Athena: The Goddess of Violen...

By foolishlaughter

2.2M 44.8K 4.7K

**COMPLETED*** /// WROTE THIS DURING MY THIRD YEAR IN HIGH SCHOOL SO PLEASE DO NOT JUDGE /// She was said to... More

PLEASE READ THIS
Prologue
Chapter One: Concealed Charm
Chapter Two: Water Doors
Chapter Three: The Jerk
Chapter Four: Cursed Eyes
Chapter Five: See What I Can Do
Chapter Six: Epic Dares
Chapter Seven: Jokes For Trouble
Chapter Eight- Jed's Perplexing Encounter
Chapter Nine - Fan Girls Gone Insane
Chapter Ten - The Goddess is Revealed
Chapter Eleven - Lowering My Guard ( Who is 'she'? )
Chapter Twelve - Codename: Vio
Chapter Thirteen - Nerdy's Lost In The Night World
Chapter Fourteen - The Members of The Gang + Discovering 'Gray Eyes'
Chapter Fifteen - Letting Go Is Harder Than Moving On ( 'She' Chapter)
Chapter Sixteen - Don't Ask Me Why
Chapter Seventeen - Playful Fate
Chapter Eighteen - Ending It Where It Started
Chapter Nineteen - Doing It Vio's Way
Chapter Twenty - WHAT. THE. HELL.
Chapter Twenty One - Jedena VS. Kurthena
Chapter Twenty Two - Three Deadly Minutes
Chapter Twenty Three - Love Is In The Air
Chapter Twenty Four - He Came Back
Chapter Twenty Five - Suddenly He's Dangerous
Chapter Twenty Six - Hell Broke Loose
Chapter Twenty Seven - It's Just Beginning
Chapter Twenty Eight: Athena is Vio
Chapter Twenty Nine - Bitter Sweet Goodbyes
Chapter Thirty - Jedena
Chapter Thirty One - Alvarez Siblings
Chapter Thirty Two - Sabotaged School
Chapter Thirty Three - Eagles
Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides
Chapter Thirty Five - Do You Love Him?
Chapter Thirty Six - I am His
Chapter Thirty Seven - Kurt Learns About Everything
Chapter Thirty Eight - ABDUCTED Part I
Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II
Chapter Forty - Hurting Still
Chapter Forty One - Truth Hurts
Chapter Forty Two - A Favor and a Choice
Author's Note (Edited Chapters)
Chapter Forty Three - Something New
Chapter Forty Four - Kurthena
Chapter Forty Five - We Meet Again
Chapter Forty Six - The Eye
Chapter Forty Seven - True Love
Chapter Forty Nine - The Goddess' Tale
Epilogue
Caught In A Scandal With Mr. Matinee Idol

Chapter Forty Eight - I Love You

20.9K 445 91
By foolishlaughter

May kasabihan nga tayo na "Time heals all wounds."

Ang sugat daw ay naghihilom sa paglipas ng panahon. Sa bawat minutong nagdadaan, unti-unti itong nagsasara. Pero kapag nagkakasugat tayo, yung panlabas na nakikita lamang ba talaga ang mahalaga? Na kapag nagsara na ang sugat, ibig sabihin ba wala na talaga ito?

Paano yung ala-ala kung gaano kahapdi yung sugot na iyon? Papaano yung ala-ala kung gaano kalalim iyong sugat na iyon? Kung sino nga ba ang may kasalanan kung bakit ka nagkaroon ng ganoong sugat in the first place.

Iyon, hindi mawawala.

Habang buhay mo na iyong dala-dala.

Habang buhay na yun sa isipan mo.

Habang buhay na yun sa puso mo.

Eight years na ang nakalipas mula nung araw na kinuha sa akin ang lalaking mahal ko. Eight years na ang nakalipas mula noong patayin siya ng sarili niyang ama sa aking harapan.

Eight years.

Eight years naman bago mangyari iyon, mga magulang ko naman ang pinatay ng tatay niya sa harapan ko.

Nakakatuwa marahil na isiping, sa walong taon na namang nagdaan, hindi na ako iyong dating Athena.

