The Last Stop (Completed)

By Dominotrix

188K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... More

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabintatlong Kabanata: White Lies
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle

4.9K 113 41
By Dominotrix

"May kapansanan ka ba? Bakit ganyan kang magsalita?" takang takang tanong ni Joseph sa babae na nasa kabilang linya.

"Hindi, ganyan talaga ang boses ko," pinaliit pa ng husto ni Sophia ang kanyang boses para baguhin iyon at hindi mahalata ni Joseph.

"Ah! Ang liit ng boses mo, parang yung mga nanggagamot," wika ni Joseph.

"Anong akala mo sa akin dwende." Nawala sa loob ni Sophia na baguhin ang kanyang boses. Huli na nang naalala niyang kailangan niya palang ibahin iyon nang hindi makilala ni Joseph.

"Sandali, parang pamilyar ang boses mo."

Napakunot ng noo si Joseph na parang may inaalala. Matapos iyon ay tinawag niya si Gil.

"May ipapakausap ako sa iyo ha? Friend ko, para kasing pamilyar ang boses mo." Kwento nito kay Mysty na nasa kabilang linya.

Inabot ni Joseph ang headset kay Gil. Kahit labag sa loob ni Gil na gawin yun at abala siya sa paglalaro ng online game eh ginawa na rin niya. Hindi naman siguro magtatagal ang usapan na iyon.

"Bud, pakinggan mo. Kaboses ng ate mo,"wika ni Joseph kay Gil

"Hello?" ani Gil sa babaeng nasa kabilang linya.

Agad nabosesan ni Sophia ang kapatid. Inisip niyang pwede niyang gawing kakampi ito para makumbinsi si Joseph na hindi siya si Sophia.

"Hoy Virgilio! Isang sigaw mo ng Ate diyan at kakalahatiin ko ang monthly allowance mo at bibigyan kita ng curfew. Tatakutin ko lahat ng lalandiin mong babae at magiging single ka forever!" May halong pagbabanta ang boses niyang iyon, pero wala na siyang mapagpilian, desidido siyang panatilihing lihim ang kanyang pagkatao kay Joseph.

Matapos marinig ni Gil ang sinabi ni Sophia ay wala siyang magawa kundi ang matulala. Hindi niya maisip kung paano nangyaring magkausap ngayon ang dalawa. Gusto sana niyang sabihin na si ate niya ang kausap ni Joseph pero ayaw niya rin namang mangalahati ang allowance niya.

"Sira! Ang layo ng boses kay ate!" palusot nito.

"Sigurado ka? Para talagang kaboses ng ate mo," pilit pa nito

"Hindi si ate 'yan."

"Hindi ko sinasabing ang ate mo ito, ang sabi ko kaboses. Magkaiba iyon," paliwanag nito sa kaibigan sabay nangiti.

Matapos iyon ay sinuot muli ni Joseph ang headset. Binuhat niya ang laptop at lumabas na lamang ng kwarto. Maingat siya na baka marinig ni Gil ang usapan nilang dalawa. Umupo siya sa sofa kung saan matatanaw ang dalawang pintuan ng kwarto.

"Hello? Sorry kanina, para kasing may kaboses ka," paumanhin niya dito.

"Okay lang. Bakit mo ba naisip na marinig ang boses ko?" tanong ni Sophia na medyo kumportable na kumpara kanina.

"Ang bagal kasing mag-usap kapag nasa chat lang. Eh gusto ko sanang makipagusap ng seryoso ngayon."

"So yung mga nakaraang usapan pala, chinichika mo lang ako. Umbagin kaya kita dyan."

"Ayaw mo noon, ready na akong mag-open sa iyo."

Kung kanina ay hindi magawang umupo ni Sophia dahil sa kaba, ngayon ay nakaupo na siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang unan at nilagay sa may bars ng kanyang kama at sumandal. Itinaas niya rin ang kanyang mga paa sa kama.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Sophia kay Joseph

"Wala, magtatanong lang ako." Sandaling huminto sa pagsasalita si Joseph wari'y iniisip ang susunod na sasabihin. "Kamusta ang Mama mo?"

"Si Mama? Lukaret, hindi nalalayo sa mga pasyente sa mental hospital. Eh yung Mama mo?" Hindi alam ni Sophia kung bakit natanong iyon ni Joseph. At dahil sa tinatanong na lang din naman ni Joseph ang kanyang Ina, maganda na rin siguro na tanungin niya ito tungkol sa kanyang Mama.

