07

965 37 4
                                    

Halos dalawang araw akong hindi nakalabas sa kwarto ko, kahit pagtayo ay hindi ko magawa. Hindi sa OA ako pero masakit talaga 'yong paa ko. Tuwing liligo lang ako nakakaalis sa higaan.  Dinadalhan lang nila ako ng pagkain. Gustuhin ko man na si Stell lang ang magdala ng pagkain ko, e hindi pwede. Nakakahiya magsuggest 'no!


Nang makalabas sa kwarto ay para akong nanibago. Ikaw ba naman ang ma-stuck sa kwarto buong maghapon sa loob ng dalawang araw! 


"Okay ka na ba talaga?" Salubong ni Stell pagkarating ko sa dining. Umupo ako sa tabi niya dahil makapal ang mukha ko. Hahaha!


"Oo, hindi na masakit 'yong paa ko."


"Sure ka? Baka mamaya masakit pa 'yan." Sabi ni Sejun.


"Okay na 'to, promise! Ito oh kahit tingnan niyo pa." Pinakita ko naman sa kanila ang paa ko para naman ma-assure na sila.


"Ayon, okay na pala! Ano na 'yong pangalawa sa lists mo? Simulan na," sabi ni Justin. Ito ang excited talaga palagi, e. How to be you po? HAHAHAHAHA


"Kumain muna tayo. Mamaya na natin 'yan pag-usapan." Nauna nang kumain si Sejun.


Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa kwarto para kuhanin 'yong cellphone ko. Nakalimutan ko kung ano 'yong nasa Number 2. Bumaba din ako kaagad, nasa living room na silang lima. Si Sejun ay nakaupo sa pang-isahang sofa, may hawak siyang notebook at ballpen. Si Justin, Ken, at Josh ay naabutan kong nagtatawanan, may pinapanood sila sa Youtube. Si Stell nakasandal lang sa sofa. Napatingin siya sa akin nang umupo ako sa tabi niya.


Sinadya ko talagang tabihan siya. Enebe!


"So, checked na ang number 1." Nilagyan ko ng check sa tabi 'yong number 1. "Number 2 naman. Paint the garage."


Isinara ni Sejun 'yong notebook na hawak niya at inilagay 'yon sa gilid ng upuan. 'Yong tatlo naman ay lumapit sa pwesto namin ni Stell.


"Pumayag si Tita?" Tanong ni Stell.


"Yeah, I called her last night," I nodded.


"Wala tayong paint," sabi ni Ken.


"May bilihan doon sa labas, diba? Katabi no'ng grocery?" Parang hindi pa sigurado si Sejun sa sinabi niya. Pero sa pagkakaalam ko nga ay may bilihan doon.


"Ah, oo. Parang napansin ko din 'yon," sabi ni Josh.


"Oo, meron nga doon. Nakita ko noong una kong punta dito," sagot ko naman.


Napagkasunduan namin na ngayon bibili ng paint. Gusto ko sanang sumama pero ayaw nila.


"Bantayan mo na lang ang bahay," sabi ni Justin noong nasa pinto na siya. "Baka mawala, joke!" He laughed.


Ang dami niya talagang kalokohan sa buhay!


Living With SB19Où les histoires vivent. Découvrez maintenant