunin ko."

Napansin kong mukhang iiwan din ako ni Tristan.

Teka saan siya pupunta?

Matapos niyang agawan ako ng chance makipagusap kay Alec iiwan niya ako dito.

"Ito na yung sukli. Thank you."

Binigay ko agad yung pera sa customer.

"Oi Tristan saan ka pupunta?"

Hindi man lang ako nilingon o sinagot.

Umalis siya agad ng walang pasabi.

Pambihira.

Anong problema non?





TAKA

Sabi ni ate na nakausap namin don kanina diretsuhin lang daw namin tapos meron kaming makikitang puro salamin na building. So ito na nga nakikita ko na tapos kaliwa daw. Naglakad kaming dalawa ni Regie habang sinusundan yung binigay sa amin na direction ni ate. Mukhang di pa naman kami naliligaw kasi nakita na namin yung puro salamain na building.

"Hidari ka migi?" (Kaliwa o kanan?)

Tanong ni Regie sabay kamot sa ulo niya.

"Hidari." (Kaliwa)

Kumaliwa kami at naglakad ulit.

Ang laki talaga pala ng loon ng school na to nakakalito syempre kasi unang pasok pa lang namin dito. Maliligaw talaga kami kung hindi kami magtatanong.

Nakita ko na yung mapunong parte ng campus na to.

Natanaw ko na din yung sinasabing puro kahoy na building.

Ito na nga ang Fine Arts building.

Mapresko dito kumpara don sa pinanggalingan namin kanina ni Regie yung pawis yung natuyo na sa damit ko.

Bilang lang ang mga tao na naabutan namin.

Pinadaan ko ang tingin ko sa paligid.

Pinagmamasdan ang building na nasa harapan ko ngayon.

Dito sa building na to naglalagi si Kris.

Isa sa mga room na andito ngayon ang classroom niya.

Saan kaya dito?

Anong floor?

Andito kaya siya ngayon?

"Mori-chan iku... hanap tayo ng mauupuan." Nakahanap kami ng magandang pwesto na may magandang view ng lumang building dahil nga bilang lang ang tao ngayon rito.

Sumipol si Regie.

"Sarap ng hangin puta ang presko."

Napansin ko yung kinuhang kaha ng sigarilyo ni Regie.

"Bawal manigarilyo dito." Sita ko sa kanya at mukhang yun ang balak niyang gawin.

"Wala namang tao—"

"Omae wa hontoni baka da ne? Bawal nga di ka ba nakakaintindi?"

Kumuha siya ng isang stick at inamoy-amoy.

Tangina talaga.

Adik na to sa sigarilyo.

Tinignan ko ulit yung building na nasa harapan namin. Pinadaan ulit ang tingin sa bawat pinto na natatanaw ng mga mata ko sa dami kasi ng puno halos karamihan natatabunan.

Nakuha ng atensyon ko yung grupo ng mga studyante na naglalakad ngyon sa hallway.

Ang dami nilang bitbit na gamit.

Teka, Instrams ngayon diba?

Bakit parang may klase pa din ata sila?

Naalala ko tuloy yung mga panahon na nagaaral pa ako.

High school days...

...

"Morouchi..."

"..."

"Takahiro Moriuchi."

"..."

Naalimpungatan ako ng madinig kong may tumawag sa pangalan ko. Umayos ako ng upo at nagunat. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at napansin na halos lahat ng mga mata nakatingin sa akin.

Isa na don ang terror naming teacher sa math.

Fuck.

Tinignan ko agad ang katabi ko.

Ang sabi ko sa kanya gisingin ako bago magsimula ang klase sobrang antok na antok na talaga ako kasi madaling araw na ako natapos sa paglalaro ko ng video games.

Hindi sa akin makatingin ang katabi ko.

Yari to sa akin mamaya.

"Ma'am."

Doon ko na sumunod na narinig ang pangalan ng room na parati kong tinatambayan tuwing uwian.

Detention room.

Kilala ako ng mga teacher ko na pasaway, makulit at sakit sa ulo sa klase. Madalas akong nakakatulog at puro single digit ang score ng mga exams ko.

Walang Linggo na hindi nakalista ang pangalan ko para magparticipate sa detention activities. Sa totoo lang ako pa yung naninibago kapag hindi ko nakikita ang panglan ko sa listahan.

Nakasanayan ko na.

Ang mga kasama ko kundi mga bully, bulakbol na katulad ko at minsan mga studyanteng first time makasama sa session namin tuwing hapon.

Nakakatawa yung mga itsura nung mga studyanteng first time na makakuha ng detention slip hindi ko naman sila masisi kasi nga ang mga kasama nila katulad namin na walang ginawa kundi magliwaliw at gumawa ng kalokohan.

Hindi ko makita kung bakit ginagawang big deal ang bagay na to.

Hindi mo naman ikamamatay.

Madami kasi sa studyante ang grade conscious.

Grade lang naman yun.

Hindi ko talaga sila maintindihan.

"Here's your test papers. Claire, please distribute it to your classmates"

Hinagisan ko ng eroplanong papel yung katabi ko.

Natawa ako nung makita yung banas na mukha niya.

Kanina ko pa kasi inaasar.

"Hiro..."

Ininabot sa akin ni Claire yung test paper ko.

As usual expected ko ng single digit na naman.

26/50

Woah.

Hontou ni?

"Oi I got 26. How about you?" Tanong ko sa katabi ko.

"46."

Okay.

Ilang minuto ko tinitigan yung double digit na score ko sa History class namin. Once in a blue moon lang ako makakuha ng ganito. Hindi ako nagaral nung nagexam kami dito stock knowledge lang buti nga may napiga pa ako. Hindi talaga ako magpupuyat para lang mag-aral. Dito nga sa classroom wala na akong ganang makinig sa bahay pa kaya paggugugulan ko ng oras ang pagrereview?

No freaking way.

Meron naman akong nakuhang first award...

Best in music.

Sa lahat ng subject sa school dito lang sa subject na ito hindi napressure. Ito lang yung kaisa-isang subject na nakakuha ng buong atensyon ko. Gusto ko pang iexplore na pagaralan to.

Hindi ko akalain na makukuha ako ng award.

Syempre masaya ako.

I was so fucking happy for the first time.

Meron na akong maipagmamalaki sa magulang ko.

Gusto ko sabihan kila mommy at daddy itong nakuha kong award para makapunta sila sa recognition day. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa din sila naabutan sa bahay. Busy sila sa trabaho. Lumaki ako na ang madalas kong kasama mga maid at personal driver ko na si kuya Boyet.

Dumating na ang recognition day pero hindi ko pa din nasasabi sa kanila na may award ako.

Umasa pa din ako na darating sila sa school para makasama ko sila sa pinakaspecial na araw ng high school ko.

Alam ko naman na malabo e pero umasa pa din ako.

Tinawag na ang mga pangalan ng mga studyante.

Isa-isa ng umakyat sa stage hanggang sa tawagin na ang pangalan ko.

Habang ang mga classmates ko kasama ang mga parents nila ngayong recognition day ako ito mag-isa sa gilid.

Naglakad ako magisa at bago ako maka-akyat sa stage nadinig ko ang boses ni kuya Boyet.

"Sir Hiro."

Imbis na magulang ko ang kasama ko ngayon na tumanggap ng award si kuya Boyet ang naging proxy nila.

Ang nakakatawa sa nangyare nalaman kong next day yung graduation ng kuya ko.

Alam niyo ang nangyare?

My parents are there to support my brother.

Gusto ko magwala.

Bakit pagdating kay kuya may oras sila?

Bakit kapag si kuya na ang pinaguusapan aware sila sa nangyayare sa panganay nila pero bakit kapag ako nawawala silang dalawa na parang bula.

This is so fucking unfair.

Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung anong mali sa akin?

Ano bang meron si kuya na wala ako?

Walang araw ang lumipas na hindi ko naiisip ang bagay na iyon.

I always compare myself to my older brother because my own parents makes me feel that way. Sila ang nagparamdam sa akin na hindi nila ako pinapahalagahan bilang anak nila.

Oo meron akong apelyido na Moriuchi pero ni minsan hindi ko naramdaman na kabilang ako sa pamilya na to.

Lumayo ang loob ko sa kanilang lahat.

I started to hate my own parents.

I started to hate my own brother.

They're not my family.

I don't feel welcome anymore.

I always feel left behind.

I feel useless.

...

Walang magandang memories ang school para sa akin ang tumatak lang sa isip ko yung pressure at hirap ng pagaaral. Ni minsan hindi ko naranasan na magenjoy mag-ara. Pakiramdam ko may nakatali sa leeg ko na sumasakal sa akin araw-araw.

Hindi ako masaya.

Hindi ako makahinga.

Meron akong mga nakakausap na classmates pero wala akong masasabi na solid na mga kaibigan.

Nilayo ko na din ang loob ko sa kanilang lahat.

Doon ako nagkaroon ng trust issue sa mga tao.

Ayoko ng magkaroon ng dahilan para mapalapit ang loob ko sa kanila.

Ayoko ng umasa na may taong magpapalasakit sa akin.

Natuto akong mag-isa.

"Oi Mori-chan."

"..."

"Takahiro... ikuzo?" (Tara)

"..."

"Baka hinahanap na tayo don."

"Maya-maya pa ng konti." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko pa nakikita si Kris.

"Gagi magdadalawang oras na tayong wala."

"..."

"Tara na magpakita lang tayo kay Tristn hinahanp na tayo non."

"..."

"Ayan nagtext na nga. O tignan mo." Pinakita sa akin yung screen ng cellphone niya. "... Tara na balik na lang tayo."

Pinadaan ko ulit ang tingin ko sa building na nasa harapan ko. Ini-imagine ko si Kris na nakasuot ng uniform habang naglalakad sa hallway.

