17

773 22 2
                                    

"Athina?"


May mahinang tumapik sa balikat ko.


"Athina?"


Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Umayos ako ng umupo nang marealize na nakasandal pala ako kay Ken.


"Hala sorry! Nakatulog din pala ako," natataranta kong sabi sa kaniya.


Ngumiti siya. "Ayos lang 'yon. Tara na."


Anong sinasabi niya? Tara na? Saan?


Sa puso mo ba?


Charot! HAHAHA!


"Huh? Saan?"


"Sa labas. Sabi ni Sejun naihanda na daw nila 'yung mga pagkain, tapos 'yung mga kahoy na gagamitin sa bonfire ay nakaayos na rin."


Hala oo nga pala! Sabi ko pa naman kanina ay tutulong ako. Tapos ang nangyari ay sila pa rin ang nag-ayos doon. Baka mamaya magtampo na sila sa'kin.


"Magbibihis lang ako tapos sabay na tayong pumunta do'n. Hintayin mo ako," sabi niya pa bago lumabas sa studio.


Tumango nalang ako at kinuha ang cellphone sa bulsa ng shorts na suot ko.


"What the--- 10:00pm?!" Gulat kong sambit sa sarili. Ang tagal pala ng tulog ko, grabe. Hindi kaya nangawit si Ken kanina? Pagod na nga siya tapos nakasandal pa 'ko.


Nagbukas bigla ang pinto ng studio.


"Ang bilis mo naman mag-" Napatigil ako nang si Stell ang makita sa pinto. Akala ko si Ken.


"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong niya.


"Huh? Ah wala wala." Umiling iling ako. "May kukunin ka ba dito?"


"Sabi ni Sejun i-check ko daw kung nagising ka na. Tara na do'n sa labas."


Kung noon 'to nangyari baka sumama na ako sa kaniya. Pero hindi, e. I just can't leave Ken behind.


"Una ka na, Stell. Hihintayin ko pa si Ken." 


Tipid siyang ngumiti. "Ah, sige." Pagkasabi noon ay lumabas na rin ng studio.


Maya maya pa ay dumating na din si Ken. Hindi ko alam kung sinadya niya bang blue din ang isuot na shorts o nagkataon lang. Para tuloy kaming naka-couple shorts ngayon. Tapos 'yung damit niyang suot ay white din.


"Ano ba 'yan ang tagal niyo naman!" Reklamo ni Justin pagkarating namin doon. 


"Gutom na ako! Umupo na nga kayong dalawa dito," sabi ni Josh. He tapped the cloth beside him, gesturing us to sit. Umupo naman ako kaagad sa tabi niya tapos katabi ko rin si Ken.

Living With SB19Donde viven las historias. Descúbrelo ahora