Living With SB19

By Angel_Jangmi

26.3K 845 180

Who would've thought that I'd be stuck in this house? Who would've thought that I'd be living with SB19 becau... More

PROLOGUE
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19

03

1.5K 54 10
By Angel_Jangmi


"The Department of Health reported three more cases of the coronavirus disease in the country..."


Nanonood kami ng balita ngayon. Nadagdagan na naman pala ang cases, nakakatakot. Hindi na pwedeng basta ka na lang lalabas dahil baka may virus na pala ang nakakasalamuha mo.


Pero paano ang concert ng SB19?! Matutuloy pa kaya 'yon?


Tiningnan ko silang lima, wala namang bakas ng pag-aalala sa mga mukha nila. Siguro ay tuloy ang concert. Tumatango tango ako para makumbinsi ang sarili. Huwag nega!


"Hoy! Anong tinatango-tango mo diyan?" Tanong ni Tita Aicel.


Nagulat pa ako dahil sa bigla niyang pagsasalita. Inilapag niya sa lamesa ang dalawang box ng pizza.


"Wala po! Bakit nandito ka na, Tita? 2:30pm palang, ah?" Nagtataka kong tanong.


Ang alam ko kasi ay hanggang 8:00pm pa ang labas niya sa trabaho. O baka hindi lang siya ganoon ka-busy ngayon? Wala sigurong bagong project na naka-assign sa kaniya. Isa kasi siyang architect sa isang malaking kumpanya. Ang totoo niyan ay siya pa mismo ang nagdesign sa bahay-bakasyunan na ito.


Kung mapapangasawa ko ang isa sa SB19, kay Tita Aicel ako magpapadesign ng magiging bahay namin! Iniisip ko pa lang, kinikilig na kaagad ako!


"Ah, half day lang ako sa kumpanya ngayon. Kailangan ko pa kasing mag-empake ng gamit."


Napatingin naman ako bigla sa kaniya. Napansin ko din ang paglingon ng SB19 sa gawi namin. What is she talking about? Aalis siya?


"Aalis ka, Tita?" Curious na tanong ni Justin.


Bakit kaya nakiki-Tita! Tita mo?!


Nakatingin lang kami kay Tita, naghihintay ng isasagot niya. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. Hmm.


"Yeah. Uuwi kami ni Marvin sa probinsiya nila habang pwede pang bumyahe," casual niyang sagot.


Umupo siya sa tabi ko at saka binuksan ang isang box ng pizza. Nilagyan niya na din ng sauce lahat ng slice bago kami inalok kumain.


Wait! Aalis siya? AALIS SIYA? Maiiwan ako dito! KASAMA ANG SB19?! OH MY GOODNESS!


"Tita! Bakit hindi mo naman ako kaagad sinabihan?!" Nakasimangot kong tanong.


Pero ang totoo ay medyo natuwa din ako, kasi nga ako lang at ang SB19 ang maiiwan dito! Landi!


"Arte ka pa! Chance mo din naman 'to para maka-bonding ang mga idol mo!" Bulong niya.


Si Tita talaga, napaka-supportive! Kaya siya ang paborito kong Tita, e. Go na go siya palagi. Hindi katulad ni Mama at ng iba ko pang tita, para silang mga babaeng hindi nakaranas ng magandang childhood!


"Tita! Baka marinig ka nila," mahina kong sabi. Kakaiba naman kasi 'yong pagbulong niya! Parang ang lakas lakas pa din.


Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko bago kumagat sa hawak niyang slice ng pizza.


"ECQ na pala dito sa lugar natin," sabi ni Justin habang nakatingin lang sa TV.


"Ano 'yon, Jah?!" Pasigaw na tanong ni Josh. Nasa kusina kasi siya, nagtitimpla ng juice.


"ECQ!" Sigaw naman ni Justin pabalik.


"ECQ, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z!" Dagdag pa niya bago tumawa na naman ng pagkalakas lakas.