Ano kaya kung nagcollege ako?

Classmate ko siya....

Hindi pwede.

Papaanong magiging magclaclassmate kami mas matanda ako di hamak ng ilang taon sa kanya.

Okay na ako na tigahatid at sundo niya.

Masaya na ako don.

Ayos na sa akin na makasama siya sa konting oras.

Tumayo na ako at nagunat.

Siguro babalik na lang ako ulit dito kapag may oras pa siguradong hinahanap na nga kami ni Tristan.

"Tara na nga."

Nauna na akong maglakad.

Bumalik kami don sa dinaan namin kanina.

Sa paglalakad ko napansin ko agad yung taong makakasalubong ko sa daan.

Isang babae na nakakuha ng buong atensyon ko.

Nagtama ang tingin naming dalawa.

Pinagmasdan ko ang mukha niya kasabay ng pagbagsak ng mga nalagas na dahon mula sa puno na nasa paligid namin ngayon.

I miss her.

She's here right in front of me.

Posible bang mamiss mo lalo yung tao kahit nakikita mo na siya ngayon sa harapan mo?

Ito ang nararamdaman ko.








KRIS-ZEL
Nagmamadali na akong maglakad pabalik sa building namin. Nakipagmeet up kasi ako sa customer ko don sa may 7/11. Bale dalawa sana yung makukuha ko na yung bayad ngayong araw kaso nagcancel yung isa may urgent daw siyang pupuntahan kaya nagparesched ng meet up.

Nakakalungkot kasi nirush ko pa tong tapusin kagabi. Medyo hectic ngayon ang schedule ko nagkasabay-sabay kasi yung nga dapat gawin sa school tapos itong mga commissions ko.

Okay na din kung iisipin kasi tapos ko ng gawin aanatayin ko na lang yung date na napagusapan namin nung customer ko.

Ito ngayon halos magtatakbo na ako bitbit ang ilang paper bag at mga gamit ko. Meron pa akong hanap ngayon sa intrams. Nagsisimula pa lang ang araw ko bilang isa sa mga photographer ng journalism department.

Ako ang naka-assign ngayon maging photographer nung magiinterview sa mga guest performers namin para sa closing program.

Ito ang magiging isa sa highlights na ilalabas namin para sa next issue ng campus newspaper.

Ang tirik ng araw.

Sobrang init.

Ang bigat pa ng mga dala ko ngayon pero hindi ako pwedeng magpapetiks-petiks hinahabol ko ang oras.

Makikipagkita nga pala ako kay Jason inaaya niya kasi akong sabay na maglunch kami kanin kaso hindi na ako naka-abot. Nakahiya na. Ang tagal na niyang nagaantay sa akin.

Sinabi ko na lang na magkita kami ngayon para sabay na lang kaming magmeryenda.

Sagot ko na ang kakainin namin kasi sobrang nahihiya na talaga ako sa kanya.

Kakain kami sa mga street foods na tinda ngayon ng mga studyante sa open space malapit don sa venue ng program mamaya.

Natatakam na din ako.

Hindi pa ako naglulunch sa totoo lang ang huli kong kain nung umaga pa.

Nakaligtaan ko na ang oras at nalipasan na ng gutom.

Iiwan ko lang tong gamit sa office tas pwed ko ng hanapin si Jayson.

Familiar na ako sa pasikot-sikot na daan nitong campus. Ilang taon ba naman ako naglalabas-masok sa lugar na ito.

Malapit na ano konti na lang.

Nilakihan ko na ang hakbang ko.

Maya-maya binagalan ang takbo.

Paliko na kasi ako...

Napangiti ako ng makita ang familiar na open space ng building namin. Napakaaliwalas talaga ngayon dahil araw. Ang ganda ng panahon tamang-tama para sa event namin mamaya.

Hay, ang presko talaga ng hangin dito.

Naglakad na ako papasok.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng mapansin ko ang taong malapit sa akin.

Napahinto ako ng makita ang lalakeng hindi ko ineexpect na makita ngayon.

Napansin ko agad ang kulay ng buhok niya.

Wala na yung tinatawag kong "mushroom" na hairstyle niya.

Nawala na yung natural na maitim, kulot at makapal niyang buhok na gustong-gusto ko.

Ibinalik niya na sa dating green.

Tandang-tanda ko pa na ganito yung kulay ng buhok niya nung una ko siyang nakita.

Nakasuot siya ng simplenh itim na t-shirt na merong printed out na picture ng favorite niyang banda.

Tandang-tanda ko pa yung mga panahon na nagkwento siya sa akin ng mga banda na favorite niya at sinabi niya din na pangarap niyang makasama ang mga ito sa stage.

Yung simpleng damitan na all black.

Nangingibabaw yung mga tattoo sa braso niya.

Yung trademark niya bilang vocalist ng Clock Strikes.

Taka...

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Hindi ko na din maalis ang tingin ko sa kanya.

It's just too much seeing him like this.

Unti-unting nagbabalik lahat ng ala-ala ko kasama siya.

Naninikip ang dibdib ko ngayon habang pinagmamasdan siya.

Gusto kong umiyak.

Gusyo kong tumalikod at magtago.

Gusyo tumakbo at yakapin siya.

I miss him.

I miss him that's for sure but I won't admit it.

The pain is still there....

Unti-unti ko na namang nararamdaman ang sakit habang nakikita ko siya ngayon. Bigla ko na naman naalala yung nangyare sa San Juan. Okay na ako e. Kahit papaano nakakausad na ako sa buhay pero nung makita ko siya ngayon para bang sinampal sa akin ang katotoohanan na niloloko ko lang ang sarili ko na okay ako pero ang totoo hindi.

Ngayon ko narealized kung gaano ko siya namiss.

Ngayon sinampal sa akin ng tadhana na kahit anong iwas ko sa taong to magkikita pa din kami sa huli.

Wala akong gustong gawin ngayon kundi tumakbo sa kanya at yakapin siya.

Sabihin na hindi ako okay.

Sabihin na hanggang ngayon hindi pa rin ako okay.

"Kris!"

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

Nakita ko si Jayson na tumatakbo palapit sa akin.

Nakangiti siya habang kumakaway.

"Tulungan na kita dyan."

Kinuha niya agad ang mga bitbit kong gamit na katulad ng ginagawa niya parati kapag magkasama kami.

Ramdam ko na may nakatitig sa akin nagayon.

Nung binalikan ko ng tingin si Taka ilang hakbang na lang at tuluyan na siyang makakalapit sa akin.

Kinakausap ako ni Jason pero hindi ako makapagconcentrate sa sinasabi niya.

Hindi ko siya maintindihan.

Malapit na siya...

Ilang hakbang na lang...

Halos pigilan ko ang paghinga ko ng ilang dipa na lang ang layo naming dalawa.

Doon ko nakita ang expression ng mukha niya na hindi ko makakalimutan.

"Kris..."

"..."

"Kris?"

"..."

Nilagpasan ako ni Taka na para bang wala siyang nakikita sa harapan niya.

Nilagpasan niya ako na para bang hindi niya ako kilala.

Ang mas masakit sa lahat yung tumatak sa utak ko na expression ng mukha niya.

His eyes that I love so much...

Ibang-iba sa nakita ko kanina.

Blank expression was written on his face with his cold eyes.

Sumunod ko na lang na nakita si Regie na nakasunod ngayon kay Taka.

"Oi, Takahiro... si hime..." Nakita ko ang gjnawang pagturo sa akin ni Regie habang tinawag niya ang kaibigan niya.

Lumingon ako agad at nagbabakasakali na tignan niya na ako pero sa pangalawang pagkakataon hindi niya pa din ginawa.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Nilagpasan niya lang ako.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig.

That face...

The look on his face...

Pakiramdam ko hindi niya ako kilala.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

"Uhhh Kris... mauna na muna kami ha hinahanap na kasi kami ni Tristan." Sabi sa akin ni Regie.

"Ja mata ne." Ngumiti siya at kumaway sa akin bago sundan ang kaibigan niya.

"KUYA TAKAHIRO!!!!" Nadinig kong sigaw ng babae.

Nakita ko agad ang familiar na mukha nung babae na lumapit kay Taka at yumakap sa braso sa braso niya. Napalibutan na agad sila ng mga classmates nito.

Natatanaw kong kinakausap na nila ngayon si Taka.

"Kilala mo pala sila?"

Ininalis ko na ang tingin ko kay Taka at tinignan si Jayson.

Pilit akong ngumiti sa harap niya at tumango bilang sagot.

"Hindi ko pa ba nabanggit sayo na isa and Clock Strikes sa guest performers natin?"

Hindi na ako nakakibo.

Kung akam ko lang hinanda ko na ang sarii ko sa pwedeng mangyare.

Hindi sana hahantong sa ganito.








REGIE

Pambihira.

Bakit nilagpasan ni Takahiro si Kris?

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Kris at sa kanya kanina.

Hindi ba ito yung misyon naming dalawa kaya nga kami dumayo at hinanap tong building ng Fine Arts para makita at makausap na niya si Kris tapos nilagpasan niya lang?

Anong meron at nagiba ang ihip ng hangin?

Gusto ko pa sanang kausapin si Kris kanina para ako na mismo ang gumawa rin ng paraan ng magkaayos na sila pero itong si Taka walang balak na magpaawat.

Iiwanan pa ata ako kaya nagpaalam na ako kay Kris.

Hinahanap na kasi kami ni Tristan kanina pa.

Yari kami nito talaga.

Ngayon napapalibutan kami ng mga classmates ni Ayiesha. Nakasalubong namin sila sa daan at di na kami pinakawalan.

Si Takahiro ang target nila ngayon.

