How to be your Boyfriend vol...

By JulieAnneHermogino

3.7K 45 37

Kung si Batman may Joker at Bane, Si Mara may Clara, Si Popeye may Brutos, Ang Ateneo blue eagles, may De La... More

Chapter 1 In the Line
Chapter 2 Tired of being Alone
Chapter 3 The Heartbreak Kid
Chapter 4 The Big Brawl
Chapter 5 The Initiation
Chapter 6 Queen of Omelet
Chapter 7 Our First Date... Almost but not quite
Chapter 8 The Detention
Chapter 9 Electric Shock
Chapter 10 How to Survive a Worst Date
Chapter 11 Jaymee's Alarming Story
Chapter 12 Forgive and Forget
Chapter 13 Box of Chocolates
Chapter 14 Meet the Parents
Chapter 15 Rainy Days and Mondays
Chapter 16 Bang! Bang!
Chapter 17 In Ten Seconds
Chapter 18 The Gossip
Chapter 19 Movie Marathon
Chapter 20 Sweet Escape
Chapter 21 Sembreak
Chapter 22 The Beach
Chapter 23 Training Day
Chapter 24 The Alcoholic
Chapter 25 The Harassment
Chapter 26 Getting to Know You
Chapter 27 Stars
Chapter 28 The Winner
Chapter 29: Something to Reveal
Chapter 30 The Truth
Chapter 31 The Consequences
Chapter 32 Reality Bites
Chapter 34 Impending Doom
Chapter 35 Silence of the Lambs
Chapter 36 Archaelogical Facts
Chapter 37 The F word on V Day
Chapter 38 The Deposition
Chapter 39 Teamwork
Chapter 40 The Graduate
The Girlfriend
Author's Note
How to be your Boyfriend vol. 2
Chapter 1 Empire State of Mind
Chapter 2 Gangs of New York
Chapter 3 The Notebook
Chapter 4 The Spot
Chapter 5 The Second Time Around
Author's Note

Chapter 33 The Voodoos and the Laundry

42 0 0
By JulieAnneHermogino

Soundtrack for this Chapter: Ulysses by Franz Ferdinand

 

Pag-uwi ko ng bahay, habang masama ang tingin ko sa voodoo doll na pinag-isipan ko ang tatawagin kong pangalan, which is Brando, halos 45 minutes and 15 seconds ko nang pinag-iisipan kung tatawagan ko ba si Portia ngayong gabi after kong aminin sa kanya ang nangyari sa amin ni Priscilla.

It’s not a big deal actually. It’s just a damn kiss pero isang halik iyon ng aking future mother-in-law if we are discussing about it, legitimately and out of technicality.

Speaking of Priscilla, nakalimutan ko na yung pag-uusap namin kanina sa phone.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang 5 missed calls galing kay Priscilla.

Anong gagawin ko? Kailangan kitang makausap, please Conrad, magkita tayo ngayon. My place, I’ll wait for you.

Isang text message naman ang nabasa ko mula sa kanya. Apat na oras na ang nakakalipas at hindi ko na kailangan ang sumagot sa text niya. I don’t mean to be rude but tama si Portia. This is too much to think about.

Tinawagan ko si Portia dahil ang sama ng epekto sa akin ni Brando, the voodoo doll. Masama talaga ang tingin ko sa kanya, gusto ko siyang tusukin ng aspile.

“Hello?” sagot ni Portia.

“Portia, gising ka pa?”

“Kung tulog na ako, sa tingin mo ba, kausap mo kaya ako?”

“Uhm, wait, let me think.. Ah, according to my scientific hyphothesis, hindi kita makakausap kung tulog ka na kasi tulog ka na but to correct my question or to make it specific, nagising ka ba sa tawag ko?”

“According to myself, hindi mo ako nagising ng tawag mo kasi hindi pa ako nakakatulog.”

“What are the possible causes of your insomnia?”

“Stress at saka ikaw, dahil supposedly, patulog na ako, unfortunately, you called. Kaya imbes na antok na ako, nawala na dahil sayo.”

“Hindi ako makatulog dahil iniisip ko yung mga sinabi ko sayo kanina.”

“We shouldn’t talk about that! Idadagdag mo pa yan sa pagkastressed ko.”

“I’m sorry that I have to tell you about it.”

“Conrad, wag na natin munang pag-usapan.”