"Ok naman." Matipid ang sagot ni Joseph na para bang ayaw niyang pag-usapan ang kanyang ina

"Ok lang? Wala ng kasunod? Eh itigil na ito." Biro ni Sophia kay Joseph

"Hindi, Iba kasi ang pamilya namin kumpara sa inyo. Medyo komplikado ang estado namin," kwento nito.

"Ang taray! Parang status sa facebook. It's complicated."

Natawa si Joseph sa sinabing iyon ni Mysty. Kahit naman sa chat pa lang noon ay nakakatuwa na itong kausap.

"Hiwalay sila Mama and Papa. Pero hindi na sila nagkaroon ng ibang pamilya. Nakatira ako kay Mama and si Papa naman madalang kong makita, dahil masyadong busy. Sa sobrang busy kailangan ko pang mag-set ng appointment bago ko siya makausap."

Nagulat si Sophia sa kwento ni Joseph. Hindi niya alam na sa likod ng isang mapagbiro at masiyahing mukha ay mayroong kalungkutan sa likod noon.

"Exaggerated ka naman magkwento, meron bang anak na kailangan pang magpa-appointment sa sarili niyang ama?" hindi talaga makapaniwala si Sophia na pwedeng mangyari sa tunay na buhay ang isang kagaya noon.

"Actually kulang pa nga iyon. Pero believe it or not, mas maayos ang relasyon naming mag-ama kumpara mo sa amin ni Mama. Si Mama kasi, parang siya ang nagpapagalaw sa akin. Dapat lahat eksakto sa gusto niya, maganda sa paningin ng publiko, walang bakas na pwedeng ikasira ng magandang pangalan niya." Nagsimula ng maglabas ng sama ng loob si Joseph kay Mysty. Handa na siyang ibahagi ang piraso ng kanyang sarili.

"Lahat naman ng magulang, gusto tayong mapabuti. Baka naman kasi para sa iyo rin yung ginagawa niya." Hindi alam ni Sophia kung ano ang ipapayo niya kay Joseph. Unang beses niyang nakatanggap ng ganitong klaseng problema.

"When I was a kid, homeschooled ako. Gustong gusto kong pumasok sa isang normal na eskwelahan kasama ang ibang bata pero ayaw niya. Gusto rin sana ni Papa na doon ako mag-aral pero sa huli nasunod si Mama. Nang highschool ako, gusto kong sumali sa basketball team pero sabi niya kailangan kong magfocus sa academics at hindi niya pinangarap magkaroon ng anak na athlete. College ako nang pinilit nila ako ni Papa na mag ME kahit ayaw ko. Sinabi kong gusto kong kumuha ng course sa film making pero ayaw nila." Isa-isang naglabasan kay Joseph ang kanyang mga hinanakit sa magulang.

"Kausapin mo kaya ang parents mo?" payo dito ni Sophia

"Kinausap ko na sila, pero mukhang wala silang interes na makinig sa akin. Buti nga ikaw, kinakausap mo ako."

Gulong-gulo si Sophia sa puwede niyang ipayo kay Joseph. Isa talaga sa pinakamahirap na komplikasyon ang relasyon ng anak sa magulang. Bawat isa sa kanila may punto, depende na lang sa tingin ng tao kung sino ang tama o mali.

Matagal pa silang nag-usap hanggang sa naramdaman ni Sophia na naiihi siya. Nagpa-alam siya sandali kay Joseph na iihi.

"Hoy, sandali lang. Naiihi lang ako. Babalik din ako. Pag-usapan natin yang buhay mong pang-MMK." Kwento nito

Paglabas na paglabas ni Sophia ng kaniyang kwarto ay nakita niya si Joseph na nasa sala.

"Huy! Gising ka pa? Aano ka?" tanong ni Joseph dito

"Ii..." sasabihin na sana ni Sophia na iihi siya pero naalala niya na iyon din nga pala ang ginawang paalam ni Mysty kay Joseph. "Iinom, iinom ako ng tubig, diyos ko uhaw na uhaw na ako!" Pumunta siya sa harap ng ref na paekis ekis ang lakad at pinipigil ang ihi.

"May problema ka ba? Bakit ganyan ka maglakad? Napansin ni Joseph ang paputol putol at hindi normal na paglakad ni Sophia.