Aaminin kong kapag kasama ko tong si Taka madalas siya agad ang napapansin sa aming dalawa okay hindi na nakapagtataka kasi bokalista at frontman siya pero tae naman andito ako. Baka nakakalimutan nila na kung walang bahista walang banda.

Napabuntong hininga na lang ako at pinapanuod sila sa gilid.

Habang nagsasalita si Taka halos lahat ng mata ng mga classmates ni Ayiesha nakatingin sa kanya.

Dito ko nalaman na fangirls pala to lahat ni Takahiro at di na ako magtataka kung may fansclub na din na nabuo sila.

"Kuya fan mo ko!!!"

"Hala ang pogi."

"Kuya anong oras kayo tutugtog mamaya?"

"Kuya Taka pwedeng magpapicture?"

Kung hindi mga tilian ang nadidinig ko puro pangalan ng bokalista namin ang nadidinig ko.

Nakakaharang na sila sa daanan ngayon.

Nagtama ang tingin namin ni Taka at halatang nagpaparescue na.

Wow nakahalata rin.

Dito na ako papasok.

"Excuse me mga miss."

Huminto silang lahat sa pagdumog ngayon kay Taka.

"Pre alis na tayo." Binulungan ako ni Taka at halatang gusto niya na din umalis.

"Ladies, pasensya na ha kailangan na kasi namin umalis—"

"Awww bakit?"

"Saan ka pupunta kayo pupunta kuya Taka?"

"Kuya papicture naman ako."

"Kuya pwede pa-autograph ako?"

Tinignan ko si Ayiesha at sumenyas na kailangan na namin umalis kundi yari kami kay Tristan.

"Guys, abangan na lang natin sila mamaya kailangan na kasi nila umalis."

"Kuya isang picture lang oh."

Tinignan ko si Taka.

Nakakailang hawi na siya ng buhok na ginagawa niya kapag naiilang o naiirita na siya sa mga nangyayare.

"Takahiro daijobu?"

"Hai."

"Anata no shashin wo totte mo iidesu ka?" (okay lang ba na magpapicture sayo?)

Tumango lang si Taka sa akin.

Nginitian ko sila ng makakuha ng go signal at para madali group picture na lang.

"Issyo ni shashin torou!" (Magpicture tayo ng magkakasama)

Pagkatapos ng picture taking sumibat na kami agad ni Taka.

Kinakausap ko siya pero wala siyang imik at nagiba ang ihip ng hangin ng masabi ko ang pangalan ni Kris. Hindi na siya kumibo at halata na nabadtrip.

Teka bakit nga ba siya badtrip?

Anong pwedeng dahilan ng pagkabadtrip niya ngayon? Samantalang kanina abot tenga ang ngiti pagdating namin dito.

Hmmm....

Teka, hindi kaya sa kasama ni Kris kanina?

"OI TAKAHIRO WATASHI O MATTETE KUDASAIII!!!"

Takte iniwan na ako ni bansot.







TRISTAN

Kanina ko pa kinocontact yung dalawa at ni isa sa text at tawag ko wala man lang sinagot. Nagikot-ikot na din ako nagbabakasakaling makasalubong ko sila.

Ang paalam nila Regie sasaglit lang sila para magmeryenda.

Mahigit dalawang oras na ang nakalipas hindi pa sila bumabalik.

Hindi pa sila sa akin nagpapakita.

Si Taka kasi atat na pumunta dito ngayon kaya imbis nadadaan muna dapat kami sa bayan para kunin yung mga paninda inikot ko muna silang dalawa ni Regie dito sa NRU kanina. Kaming dalawa ni Yuta ang pumunta ng bayan.

Ang bilin ko pa naman tulungan kaming magayos ng mga paninda pero mas pinili nila maglakwatsya.

Napakatigas talaga ng ulo ng dalawang iyong ang sarap pagbugulin sa totoo lang.

Mas malaki ang konsomisyon ko kapag magkasama sila dahil parehas na gagawa mg kalokohan.

Kailangan pa naman namin ngayon makipagkita sa isa sa mga staff daw ng campus na to kasi kasama sa package yung interview na gagawin namin. Ang sabi lang sa akon para daw to sa school newspaper ng NRU at isa sa highlights ng next issue yung mga guest performers para sa closing ceremony.

Asan na ba sila?

Nakakapagod maglakad at maghanap.

Napakainit pa naman.

Ang layo na ng narating ko kaya naisipn ko ng bumalik na lang sa stall at don intayin ang dalawa.

Makakatikim talaga sa akin ng sermon ang dalawang iyon.

Lakad ulit pabalik.

Daig ko pa ang nagexercise niyo sa pawis ko ngayon.

Nakakapagod na.

Madami akong nakakasalubong at lahat sila ni isa walang pamilyar na muka.

Ibang-ibang mukha ng mga studyante na nagaaral dito sa NRU.

Nakakamangha ang laki ng mga building at lawak ng lupang natitirikan ng campus na to. Masasabi kong isa na naman to sa milestones ng banda namin ang makatugtog sa isang University at hindi lang to basta-basta school dahil isa to sa kilala dito sa lugar namin.

Ito yung isa sa mga chance na hindi ko papalagpasin dahil mas makikilala na ngayon ang Clock Strikes dahil ang target audience talaga namin mga kabataan.

Alam namin yung pakiramdam at pinagdadaman nila kaya malaka ang loob kong magugutuhan nila kami.

Sana sa gabing to supportahan nila kaming lahat.

Naabutan ko sa stall ang dalawang taong hinahabap ko.

Andito na sila Regie at Taka.

Napansin ko agad na merong binubulong na kung ano si Regie kay Jessie.

Hinampas ni Jessie sa balikat si Regie at sabay silang tumawa.

"Ayusin mo nga ang pagsasalita mo Regie."

"Makinig ka kasing mabuti."

"Oo na. Ayusin mo kasi."

"O dali.. lapit mo tenga paano ko masasabi sayo ng maayos?"

Meron na namang binulong si Regie kay Jessie.

Ano kayang pinaguusapan nila?

Nakita at nadinig ko na naman si Jessie na tumawa.

Sumabay pa ang malakas na tawa ni Regie.

Napaka-ingy.

Humiwalay agad si Regie ng mapansin ako.

"Boss!"

"Medyo nalibang kami... hindi namin namalayan ang oras."

"Bilisan niyo na dyan may pupuntahan pa tayo maya-maya."

"Saan?"

"May interview tayo."

"Interview? Makikita na ba tayo sa t.v.?" Halata ang tuwa sa boses at mukha ni Regie ng sabihin kong may interview kami

Umiling ako.

"Iinterviewhin tayo para sa school news paper ng NRU."

"Wow pati dyaryo ng school namin iniinvade niyo na." Nadinig kong sinabi ni Jessie.

"Astig pala." At nagkasundo na naman ang dalawa walang iba kundi si Jessie at Regie.

"First time malalagay ang mukha ko sa dyaryo."

"Dyaryo ng NRU." Paalala ni Yuta.

Tinignan siya agad ni Regie.

"Kahit na at least sa dyaryo." Para talagang mga bata sila umasta.

"Jess, bigyan mo ko ng souvenier ha? Ipagtago mo ko ng ilang piraso."

"Sige ba. Akong bahala."

"Arigatou."

"Doitashimashite Regie-kun."

Yung ngiti ni Regie abot tenga ng madinig namagsalita si Jessie ng Japanese kahit bilang lang sa daliri ang salita.

Nagapir pa ang dalawa na tanda ng pangako ni Jessi kay Regie tungkol sa mapagusapan nila kanina lang.






JESSIE

Ang sabi ni Regie badtrip daw si Taka at meron na siyang hinala kung bakit. Nagtanong din siya sa akin yung may idea ba ako kung sino yung lalakeng nakita nila kanina na kasama ni Kris don sa building daw namin.

Napaisip ako.

Sino nga ba ang posibleng nakita nila kanina na kasama ng bestfriend ko?

Hmmm....

Kanina ko pa tinitignan tong si smurf.

Totoo nga mukhang mananapak nga ang itsura.

Magkasalubong ang kilay niya at ang lalim ng iniisip.

Mag-isa.

Ang tahimik.

Hindi ako sanay na di nadidnig ang kdaldalan niya.

Mukhang badtrip nga talaga katulad ng sabi ni Regie.

Wait...

Hindi kaya si Jayson ang nakita nila kanina.

Oo tama.

Si Jayson nga iyon.

Napangiti ako ng marealize ang nangyayare ngayon.

Well, nagseselos lang naman ang smurf at obvious na ngayon sa itsura ng mukha niya.

Nakakatuwa lang kasi mukhang indenial pa ang lalakeng to kung nakikita niya lang ang itsura niya ngagon for sure sasangayon din siya sa akin.

Hindi ko muna sasabihin na friends lang sila ng bestfriend ko.

Hahayaan ko muna siyang magisip at magselos.

Dapat lang na maramdaman niya yan noh wala pa yan sa kalingkingan ng mga ginawa niyang nakapanakit sa bestfriend ko.

Ngayon nararamdaman na niya yung pain na pinadanas niya din dati kay Kris.

Matuto siya sa mga pinaggagagawa niya.

Meron akong naisip na gawin at yun ay asarin pa siya lalo.

Wala naman sigurong masama kung gatungan ko para magselos lalo.

Nakakatuwa talaga si smurf ngayon.

"Oi Taka anong binubusangot mo dyan?"

Tinignan niya ako agad.

Nakasimangot.

Kung titignan siya ngayon parang batang naagawan ng candy.

Malayo sa mala-anime na itsura niya dahil sa buhok niyang green. Ano bang nakain nito at binalik niya na naman ang hairstyle niya na to pero in fairness bagay naman sa kanya. Mas rockstar na siyang tignan ngayon.

"Wag ka nga dyan pumwesto sa harap. Malulugi tayo e." Sabi ko sa kanya

Hindi siya umimik.

Aba, wala ba siyang isasagot sa akin?

Hindi ako sanay na wala man lang kung anong pangiinsulto akong natatanggap ngayon sa kanya.

Umiwas siya sa akin ng tingin.

"Bakit ba parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Hindi mo ba pupuntahan si Kris?"

Sumenyas si Regie na wag akong maingay at tumigil na.

Hindi ko siya pinansin.

"Akala ko ba gusto mo siyang makausap? Ano ng nangyare?"

Sumisenyas pa din si Regie sa akin.

"Oh ano wala ka bang balak ngayon? Sayang naman andito ka na."Dagdag ko.

Bumuntong hininga siya sabay gulo ng buhok.

"Magtinda ka na nga lang." sabi ni Taka sabay alis sa kinatatayuan niya at naupo sa bakanteng upaun sa loob ng stall namin.

Kinuha ang cellphone at naglibang.

Badtrip nga.

Tumabi sa akin si Regie.

"To naman wag mo na kasing gatungan. Badtrip na nga yung tao."

"Ano ka ba pinapaalala ko lang yung gusto niyang gawin in the first place. Tsaka wag nga siyang maginarte wala namang ginagawang masama ang bestfriend ko para magkaganyan siya. Ang O.A. niya lang kasi."

"Jess wag ka maingay madidinig ka na—"

"Hay naku kung gusto niya talagang makipag-ayos gagawa at gagawa siya ng paraan hindi yung ganito na balak pa atang siya ang suyuin."

Nakakagigil ha.

Balak niya lang bang bumusangot maghapon at walang gawin? Kung gusto niya talagang makipag-ayos at makausap si Kris dapat di siya magpapa-apekto sa kung ano mang nakita niya. In the first place gaya nga ng sinabi ko kanina wala namang ginagawang masama si Kris. Nakakapagod na ding ipush silang dalawa sa totoo lang sana naman kahit isa lang sa kanila maglakas loob na magmove forward at magbaba ng pride para matapos na to.

Gusto ko namang maging masaya ulit ang buong barkada.

Gusto ko ng magkabalikan sila.

Sana mangayare na.









KRIS-ZEL
Magkasama kaming nagikot-ikot ni Jayson para maghanap ng pwede naming kainin na meryenda. Ako na ang nagrepresinta na libre ko nung una hindi siya sang-ayon sa gusto kong mangyare pero sa ilang beses na pilit ko napapayag ko din siya pero bunawi naman siya sa inumin.

Nakasanayan ko ng nakakasama siya after class kasi nga under niya kami bilang SG President. Nitong mga nakaraan Linggo araw-araw na din kaming magkasama na umuwi dahil parati na kaming inaabutan ng gabi dahil sa mga ginagawa namin sa school. Ngayong Linggo medyo hindi nagtutugma anh schedule namin dahil busy siya magfaciliate ng program isa kasi siya sa kasama sa namamahala sa mga ball games at programs ng Instram habang ako naman busy sa pagiging photographer ng journalism department.

Isa ako sa mga kumukuha ng mga pictures na pinopost sa official page ng NRU.

"Grabe nabusog ako don."

"Ang sarap nung barbecue noh?"

"Oo ang dami ko ngang nakain."

Nakita ko siyang ngumiti.

"Oh paano ba yan hanggang dito na lang kita mahahatid." Sabi niya.

Meron na siyang dapat gawin at ako naman kailangan kong makipagkita don kay Clara para sa gagawin naming activity.

"Sige mauna na ako." Paalam niya sa akin.

"Mamaya na lang ulit."

"Babye."

"Bye." Ngumiti at kumaway siya sa akin bago siya tuluyang umalis. Naghiwalay na kami. Kailangan ko ng puntahan pala si Clara sa office namin para makapag-ayos na din.

"Uy hello."

"Hello." Nasalubong ko siya sa hallway.

"Sorry nalate ako."

"Okay lang pinafinalize ko pa naman din tong mga itatanong ko e."

Nagsabay na kami ni Clara pumunta sa office. Inayos ko na yung mga kailangan kong gamitin at nilagay sa camera bag. Nagcheck din ako ng mga batteries na nakareserve para incase na malowbat ako may kapalit agad.

Nagprepare kami halos isang oras din nagwrap up pa kasi si Clara ng mga possible questions na itatanong niya mamaya sa iinterviewhin namin.

Akala ko mga studyante ng NRU ang kakausapin namin yun pala mga guest performer na kasali sa line up ng closing program ng Instrams.

Isa ang Clock Strikes sa mga ito.

Hindi ako mapakali kanina pa sa totoo lang.

Gusto ko magbackout pero wala naman ng pwedeng pumalit sa akin dahil loaded na din ang mga kasama mo. Meron na kasing kanya-kanyang task at ang mahirap lang sa position namin wala kaming backup na tao.

Ako lang ngayon ang pwedeng magrecord at kumuha ng mga pictures na kasama ni Clara.

Nakausap na namin yung tatlong performers actually katatapos lang namin ng mamention niya sa akin yung next na iinterviewhin.

Ilang minutes lang naman siguro 10 minutes per interview ang maximum.

Ilang beses kong pinakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng kung anu-anong encouragement sa sarili ko.

Hindi pa din mawala ang kaba ko.

Lalo lang akong natetense ngayon.

"Tara na Kris. Next na tayo."

"O-okay sige."

"Wait... nakusap ko na sila sabi ko antayin tayo dito."

"..."

Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng camera ko na nakasabit ngayon sa leeg ko.

Nanlalamig ang palad ko.

"Ayun na sila! Tara Kris."

Hinawakan ni Clara ang kamay ko at hinila ako.

Doon ko nakita sila Tristan at Yuta nakatayo sa gilid habang sila Regie at Taka nakaupo.

Doon ko lanh nalaman na ang susunod naming iinterviewhin ang banda ng "Clock Strikes".

Nakita ko agad na napatingin si Taka sa amin.

Umiwas ako ng tingin sabay yuko.

"Hello guys, Clock Strikes right?"

"Hello."

"I'm Clara, journalism student from journalism department and I have here—"

"Kris."

"Hime!"

"Hi Kris."

Sabay-sabay na bati nila sa akin.

"Wow magkakilala pala kayo?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Clara.

"Ahh sige na start na tayo." Sabi ko bago pa mapunta kung saana ng usapan.

Inayos ko na yung camera at yung stand nito. Tinutok ko sa kanilang apat at chineck kung pasok sila sa frame ng camera. Nagadjust din ako ng settings kasi sobrang liwanag ngayon dahil sa natural lights.

Pinipilit kong magconcentrate sa ginagawa ko habang si Clara naman ineexplain yung magiging flow ng interview.

Nadinig ko na ang boses nila Tristan, Regie at Yuta.

Hindi pa din kumikibo si Taka kanina pa nung dumating kami.

Naiilang ako.

Iniiwasan ko din siyang tignan.

"Kris, okay na?"

"Oo okay na."

"Okay guys ready na ba kayo?"

"Oo!" Sigaw ni Regie.

Sumignal ako bago simulan ang pagrerecord ng interview ng Clock Strikes. Naghanap ako ng magandang pwesto at angle para kunan sila ng pictures.

Nagsimula na ang mga tanong ni Clara na mostly about sa career ng banda.

"Paano nagsimula ang Clock Strikes?"

"Nagsimula yung banda na to una kami pa lang ni Regie ang magkasama. Bale classmates kami nung highschool tapos meron kaming banda nung mga panahon na yun kaso hindi rin nagtagal nagwatak-watak din yung grupo." Kwento ni Tristan.

"Kami na lang ang natira na matatag." Dagdag ni Regie.

"Bale bago pala nagdisband yung banda namin dati ni Regie kinuha namin si Yuta bilang proxy na drummer yung original kasi na drummer namin nagloko hindi na kami sinisipot sa practice kaya napilitan kaming maghanap. Yun nga si Yuta yung naging on call na drummer namin dati."

"Paano niyo nakilala si Yuta? Kaibigan niyo na ba siya?"

"Hindi. Kakilala siya ng isa sa kabigan namin. Sinubukan lang namin na tawagan at pinakiusapan na kung pwede magside line siya sa amin kasi biglaan yung gig."

"Buti mabait tong si Yuta pumayag siya agad kahit urgent." Inakbayan ni Regie si Yuta habang nakangiti.

"Ayun na nung nagdisband na yung original na banda namin... sinubukan namin ulit ni Regie na bumuo ng grupo ulit at si Yuta na yung kinuha naming drummer."

"Yuta, anong pakiramdam na sinali ka na nila Tristan officially sa grupo?"

Ngumiti si Yuta.

"Magsalita ka oi wag ka puro ngiti." Sabi ni Regie.

"Masaya."

"Masaya? Parang di ka naman masaya."

Doon na nagsimula ang kakulitan ng grupo.

"So basically si Tristan at Regie ang founder ng grupo tapos sinama si Yuta as a drummer later on. Paano naman naging vocalist si Taka?"

Si Tristan pa rin ang nagkkwento ngayon kung nila napapayag si Taka na maging frontman ng Clock Strikes. Sabi niya nakita niya si Taka bilang street performer. Naggigitara at kumakanta malapit sa plaza. Nagustuhan niya yung boses nito at naisip na siya yung pwedeng maging vocalist ng banda tutal yun na lang ang kulang para mabuo ang grupo.

"Nahirapan kami kumbinsihin si Mori-chan sa totoo lang." dagdag ni Regie.

"Si Tristan lang ang nagtyaga na sundan kahit saan si Taka." Sabi ni Yuta.