“Okay! Alam mo ba? Bininyagan ko ng pangalan yung voodoo doll na ibingay mo sa akin. I want you to meet, Brando. Meron siyang sarili niyang twitter account, follow him on @brandovoodoo. Saan mo binili si Brando? Parang hindi na ako natatakot sa kanya, he kinda grows on me.”

“Hindi ko yan binili, I made him. Meron siyang partner. Babaeng voodoo. Kasi nung tinatahi ko si Brando, tinahi ko na rin yung babae na para sa akin.”

“Couple voodoo?”

“Oo. Pero wala siyang pangalan kasi hindi ako childish, katulad mo!”

“Ako pa talaga ang childish sa ating dalawa? Bibigyan ko yung sayo ng pangalan.”

“Ayoko nga!”

“Dali na.. Pangalan lang naman eh! What about Brandy?”

“Si Brando at si Brandy?”

“Maganda naman ah!”

“Para silang kambal, they’re supposed to be couple. Parang Brangelina, o kaya Robsten, yung mga ganun.”

“Teka..”

Tumigil ang paguusap namin dahil sa pagiisip ng pangalan para sa syota ni Brando. Ano bang bagay kay Brando?

“Eh di siya na lang si Andy para Brandy.” I suggested.

“Andy? Eh para namang lalaki eh, isip ka naman ng pambabae.”

“Pwede naman yun ah. May babae namang Andy at saka Andrea naman ang tunay niyang pangalan, we just call her Andy, for short.”

“Isip ka pa!”

“What about Patty? Para sila ang Bratty.”

“Patty talaga? Wala bang mas unique?”

“Ikaw kaya magbigay, ako pinapaisip mo. Wala ka namang kontribusyon!”

“Eh bakit kasi Brando ang ipinangalan mo!”

“Kinuha ko yan kay Marlon Brando!”

“Sino naman si Marlon Brando?”

“Hollywood actor from the movie, The Godfather.”

“I don’t even know him!”

“Portia naman! Marlon Brando is the most talented and the best actor in Hollywood, tapos di mo siya kilala?”

“May ginagawa pa ba siyang pelikula ngayon?”

“Patay na siya!”

“Wala na pala eh! Akala ko kasi kinuha mo siya kay Brandon Lee.”

“Bakit ko naman siya kukunin kay Brandon Lee kung pwede ko namang kunin yung pangalan ni Bruce Lee at saka magkaiba naman ang pangalan ni Brandon sa Brando!”

“Whatever! Kulang lang ng N eh! Ayoko ng Patty!” sigaw niya.

“Eh anong gusto mo?”

“Katniss!”

“Dahil sa Hunger Games naman! So ano? Braniss? Anak ni Janiss?”

“What’s wrong with Braniss?”

“Parang ang tunog ‘Who’s bra’s this?”

“Fine! Wala na lang siyang pangalanan! Matulog ka na nga!”

Sabay baba ng phone.

Katniss! Gaya gaya porket uso ang Hunger Games!

“Hello?” tinawagan ko siya ulit.

“Bakit kasi Brando! Ibahin mo yung pangalan ng sayo!” sagot niya.

“Hindi na pwedeng ibahin yan dahil meron na siyang twitter account at nakarehistro na siya sa NSO. Yan na ang pangalan niya sa faux birth certificate niya!”

“Okay fine! Last na toh, kapag nagreklamo ka pa, hindi ko siya sayo ipapakilala! I’ll call her Grey!”

“Grey? So, it’s Brady? Eh parang Brandy lang din, tinaggal mo lang yung N!”

“Ang hina talaga ng utak mo eh noh? Katoks! Sila ay tatawaging Brey!”

“Brey?”

“Oo, kasasabi ko pa lang di ba?”

“Okey, okey na yan! Kaysa naman pag-awayan natin toh buong gabi! So, when can I meet her?”

“Hindi ko pa alam, hindi ko pa sa kanya masabi. Let me think of the right time to tell her the truth.”

“Anong pinagsasabi mo? Si Grey ang gusto kong mameet!”

“Ah, eh di this Sunday! Shunga ka! Di ba Sunday tayo magkikita!”

Tinawag pa akong shunga!

“Conrad..” seryoso ang tono ng boses niya. “Yung inamin mo sa akin kanina, yung lang ba ang sekretong tinatago mo sa akin? O meron ka pang kailangan aminin.”

“Actually meron pa..”

“Ano yun?” seryoso niyang tanong.

