Sunset Is A Sign Of Goodbye!

By _lynx07

91 27 7

Sunset is one of my favorite nature, ito Ang nagpapaalala sakin na kahit anong mangyari, sisikapin nitong lum... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Epilogue

Chapter 2

4 3 0
By _lynx07

[Chapter 2]

(Warning: Grammatical errors ahead)

"MISS next time, magiingat ka at wag kang pupunta sa gitna ng kalsada Lalo na sa gabi. Dahil Hindi lahat ng pagkakataon may magliligtas sayo" saad Niya, natauhan naman ako at napaiwas ng tingin "at wag Kang tatanga tanga. Tsk" dagdag niya pa. Hindi ako umimik sa sinabi niya.

Wala Naman kasing sasakyan kanina, bigla bigla na lang silang sumusulpot. "Thank you" sambit ko saka ako ngumiti ng konti, Ang gwapo niyo pero may pagka-attitude din. Hayss.

Marahan syang tumalikod at naglakad palayo, grabe kinabahan talaga ako kanina akala ko mamamatay na ako. Napabungtong hininga ako "hey are you ok? Nasaktan kaba?" sunod sunod na tanong ni kuya payatot kaya napatingin ako sa kaniya. Tumango Naman ako.

Umakbay siya sakin habang naglalakad kami "gwapo nung nagligtas sayo ah" napatingin Naman ako kay kuya, nakatingin lang siya ng diretso sa daan "diba siya yung rider na nakita natin kaninang umaga?" dagdag ni kuya, bigla namang pumasok sa isipan ko yung rider kaninang umaga. Kaya pala parang familiar yung lalaki kanina, nakita ko na pala siya.

"Baka meant to be na magkita kayong dalawa" tawa ni kuya, sinipa ko naman siya sa pwet dahilan upang mapatakbo siya. Naghahabulan na kami ngayon dito sa kalsada, wala ring ibang maingay kundi kami Lang.

Nagunahan pa kami ni kuya na pumasok sa escalator..joke elevator pala :>

Halos mapunit na ang damit Niya at damit ko dahil sa paguunahan namin. Naalala ko naman yung mga pinamili ko na pinabantay ko sa isang staff dito kanina.

"Ay sandali kuya Yung mga pinamili ko, Hindi ko pa pala nakukuha" sabi ko Kay kuya, tinawanan niya lang ako halos sumakit na ang tiyan niya. Napakunot noo naman ako "byeee pandak maghagdan ka na Lang. Blehh" sigaw niya dahilan upang mapatingin samin Ang ibang mga tao na nandito, mabilis kong kinuha yung mga binili ko na pinabantay ko sa babae kanina saka ako humabol pero mabilis na nagsara ang elevator.

Kung minamalas nga Naman. Kaya pala tawa siya ng tawa may balak pala siyang pagtripan ako. Humanda ka sakin mamaya kuya!

Binilisan ko ang pagakyat sa hagdan, halos madapa na ako. Nagbi-blinks blinks kasi ang ilaw dito sa hagdan, parang may multo. Hindi Naman sa natatakot ako pero, nakakakilabot kasi. Wuahhhhhhh!

Pagbukas ko ng pinto sa 4th floor, nakapatay ang ilaw, hindi naman brown out ahh. Binagalan ko ang pagtakbo baka may mabangga ako or what. Inopen ko Ang flashlight ng cellphone ko para kahit paaano may Makita ko ang dinadaanan ko. Natanaw ko na ang kwarto namin kaya binilisan ko onti ang paglalakad ng biglang may tumambad sa harapan ko ang isang nakaputi.

Wuuuaaaaahhhhhhh!!!

Napasuntok ako dahil sa takot bago ako tumakbo papasok sa kwarto namin ni kuya. Narinig ko namang umaray siya, napalingon ako sa paligid, Wala si kuya dito kaya lumabas na ako saka ko binuksan ang ilaw sa pasilyo.

Nakita ko na lang si kuya payatot na nakaupo habang tumatawa. Ang lakas ng trip niya. Nakakainis!

Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya saka ko siya dinaganan, alam kong hindi siya papatalo kapag nagre-wrestling kami pero hindi Niya ako linabanan sa halip ay tinawanan niya lang ako. Pinilipit ko ang isang tenga niya "arayyy, joke lang yun pandak. Promise Hindi ko na uulitin" sambit ni kuya saka niya tinaas Ang isa niyang kamay bilang tanda ng promise niya Kaya binitawan ko na siya.

