11

778 27 1
                                    

Pagkatapos ng nangyari kagabi ay halos hindi ako makalapit kay Ken, sobrang ilang ako talaga. Hindi ko alam pero siguro nahihiya ako sa kaniya? Niyakap niya ako, e! 


Kanina nga ay sinadya ko talagang hindi muna lumabas sa kwarto para hindi ko ma-encounter si Ken, kasi nga diba magpapractice sila sa studio ngayon. Pero sa kasamaang palad naman, paglabas ko sa kwarto ay saktong dadaan din doon si Ken. 


Akala ko papansinin niya ako pero dire-diretso lang siyang naglakad. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako ng very light doon sa ginawa niya.


Parang kagabi lang may pagyakap ka pa sa'kin ah!


Lumipas lang ang maghapon ko sa panonood ng lumang vlogs ng SB19. Wala kasi akong maka-kwentuhan, busy sila sa pagpa practice. Hindi ko rin naman makausap si Myril, 'yung bff ko, kasi nakahanap 'yon ng trabaho kaya busy siya ngayon.


Madilim na ang paligid nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumangon naman ako kaagad. Nag-alis muna ako ng muta. Syempre 'no baka mamaya si Stell pala 'yon!


Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si Justin.


"Tara na, Athina, kakain na!" Pag-aaya niya. Kahit pagod sa practice ay masigla pa rin siya.


"Hala, sorry hindi ko kayo naipaghanda ng pagkain. Na-busy ako sa panonood," ipinakita ko sa kaniya 'yung pinapanood ko.


"Hahaha! Araw-araw na tayong magkakasama, nanonood ka pa rin ng vlogs namin!"


"Pangdagdag views, hahaha!" Pagbibiro ko. 


Sinabi ko nalang na mauna na siyang bumaba, maghihilamos lang ako tapos pupunta na rin sa kusina.


Pagkarating ko sa kusina ay nag-uusap usap sila doon. Wala pa si Ken.


Umupo na ako sa tabi ni Stell, hahaha! Landi!


"Nasaan pala si Ken?"


"Bakit?" Narinig ko naman ang boses ni Ken sa bandang likod ko kaya napalingon ako sa kaniya.


Galing lang pala siya sa labas ng bahay.


Umupo na rin siya. SA TABI KO!


Ano ba, Ken! Parang kanina lang hindi mo ako pinansin ah! Tapos ngayon tatabihan mo ako? Hmp. Pero bakit mukhang affected ako?


Hala nababaliw na naman ako!


Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at itinigil na ang pag-iisip.


"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." Pagvolunteer ko. " Pasensiya na kayo di ko kayo naipaghain kanina."


"Ayos lang naman 'yon." Sabi ni Stell habang tinutulungan akong mag-ayos ng lamesa.


Living With SB19Where stories live. Discover now