12

790 28 4
                                    

Naghahalungkat ako sa damitan ngayon kung ano bang pwede kong maisuot mamaya sa pagsu-swimming namin. Hindi ako makapili! 


What if mag-bikini nalang ako? Charot, HAHAHAHAHA! Hindi pang bikini ang katawan ko, jusko kaya 'wag nalang!


Itong white na denim shorts nalang siguro? Parang ang iksi pala masyado. O itong isa nalang kaya? Or ito ba? Sige itong sky blue na shorts nalang. Kumuha na rin ako ng sando. 


Patango tango lang ako dito sa kwarto na parang baliw dahil kinakausap ang sarili. Naligo na ako pagkatapos magdecide kung anong isusuot. Magtatanghali na rin nang maisipan ko nang bumaba. Naririnig ko ang ingay nila sa may pool area kaya doon ako dumiretso.


Nag-aayos na pala sila doon. Si Ken at Sejun ang nag-aayos 'nung malaking payong, naglagay kasi sila sa gilid ng pool para daw doon pwedeng tumambay at maglagay ng ibang snacks. Si Josh nasa may kubo, naglalaro lang habang katabi si Justin na nakikinood sa ginagawa niya.


Kay Stell ako lumapit, naglalagay siya ng mga pagkain sa plato. Tinulungan ko siya doon.


"Grabe, sobrang init!" Pagrereklamo ni Sejun habang nagpapaypay gamit ang kamay niya. 


Lumapit siya sa pwesto namin ni Stell at kumuha ng maiinom. Naglagay siya ng juice sa isang baso at tuloy tuloy na ininom 'yon.


"Tara nang maligo!" Sabi ni Josh at saka tumalon na pool. Sumunod naman agad si Justin.


"Tara na dito, guys!" Aya nila. 


Naghubad bigla ng damit si Ken kaya napaiwas ako kaagad. Sa harap ko pa talaga naghubad! Tumalon na din siya sa pool at sumunod si Sejun na nakapang swimming attire.


"Tara na din doon, Athina." Nginitian ako ni Stell. Nakasuot din siya ng pang swimming attire.


"Sige una ka na, maya maya ako."


Tumango lang siya at sumunod na sa kanila. Umupo ako doon sa upuan na nasa ilalim ng malaking payong, nakatingin lang ako sa abs--- este sa kanila. Sa kanila ako ang nakatingin.


Ang saya nilang panoorin, para pa rin talaga akong nananaginip. 


Napansin kong naglalangoy palapit sa pwesto ko si Justin tapos nakangiti. Alam niyo 'yung ngiting may masamang balak. Kumunot naman ang noo ko dahil kita ko 'yung iba na natatawa.


Anong trip ng mga 'to?


'Nung nasa bandang gilid na ng pool si Justin ay biglang sinabuyan niya ako ng tubig.


"Justin!" Sigaw ko. Basa na ako! Tawa naman nang tawa 'yung iba. May masama naman pala talagang gagawin, haynako!


"Punta ka na rin kasi dito, hahaha!" Patawa tawa pa si Justin.


Living With SB19Where stories live. Discover now