"Ang lakas ng trip mo kuya" tumayo na ako at naglakad papasok saming kwarto "pinapasaya lang Kita" tugon ni kuya payatot saka pumasok sa kwarto, well he succeed napasaya niya ako at natakot pa.

"Matulog kana, maaga pa tayo bukas" Sabi ni kuya saka niya nilagay sa isang bag ang lahat ng pinamili namin. Humiga na ako sa kama ko, at nagtuklob ng kumot, nadali akong nakatulog dahil napagod ako sa katatakbo kanina.

KINABUKASAN, alas nwebe na ako nagising. Nakahanda na rin si kuya habang ako, nakahiga pa rin sa kama ko. "Bangon na jan" wika ni kuya saka niya binato sakin ang damit niyang nagamit na niya "eww ang baho" binato ko ulit sa kaniya ang damit niya. "Maligo kana dapat niya nandon na tayo ngayon eh. Ang tagal mo kasing magising" reklamo pa ni kuya. Nagunat muna ako sabay takbo at lumambitin ako sa likod niya. Alam Kong maiinis siya kapag nagulo ang nasusuklay niyang buhok.

At dahil suwail ako, ginulo ko ang pinakamamahal niyang buhok. Wuahhahah.

Mabilis akong tumakbo papasok sa cr para hindi niya ako magantihan "hoyy pandak, yari ka sakin pag lumabas ka Jan!" Sigaw ni kuya mula sa labas. Natawa na Lang ako.

Mabilis akong naligo at nagpalit, nasa baba na si kuya dala ang mga gamit namin tanging ang pinakamamahal Kong bagpack ang naiwan. Maghahanap pa kasi siya ng pwedeng i-rent na sasakyan papunta sa bahay Nina lolo.

Pagkatapos kong magready ay bumaba ba Rin ako. May narent na rin si kuya payatot na sasakyan. "Dalian mo, wag ka ng rumampa Jan" saad niya kaya binilisan ko Ang paglalakad papunta sa isang Van.

Habang nasa biyahe kami ay biglang nagring ang phone ni kuya, mabilis naman niya 'tong sinagot dahil si daddy ang tumatawag. "Hello baby boy" sambit ni daddy mula sa kabilang linya "hello po, bakit po kayo napatawag dadde?" hanggang ngayon dadde pa rin tawag ni kuya at hindi daddy. Ayaw niyang tawaging daddy si daddy dahil parang ang arte daw.

Pinindot ni kuya yung loudspeaker ng phone niya para marinig namin Kung ang ang sasabihin ni daddy "Where are you?" Tanong ni daddy, napatingin si kuya sa labas upang maghanap ng landmark pero wala siyang makita. Parang gubat ang dinadaanan namin ngayon, puro puno kasi..hehe:)

"Papunta palang kami sa bahay ni lolo dadde, wala akong makitang landmark eh" sagot ni kuya, hinintay Naman namin mung ano ang sasabihin ni daddy at Kung bakit tinatanong niya Rin Kung nasaan na kami ehh Alam Naman niyang ngayon kami pupunta kay lolo.

"Ok hintayin niyo ako. By this afternoon nandyan na ako sa pinas" saad Niya, napakunot Naman kami ng noo ni kuya "pinas po? Diba sa susunod na buwan pa kayo makakauwi?" nagtatakang tanong ko, bumuntong hininga naman si daddy mula sa kabilang linya.

"Yes sweetie but riniquest ko sa boss na paagain ang paguwi ko. Pumayag Naman siya, i miss you both" tugon ni daddy "miss you too Dad" sambit namin ni kuya bago niya pinaba ang phone Niya.

Naisipan ko namang I-montage 'tong trip namin, ang ganda kasi ng daan. Linabas ko na ang camera ko saka ako nagvideo video. Sabi ni kuya kanina mga 3 hours Ang itatagal ng aming biyahe, kaya sinabit ko muna yung camera ko sa side ng van. Hindi ako sure kung magiging successful ba ang pagvivideo ko, gusto ko kasing matulog Kaya sinabit ko na Lang.

Yinakap ko ang bag ko saka ako umidlip, madali ko lang nakuha ang tulog ko dahil nagpapatugtog si kuya ng solemn music.

                           _________
                           _________

"Gising na, nandito na tayo" yinugyog ni kuya ang katawan ko kaya nagising ako, nakababa na siya, napansin ko namang nakatingin ang ibang tao samin. Ilang buwan kaming hindi nakakadalaw kay lolo Kaya miss na namin siya. Tinulungan naman kami ng driver ng van at ang kasama niya kanina na buhatin ang mga gamit papunta sa bahay ni lolo.

Malaki ang bahay ni lolo dito sa probisya kaya kahit lahat kami ang dumalaw sa kaniya ay kasiyang kasya pa rin kami sa bahay niya. Sinalubong naman kami ng mga kasambahay niya "where's lolo?" tanong ko sa isang kasambay "nasa loob ma'am" tumango ako saka dirediretsong pumasim sa loob. Sumunod naman sakin si kuya "lolo, I miss you so much" Sabi ng Makita ko si lolo, agad naman siyang naglakad papalapit samin "mga apo, bat di niyo sinabing dadalaw kayo?" Hinalikan kami ni lolo sa pisngi, nagmano naman kami.

Hindi pa rin nagbabago ang style ng bahay, ito padin ang style bago namatay si Lola. Pinaupo muna kami ni lolo sa living room, at pinaghanda rin niya ng food ang tatlong kasambahay Niya.

"Ang lalaki niyo na mga apo, bakit ngayon lang kayo dumalaw?" Tanong samin ni lolo, saka umupo sa tabi ni kuya payatot "busy po kasi kami lolo" tugon ni kuya. Dumating na ang mga kasambahay ni lolo na pinaghanda Niya ng food.

Madami kaming pwedeng gawin dito, like hiking, road trip, mamitas ng mga ubas na tanim ni lolo stephan. Marami pang ibang prutas na tanim ni lolo. Niyog, saging, at mangga.

"Tumawag sakin ang daddy niyo, baka bukas pa sila makakarating dito ng mga kasama niya" Sabi ni lolo na ikinagulat namin ni kuya. "May kasama po si dadde?" Sabay kaming napatingin Kay lolo stephan, nagtataka Naman siyang napatingin samin "Hindi ba sinabi sa inyo ng inyong ama?" tanong ni lolo.

Umiling kami, napabuntong hininga naman ng Malalim si lolo bago magsalita "kasama niya ang kaniyang matalik na kaibigan at ang anak nito pero ang anak ng matalik niyang kaibigan ay nandito na" tugon ni lolo. Hindi na kami kumain sa halip ay nagtungo kami sa kaniya kaniya naming kwarto.

Napapaisip lang ako, Sino kaya ang anak na tinutukoy ni lolo stephan na nandito na? Ano kayang itsura niya? Lalaki Kaya siya o babae?

Waittttttt. Bakit ko ba siya iniisip???


KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil balak kong magwork-out. Nagtungo muna ako sa kwarto ni kuya para magpasamang magwork-out. Kumatok ako ng tatlong beses "kuya, kuya, kuya papasok na ako" pumasok na ako. Natutulog pa siya, Kaya mabilis akong tumakbo at lumundag sa kapa niya.

"Kuya gising na, magwork-out tayo" yinugyog ko ang katawan ni kuya dahilan upang mainis siya sakin "what!?" Inis na tanong ni kuya payatot "magwork-out tayo, magjogging jogging ganon" tugon ko.

Nakakainis talaga siya mukhang walang balak bumangon "kabilin bilinan ni dadde na wag tayong aalis dahil anumang oras ay dadating na sila. So get out!" Wala naman akong nagawa kundi lumabas sa kwarto ni kuya dahil baka magalit pa siya sakin.

Bumalik na ako sa kwarto ko, Gaya ng lagi kong ginagawa kapag bored ako ay nagvlog na lang ako. Pampalipas ng oras habang hinihintay namin sina daddy. Inopen ko na yung camera ko buti na lang hindi nalowbat kahapon

"What's up my shining star. So ayun nga, nagtweet ako kagabi ng 'Ask me anything' sasagutin ko ngayon lahat ng katanungan niyo" sabi ko sa camera, para akong tanga dito, parang sarili ko Lang din kinakausap ko haha.

"Fisrt question galing kay 'Ehh?' astig ng username niya ehh? so ayun nga yung tanong"

'miss zean ilang taon kana po?'

"I'm 18 years old. Turning 19 next month. Next question from 'nina'"

'Bakit po wala kayong jowa?'