“Nagpapalaundry ako ulit!”

“What? Di ba sinabi ko sayo na ayokong nagpapa laundry ka! How could you do this to me? Pwede mo namang hiramin yung washing machine nung land lady diyan ah bakit ang tigas pa rin ng ulo mo! Madali lang naman maglaba, meron namang dryer yung washing machine! You betrayed me!”

“Ang OA mo naman! Betrayal agad! Nagpalaundry lang naman ako eh!”

“Ano bang sinabi ko sayo nun? Sabi ko ayokong nagpapalaundry ka di ba? Yun lang naman ang tangi kong hiling sayo!”

“Once lang naman ako nagpalaundry, okey!”

“How can I be sure na once lang?”

“You don’t believe me when I said once lang?”

“How will I know? Hindi ko nakikita ang mata mo? How will I know that you’re telling me the truth?”

“Wala akong oras para maglaba ng damit ko. May pera naman ako at alam ko naman na ginagawa nila ang trabaho nila at feeling ko naman malinis ang pagkakalaba nila sa damit ko. Bakit ako magpapakahirap? Nakakahiya lang naman kay ateng dahil lagi kong hinihiram yung washing machine nila at sa tuwing pupunta ako dun sa bahay nila, nakakabingi ang tili nung mga baklita niyang anak, isama mo na yung nag-iisa niyang anak na babae na mukhang bakla.”

“So? Eh di bumili ka ng WASHING MACHINE! GOODBYE!”

At ibinaba niya na ang phone.

I don’t get it. We had a heated argument about names of voodoo doll and laundry shop!

Sa lahat naman ng pag-aawayan namin, yung mga walang ka-kwenta kwentang bagay pa talaga! Inabot kami ng apat na oras. Dahil nung tiningnan ko ang orasan, it’s almost 4am.

Yung tungkol sa laundry shop, it was suppose to be a joke pero dahil nadala na siya ng emosyon, at nadala na rin ako, pinanindigan ko na. Actually, simula ng naging kami ni Portia, hinahandwash ko na ang mga damit ko at mahirap talagang maglaba, especially kung maong. Hindi ako satisfied dahil minsan makati ang sa balat ang tela, hindi ko nababanlawan ng maayos dahil hindi ako propesyunal na handwasher. Marahil may point siya sa washing machine. Kailangan ko nga siguro.

Ma, padala ka ng pera. Kailangan kong bumili ng washing machine.

Itenext ko si Mama, 4:23am.

Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil sa di mapaliwanag na insomnia at kakaisip ng away na nangyari kagabi tungkol sa laundry shop.

Habang nagkakape ako mag-isa sa dining table, tenext ko si Portia.

Goodmorning! Im sorry.. bati na tayo?

Maya maya pa, nagring ang phone.

“I’m sorry.” Si Portia ang tumawag at sorry agad ang tamang salita na maibibigay ko.

“Basta, wag ka ng pupunta sa laundry shop! Have a nice day at work. I love you!”

Bago ko pa man masabi ang ‘I-love-you-too’, wala na siya sa kabilang linya.

Pero okay lang, nakapag-i-love-you naman eh. Masaya na ulit ako.

Habang papasok ako ng opisina, tumawag naman si Mama, while I was walking on the hallway.

“Ma, I really need it!” sabi ko sa kanya.

“Bakit? Are you doing your laundry na?”

“Ang gaspang na ng kamay ko dahil sa paglalaba ko araw araw. Kung pagaspang na ng pagaspang ang kamay ko, paano pa maeenjoy ni Portia ang kamay ko tuwing magka holding hands kami. Kaya kailangan ko ng washing machine sa lalong madaling panahon.”

“Eh, anak, bakit ngayon ka pa nakaisip niyan?”

Kung alam lang ni Mama ang pagiging psycho ni Portia, maiinitindihan niya ako.

“Ma, I just need it okay? Saka na ang concrete at precise na rason kung bakit ko siya kailangan.”

“Anak, this Christmas, uuwi ka ba?”

“Ofcourse! Uuwi ako!”

“Paano si Portia?”

“I’ll celebrate New Year na lang with her.”

“Okay, anak, ingat ka lagi diyan, I love you!”

“Love you too Ma!”

Habang nagiilabyu ako kay mama, nagulantang ako sa prescence ni Priscilla sa office.

“I need to talk to you now!” sabi niya, sabay hila sa akin papunta sa hallway.

   

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...