Doon naging mas interesting yung usapan.

"Bakit ayaw mo bang maging kagroup sila Tristan?" Tanong ni Clara kay Taka.

Sa unang pagkakataon don ko lang narinig na magsalita si Taka.

"Ganito kasi yung nangyare non... sa pagkakatanda ko tumutugtog ako non don nga sa tabi ng daanan kung saan pwede na tumambay ng ilang oras. Napansin ko na siya."

"Si Tristan?"

"Oo, napansin ko na siya kasi parati ko siyang nakikita kung saan ako tumutugtog non. Nung una binaliwala ko lang kasi baka coincidence lang pero nung mga sumunod na sideline ko andon pa din siya. One time bigla na lang siya lumapit sa akin sabay sabing gusto mo bang maging vocalist ng banda namin."

"Ang tagal mo pa nga sumagot non e."

"Kasi nga nagtanong ka agad ng di ka man lang nagpapakilala. Aba malay ko ba kung matino kang tao."

Nagtawanan silang apat.

Si Regue bungisngis na tawa.

Si Yuta nakangiti sa gilid.

Si Tristan at Taka natatawa habang nagkkwento.

"Bakit mukha ba akong may gagawin na masama sayo?"

"Oo." Sagot agad ni Taka at nagjapanese siya na nagpatawa lalo kay Regie. Hindi ko maiwasan na mahawa sa kanila ngayon. Ang saya nilang tignan na apat.

"Sinundan ko siya kahit saan hindi ko tinigilan hanggang sa marindi na siguro sa akin at pumayag na siya na pagbigyan ako. Sabi ko sa kanya non kahit isang beses lang na pakinggan niyang tumugtog ang banda namin at don na siya magdesisyon kung tatanggapin niya yung offer ko na maging vocalist siya."

"Tangina kung makita niyo lang si Tristan noon daig pa ang masugid na manliligaw ni Taka."

Nakwento din nila yung unang araw na magkasama silang apat. Nakakatuwang madinig yung mga nangyare noon bago mabuo ang Clock Strikes.

Nakakaproud talaga silang apat.

"Anong first impression niyo sa isa't-isa. Simulan natin sa leader, Tristan."

"Kay Taka... may pagkamitikuloso, si Regie maingay at si Yuta kabaliktaran tahimik."

"Okay next Taka."

"Si Tristan... sobrang determinadong tao, si Regie makulit at si Yuta..."

Nakatingin silang tatlo ngayon kay Yuta na tahimik lang sa gilid.

"Yung mukhang yan wag kayong magpapalinlang na mabait yan kasi may tinatagong kalokohan ang taong yan."

"Oi hindi ah. Mabait ako." Yuta.

Nagtawanan ulit sila.

"Okay next our bassist, Regie."

"Si Tristan yan ang boss namin, si Takahiro... matigas ang ulo—- Itaii!" Napadaing sa sakit si Regie ng hampasin siya ni Taka dito na nagsimula ang palitan nila ng palo sa isa't-isa.

"Oi wag kayong magulo." Saway ni Tristan.

"Ayusin mo." Taka.

"... hindi seryoso na nung first time kong makita si Taka medyo ilag ako sa kanya kasi ewan ko may kung ano si Mori-chan na nagpapailang sa akin. Kapag andyan siya tahimik lang ako hindi talaga ako nagsasalita. Hindi ko siya kinakausap sa grupo siya yung matagal kong hindi kinausap bale si Tristan lang talaga yung kadaldalan ko non at si Yuta."

Nangingiti lang si Taka habang nagkwekwento si Regie.

"... tapos itong si Yuta siya yung pinaka chill sa grupo. Hindi yan nagagalit diba pre." Ngayon si Yuta naman ang pinagdiskitahan nilang kulitin.

"Of course Clock Strikes' drummer Yuta. Anong masasabi mo sa mga kabandmates mo?"

Nakatingin ang tatlo sa kanya.

Nangingiti lang si Yuta.

Ang genuine talaga ang ngiti ng taong to.

"Lahat sila mabait."

"Wow... nice."

"Pero seryoso mabait sila lahat. Si Tristan pre salamat kasi sinama mo ko sa grupo. Hindi ko naramdaman na iba ako kahit noon na proxy pa lang. Salamat kay Regie kasi isa siya sa mga taong nagpapalakas ng loob ko lalo na kapag may mga gig kami."

Nakikinig ang lahat sa sinasabi ni Yuta ngayon habang nagsasalita siya.

"Kasi ang hirap sa pagiging drummer kapag namali ka lang ng palo masisira na agad yung set. Hindi lang kabanda mo yung makakahalata pati na din yung audience kaya madalas kinakabahan talaga ako bago kami magsimula tumugtog pero dahil sa tiwala nila sa akin nabibigyan ako ng confidence na humarap sa kanilang lahat."

Sinilip ni Yuta si Taka.

"Si Taka... pre wag mo na akong banatan."

Nagtawanan na naman sila.

"Bakit may nagyayareng banatan?" Tanong ni Clara.

Nagsalita ng japanese si Taka.

"Wala yun miss wag ka maniniwala sa sinasabi niyan." Nagtagalog na si Taka ng mapansin niyang ibang language ang binibigkas niya.

Ramdam ko na nageenjoy ang Clock Strikes sa interview na to at halatang pati si Clara natutuwa rin na makakwentuhan sila Tristan. Marami akong nalaman na mga bagay na hindi ko pa alam dati tungkol sa kanila. Ang natural lang ng interview na to at isa to sa mga hindi ko makakalimutan na experience.

"Why did you pursue music? Bakit ito yung pinili niyong direction na puntahan. I mean we all know and aware that going to school is very important right?"

"..."

"Can you give me reason why you're into this field?"

"Oo totoo yun na mahalaga talaga ang pagaaral. Mahalaga na makatapos para makakuha ng magandang trabaho. Aware kami don pero naniniwala kami na hindi lahat ng nakatapos nagiging successful." Tristan.

"Malaking respeto namin sa mga nakatapos at ganun din sa mga hindi dahil isa kami sa mga taong iyon. Naniniwala kasi ako personally na yung ikauunlad mo sa buhay ikaw pa din ang magdedesisyon niyan may diploma ka man o wala." Regie.

"Pinili namin yung pagbabanda at maging isang musikero kasi ito yung passion namin." Taka.

"Chessy pakinggan pero dito namin nahanap yung kaligayahan. Dito kami masaya at dito kami nageenjoy. Ito yung paraan namin para maipakita at maibahagi sa iba yung talent na meron kami." Dagdag nito.

"Siguro yung iba ang tingin sa amin wala kaming patutungunan. Sa totoo lang madalas na namin nadidinig to." Yuta.

"Para na ngang sirang plaka." Natawa na lang si Regie sa sinabi niya.

"Paano niyo nalalagpasan yung nga ganitong sitwasyon? Paano niyo nahahandle yung mga taong hindi naniniwala sa kakayahan niyo bilang banda o musician?"

"Nung una syempre nasasaktan kami. Tao din kami may damdamin pero sa tinagal-tagal at paulit-ulit na lang na panghuhusga ng mga tao sa amin nakasanayan na lang. Kung baga kapag may narinig kong pangit o di maganda pasok sa isang tenga tas labas din agad sa kabila." Regie.

"Natuto kami na wag magpaapekto sa mga sinasabi nila. Ang mahalaga alam mo sa sarili mong wala kang natatapakan na tao." Tristan.

"Ito yung issue ko sa parents ko." Nakuha ng atensyon ko ang nadinig kong sinabi ni Taka. Alam ko na sobrang ilag siya kapag pamilya niya na ang pinaguusapan at ngayon nabigla ako na madinig na sa kanya mismo nanggaling ito.

"Malayo yung gusto ko sa gusto ng parents ko sa akin sa madaling sabi sinuway ko sila. Nagbulakbol at naging sakit ng ulo ako." Nangiti siya habang nagkwekwento. Inaalala yung mga nakaraan na nangyare sa buhay niya.

Natatandaan ko yung mga panahon na nagkwekwento siya sa akin tungkol sa parents niya at halos lahat mga hindi magandang ala-ala. Pangalawa siya sa anak pero base sa kwento niya malayo ang loob niya sa mga magulang niya.

"Nahanap ko yung halaga ko nung pinasok ko yung pagbabanda. Natutunan kong ibahagi yung gusto kong iparating sa mga tao sa pamamagitan ng pagkanta. Dito ako naging masaya na hindi naiintindihan ng mga magulang ko."

Naging seryoso ang usapan.

"Sa madaling salita parents ko talaga yung tutol sa pagbabanda ko. Mahirap kasi kung sino dapat yung mga taong susuporta sayo sila yung wala. Siguro katulad din sila ng ibang mga tao na ang stigma sa mga banda na tulad namin walang mararating sa buhay pero hindi. Gusto ko na balang araw mapatunayan sa mga magulang kong tama yung naging desisyon ko na ito yung pinili ko para sa sarili ko."

"..."

"Na balang araw magiging proud din sila sa akin kahit na salungat yung gusto nilang pangarap para sa akin. Wala akong pakealam sa sasabihin ng iba katuld ng sabi ni Tristan as long as magkakasama kaming apat. Itong grupo na to yung nagpatatag sa akin. Masarap sa pakiramdam na may taong nakakaintindi sa pinagdadanan mo sa buhay at sila iyon."

"Nakakaiyak naman yang mga sinasabi mo Mori-chan."

Nagtawanan sila.

"Pero seryoso hangga't andito ang tatlong to magiging okay ako."

"Group hug!!!" Niyakap ni Regie si Taka at hinalikhalikan sa pisngi doon na nagtawanan ang lahat. 

Sinaway agad ni Tristan ang mga kagrupo niya.

"Okay let's now go to something personal... about love life."

Nagkatinginan lang silang apat.

"Madami kasing nagtatanong kung anong status ng mga member ng Clock Strikes?"

Dito na nagsimula magasaran sila.

"So lahat pala single?"

"Single ang ready to mingle." Sabi ni Regie na nagtataas baba ng kilay.

"Mukha kang manyak sa ginagawa mo." Sita ni Tristan.

Nangingiti lang si Yut sa gilid.

Nagtaas ng kamay si Taka.

"May girlfriend na ako."

Halos pigilan ko ang paghinga ng madinig kong ang sagot ni Taka na taken na siya sa tanong ni Clara.

Umiwas ako agad ng tingin.

Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin ngayon.

"Ohhh okay. So just to confirm single si Tristan, Yuta at Regie. Alam kong madaming fangirls ang maheaheartbroken sa balitang taken na pala ang vocalist ng Clock Strikes."

Tinutok ko yung camera lens ko kay Taka at nakita siyang nakangiti habang kinakausap si Clara.

"To wrap this up, thank you guys for this opportunity to talk with you about music and stuffs. Marami akong natutunan personally and maybe just maybe maisipan kong bumuo ng isang banda din."

Pumalakpak ang lahat.

"Thank you Clock Strikes."

"Maraming salamat Miss. Clara."

Bago tuluyang matapos ang interview nagkaroon ng group picture. Pinagitnaan nila Tristan at Taka si Clara habang nasa magkabilang gilid naman sila Yuta at Regie. Kabisado ko na kuhanan ang grupo na to kaya di na ako nahirapan na hanapin yung best angle.

Ilang shots din ang kinuha ko.

"Thank you guys."

"Salamat din."

Pinagmasdan ko yung mga latest shots ko.

Satisfied naman ako sa output.

Nagsimula na ako magligpit.

"Takahiro!" Napatingin ako ng madinig ang pangalan ni Taka.

Tinatawag siya ni Yuta pero hindi siya nito nilingon.

Nakita ko na lang na naglalakad si Taka.

Tinuloy ko ulit ang pagaayos ng mga gamit ko.  Katatapos ko lang itago yung stand ng may kamay akong naramdaman na hunawak sa kaliwang kamay ko.

Napansin ko yung familiar na tattoo sa braso nito.

Nauna ng naglakad siya at hinila ako.

Hindi na ako nakapagreact pa.

Hila-hila ako ngayon ni Taka.

Saan kami pupunta?

Habang naglalakad kami pinagmamasdan ko ang kamay naking dalawa na magkahawak. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinila. Kanina lang sa hallway nilagpasan niya ako tapos ngayon ito kaming dalawa magkahawak kamay na parang walang nangyare.

I miss this.

Namiss ko yung init ng kamay niya na nakahawak ngayon sa akin.

I miss his presence.

Namiss ko siya sobra.

Mangilid-ngilid ang luha ko habang nakatilod sa likod ng ulo niya ngayon.

"Taka... saan tayo pupunta?" Nilakasan ko na ang loob ko na magtanong.

"Let's just talk."

Napakagat ako sa labi ng madinig ang mga salitang iyon.

Ilang beses niyang sinubukan na kontakin ako para makapagusap kaming dalawa pero ni isa don hindi ko sinagot.

Nakarating kami sa bakanteng space ng building ng nursing department. Wala gaanong tao sa lugar na to dahil may nakabakod na mga halaman.

Binitawan ni Taka ang kamay ko.

Napalunok ako sa kaba.

Ito ang una naming paguusap na dalawa sa loob ng mahigit dalawang buwan.

Pagtingin ko sa kanya nakita kong nakatingin na siya sa akin.

Hindi siya nagsalita.

Pinagmasdan niya lang ako.

Ramdam ko yung panginginig ng mga daliri ko sa kamay dahil pinipigilan kong umiyak.

Ang hirap lalo kasi parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko ngayon na hindi ko mailabas.

Seeing him up this close is just too much.

Pinapatunayan lang nito kung gaano ko siya namiss.

I miss him so much that it hurts.

Dito ko napansin agad yung pagbabago sa kanya lalo na sa pysical appearance niya. Napansin ko agad yung pangingitim sa ilalim ng mga mata niya na halatang ilang gabing puyat. Yung mukha niya na kitang-kita yung pagbagsak ng timbang. Hindi siya healthy tignan ngayon sa malapitan. He looked so pale. Pinapabayaan niya na ang sarili niya at ayoko na nakikita siyang ganito.

It's not healthy.

"Pagkatapos namin magperform. Magusap tayo. Please?"

"..."

"Please?"

Nakikusap siya sa akin at nababasa ko sa mga mata niya ito.

Tumango ako bilang sagot.

Ngumiti siya sa akin.

Isa sa mga hinahanap-hanap ko.

"Ja mata ne hime..."






JESSIE
Itong mga babaeng ito kanina pa nakatambay dito sa harap ng stall namin mukha namang di bibili. Nakakainis na kasi hindi makapili ng maayos yung mga ibang customer.

Umalis yung mga boys meron daw silang interview ngayon kaya ako lang ang natira dito na nagbabantay.  Sabi naman ni Tristan sa akin saglit lang yun pero halos kalahating oras na mahigit wala pa din sila.

Okay mukhang ako lang mag-isa hanggang gabi dito.

"Ate matagal pa ba sila Tristan?"

Nakakailang sabi na ako sa kanila na may ginagawa nga yung taong hinahanap nila. Ako nga mismo walang alam kung anong oras ba sila matatapos don at kung pupuntahan pa ba nila ako dito.

"Miss hindi ko nga alam kung gusto niyo bumalik na lang kayo baka maabutan niyo sila o di kaya hanapin niyo na lang tutal andito naman sila sa campus." Sabi ko sa kanya.

"Ano antayin na lang ba natin?"

"Mukhang matagal pa ata sila e."

"Alis na ba tayo?"

"Kayo guys ako okay lang na magantay."

"Excuse me ha. Kung magaantay kayo pwede gumilid kayo ng konti hindi na kasi makita yung mga paninda ko. Thank you."

Merong dalawang customer na lumapit sa stall namin ito mukhang bibili ang mga to.

"Hello good afternoon. Ito yung mabenta sa amin na designs meron pa kaming stocks na kahit anong sizes from small to extra large."

"Magkano dito te?"

"350 tapos kapag dalawa binili niyo 650 na lang—"

"KYAAAAAAHHHHHHHHH"

"Omg sila na yun diba?"

"AHHHHHHH CLOCK STRIKESSS!!"

Pagsilip ko yun nga natatanaw ko na ngayon yung mga lalakeng inaabangan nitong mga ito kanina pa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Dinumog nila agad yung apat.

"Sila ba yung Clock Strikes?"

"Ahh oo." Sagot ko at mukhang naging instant fan itong bumibili sa akin ngayon dahil nagtanong ito ng mga pangalan.

"Yung isa na nasa kanan yung nakablack...." napakamot na lang ako sa ulo kasi lahat pala sila nakasuot ng itim. "Yung maputi na nasa kanan ayan si Yuta drummer nila yan."

Tinuro ko yung katabi niya naman.

"Tas yung katabi na may balbas at mahaba ang buhok yung bassist naman nila si Regie."

Teka asan na ba si smurf?

"Ayun naman yung may green na buhok yung vocalist nila si Taka."

Hindi na ako nahirapan na hanapin si Tristan dahil sa tangkad niya nangingibabaw siya sa lahat.

"Yung pinakamatangkad sa kanila si Tristan gitarista nila at leader ng grupo."

Pinagmasdan namin yung apat mula don sa stall.

Kung alam ko lang na papatok sila ng ganito dapat pala tinaasan ko pa yung price ng tinda namin plus papicture. Dinudumog na sila ngayon ng mga studyante.

"Ohhh ano pala ang kukunin niyo na design—"

Naiwan na ako na mag-isa at nakiusyoso na pala yung kausap ko lang kanina don sa mga babaeng gustong magpapapicture sa Clock Strikes.

Nahuli ko yung isang babae na kung makalingkis sa braso ni Tristan kala mo naman mawawala.

Naliligaw ka te?

"TRISTAAAAAAAAAAAAAN!"









TAKA

Gabi na at kanina pa nagstart ang event mga bandang 6PM puno na ng tao ang ang venue na puro studyante. Hindi na kami pwedeng maglakwatsya dahil nagstart na nga yung program kaya andito lang kami sa gilid nagaabang ng oras bago kami sumalang.

Pinakain na din pala kami ng maaga nung mga staff kaya wala ng rason para kung saan-saan pa kami magpunta. Unlimited na rin dito ang mga inumin na juice o tubig at ikaw na lang magsasawa.

Nagpalit na din kami ng damit na pangitaas kanina at ang suot namin ngayon yung sarili naming merch.

Tangkilikin ang sariling atin.

Nakaka-aliw panuorin yung nga taong nasa stage ngayon. Nagsimula yung program kanina sa opening remarks ng presidente ng university hindi ko na tanda yung pangalan pero babae siya.

Sumunod yung mga intermission number ng bawat department. Merong group na sumayaw at kumanta. Nakakatuwa na nashoshowcase nila yung mga talent nila sa kapwa studyante nila ngayon.

Kanina pala nakita namin sila Derek isa sa katropa namin na nagbabanda rin.  Katulad ko siya ang bokalista ng banda nila na "Champs". Nakuha din sila sa lineup ngayon katulad namin. Nagkagulatan na lang kanina ng magkita-kita kami sa backstage.

Yung banda nila kasabayan namin sa mga contest.

Nung una talaga medyo tagilid kasi nga syempre pataasan ng ihi pero nung nagtagal nagkuha na namin ang loob ng isa't-isa. Sila yung masasabi namin na isa sa mga solid naming kaibigan. Kung baga sila yung kasama namin nung nagsisimula pa lang kami sa pagbabanda.

Nakakatuwa na dito kami ulit nagkita.

"Pre ikakasal na ako."

"Talaga ba?"

Nangiti lang siya sa akin.

"Oo nga nakatali na ako."

"Tiga saan naman ang nakahuli sayo?"

"Bulacan."

Paano niya nakilala yung tiga Bulacan eh andito kami sa Baguio ngayon? Mukhang mahaba-habang usapan ata to ha at kailangn ng inuman.

"Hindi mo pa to kilala pre." Sabi niya sa akin.

Napapaisip kasi ako kung sino ang posibleng babaeng papakasalan niya.

"Kailan ba tayo iinom?" Sumingit si Regie sa usapan.

"Kayo lang naman teka kailan ba kayo libre?" Tanong sa amin ni Derek. "Makatagay man lang bago ako tuluyang matali." Sabay tawa niya.

"Oh next week G." Aya ni Regie kay Derek.

"Tawagan niyo na lang ako punta kami nila Ryan." Matapos ang ilang minuto na kwentuhan namin ni Derek nagpaalam na din siyang umalis para balikan yung grupo niya.

Nakatugtog na din ang ilang banda na kasama sa line up ngayong gabi at kami na nila Yuta ang susunod na sasalang.  Hawak-hawak ko ngayon yung bote ng tubig na nakakalahati ko na.

Ito na naman ako kinakabahan.

Dinadaga.

Kinakabahan ako hindi lang sa pagkanta sa madaming tao pero sa magiging reaksyon ng isang tao sa performance ng grupo ko ngayon.

Aware akong isa siya sa mga taong manunuod sa amin mamaya na nagpakaba sa akin lalo. Importante para sa akin ang isiipin niya at pinapahalagahan ko ito.

"Mori-chan daijobu desu ka?"

Napatingin ako kay Regie.

Mukhang kanina pa niya ako binabantayan.

Itong taong to parang timang.

"Okay lang ako bakit ba?"

"Kanina ka pa dyan walang imik."

"Oh magready na mayo tayo na sunod." Paalala ni Tristan at mas lalo lang akong kinabahan.

"Oi Yuta parang natatae dyan anong itsura yan?" Tanong ni Regie sa isa naming kasama.

Pagtingin ko kay Yuta halatang kabado rin kagaya ko.

Pinalapit kami ni Tristan at bumuo kami ng maliit na bilog. Ganito yung ginagawa namin parati bago kami sumalang sa stage. Merong mga salitang sinasabi ang bawat isa para panghugutan ng lakas ng loob. Nilagay namin ang isang kamay sa gitna at sabay-sabay na sinigaw yung pampaswerte maming cheer.

Hawak na nila Regie at Tristan ang mga gitara nila.

Hawak na din ni Yuta yung drumsticks niya.

Ako?

Nagcoconcentrate at inaalala yung mga lyrics ng nasa setlist namin ngayon.

Bale 30 minutes yung binigay sa amin na oras sa stage  kasama na yung magseset-up ng mga gamit.

Inuubos ko na lang yung tubig na nasa hawak kong bote.

"For our next performer.... They won the Battle of the Band in San Juan 2 months ago. A rock band consist of 4 members.... Tristan, Regie, Ryota with their frontman Taka let's give it up for CLOCK STRIKES!!!"

Malakas na hiyawan at sigawan ng audience ang nadinig ko.

Sumenyas na yung staff sa amin na umakyat na sa stage.

Nauna si Yuta at pumwesto na sa likod kasama ng drum set niya.

Nadinig ko na yung tunog ng drums.

Sumunod na ukayat si Ryota.

Dumiretso siya sa kanan at pinatunog na din yung bass guitar na hawak niya.

Hindi nagtagal sumunod na din si Tristan.

Ilang beses akong tumalon-talon.

Pampawala ng kaba.

Naubos ko na din yung tubig.

Inabot ko yung bote don sa isa sa mga staff.

"Salamat."

"Good luck pre."

Nakipag-apir siya sa akin.

"Salamat boss."

Inabot na sa akin yung mic.

Hinigpitan ang hawak.

Huminga ako ng malalim bago umakyat sa stage at samahan ang banda ko.

Hiyawan ng mga tao ang nadinig ko.

Tumayo ako sa gitna at tinaas ang kamay sa harap nilang lahat.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Kami nga pala ang Clock Strikes... simulan na natin ang rakrakan! Let's go!" Sab isang malakas na bagsak ni Yuta naghudyat na ang una naming kanta para sa gabing ito.

Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa stage ka na. Nakakadala yung energy ng audience lalo na't nakikita kong nageenjoy sila sa pamamagitan ng pagsabay sa kinakanta ko ngayong cover ng isang sikat na banda.

Hindi nagtagal nawala na yung kaba ko na kanina halos hindi ako mapakali sa pwesto ko kakaisip kung anong mangyayare.

Natatakot ako na magkamali, makalimutan na lyrics o hindi makasabay sa banda ko.

Kapag nakatapak na ako sa stage ang parating tinatatak ko sa isip ko kalimutan ang lahat. Iwan ang dapat iwan. Ang mahalaga ngayon yung ngayong oras wala ng iba at higit sa lahat ienjoy ang pagkakataon na binigay sa amin para magperform bilang banda.

Hindi ko makakatapos na kami ng buong setlist.

Ang bilis ng oras hindi ko na namalayan na ilang kanta na ang nagawa namin.

Kinausap ko saglit yung audience katulad ng parati naming ginagawa sa gig ito yung makipaginteract sa kanila.

Ang kaibahan nga lang ngayon may mga minor de edad kaming mga kasama rito malayo sa inuman at mga bisyo sa nakasanay namin sa gig.

Sabi nga nung staff sa amin dapat wholesome daw dahil may mga bata pa.

That's given kasi school to.

Kinuha ko na yung acoustic guitar ko at sinukbit ang strap nito sa isa kong balikat.

Kakanta ako ngayon habang naggigitara.

Habang kinakausap ko yung audience nagstrumming ako ng makailang beses para masiguradong nasa toni ang gitara ko.

Inayos naman na to Tristan pero para makasigurado lang at walang maging aberya.

Nakakasabay lang ako sa kanila tumugtog ng gitara kapag acoustic session yung gig namin.

Kanina ko pa hinahanap yung isang babae sa audience pero hindi ko siya makita dahil maliwanag ang naaaninag ko. Nakatutok kasi sa akin yung spotlight.

Nahihirapan magadjust ang mata ko at titigan isa-isa yung mga mukha na na tatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ngayon.

Sana andito siya.

Nakikinig at nanunuod sa amin.

"This is original composition of mine. Ginawa ko siya last week lang... matagal ko ng balak gumawa ng kanta para sa isang tao na to sa totoo lang at malayo yung iniisip kong idea sa nasulat ko na to pero masaya ako sa naging output ng nagawa ko."

Nagstrustrumming pa din ako habang pinapaliwanag yung background story ng huling kanta namin ngayong gabi.

"First time kong tutugtugin to... this song is about missing that special someone and that feeling of sadness and regret about the things you should have done..... you should have said when you're together. So yeah... Dinededicate ko tong kanta na to para sa nagiisang prinsesa ko... this song is called Heartache."

So they say that time
Takes away the pain
But I'm still the same
And they say that I
Will find another you
That can't be true

Why didn't I realize?
Why did I tell lies?
Yeah I wish that I could do it again
Ooh turnin' back the time
Back when you were mine

So this is heartache?
So this is heartache?
Hiroi atsumeta koukai wa,
Namida e to kawari oh baby

So this is heartache?
So this is heartache?
Ano hi no kimi no egao wa
Omoide ni kawaru
I miss you

Dito na ako sinabayan nila Tristan na tumugtog. Nadidinig ko na yung electric guitar ni Tristan, yung bass guitar ni Regie at yung drums ni Yuta. Yung gusto kong atake dito sa kanta na to acoustic lang talaga dapat pero nung pinarinig ko to sa kanila nilapatan ni Tristan ng mga riffs at ganun din yung ginawa nung dalawa na mas naging maganda yung output. Dapat yung setlist namin ngayon puro cover songs lang pero dahil gusto ko na kunin na ang pagkakataon na to para ipadinig sa unang pagkakataon ang ginawa kong kanta para kay Kris ito agad yung sinuggest ko sa grupo.








JESSIE

As expected ako na lang talaga ang natira sa stall namin kanina buti na lang at naubos yung tinda namin kaya maaga akong nakapagligpit ng mga gamit. Oo ako lahat ang naga-ayos. Ang sakit na ng katawan ko feeling ko bukas magstay lang ako sa kwarto ko.

Nakisiksik lang ako sa mga tao ngayon na nanunuod ng closing program. Gusto ko sana don malapit sa stage pero mukhang mahihirapan na akong makahanap ng magandang pwesto.

Siksikan na kasi at karamihan ng nasa unahan puro lalake. Ayoko naman makipag slaman don sa kanila bugbog na nga tong katawan ko sa pagliligpit ng gamit dadagdagan ko pa sa pakikipagjamming ngayon wag na lang. Okay na ako dito sa gilid kahit papaano natatanaw ko yung performer.

Kanina ko pa hinahanap si Kris.

Ngayong araw kasi hindi ko pa siya nakikita at nakakausap.

Kamusta na kaya yung bestfriend ko?

Nagaalala na ako.

Andito din siya for sure kasi namention niya sa akin last time na siya daw yung naka-assign kumuha mga mga pictures ngayon sa event.

Most probably malapit siya sa stage ngayon para mas kita niya yung mga subject niya.