Hindi na ako nagplano ng kahit ano. Hindi ako nagtanim ng kahit anong sama ng loob. Wala na akong binalak na masama. Wala akong inisip na gagawin sa hinaharap.

Matagal-tagal ko ding pinanghawakan ang nakaraan.

Ayoko siyang bitawan. Mahigpit ang kapit ko sa kanya. Dumating ako sa puntong wala akong kinausap, wala akong hinarap. Nagkulong ako. Kinulong ko ang sarili ko sa kanya, sa nakaraan.

Sa nakaraan kung saan buhay pa si Jed. Sa nakaraang napakasaya ko. Sa nakaraang walang ibang mahalaga kung di siya. Sa nakaraang nasa tabi ko lamang siya. Sa nakaraang kumpleto pa ako.

"Momma." Napangiti ako sa boses na aking narinig. Kahit anong problema na iniisip ko, kapag narinig ko ang tinig niya, sumasaya ako. Nagiging magaan ang pakiramdam ko, at nababalik ako sa realidad at katinuan.

Siya nga pala yung dahilan kung bakit bumalik ako sa kasalukuyan. Siya nga pala yung dahilan kung papaano ko naligtas muli ang sarili ko. Siya nga pala yung dahilan kung bakit maayos na ako.

Anak ko nga pala, si Ynna.

Lumapit siya sa akin at kumandong, "Momma, sabi ni Levi pupunta daw sila mamaya dito." Sabi niya sa akin. Natutuwa ako na kahit eleven years old na tong anak ko, malambing na malambing pa rin siya sa akin. "Sasama rin daw parents niya."

"Sina Cynthia?" Natawa kong sabi. "Ang kapal talaga ng ninang mo, baby. Iniimbita niya yung sarili niya sa bahay natin."

Humagikgik si Ynna na ikinatuwa naman ng puso ko. Sa tuwing tumatawa siya, pakiramdam ko muli kong naririnig ang pagtawa ni Jed. Kapag ngumingiti siya, nakikita ko ulit ang pag-ngiti ni Jed. "Ma, sabi pa ni Ninang, pupunta rin daw sina Tito Blight and Tita Chenoa, si Ninong Krypton at si Tita Suzy, si Tita Yuri, pati si Ninang Thea at si Tito Sean."

Napabuntong hininga na lamang ako sa narinig. Ibang klase talaga yung best friend ko. Nakuha pa niyang magpakain sa pamamahay ko ng wala akong kaalam-alam. Hindi na rin ako nagulat, dati nang gawain ni Cynthia iyan. Naalala ko pa nung unang beses niyang gawin iyon. Gang lang namin noon ang kasama pero inis na inis na ako, tapos ngayon may dumagdag pa.

Pero masaya ako para sa kanya. Masaya ako na naayos na niya ang problema niya sa mga magulang niya. Ikinasal sila ni Jiro three years ago, pero si Levi, yung anak nila, six years old na. Oo, alam niyo na. Hindi na sila napigilan sa sobrang pagmamahalan nila.

Si Chenoa at si Blight naman, eight years na silang engaged. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila nagpapakasal. Pero sa pagkakaalam ko, gusto raw patunayan muna ni Blight na totoo ang pagmamahalan nila. Hindi daw kasi siya ganoon kasaya sa pagsisimula nila, na pilinilit lang pala na maging girlfriend niya si Chenoa para maprotektahan ito.

Hindi na siguro kayo magtataka kung year after ng incident eight years ago ay nagpakasal na sina Suzy at Krypton, hindi ba? Pagkatapos kasi nung mga nangyari, natakot na sila na baka may masamang mangyari sa isa't isa. Kaya naman, hindi na nila pinatagal, nagpakasal na sila. Yun nga lang, hindi pa sila nabibiyayaan ng supling.

Kung iniisip niyo naman na nagkatuluyan din sina Thea at Sean, nagkakamali kayo. Two years pagkatapos ng incident, nagkita ulit si Thea at ang kuya-kuyahan niya noon na si Justin. Talaga nga namang "first love never dies" ang motto ni Thea, dahil isang buwan matapos lang nilang muling magkita, naging sila na at going strong naman sila hanggang ngayon.

Pero wag kayong mag-alala, dahil si Sean naman, napapansin kong dumadamoves sa chinita na si Yuri. Hihintayin ko nalang siguro na may mabuo sa dalawang yan, bagay kasi sila e. Si Sean na palabiro, at si Yuri na sobrang slow. Nakakatuwa silang makitang magkasama. Tipong nakabanat at nakapagjoke na si Sean, hindi pa rin ito naiintindihan ni Yuri.

The Ravenous Frolic operations were closed down in accordance to my orders. Wala nang tournament, wala nang labanan. I ended everything. Hindi ko naman kasi talaga nakuha yung sense kung bakit ginawa pa ni Lolo yon. Sabi niya, it was to train the company's future protectors. Para sa akin, old school na masyado ang paraan ni Lolo. Nagpaalam ako bago ko burahin ang Frolic sa mundo. I decided to come up with new ways para ma-enhance at matrain ang skills ng mga empleyado ko. This is through personal trainings with professional coaches, seminars, etc.

Sina Cynthia, Chen, Jiro, Blight, Sean at Krypton ay nagttrabaho sa Eagles. Lahat sila, may kanya-kanya nang branch sa iba't ibang field nito (restaurants, hotels, bakns, etc..). Si Thea naman, naging isang doctor, although nagi-intern palang siya sa ngayon. Si Suzy, sa hindi inaasahang panahon ay pumasok sa show business. At si Yuri naman ay isang sikat na fashion icon na ngayon.

Ako? Sa bahay lang ako, pero ako pa rin ang owner ng Eagles.

Si Lolo, pumanaw na, last year lang. Bago siya nawala, naging masaya kami. Marami siyang kinwento sa akin, at ipinaliwanag din niya ang mga totoong nangyari noong panahon nila. Tama nga ang hinala ko, na natutunan ding mahalin ni Lola si Lolo. At kaya tinanggal sa trabaho si Mr. de Castro, ay dahil ayaw na niya itong masaktan pa lalo, nagkamali nga raw siya. Dapat daw ay hinayaan niyang si Lola ang kumausap, pero nangyari na ang nangyari.

Tinanggap din niya si Ynna ng buong puso. Ang akala niya ay ttratuhin kong parang kapatid si Ynna, pero nagkamali siya. Nang muli kasi kaming magkita ni Ynna, "Momma" pa rin ang tawag niya sa akin. At ang Momma na iyon nga ang nagligtas sa akin. Kaya naman wala akong ibang hinangad kung hindi ang panindigan ang pagiging Mama niya.

Natuwa nga si Lolo e, kasi raw naabutan pa niya ang apo niya sa tuhod. May mga araw nga na mas gusto niyang nakakasama si Ynna kaysa sa akin. Nakalimutan na rin niyang apo rin pala niya ako dahil si Ynna na palagi ang hinahanap niya.

At bago siya tuluyang mamahinga, humingi siya ng tawad sa akin. Sa lahat ng gulong naging bunga ng maling desisyon niya. Sinabi rin niya na ingatan kong mabuti ang anak ko, at patawarin ko na rin pati ang lolo ni Ynna na si Mr. Reginald.

Sinabi rin niya na patawarin ko na ang ama nila ni Jed. Na patawarin ko na lamang lahat ng taong sinaktan ako. Mahirap, subalit pinilit kong gawin iyon.

"Momma, you're not listening, aren't you?" Nakabusangot na tanong ni Ynna.

Nginitian ko siya, "Sorry baby, what was that you're saying?"

"I said, the doorbell rang." Pag-uulit niya.

Wala nga pala kaming mga katulong. Kami lang dalawa ni Ynna sa bahay. Gusto ko kasi, hindi siya matulad sa akin na maluho o kung ano. Gusto ko, hands-on ako sa pagpapalaki sa anak ko.

Tumayo ako, "Come on, baka sina Ninang mo na yan."

"Mauna maganda!" Tumatawa niyang sigaw, pagkatapos ay dali-dali siyang tumakbo.

Nakisakay naman ako at tumakbo rin, syempre, pinauna ko siya. Muli nanamang natuwa ang puso ko. Sa tuwing nakikita ko si Ynna, nakikita ko pa rin talaga sa kanya ang kuya niya. Masaya ako dahil noon, nasasaktan ako sa tuwing maalala ko siya kapag nasisilayan ko si Ynna. Pero ngayon, wala na akong maramdaman kung hindi tuwa.

"Nauna ko! Nauna ko! I am prettier than Momma!" Sigaw niya. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto.

Nakita kong biglang nagliwanag ang mukha ni Ynna, kasabay nito ay paglapad ng ngiti sa kanayng mukha. "Daddy!" Masayang sigaw habang patalon-talon pa ito. Narinig ko naman ang pagtawa ng Daddy niya mula sa labas, kinuha niya si Ynna at kinarga.

Lumapit ako sa pinto, "Ynna, why do you keep calling him 'Daddy'?!" Kunwaring galit kong tanong habang binubuksan ang pinto. "Hindi mo siya Daddy, do you want Momma to get married already?"

"Because I know that he'll be my Daddy soon." Nakangiti niyang sabi tapos ay hinalikan sa pisngi ang Daddy niya at yinakap ito ng mahigpit. "Yes, get married na. So he'll give me many kapatid na." Nakangisi niyang sabi.

Oo, walang papantay sa Poppa ni Ynna. Wala ring papantay sa Notatt ko. Hindi naman nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Malaki pa rin ang parte niya sa puso ko, mahal na mahal ko pa rin siya at kahit kailan, hindi ko siya ipagpapalit. Pero alam kong gugustuhin niya na may mag-aruga din sa akin, gugustuhin niya na siya ang mag-alaga sa akin. Alam kong may tiwala siya sa kanya. At ako rin, may tiwala sa kanya. Alam ko rin na kung magmamahal ako bukod pa sa kanya, siya ang pipiliin niya para sa akin.

Iba ang pagmamahal ko kay Jed, iba rin ang sa kanya.

Siya na kahit kailan ay hindi umalis sa tabi ko. Siya na nagawang tiisin ang napakasama kong ugali. Siya na nakaya akong protektahan sa simula hanggang sa huli.

Nagsimula kami ulit sa umpisa. Hindi naming pinilit ang mga pangyayari. Hinayaan lang naming oras at tadhana ang magdikta kung ano mang mangyari sa pagitan namin.

Sa tinagal-tagal ng istorya ng buhay ko, napatunayan ko na posible nga pala talagang magmahal ng dalawa. Na pwede pala talaga iyon.

"Aww. So sweet, baby." Paglalambing ng Daddy niya sa kanya. "Of course I'll give you more kapatid. Twins, triplets, quadruplets, kahit ilan! Si Momma mo kasi pakipot pa siya e." Pagmamaktol niya, bumusangot din ito na sinundan ng pagsama ng tingin sa akin ng anak ko. Taon-taon ang ibinigay ni Kurt para magawang kunin ang loob ni Ynna. Simula noon, partners in crime na silang dalawa.

Natawa ako at napailing.

Hindi na talaga nagbago itong mokong na to. Baliw at hindi pa rin normal hanggang ngayon.

Pero hindi bale, mahal ko naman e.

Si Kurt Carter nga pala.

Manliligaw ko for almost eight years.

***

Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon. Nakakalong si Ynna sa kanyang Daddy habang nanunuod kami ng Frozen, paborito niyang movie.

"Do you want to hear me sing, Daddy?" Masaya niyang tanong kay Kurt.

Kaagad namang tumango si Kurt. "Syempre naman, tinatanong pa ba yan?"

Ngumiti lamang ako sa nakita kong excitement sa mga mata ni Kurt. Pareho naming alam na napakaganda ng boses ni Ynna. Hindi ako nag-eexaggerate kapag sinabi kong boses anghel ang anak ko. Pero kahit sobrang galling niyang kumanta, kumakanta lamang siya sa harap naming ng Daddy niya.

Tumayo si Ynna, "Wait for me Daddy. I'll wear my Elsa costume!!" Masayang-masaya niyang sabi, pagkatapos ay tumakbo na siya paakyat sa kwarto niya.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan pagkaalis niya.

Hinarap ko si Kurt, "So what brings you here?" Tanong ko sa kanya. Normal lang pumupunta si Kurt sa bahay. Pero he never did unless wala siyang pasabi na pupunta siya.

This was the reason why I wasn't expecting him today.

"Because of this." Sabi niya sabay angat ng isang maroon na envelope.

"Ah." Ang tanging nasabi ko.

Binuksan niya ito, at tinignan.

Kurt,

"Don't! What the hell, Kurt. Don't read it infront me!" Suway ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng malakas, "Wag ka ngang magmura, mamaya marinig ka ni Ynna. Bakit ayaw mo? Ang ganda kaya neto, nakakatouch." Biro niya.

"Wag na please?"

"Nahihiya ka?"

"Syempre!" Mabilis kong sagot sa kanya.

"Hindi mo naman ata ako mahal e." Maktol niya.

"Kurt!"

"Sabi ko na nga ba, pinaglalaruan mo lang ako. Hindi mo naman-"

"Oh shut up! Fine, I'll read it for you then!" Inis kong sabi sa kanya kasabay ng pagtayo ko at padabog na pag-agaw mula sa kanya ng sulat ko sa kanya.

Kurt,

Words will never be enough to tell you everything that's in my heart right now. But I wanted to write you a letter to be able to tell you how grateful I am that you came into my life and never left.

Thank you.

Thank you for putting the destroyed pieces of me back together. Thank you for always looking after me. Thank you for taking care of me. Thank you for believing in me. Thank you for never giving up on me. Thank you for showing me that I can still move forward. Thank you for letting me be with Ynna. Thank you for never leaving my side.

Before, I never knew such guy could exist. A guy who was once so arrogant and a jerk around me can turn into someone so close to perfection like you.

I was never the perfect girl. That is why until now, there are times I wonder, "Ano bang meron sa akin para magkaroon ng isang tulad mo?" Maybe the God above is so kind and merciful, that he gave a woman like me a man like you. Someone who understood my misdeeds. Someone who embraced my wrongdoings. Someone who loved my imperfections.

I won't apologize because you hate it. Okay, nevermind, I'm doing it anyways.

Sorry for making you wait this long. Sorry for breaking your heart. Sorry for leaving you and letting myself fall out of love. Sorry for destroying the wonderful relationship we had.

Kurt I hurt you a thousand times, and yet you kept coming back to me. I left you hundreds of times, and yet you always reached out for me.

I witnessed all the efforts you made. I know how hard it was for you.

But now, I can assure you that those hardships are now over. Those dark days are done.

Because now, I've fallen inlove with you again.

I never demanded anything from you. You've always been kind to me even without me asking. But now, I'm asking you a favor.

One last favor.

Believe me.

Believe me when I say that my heart flutters whenever I'm around you. Believe me that I've grown to love every second that I spend with you. Believe me that I get nervous every time you're near me. Believe me when I say, my heart beats for you. Believe me that I always long for you.

Please don't ever think that I'm doing this because of my gratitude. No. I'm doing this because this is what my heart wants.

I know that you know that there was a man before whom I loved so dearly, that I nearly lost myself when he went above.

I want you to know that I'm not over him.

I will never be over him.

He will always be in my heart just as my grandpa and my parents will be.

And you understood. You understood me like no one have. You know how I felt and you accepted everything that I am.

I know you know what this letter implies, Kurt.

I'm ready. No- actually I already fell even before I admitted myself that I was ready. You were just so persistent and adorable and cute and lovable that I had a hard time fighting back my feelings for you.

But I just want to assure you, that I actually see a bright future ahead with you and Ynna.

Yes, for a moment I thought loving another guy after his death was wrong. But you proved to me that love with you will always be right.

This time.

Just this time, Kurt.

Let me do something right for you. Even just once, let me prove to you that I was worth the wait and I was worth the pain.

I love you.

- Athena: The Goddess of Violence

Continue Reading

You'll Also Like

277K 9.5K 36
[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...
117K 3.5K 46
Soon to be unpublished
65.2K 1.8K 29
Every one of us wants to know the meaning behind our names. But for her, discovering the beginnings of her name seems like a mystery. Author: Eagle...