Si Sejun at Stell ay napapailing na lang. Si Ken, ayon utas na din kakatawa! Si Josh na kakabalik lang dito sa pwesto namin ay nakakunot lang ang noo, hindi niya siguro narinig 'yong joke ni Justin. Si Tita busy lang sa cellphone, ka-chat ang jowa.


  Sana all! Pahinging ka-chat!


"Last mo na 'yan, Jah," sabi ni Stell.


"Oo, mamaya na ulit," natatawang sagot ni Justin.


Napakalakas ng energy niya palagi. Pero okay na din 'yon para good vibes lang kami dito.


"Bakit pala kayo nandito? Walang interview?" Tanong ni Tita sa SB19.


Nakatutok pa din siya sa cellphone. Ako naman ay umiinom lang ng juice.


"Wala muna po sa ngayon. Cancelled na nga din ang concert dahil-"


Nasamid ako bigla sa sinabi ni Sejun. Napatayo ako habang nanlalaki pa din ang mata dahil sa narinig ko.


"What?! Cancelled?!" Gulat kong tanong.


Cancelled ang concert?! Hindi pwedeeeee!


"Bakit?! Iyon pa naman ang pinunta ko dito," dagdag ko pa.


Wala pa namang cases sa lugar na 'to, e. Bakit naman kaya nagcancel kaagad?!


"May virus, e," Sejun shrugged.


"Nakakalungkot kasi hindi namin magagawang makapagperform para sa A'tin, pero may susunod pa naman!" Malungkot na ngumiti si Stell.


Umupo na lang ako ulit na bagsak ang mga balikat. Nakakalungkot lang kasi diba 'yong concert ang dahilan kung bakit ako nandito. Pero kung ako nga sobrang lungkot na dahil cancelled nga ang concert, paano pa sila, e sila ang magpe-perform diba.


"So, aalis na kayo? Uuwi na kayo sa kaniya-kaniya niyong bahay?" Nakatungo lang ako habang sinasabi 'yon.


Para akong naiiyak na hindi ko maintindihan. Saglit ko pa lang sila nakasama tapos aalis na sila kaagad. Naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko.


"Ako, hindi pa!"


Napatingin ako kay Justin dahil sa sinabi niya. Natawa ako dahil nakataas pa ang kanang kamay niya! 'Yon bang parang nagpa-attendance ang teacher tapos dapat sabihin ay 'present'.


"Hindi pa din ako," nakangiting sabi ni Josh at itinaas din ang kamay.


"Dito rin muna ako!" Nagtaas din ng kamay si Ken.


Ano ba yan! Pakiramdam ko tuloy ako 'yong teacher na nagpa-attendance!


Pero why not, diba? Kung teacher ako tapos estudyante ko sila, pak na pak! Araw-araw akong sisipagin pumuntang school dahil makikita ko sila.


"Bakit parang gusto mo na agad kaming umalis?" Stell chuckled.


"Oo nga. Ano ka ba naman, Athina!" Pagsingit naman ni Tita. Mahina niya pa akong hinampas sa braso.


"We are not leaving... yet."


Nagliwanag naman ang mukha ko dahil sa sinabi ni Sejun. Bigla na lang akong napangiti dahil sa tuwa. O siguro dahil na din sa kilig? Matagal ko pa silang makakasama!


"May virus, ayaw ni Manager na umalis kami dito. Magstay muna daw kami dito, para safe," dagdag pa ni Sejun. Lumapit siya sa pwesto namin at kumuha ng isang slice ng pizza.


"O ayan, masaya ka na? Makakasama mo pa ng matagal ang mga idol mo!" Sabi ni Tita Aicel na may nakakalokong ngiti.


Nilakasan niya pa talaga ang pagsabi noon para marinig ng SB19!


"Tita!"


Nahiya tuloy ako bigla dahil sa sinabi niya. Paborito ko siyang tita kasi nga go na go siya, pero malakas din mang-asar!


Ramdam na ramdam ko ang init ng mga pisngi ko!


"Kahit hindi mo mapanood ang concert, nandito naman kami. Kung gusto mo pa i-perform namin sa harap mo, e! Ikaw lang audience," masiglang sabi ni Justin.


"Kaya nga!" Pagsang-ayon ni Josh. "May studio naman dito, pwede tayo doon."


"Lagyan natin ng stage," suggest ni Ken.


Talagang go na go sila sa idea ni Justin, ha! Pero magandang idea nga 'yon. Ako lang audience tapos magpeperform sila? OMG! Nakakakilig naman 'yon.


Parang sa akin naka-dedicate 'yong performance nila!


Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Hindi ko malaman ang dahilan. Pero baka dahil lang ito sa sobrang excitement na nararamdaman ko. Tama! Dahil nga lang siguro doon.


"Pwede naman! 'Yon ay kung... gusto ni Athina ang idea na 'yan." Sabi ni Stell. Nakangiti siyang tumingin sa akin.


"Oo naman 'no!" Agad kong sagot.


Hihindi pa ba ako? Grasya na 'to, o! Hindi dapat tinatanggihan.


Nabaling ang tingin namin kay Sejun, siya na lang kasi ang wala pang sinasabi. Siya ang pinuno, e. Kung hindi siya papayag, hindi 'yon matutuloy.


Sakit sa heart!


'Yong tipong okay na lahat tapos hindi pala siya payag. Mas masakit pa 'yon kaysa sa paghihiwalay namin ng ex ko.


Charot! Wala pala akong ex.


"Hoy, Sejun!" Binato ni Ken ng unan si Sejun, pero hindi naman tumama!


Natawa tuloy ako sa reaction niya. Kitang kita ang panghihinayang sa itsura ng mukha niya ngayon. Bumuntong hininga pa siya bago sumandal sa sofa.


"Pwede naman," sabi ni Sejun.


"Yes!" Sabay-sabay na sigaw namin nina Justin at Josh.


"Saglit kasi. Kaya lang," dagdag pa ni Sejun.


Nakaabang lang kami sa sasabihin niya. Kahit si Tita ay napatigil din sa pagchat sa boyfriend niya at nakaabang lang sa sasabihin ni Sejun.


Ang tagal! Payag na siya, e! Bakit may kadugtong pa?


'Kaya lang hindi pala pwede.'


'Kaya lang baka hindi pumayag si Manager.'


'Kaya lang baka madistract tayo dahil sa kagandahan ni Athina.'


Ayan, nag-isip na ako ng pwedeng dahilan. Pero feeling ko 'yong pangatlo ang sasabihin niya. Charot!


"Kaya lang?" Tanong ni Stell. Mukhang hindi na rin yata siya makapaghintay sa sasabihin ni Sejun.


"Kaya lang... I think it is better kung mag-live tayo sa youtube," suggest ni Sejun. "Para mapanood din ng iba at hindi masayang ang effort nila sa paghihintay na matuloy ang concert."


OMG! Payag siya!


"Sige! Ako na ang bahala doon, matuloy lang!" Sabi ko.


Alam kong sobrang excited ng pagkakasabi ko noon pero ayos lang dahil totoong excited na ako!


Nakita ko pang nag-apir si Justin at Josh. Si Ken ay pumapalakpak pa. Si Stell ay nakangiti lang. At syempre si Tita, tinutusok tusok ako sa tagiliran. Nang-aasar na naman siya!


Kailan kaya nila balak gawin 'yon? Pwede bang bukas na agad?!


__________

💙💙💙💙💙

Continue Reading

You'll Also Like

426K 29K 43
โ™ฎIdol au โ™ฎ"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
1M 35.2K 62
๐’๐“๐€๐‘๐†๐ˆ๐‘๐‹ โ”€โ”€โ”€โ”€ โi just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!โž ๐ˆ๐ ๐–๐‡๐ˆ๐‚๐‡ jude bellingham finally manages to shoot...
138K 3.8K 54
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...