Hay naku sige na nga makikipagsiksikan na ako.

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Kailangan ko namang suportahan ang bestfriend ko ngayon. Ang nagpeperform na pala ngayon sila Tristan. Grabe yung mga tili at hiyawan ng mga tao nung umakyat sila kanina.

Iba talaga ang charisma nila.

Nadidinig ko na ulit na magsalita si Taka. Nagkwento siya ng konti tungkol don sa last song nila at base don sa nadinig ko origial composition niya daw ito at dedicated sa special someone niya.

My gosh sino pa ba?

Walang iba kundi ang bestfriend ko.

Kailangan ko na siya mahanap.

Boku no kokoro o
Yuitsu mitashite satte yuku
Kimi ga
Boku no kokoro ni
Yuitsu furerareru koto ga dekita
Kimi wo

Oh baby
Mou inai yo mou nanimo nai yo
Yeah I wish that I could do it again
Ooh turnin' back the time
Back when you were mine
All mine

So this is heartache?
So this is heartache?
Hiroi atsumeta koukai wa
Namida e to kawari oh baby

"EXCUSE ME!!! EXUSE ME!!" Ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang maisiksik ang sarili ko sa unahan at laking pasalamat ko ng marating ko na ang gusto kong pwesto.

Doon ko na nakita ang bestfriend ko.

Malapit siya sa stage.

Nakatanaw mula sa gilid.

Nakatitig sa lalakeng humaharana ngayon sa audience.

I know that look on her face.

Kahit ideny niya ng ilang beses alam kong mahal na mahal niya yung lalakeng kumakanta ngayon. Saksi ako kung gaano niya minahal yung taong iyon higit sa sarili niya.

Oo nasasaktan ako kapag naaalala yung mga panahon na umiiyak siya dahil kay Taka pero hindi ko rin makakalimutan yung walang mapaglagyan na saya niya kapag kasama niya ito.

She still love him.

Hindi na magbabago iyon kahit anong mangyare.

You know the cruel thing about being in love is that the person who can hurt you so much is the same person you needed the most.








KRIS-ZEL

Mangilid-ngilid ang luha ko habang pinapakinggan ang kinakanta ni Taka ngayon. Ang dating sa akin ng kanta ito yung mga gusto niyang iparating sa akin. Ilang beses ko ng nabasa sa text at nadinig sa voice mail yung mga bagay na to.

Hindi ko alam na ganito pala siya nasaktan sa nangyare.

Akala ko ako lang.


So this is heartache?
So this is heartache?
Ano hi no kimi no egao wa omoide ni kawaru
I miss you

It's so hard to forget
Kataku musunda sono musubime wa
Yeah, so hard to forget
Tsuyoku hikeba hiku hodo ni

You and all the regret
Hodokenaku natte hanare renaku natta
Ima wa tsurai yo, sore ga tsurai yo
Sugu wasuretai yo
Kimi wo

Gusto ko humingi sa kanya ng tawad sa mga nagawa ko. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higpit ngayon. Hindi ko magawa. Nahihiya ako sa kanya. Wala akong mukhang maihaharap.

So this is heartache?
So this is heartache?
Hiroi atsumeta koukai wa
Namida e to kawari oh baby

So this is heartache?
So this is heartache?
Ano hi no kimi no egao wa omoide ni kawaru
I miss you
I miss you
I miss you

Pumalakpak ang lahat ng matapos ang set ng Clock Strikes at hudyat na rin to na dapat na akong umalis. Ayokong magpakita na sa kanya. Sobra akong naguiguilty sa ginagawa kong pagiwas.

Tumakabo na ako palabas.

"KRIS!!!!" nadinig kong may sumigaw sa pangalan ko pero hindi ako lumingon at tuloy-tuloy kang ako sa pagtakbo.

Kailangan na akong lumayo.

Sinimulan ko na to at dapat ko ng panindigan ngayon kahit mabigat sa loob ko. Wala ng dahilan para magkabalikan kaming dalawa kasi wala naman na ang baby namin. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyare iyon.

Hindi ko na dapat guluhin ang buhay ni Taka.

Meron na kaming kanya-kanyang buhay.

Hindi ko na siya guguluhin tama na yung isang pagkakamali na nangyare.

"KRIS!!!"

Tumakbo ako hanggang sa kaya pa ng mga paa ko lumayo.

"KRISS!!!"

Nadidinig ko na ang mga yabang ng paa niya sa likod ko.

"Kris..." naramdanan ko na lang ang kamay na humawak sa braso ko dahilan para tumigil ako sa pagtakbo.

Paglingon ko kahit hindi ko gaanong makita ng mabuti dahil sa pagiyak ko alam ko kung sino ang taong harapan ko.

Lalo lang tumulo ang luha sa mata ko.

Pinunasan ko ng makailang beses pero ayaw pa din tumigil sa pagtulo nito.

"Magusap tayo. Kanina pumayag ka diba na makipagusap sa akin?"

"Wala na tayong dapat pagusapan pa." Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Bakit ba ayaw mo kong tigilan?"

"..."

"Bakit ba ginugulo mo pa ang buhay ko? Ang buhay nating dalawa ngayon? Taka okay na ako e."

"..."

"Okay na ako... bakit ayaw mo kong lubayan? Patahimik na natin ang isa't-isa please lang."

"..."

"Wala na ang baby ko... wala ng rason para magkita pa tayo."

"..."

"Diba in the first place ayaw mo naman sa anak natin?" Alam kong hindi ko na dapat ibalik yung nakaraan at alam ko naman na pinagsisisihan na ni Taka ang bagay na iyon pero ito na lang ang nakikita kong pwedeng idahilan para tigilan na niya ako.

Alam kong below the belt tong ginagawa ko at masasaktan ko siya pero ito na lang yung nakikita kong paraan para hindi na kami masaktan na dalawa lalo.

Sobrang sakit.

Unti-unti na naman na pinapatay ang puso ko kapag naalala ang nangyare sa anak naming dalawa.

Binabalik non yung mapait na ala-ala.

Pinapamukha na naman sa akin ng tadhana kung gaano ako kairesponsableng ina.

Hindi ko deserve si Taka.

Ayoko na pati siya makonsensya sa nangyare.

Ako ang dapat sisihin wala ng iba.

"Ngayon na wala na siya pwede na tayong bumalik sa dati nating buhay. Hindi na natin kailangan magkita at wala na akong nakikitang dahilan para magusap pa tayo—"

"Ako? Hindi ba sapat na andito pa ako?"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin sa kanya ng madinig ko ang mga salitang iyon galing mismo sa bibig niya.

"..." Hindi ako makapagsalita.

Yung lungkot ngayon sa mga mata niya ang nagpadurok lalo sa puso.

Ayoko na nakikita siyang ganito.

"Hindi lang ikaw ang nawalan ng anak. Anak nating dalawa ang nawala."

"..."

"Nararamdaman ko din yung sakit na nararamdaman mo. Kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sa inyong dalawa.... walang gabi na lumipas na hindi ko kayo naiisip."

"..."

"Wala na tayong magagawa. Tapos na. Ang pwede nating gawin ngayon tanggapin ang nangyare. Wala na ang baby natin... pero andito pa ako."

Hinawakan ni Taka ang kamay ko.

"Kris, andito pa ako. Wag mong gawing rason ang nangyareng iyon para putilin ang relasyon na meron tayong dalawa."

Nakita ko mismo sa harapan ko yung unang pagpatak ng luha sa mga mata niya at doon na ako tuluyang umiyak habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya.

"Hindi ko hahayaan na pati ikaw mawala sa akin."

"..."

"Wag mo kong iwan please."

"..."

"Ikaw na lang ang meron ako."

Hinila niya ako palapit sa kanya at mahigpit na yakap ang naramdaman ko. Ito yung matagal ko ng hinahanap-hanap. Mahigpit na yakap ni Taka sa akin na nagbibigay proteksyon sa mundong mapaghusga.

Hinigpitan ko ang kapit sa damit niya habang humahagulgol sa pag-iyak. Dito ko binuhos sa balikat niya lahat ng hinanakit ko nung gabing nawala ang anak namin. 

Yung takot ko non unti-unting nagbalik pero sa pagkakataon na ito hindi na ako nagiisa.

Merong isang tao na alam kong hindi ako pababayaan.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Natatakot ako na baka sa isang iglap mawala siya.

Hindi ko kaya.

"Daijobu... malalagpasan din natin to ng magkasama. Magiging okay din ang lahat kaya nakikiusap ako sayo na wag kang bumitaw sa akin."

"..."

"wag mo kong iwan Kris..."

"..."

"onegaishimasu..." (please)

Doon ko na siya nadinih na umiyak habang mahigpit akong yakap-yakap. Nadidinig ko ang mga sinasabi niya na nakikiusap na wag ko siyang iwan. Ilang beses niyang sinabi na mahal na mahal niya ako. Doon ko ulit nadinig kung gaano niya ako namiss at wala na siyang balak na pakawalan ako ulit.

"I won't lose you this time. I promise."


NOTE: all pictures used on this book is not mine. All credits to the rightful owner :)

ahhh finally magiging okay na sila. Almost 2 days ko tong ginawa na chapter na to and as I checked 13K + words ang nagawa ko (kaya pala ang tagal ko natapos) anyways thank you for supporting my stories and I'm happy to share it with you.

To my readers, itong book na to ang priority kong tapusin this year and yes half way done na ang kwento ng barkada na to. Ilang chapters na lang ang natitira. Excited na para sa mga characters na bigyan sila ng deserve nilang ending.

As I promise tatapusin ko lahat ng book na nasimulan ko paunti-unti :)

Again thank you!

Mabuhay!

-yaM

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 799K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
3M 77K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...