13

812 33 4
                                    

"Huh? Hindi ah!" Casual kong sagot sa kaniya.


Dapat kinikilig na ako ngayon, e! Ano bang nangyayari? Sure naman akong bias ko si Stell, pero bakit ganito. Something felt so different.


"Joke lang, ito naman, hahaha!" Pinatay niya na 'yung gripo at inikot niya na 'yung hose doon sa gilid, tapos na siyang magdilig. "Tara, balik na tayo doon."


Sumunod lang ako sa kaniya. Walang nagsasalita sa amin. Tahimik lang kami hanggang makarating sa pool area. Nasa kubo na 'yung tatlo at naglalagay ng pagkain sa mga plato. Tanghalian na nga pala.


"Athina, Stell!" Tawag sa'min ni Sejun. "Saan ba kayo nagpupunta, ha? Kain na tayo, gutom na ako." 


"Ito na po, Pinunong Sejun." Natatawa kong sabi at lumapit na sa pwesto nila. 


Kukuha na din dapat ako ng pagkain ko pero inabot sa'kin ni Ken 'yung hawak niyang plato, may pagkain nang laman 'yon. Kinuha ko iyon. Nag- 'thank you' na lang din ako at saka umupo sa tabi ni Sejun na kumakain na. Ang daming hotdog sa plato niya! Kaya naman pala apat nalang ang natitira doon sa lamesa kasi kinuha niya na 'yung iba. Addict talaga 'to sa hotdog.


"Saan kayo galing ni Stell, ha?" Pang-aasar ni Sejun. "Kayo ha, may hindi ba kayo sinasabi sa'min?" Dagdag niya pa habang may nakakalokong ngiti.


"Wala ah, anong sinasabi mo diyan." Umiling iling ako.


Tiningnan niya lang ako, 'yung tingin na may pang-aasar pa rin at halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.


"Wala nga, promise!" Depensa ko.


"Okay, sabi mo e, hahaha!"


Tumayo na siya at naglakad papuntang kusina. Tapos na kasi siyang kumain. Tahimik lang akong kumakain dito sa gilid nang lumapit si Justin, napakasigla na naman.


"Athina, Athina!" Tawag niya. Hindi ako nagsalita, tiningnan ko lang siya dahil ngumunguya pa ako. "Sige tapusin mo muna ang pagkain, babalikan kita diyan!" Natatawa niyang sabi.


Ano na naman kayang sasabihin ng isang 'yon, haynako baka kalokohan na naman. Pagkatapos kong kumain ay bumalik nga siya.


"Tapos ka na kumain ha? Ready ka na ba?"


"Ano ba 'yon?" Curious kong tanong.


Pumalakpak siya. "Okay sige. Ito ang tanong," nakaabang lang ako sa sasabihin niya. "Ano ang kabaliktaran ng swimming pool?"


Napaisip ako, hmm. Kailangan kong masagot 'to para mabasag 'yung joke niya. HAHAHAHA!


Nakaabang siya sa sagot ko, 'yung itsura niya ngayon parang batang naghihintay na mabigyan ng candy.


"Not swimming pool?" Charot charot ko lang 'yan, wala akong maisip, e!


"Mali!"

Living With SB19Where stories live. Discover now