"Naalimpungatan ako. Ang sarap na ng tulog ko pero nauhaw ako."

"Ahh! Pero di ba may trabaho ka?" tanong ni Joseph dito.

"Ah hindi, tapos na yun. Maaga akong natapos sa trabaho kaya maaga din akong natulog. Ikaw matulog ka na rin, madaling-araw na." Hindi makatagal si Sophia na nakatayo lang at hindi gumagalaw. Sumayaw sayaw siya para hindi maihi. "Woooh! Ang sarap sumayaw!"

Sa wakas ay may naisip na dahilan si Sophia para mailabas na ang kanina pa gustong lumabas.

"Hindi pa nga pala ako nagtu-toothbrush. Sandali ha, nakakahiya naman sa iyo. Punta lang akong banyo, magsisipliyo lang." Pasayaw pang pumunta si Sophia sa banyo. At nang makapasok na siya sa bayo ay agad agad niyang binaba ang kanyang shorts at umihi.

Paglabas niya ng banyo ay nandoon sa harap ng pintuan si Joseph at naghihintay. Halos masampal niya si Joseph sa gulat.

"Punyeta! Bakit ba nandiyan ka? Naninilip ka ano? Diyos ko pwede ka namang maki-usap, hindi yung naninilip ka pa. Chos" biro nito

"Sira, hindi. Gusto ko kasi ng kausap. Eh baka takbuhan mo ako. Usap muna tayo. May papaka-usap ako sa iyo na kaibigan ko online. Mysty ang name niya, umihi lang siya babalik din siya.

*Panginoon, paano makakabalik si Mysty eh nandito pa nga ako* Wika nito sa kanyang sarili.

Hinatak siya ni Joseph sa sofa, isinuot muna ni Joseph ang headset para tingnan kung nakabalik na si Mysty pero wala pa ito.

"Wala pa si Mysty eh, iihi lang daw pero hanggang ngayon wala."

Hindi siya mapakali sa kanyang upuan. Alam niyang walang Mysty na dadating hanggat nandoon siya.

"Wala pa naman pala, papasok na ako sa kwarto." Aktong aalis si Sophia ngunit pinigilan siya ni Joseph.

"Sandali lang! Dadating na rin 'yon." Pilit ni Joseph.

*Hindi darating 'yon. Hahatiin ko lang ang sarili ko ha, para makausap ko si Mysty* aniya sa sarili.

Nang hindi na makatiis si Sophia ay siya ang nagsuot ng headset ni Joseph at umarteng parang may kausap.

"Hello? Ah ikaw si Mysty, ako si Sophia. Ay mare! Palong palo ang kausap mo. Panalo ang fez, pang bench ang katawan. Happy fiesta ito gabi-gabi." Sandaling huminto si Sophia ng pagsasalita na para bang hinihintay na sumagot ang kausap. Si Joseph naman ay ngiting ngiti sa sinabi ni Sophia.

Parang abnormal si Sophia na salita ng salita na wala namang kausap. Minsan ay tatawa pa siya na parang sira ulo mapaniwala lamang si Joseph na may kausap siya. Makaraan ang ilang minuto ay sinauli na niya kay Joseph ang headset pero hindi agad sinuot iyon ni Joseph.

"Palong palo ba? Crush mo ako no?" Biro dito ni Joseph.

"Tumigil ka nga, bini-buildup lang kita sa kausap mo." Dahilan nito kay Joseph. Parang nahiya si Sophia sa sinabi ni Joseph, sa bawat tanong nito sa kanya ay parang ini-imbestigahan siya.

Pagkatapos nito ay biglang tumahimik silang dalawa. Hindi rin alam ni Sophia kung bakit ayaw pang isuot ni Joseph ang headset, para bang may gusto pa itong sabihin sa kanya.

"Papasok na ako sa kwarto," paalam ni Sophia sa kanya

"Sandali lang," pigil sa kanya ni Joseph

"Bakit?"

"Kasi...Ano...H'wag na nga lang," alinlangan si Joseph sa sasabihin niya.

"Sige na sabihin mo na at nang makapasok na ako." Pilit sa kanya ni Sophia

"Ano..Crush kita. Wala namang masama, crush lang naman, di ba." Agad dinepensahan ni Joseph ang sinabi niyang iyon. Ayaw niya ring mailang si Sophia sa sinabi niya.

