19

1.1K 49 22
                                    

"Athina, please wake up." I heard someone crying, her voice is familiar.


Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kulay puti ang paligid. Nasaan ako? Tumingin ako sa aking gilid para makita ang babaeng kanina pang umiiyak sa tabi ko.


"Ma?" Tawag ko sa kaniya.


Kaagad siyang tumingin sa akin. Nakatingin lang siya sa'kin at paulit ulit na kumurap, halatang hindi makapaniwala sa nakikita. Nang makabawi ay kaagad niya akong niyakap.


"Anak! Anak, gising ka na! Maraming salamat sa Diyos." Humahagulgol siya ngayon. Pero ako, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. "Anak, saglit lang ha. Tatawagin ko ang doctor." Iyon ang huli niyang sinabi bago lumabas sa kwarto.


Doctor? Nasa hospital ako? Bakit? Ano bang nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Bakit nandito si Mama at bakit umiiyak siya?


Nakatitig lang ako sa kisame habang hinihintay na makabalik si Mama. Pilit kong iniisip kung ano bang nangyari, kung paano ako napunta dito. Wala akong maalala.


Maya maya ay dumating na si Mama, may kasama siyang doctor at nurse. Lumapit sa akin 'yung doctor at may mga ginawang tests na hindi ko naman naiintindihan. Basta ginagawa ko lang ang mga sinasabi niya. Nang matapos ay nag-usap muna si Mama at 'yung doctor. Kitang kita ko kung paano naging masaya ang mukha ni Mama, dahil siguro sa sinabi ng doctor sa kaniya.


"Ate!" Nagmamadaling lumapit sa'kin si Yera. Kasunod niya si Myril na ngayon ay humahagulgol na din.


"Athina! Mabuti nagising ka na. Pinag-alala mo kami!"


"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanila.


Nag-aalinlangan pa sila kung sasabihin na nila sa'kin dahil kakagising ko lang, pero pinilit ko sila kaya sa huli ay kinwento na rin nila.


"Kasi diba pupunta ka sa Tita Aicel mo," panimula ni Myril.


Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Ano? Bakit naman ako pupunta kay Tita Aicel? Anong mayroon?"


"Aattend ka dapat no'n sa concert ng SB19 kaya sabi mo doon ka nalang muna mag-stay sa Tita mo."


Tama! Naalala ko na, ang SB19!


Napaupo ako bigla nang maalala 'yung tungkol sa SB19. 


"Dahan dahan, Athina. Kakagising mo lang," nag-aalalang sabi ni Mama.


"Ang SB19, oo tama, nasaan sila? Nandito ba sila? Baka hinahanap na nila ako. Baka nag-aalala na sila sa'kin." Tuloy tuloy kong sabi.


Nakatingin lang sila sa akin ngayon, para bang iniisip nilang nababaliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ko ngayon. Tumingin ako kay Myril.


"Myril, diba natatandaan mo sinendan kita ng picture namin. Bakit parang hindi ka na naman naniniwala na nakasama ko sila? Si Tita Aicel, alam niya 'yon. Nakita niya sila!"


Lalong nangunot ang noo ni Myril. "Anong picture? At ano bang pinagsasabi mo, Athina?" Binaling niya ang atensiyon kay Mama. "Tita, maayos na po ba talaga si Athina? Baka po kailangan niya pang magpahinga."


"Ate, ano ba kasing pinagsasabi mo? Bakit ka naman magkakaroon ng picture kasama ang SB19?" Nagtatakang tanong ni Yera.


"Pati ba naman ikaw?" Nanghihina kong tanong sa kaniya. Ano bang nangyayari? Bakit parang sila naman ang hindi nakakaalala ngayon.


"Ma, ano bang nangyayari? Bakit hindi nila maalala?" Halos maiyak na ako dito ngayon dahil sa mga nangyayari. "Diba nag-stay pa nga ako kay Tita Aicel, tapos nando'n ang SB19. Nagbonding pa nga kami, e. Tapos, tapos-"


"Anak, hindi ka nakarating sa bahay ng Tita mo, naaksidente ka habang tumatawid sa kalsada."


Ako ang napatigil sa sinabi ni Mama. Parang tumigil ang paligid, tumahimik at boses lang ni Mama ang naririnig ko ngayon.


"Isang buwan kang comatose, anak."


What? Comatose, ako? Ng isang buwan?


Dahan dahang tumulo ang mga luha ko nang biglang magflashback sa isipan ko 'yung mga nangyari.


Nakikinig ako no'n sa bagong kanta ng SB19 hanggang makababa ako sa bus na sinasakyan. Kumakanta pa ako sa gilid ng daan habang hinihintay na mag-green 'yung tao sa stoplight. Wala masyadong sasakyan no'n kaya tahimik ang paligid. Nag-red na 'yung stoplight na nakaharap sa mga sasakyan, naka-green na 'yung tao kaya nagsimula na akong maglakad. Hindi na ako nagmadali dahil wala namang sasakyan. Nahulog pa 'yung earphones ko nang nasa bandang gitna na ako kaya tumigil ako para pulutin 'yon.


Ngunit bago pa ako makatayo ng ayos ay nakarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan, kasunod noon ang malakas na pagtilapon ng katawan ko. Iyon na ang huli kong naalala bago tuluyang nawalan ng malay.


Patuloy na ang pagtulo ng luha ko ngayon. Hindi totoo lahat? Walang totoo sa lahat ng nangyari? Bakit? Bakit kailangang mangyari sa'kin 'to? Sinabi ko muna kina Mama na gusto kong mapag-isa kaya lumabas na muna sila sa kwarto. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang maggabi. Nag-iwan lang si Mama ng pagkain sa side table pero hindi ko iyon pinakialaman.


Wala akong ganang kumain. Matapos lahat ng nalaman ko parang nawalan ako ng lakas. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maubos na ang mga luha ko. Alas onse na ng gabi pero gising pa rin ako at nakatitig lang sa kisame.


Ang sakit pala dahil ako lang ang nakakaalam sa nangyari. Ang hirap isipin na ako lang 'yung nasasaktan ngayon.


Ang sakit dahil imahinasyon ko lang pala lahat ng 'yon.


Paano nga ba naman magkakatotoo 'yon? A'tin lang naman ako, isa lang naman ako sa milyong tagasuporta ng SB19, isa lang naman ako sa tagahanga nila kaya imposible naman talagang magkatotoo 'yon.


Ngumiti ako ng mapait. Imposibleng makasama ko ang SB19 sa iisang bahay at lalong imposibleng magkagusto sa'kin si Ken.


__________


So ayan po, Living with SB19 ends here. Thank you so much to all my readers. Sobrang tagal ng naging update ko pero may mga nag-abang pa rin talaga at patuloy na sumuporta. Maraming maraming salamat po sa inyo! I love you all!


Please keep on supporting SB19! 💙💙💙💙💙


Living With SB19Where stories live. Discover now