"Awttss realtalk sis? Hahha. Bakit nga ba wala akong jowa? Hindi ko din Alam Kung bakit Wala akong jowa siguro Hindi pa ito yung right time na magkaroon ako ng boyfriend, Sana nasagot ko yang tanong mo. Next question na tayo from 'Apollo'"

'Bakit tatanga tanga ka noong isang gabi at muntik ka ng mamatay?'

Bigla akong natahimik, noong isang kagabi? Bakit niya Alam na muntik na akong mamatay dahil sa motor?

Naalala ko naman Yung lalaki na nagligtas sakin, baka siya 'to? Ibig sabihin Apollo Yung name niya. Pinatay ko muna Yung camera ko saka ko dali-daling ini-stalk si Apollo kung siya ba talaga yung nagligtas sakin.

Habang iniistalk ko siya ay aksidente kong napindot yung like react sa tatlong post niya, agad ko naman itong tinanggal baka isipin niya na iniistalk ko siya kahit totoo naman. Wuahhaha!!

Nakaramdam ako ng gutom Kaya naisipan kong bumaba muna, bababa na Sana ako ng biglang tumunog yung phone ko. Chineck ko naman agad yung messenger ko dahil baka si daddy yun, pero Hindi.

"Ang hilig mo din palang mang-stalk"

Chat sakin ni Apollo, Apollo Buenavides. Hindi muna ako nagreply.

Diba rinemove ko yung liket react ko, paano niya nalaman na iniistalk ko siya?

"Sinong iniistalk ko?"

Chat ko sa kaniya, nagseen siya agad at typing na. Wewss Sana all mabilis magreply. Pero actually maatitude tong Apollo na to ah.

"Wag na Kang magmamaang-maangan" chat niya at nagsend siya ng picture, nagulat Naman ako ng Makita ko yung picture. Hindi naremove yung aksidenteng na like ko, nagloloko ba si Facebook!?

Hindi na Lang ako nagreply, pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagpahinga sa kwarto ko, nasa baba Naman si kuya at lolo. Hinihintay nila si daddy at nung kasama niya. Sinabihan ko din si kuya na tawagin na lang ako pagdumating sila.

Nagbasa muna ako ng Wattpad story, at dahil Wala akong book na dala sa cellphone na Lang ako nagbasa. Ioopen ko na sana Yung phone ko ng may kumatok sa kwarto ko "Sino Yan?" tanong ko sabay lakad papalapit sa pintuan "si kuya mo 'to nasa baba na sina dadde" sagot niya, nagsuklay at nagpulbo muna ako. Excited na akong makit ulit si daddy.

"Daddy!" tawag ko sabay yakap sa kaniya, yinakap naman niya ako pabalik "hey sweetie, I want you to meet my best friend and his son" Sabi ni daddy, nakipag-shakehands Naman ako Kay Tito chadlier na best friend niya. Nakilala ko Naman ang lalaki na nasa tabi niya, siya yung maatitude na nagligtas sakin.

"I know you"

"I know you"

Halos sabay kami sa pagsabi, "magkakilala kayo?" tanong ni daddy, napatingin naman samin si kuya, lolo, daddy at tito chadlier "yes Tito, actually muntik na siyang---" hindi natapos ni apollo Yung sasabihin niya dahil nagsalita ako agad "muntik na akong madapa daddy buti na lang nasalo niya ako" tumingin ako kay Apollo. At pinandilatan ko siya ng mata.

Mukhang na-gets naman Niya agad Yung gusto Kong mangyari. Hindi pwedeng malaman ni daddy na muntik na akong mabangga kagabi dahil sure akong hindi niya ako papayagang mamasyal. "Tsk. It's true Tito" malamig niyang sabi tumango Naman si daddy, mukhang may balak pa siyang ilaglag ako.

"Mukhang Hindi na kami mahihirapan na paglapitin kayo sa isa't isa" sambit ni tito chadlier, whuttt? Paglapitin?

"What do you mean dad?" tanong ni apollo sa daddy niya, natawa na Lang si tito at daddy. Umupo na lang ako sa tabi ni kuya habang hinihintay ko yung sagot ni Tito. "Paglapitin kayo as a friend or as a bestfriend" sagot ni tito chadlier.

Kinabahan ako dun ah, akala ko paglapitin tapos ipapakasal sa kaniya. And yes ayaw ko sa kaniya, oo gwapo at nayaman siya pero maatitude Naman. "By the way, may magandang place kaming nakita kanina and I suggest na pwede tayong maghiking don mamaya after lunch" Sabi ni daddy sabay upo sa tabi ni tito. Tumango-tango silang lahat, Wala Naman akong nagawa kundi tumango na lang din kahit ayaw ko.

Magha-hiking after lunch? Ang init Kaya!

   _________
   _________


"Pagakyat natin sa bundok na Yan, may mga village tayong makikita which is pwede tayo pupunta" wika ni Tito chadlier, nauna na silang naglakad ni daddy nakasunod naman sa kanila si Apollo. Kasabay ko naman si kuya, hindi sumama si lolo dahil Hindi na daw niya kayang umakyat ng bundok at marami pa siyang gagawin.

Nagpatuloy Lang kami sa paglalakad, huni lang ng dahon na naghahamapasan ang naririnig ko, magvi-video sana ako pero nalowbat na kanina yung camera ko. Feeling ko nasa loob na kami ng gubat ngayon, and actually nakakarelax dito, nakakawala ng stress and hindi mo maiisip yang mga problemang yan kasi sariwa ang hangin na ki-kiss sa skin mo.

Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming lake, pero maliit lang. Kailngan naming tumawid para makarating kami sa pupuntahan namin, Sabi kanina ni daddy na may falls sa pupuntahan namin Kaya na excite ako.

"Malapit na tayo" ani ni Tito chadlier, mas Lalo akong naexcite. Mahilig talaga ako sa mga nature's like falls, rock formations, oceans, sunsets, stars, moons atbp.

Minsan Lang kasi akong makakita ng mga ganyan dahil Hindi kami pinapayagang mamasyal ni daddy minsan. "Pandak, dala mo Yung camera mo?" tanong ni kuya sa'kin Kaya napatingin ako sa kaniya "hindi kuya, lowbat na kanina. Pero dala ko kung cellphone ko" sagot ko, umakbay sakin si kuya "sa dami-dami ng pwede Kong makalimutan, cellphone pa" inis na sambit ni kuya, natawa Naman ako sa istura niya. Halos magdugtong na kasi Ang kilay niya sa inis, parang di siya mabubuhay kung wala yung cellphone niya.

Two hours ang nakalipas, sa wakas nakarating na rin kami. Sobrang ganda dito, may mataas na falls at Ang lakas ng tunog nung tubig na bumabagsak. Nakakarelax talaga.

Isang bahay yung ni-rent ni daddy para samin, may tatlong kwarto. Pumasok na ako sa sarili kong kwarto, walang kama dito purely sahig lang talaga at ang higaan ay banig, may dalawang unan at isang kumot.

Honestly, ngayon Lang ako makakahiga sa ganito, at feeling masaya to. Gusto Kong I-explore 'tong place na 'to kaya lumabas na muna ako, nakita ko naman sina Kuya na nasa labas at may kinakausap silang mga tao. Madami ding turista na nandito dahil sa ganda ng place.

Hindi ko ma-explain kung gaano ito kaganda, Basta maganda. Nakita ko Yung mga Batang nasa taas ng bato, sa tabi ng falls, yung iba tumatalon habang Yung iba naman ay nakaupo Lang, mabilis akong naglakad papunta don, wala pa akong balak maligo ngayon. Mas gusto ko bukas para maghapon akong naliligo.

Pagkarating ko ay nanatili lang akong nakatayo, habang pinapanood ko Ang ibang tao na masayang naliligo, napansin ko naman ang isang buong pamilya na masayang nagsasabuyan ng tubig at nagtatawanan. Hindi ko mapigilang nakaramdam ng lungkot Lalo na't broken family kami.

Huminga na Lang ako ng malalim at ngumiti para mabawasan konti tong lungkot na nararamdaman ko, namiss ko lang si mommy sana buo kami, sana magkakasama din kami. Pero hanggang Sana na Lang ako. Hayyss

Babalik na sana ako bahay na ni-rent nina daddy para kunin Yung phone ko ng makapagpicture ako ng biglang may tumulak sakin dahilan upang mahulog ako sa tubig na may lalim na ten feet. Hindi ako marunong lumangoy ngunit dahil sa takot ay nagawa ko pa ring lumangoy papunta sa gilid ngunit nakalunok ako ng tubig dahilan upang hindi ako makahinga.

______________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
792K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...