"Hindi. Hindi naman masama iyon." Umakyat na yata lahat ng dugo sa mukha ni Sophia, pakiramdam niya ay sasabog iyon.

"Namumula ka." Bati ni Joseph. "Baka naman crush mo rin ako? Crush lang naman, sabi mo nga hindi masama ang crush."

"Hindi ano. Papasok na ako sa kwarto." Nagmamadaling bumalik si Sophia sa loob ng kwarto. Pag sara nito ng pinto ay agad niyang inabot ang kanyang headset at sinuot. Halos tumalon ang kanyang puso papalabas ng kanyang katawan sa lakas ng pagkabog noon. Marahil ay sa pagmamadali niyang makapasok, pwede ring dahil sa sinabi ni Joseph.

"Hello! Hello! Ang tagal mo? Nandiyan ka na ba?" ani Sophia sa kausap na parang siya pa ang naghintay ng matagal.

Matagal pa silang nag-usap ni Joseph pagkatapos noon. Halos mag-uumaga na rin ng natapos silang mag-usap. Sumobra na nga sa walong oras ang pagkukwentuhan nila. Para bang hindi na iyon trabaho para kay Sophia. Para na iyong isang masayang bagay na nilu-look forward niya araw-araw.

.......

Hapon na ng umuwi si Joseph sa bahay niya. Eksaktong nagrorosaryo sa kanilang bahay ng dumating siya. Sandaling tumayo ang kanyang Mama para kausapin siya.

"Joseph, pangunahan mo muna ang pagrorosaryo." Ang boses ng kanyang ina ay parang nag-uutos at walang halong paglalambing

Hindi sumagot si Joseph at dumiretso sa kanyang kwarto. Sinundan siya ng kanyang Mama sa loob at pinilit lumabas.

"Ma! Pwede ba, pagod ako. H'wag ngayon," pakiusap nito saa kanyang Mama

"Pagod? At saan ka naman napagod? C'mon Joseph, I'm sure kung kaninong bahay ka na naman nakitulog. Ilang minuto lang naman na para sa Panginoon ang hinihiling kong ilaan mo, sige na lumabas ka na doon," utos nito

Pero matigas si Joseph at ayaw pakinggan ang kanyang Mama. Nagpalit lang ito ng damit at agad ding umalis ng bahay.

"Give me the key!" utos nito sa lalaking nakatayo malapit sa kanyang kotse. Hinagis ito sa kanya, pumasok siya sa kotse at pinaharurot ang sasakyan. Habang nagda-drive ay tinext niya si Gil para may makasama naman siya.

Joseph: Dude samahan mo naman ako!

Gil: Hindi pwede pare, manonood kami ng movie ni Ate

Joseph: Pwede sumama?

Gil: Tanong ko.

Pwede daw, sige punta ka na lang sa Gateway.

Makalipas ang ilang oras ay narating na niya ang Gateway. Nandoon si Sophia at si Gil na naghihintay na.

"Ang tagal mo naman!" reklamo nito sa kaibigan.

"Pasensya na, malayo ito sa amin eh," paliwanag nito.

"Eh bakit ba nandito ka na naman? Kakauwi mo pa lang di ba? Nag-away na naman siguro layo ng Mama mo." tanong ni Gil na parang may halong inis

"Hindi ko alam. Naiinis ako kay Mama. Hindi ko matiis ang ka-plastikan. Kunwari sobrang relihiyoso, pero pagkatapos nilang magdasal, kung kani-kaninong buhay ang pag-uusapan."

"Tama na yan! Nandito tayo para magrelax. Hindi pa tayo nakakabili ng ticket!" ani Sophia sa kanila.

"Sige, dahil sabit lang ako sa inyo sagot ko na ang snacks."

Habang nagkukwentuhan sila ay may napadaang babae na namumukhaan ni Joseph. Hindi siya maaring magkamali sa kanyang hinala.

"Mysty? Mysty!" tawag niya sa babaeng tuloy lang sa paglalakad kahit na sinigaw na nito ang pangalan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

34.5K 922 52
Play The Set #4 Leolita Dimagiba, kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay niya, katulad ng apelyido nito, hindi siya magigiba. For years, she beca...
21.2K 644 118
Matagal ng gusto ni Karylle si Dave Tyla na isang kilala bilang isang sikat na modelo at painter sa bansa. Hindi naman sinasadya ni Karylle na makapa...
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson