The Last Stop (Completed)

By Dominotrix

187K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... More

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabintatlong Kabanata: White Lies
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?

4.4K 100 53
By Dominotrix

Hinabol ni Joseph ang babae na parang hindi siya naririnig. Nang makalapit siya dito ay hindi siya nagkamali si Mysty nga ang babaeng iyon. Si Sophia naman ay hindi nakagalaw sa kanyang lugar. Nagdadasal siya na h'wag sanang mangyari na ang kanyang ginagamit na picture ng model na iyon ang makita ni Joseph.

"Mysty!" bati dito ni Joseph

"Excuse me?" nakakunot ang noo ng babae na parang nagtataka na kinakausap siya ni Joseph.

"Ako ito si Joseph Valle. Yung kausap mo palagi online," masaya ang mukha ni Joseph na parang sabik sa nakita.

"Joseph Valle?" nag-isip ng matagal ang babae na parang may inaalala. "Ahhh! Ikaw ba 'yun?"

Habang nag-uusap sila ay hinatak ni Gil ang ate niya at lumapit sa dalawang nag-uusap. At dahil nga hindi niya maigalaw ang paa niya ay hirap na hirap si Gil na hatakin siya. Para bang nakatapak siya ng isang strong glue at hirap na hirap siyang iangat ang kanyang paa.

Agad namang pinakilala ni Joseph sa dalawa ang kausap niya.

"This is Mysty. Siya yung palaging kausap ko online. Remember mo Gil, 'yung kagabi? Mysty, this is Sophia and Gil," pakilala nito sa bawat isa.

"Ha? Paano nangyari 'yon? Eh si ate.." itutuloy pa sana ni Gil ang sasabihin niya pero kinurot siya ni Sophia sa likod niya. "Aray!"

"Bakit bud?" nagulat si Joseph sa pagdaing ng kaibigan, halatang nasaktan talaga ito.

"Ahh wala umarte lang yan. Iniisip niya kasi 'yung allowance niya, 'yung lovelife niya saka 'yung curfew niya," sabay tingin ni Sophia sa kapatid na parang pinapaalala ang pagbabanta niya.

"May problema ka sa allowance mo? P'wede kita pahiramin. I can't help you tho on your love life." ani Joseph sa kaibigan.

"Wala, nagbibiro lang si ate," sabay inapiran nito ang kapatid.

Napansin yata ni Gil na mukhang mag-eenjoy ang kaibigan na kausap si Mysty at baka hindi na ito sumama sa kanilang manood ng sine. Wala namang imik ang kanyang ate. Mas makakabuti siguro kung iwan na muna nila si Joseph kasama si 'Myst.'

"Bud, sasama ka pa ba sa amin manood?" tanong ni Gil sa kaibigan

Tiningnan ni Joseph si Mysty . Nag-iisip siya kung isasama ba niya si Mysty o maiiwan na lamang siya at yayaing kumain sandali si Mysty para makapag-usap.

"You know what? Makikipag-kwentuhan na lang muna ako sandali kay Mysty, then hahabol ako sa loob. Ok ba yun?" Alanganing sabi ni Joseph kay Sophia. Nahihiya rin siya. Siya na ang naging dahilan kaya naantala ang panonood nila ng sine pero hindi pa siya makakasama.

Natigilan si Sophia. Nagulat siya na mas pinipili pa nito ang isang hindi kilalang babae kumpara sa kanila. Parang kinurot ang kanyang puso na sasama ito kay Mysty at iiwan sila.

"Ahh, nagugutom din kasi kami ni Gil. Siguro maganda, sabay-sabay na lang tayong kumain para makapagkwentuhan din kayo, then kapag tapos na kaming kumain sumama ka na lang sa amin manood. Kung gusto ni MYSTY pwede naman siyang sumama sa atin kung gusto niyang manood." Ani Sophia na nakakaramdam ng kaunting pagkadisgusto sa nangyayari. Diniin niya pa ang pangalan na MYSTY para iparamdam sa babaeng iyon na may alam siya.

"That would be a great idea," sagot naman sa kanya ni Mysty na parang nagustuhan pa ang ideyang iyon.

Tinungo nga nila ang isang fast food chain na malapit lamang sa may sinehan. Binabantayan kasi nila ang oras at ayaw naman nilang abutin ng last full show. Kahit na sabihin na pambata ang fast food chain na 'yon ay hindi na lang nila pinansin, tutal gabi na naman at wala ng gaanong kumakain.

Si Gil na ang pumila at sila Joseph, Mysty at Sophia ay umupo na. Nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap usap habang hinihintay nila ang kanilang order.

"Parang kagabi lang magkausap tayo ah. Nagulat talaga ako nang makita kita kanina kaya napasigaw ako. Kamusta ka na?" tanong ni Joseph na masyadong nagiging masalita at halatang nasasabik.

"Okay naman. Ikaw kamusta ka na?" matipid na sagot ni Mysty.

"Ay! Bakit naman okay lang, magkwento ka naman tungkol sa napag-uusapan niyo ni Joseph. Share ka naman," sarkastikong wika ni Sophia kay Mysty.

"Medyo private kasi yung mga naiku-kwento ko sa kanya so hindi rin pwedeng i-share," Ani Joseph na alam naman niyang ang puro naikukwento niya kay Mysty ay tungkol kay Sophia. "Anyway siya yung kausap mo kagabi, yung nagtatwanan pa kayo. Mukha ngang magkasundo kayo eh." Dugtong pa ni Joseph.

"Ah siya ba iyon." Niyakap siya ni Mysty na parang kilala niya ito na ikinagulat naman ni Sophia dahil alam niya ang totoo. "Alam mo nakakatuwa kang kausap," halatang halata ni Sophia na wala itong alam dahil maingat ang mga salita nito.

"So, paano nga pala kayo nagkakilala?" tanong ni Sophia, desidido siyang ibuko ang pagkatao ng dalaga.

"Sa isang chat room, parang yung sa inyo rin. Kaya nga sabi ko parang pamilyar sa akin yung trabaho mo," sagot ni Joseph.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, sagot ka ng sagot," nainis si Sophia na si Joseph ang sumagot. Kung hindi sana nasagot ni Mysty ang tanong niya ay nabuko na ito.

"Okay lang yun ano, para namang galit na galit ka sa kanya." Tinapik siya ni Mysty sa braso. Para siyang kinilabutan sa paghawak sa kanya ni Mysty at agad niyang binawi ang braso niya.

Habang nag-uusap naman sila ay dumating na si Gil na siya ang may hawak ng order. Halatang nabibigatan ito pero nakatingin lamang ang tatlo sa kaniya.

"Langya naman, tulungan mo kaya ako pare hindi yung nakatulala ka diyan. Para kang gago," inis na sabi nito sa kaibigan.

Agad na Tumayo si Joseph para tulungan ang kaibigan. Kinuha nito ang isang burger at spaghetti at binigay kay Mysty sabay umupo na. Para namang nainggit si Sophia sa ginawa ni Joseph kay Mysty at parang pinagsilbihan niya pa ito. Padabog na kinuha ni Mysty sa tray ang kanyang pagkain at kumain. Napansin iyon ni Joseph at parang nagtaka.

"Huy, problema mo?" tanong nito

"Problema ko? Kasi yung binabasa ko sa wattpad hindi pa nag-uupdate. Ang galing pa namang gumawa ng kwento ng writer noon. Parang yung kilala ko," Tinapik nito ang balikat ni Mysty tutal feeling close din naman si Mysty sa kanya. Pero hindi niya alam na siya ang pinatutungkulan niya tungkol sa taong magaling gumawa ng kwento.

Tanging si Gil lang yata ang nakapansin na wala sa mood ang ate niya at mukhang alam niya ang dahilan.

"Kwento ka naman Mysty kung anong klaseng tao ang tingin mo dito sa buddy ko. Hindi ba niya ako naikukwento?" tanong niya dito.

"Mabait, okay naman siya. Hindi ko maalala kung naikwento ka niya eh. Medyo madami na rin kasi ang napag-usapan namin kaya hindi ko na matandaan." Palusot nito.

Lalo yatang nag-init ang ulo ni Sophia sa galing nitong magpalusot. Ang pagkakalarawan niya kay Joseph ay napaka general. "Palagi namang okay, pwede ka naman maging specific," sabay kagat ni Sophia ng malaki sa burger. Binuhos niya sa burger na iyon ang galit niya.

"Siya yung kinukwento ko sa iyong kaibigan ko na nahihingan ko ng pabor. At siya yung ate niya," paalala sa kanya ni Joseph.

"Ahh sila ba. Naku close na close siguro kayo ano," pansin ni Mysty.

"Ahh Oo. Parang kapatid ko na yan," sagot naman dito ni Gil.

Sinipa ni Sophia si Gil para ipaalala dito na isang mapagpanggap ang taong kaharap nila ngayon at hindi nila kilala.

"Yung chat niyo ba parang kila ate, kasi sila ate gumagamit lang ng ibang pic saka pangalan. Kayo ba? Natuwa si Sophia sa tanong ni Gil na iyon, isang maling sagot ni Mysty at tiyak malalantad na nagkukunwari lang ito.

"Picture namin ang gamit namin at yung Mysty nickname ko lang. Ang real name ko is Adrienne Lopez," pakilala niya sa mga ito.

"Ang taray! Saan mo nakuha yung Mysty. Ang layo naman sa name mo," tanong ni Sophia na tuloy pa rin sa paglantak sa mga pagkain na nasa harapan niya.

"Mysty ang tinatawag sa akin ng mga friends ko hanggang sa nakasanayan ko na lang. Hindi ko rin alam kung saan nila nakuha," sagot pa nito.

Mukhang nahihirapan si Sophia na hulihin ang nagsisinungaling na babaing ito. Galit na galit siya na kahit hindi pa tapos ang tatlo sa pagkain ay nagyaya na itong manood ng sine. Inaasahan niya sana na hindi na isasama ni Joseph si Mysty pero sinama pa rin siya ni Joseph. Kapag tuloy hindi nakaharap ang tatlo ay nilulukot niya ang mukha niya na parang inaasar ang mga ito sabay ngingiti na lamang kapag nakatingin na sila.

.........

Mayamaya pa habang nasa loob sila ng sinehan ay nagpa-alam si Mysty na pupunta muna sa banyo. Gustong gustong ibuko ni Sophia si Mysty pero sa oras na gawin niya iyon ay siya ang magmumukhang kontrabida at baka mabulgar pa ang sikreto niya.

Nagpaalam din si Sophia na pupunta sa banyo at agad sinundan si Mysty. Pagpasok niya sa banyo ay nakita niyang inaayos ni Mysty ang kanyang buhok.

"Mysty, ang cute naman ng nickname mo," may pagkasarkastikong sabi ni Sophia.

"Salamat. Alam mo pakiramdam ko, kanina ka pa wala sa mood. Dahil ba sa akin iyon. Pasensya na ha, hindi ko naman alam na isasama ako ni Joseph sa bonding niyo," paumanhin ni Mysty kay Sophia, pero nanatili siyang nakangiti.

"Bilib ako sa iyo, bakit kailangan mong magpanggap?" hindi na nakapagpigil si Sophia at sumabog iyon sa harapan ni Mysty.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" tanong sa kanya ni Mysty na parang naguguluhan.

"Kung si Joseph kaya mong lokohin, ako hindi. Mukha mo nga siguro ang nakikita niya pero sigurado akong hindi ikaw si Mysty. Bakit mo ginagawa ito?" nainis na sabi ni Sophia.

"Tigilan mo nga ako," aktong lalabas si Mysty sa banyo ngunit tinulak ni Sophia ang pintuan na ikinagulat ni Mysty.

"Are you crazy? Paano kung naipit ako," galit na sabi ni Mysty

"Nag-aalala kang maiipit ka sa pintuan na ito, pero sa sitwasyon na pinapasok mo hindi ka nag-aalala na maipit? Taray naman," ani Sophia.

"Hindi kita maintindihan," sinubukang tabigin ni Mysty ang braso ni Sophia pero hindi iyon gumalaw. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa pintuan.

"Hindi ikaw ang totoong Mysty." Gulat na gulat si Mysty sa sinabing iyon ni Sophia. "Bakit mo ginagawa ito?" tanong ni Sophia. Naiinis siya sa dalaga ngunit gusto niya itong maintindihan.

"Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. Hindi kita kaano-ano," pilit pa ring hinahatak ni Mysty ang pintuan para bumukas pero sadyang malakas si Sophia.

"Hindi ko bubuksan ito hanggat hindi mo sinasabi ang dahilan kung bakit mo ginagawa ito. Lukaret ka!" ani Sophia.

"Fine! Gusto mong malaman? Siya si Joseph Valle, anak ng mayamang angkan na nagkokontrol ng mga hotel chains dito sa bansa. Akala ko nga masungit at suplado siya dahil sa estado nila sa buhay pero nagulat ako kanina na napakafriendly pala niya. Sino ba namang aayaw sa isang katulad ni Joseph Valle?" matapang na sagot nito kay Sophia.

Natulala si Sophia sa sinabi nito. Hindi niya mawari na may isang taong kayang panindigan ang kasinungalingan para lamang mapalapit sa isang tao.

"Itigil mo na ito, masasaktan ka lang. Ginagawa mong komplikado ang lahat. Kung ako ang ate mo, nilubog na kita sa bowl kanina pa. Ang kiri kiri mo. Magpahid ka ng Canesten cream, ng mawala ang kati mo."

"Well unfortunately hindi kita ate. Sa age mo, nanay pa baka pwede," sabay irap sa kanya ni Mysty

"Ah Nanay pala ha. Tara sabihin natin kay Joseph yang mga pinagsasasabi mo!" hahawakan niya sana ang kamay ni Mysty pero iniwas niya ito.

"Hindi ka ba natatakot na masaktan lamang?" tanong dito ni Sophia

"Hindi. Hindi naman ako pangit. May pag-asa naman sigurong magkagusto sa akin si Joseph. Ngayon pa na napapansin niya ako."

"Hindi ka niya magugustuhan!"

"At sinong magugustuhan niya, ikaw? Nagpapatawa ka ba?"

Kung pwede lang sabihin sa babae na ito na siya si Mysty nang matigil na ang kahibangan niya ay gagawin niya. Pero kung sasabihin niya iyon ay may tsansa na malaman ni Jospeh na siya pala ang totoong Mysty.

Hindi namalayan ni Sophia na nabitawan niya ang pintuan ng CR at nabuksan iyon agad ni Mysty at nakalabas. Sinundan ni Sophia si Mysty at nagulat na nasa harap lang pala ng pintuan si Joseph.

"Kanina ka pa?" gulat na gulat na sabi ni Mysty

"Hindi halos ngayon lang din. Nagtaka ako at ang tagal niyong dalawa. Akala ko kung ano nang nangyari sa inyo," wika ni Joseph.

"Ah, hindi may pinag-usapan lang kami ni Sophia sa loob. Alam mo na girl bonding," sabay kapit nito sa bisig ni Joseph.

"Oh, tara na balik na tayo sa upuan. Hindi ko na naintindihan ang story ng pinapanood natin," anyaya nito sa dalawa.

Pagtalikod na pagtalikod ni Joseph ay hindi napigilan ni Sophia ang sarili niya.

"Joseph, hindi siya si Mysty." Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya at nasabi niya iyon.

"Ano ka ba Sophia," umarteng natatawa si Mysty na para bang nagjo-joke si Sophia.

"Inamin mo sa akin kanina na hindi ikaw si Mysty at alam kong hindi ikaw si Mysty." Tuloy tuloy na ang pagsasalitang iyon ni Sophia, wala ng makakapigil pa sa kanya.

"Alam mo na hindi siya si Mysty? So, Sino ang totoong Mysty, kung alam mo na hindi siya si Mysty?" tanong sa kanya ni Joseph.

Huli na nang maisip ni Sophia na tatanungin siya ni Joseph ng ganoon. Para siyang nakorner sa isang sulok, wala na yata siyang tatakbuhan.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
145K 6.3K 54
Gay story #3 Hindi. Ayoko sa baklang iyan! Ayoko sa kanya! Kahit anong gawin niya ay nakakairita sa paningin ko! Nakakairita siya! Sobra! Ayoko sa ka...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...