Apostle Thirteen: The Return...

Galing kay altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... Higit pa

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS

100K 2.7K 1K
Galing kay altheadelarama

Chapter Sixty: THE MASK OF OPHIUCHUS

THIRD PERSON POV

Tahimik ang buong lugar sa burol ni Isly, walang ingay, walang gulo, malinis ang buong lugar. Tanging ang liwanag sa lamp post na nakatayo sa gilid ng kabaong ang nagbibigay liwanag sa lugar.

Kulay puti ang kabaong nito at nanatili lang na nakabukas ang ibabaw. Napapalibutan ng ibat ibang klaseng bulaklak sa baba at ang malalaking bulaklak naman ay may pangalan ng mga naulila at nakikiramay.

Sobrang tahimik sa lugar dahil hindi katulad ng inaasahan ng lahat, walang tao ni isaman sa burol nito. Walang bisita o pamilya, maliban sa kabaong, bulaklak at mga kandila, wala ng ibang matatanaw sa burol nito.

Mayamaya ay tumunog ang isang musika mula sa isang makalumang plaka na nasa may gilid. Nagkaroon ng tunog sa lugar nayon pero ganun paman, mabigat sa pakiramdam at tahimik.

Dahan-dahang binuksan ni Eloisa ang pintuan at pumasok sa loob. Napatingin ito sa lumang plaka na umiikot habang nagbibigay musika. Luma na ito at may sira kaya bigla na lang bumabagsak ang needle at lumilikha ng tunog sa lugar.

Hinayaan nya ang plaka na patuloy sa pagtunog at naglakad paderetsyo sa unahan kung saan naandoon ang kabaong ni Isly. Naupo ito sa kauna-unahang bangko at sumandal.

Isang malalim na ngiti ang sumilay sa labi nito saka tinitigan ang kabaong sa harapan nya.

"Ngayon palang talaga magsisimula ang totoong Gang war, enjoy the show Isly kung nasaan ka man..." saad nito.

LYRA POV

Ang sakit ng mata ko, hindi ako makapaniwala na umiyak ako ng ganito dahil sa batang yun. Magbabayad sya sa akin kapag nagkita kami sa kabilang buhay.

Si Isly...

Hindi, hindi dapat ako mag-isip ng iba pang mga bagay. I must focus sa mga susunod pang mangyayari at kung ano ang dapat kong gawin.

"Bawal nga pumasok eh"

"You tabi or I'll sipa you!"

Shit! Ang aga-aga kahit na late na naman talaga ay may mga pusa sa bubong namin, sino na naman kayang kaaway nun ni Akagi?

"Hindi nga pwede!"

"I'll bilang then you alis, 10, 1!"

That voice, isang tao lang naman ang kilala kong conyo. Lumabas ako ng kwarto at dumeretsyo sa sala, tama nga ang hinala ko, si Cly.

"Alam nyo, bagay kayo" saka ako tumingin sa kanila habang bumababa't taas ang kilay ko.

"Iwww... Yaks... Kadiri!!!" si Akagi.

Sya pa talaga ang may ganang sabihin ang bagay na yan, bakla nga yata talaga ang isang ito. Palibhasa puro computer ang hawak kaya hindi alam ang isang alindog ng babae.

Alindog, pwe!

"Anong ginagawa mo dito?" bumaba ako ng hagdan at tinungo si Cly, wala din namang nagawa si Akagi kung hindi ang papasukin sya.

"About Isly-"

Tsk, parang biglang kumirot ang utak ko sa narinig ko. Ayoko munang isipin ang bagay na yon pero ang mga tao sa paligid ko, pilit na pinapaalala ang bagay na ito.

"What's wrong?" saka ito lumapit sa akin.

"Pinoproblema ko ang kagandahan ko" at naupo ako sa sofa.

"Lyra stop your bitchie bitchie, kilala na me ikaw. We're boardmates kaya..."

"Oro?"

Saka ako nagsmirk kay Cly para asarin ito, napapout naman sya at saka naupo sa tapat ko.

Ang totoo nyan, sa kabila ng pagiyak ko kagabi na ngayon ko lang narealize na sobrang nakakahiya, may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko.

All this time, sa tagal ng galit ni Jireh sa mga Apostles, kinalimutan nya yun para sa akin pero sa isang bigla, nagbago ang lahat.

Kahit tanga yon, matigas ang ulo ni Jireh at hindi agad magbabago. It means may sinabi si Isly sa kanya dahilan para maging ganun ang reaction nya.

Si Isly ang malaking palaisipan dito, after nya akong kausapin, bigla na lang syang namatay. Para bang ginagago nya ako ng sabihin nya na sya ang papatay sa akin pero nauna pa syang mamatay.

At ang isa pang gumugulo sa utak ko...

"May mali dito..." saad ko kay Cly.

Sigurado ako na mga Apostles lang ang nakakaalam ng pagkamatay ni Isly. Wala kaming access kay Ophiuchus kaya sigurado ako na may tao sya na magsasabi nito sa kanya.

"Isly told me na sya ang papatay kay Ophiuchus"

The words he used, anong ibig sabihin nun? Sya ang papatay kay Ophiuchus as Libra or as himself?

"That means, kilala na nya who is Ophiuchus noon pa"

Posible ang bagay na yun, masyadong nafocus ang utak ko sa may-ari ng red Ferrari enzo na iyon at isa pa, ang sitwasyon namin ni Caleb at Jireh na dapat kong kalimutan.

Hindi ito ang oras para sa mga ganung bagay, kailangang pairalin ko ang utak ko kesa sa nararamdaman ko.

Isly didn't die for nothing.

"But Isly also told me na sya ang papatay sa akin... Kung kilala na nya si Ophiuchus, that also means na predict na din nya ang bagay na ito. Kung gusto nya talaga akong patayin, dapat ginawa nya yun bago sya patayin ni Jireh"

Or pwede din na sinadya nya ang lahat ng ito at nagpabaril talaga sya kay Sungit. Ano ang totoong nangyari nun?

"Maybe what he means sa pag-kill sayo is not physically but emotionally..."

"If he wants to do that, hindi ba mas maganda kung sinabi na lang nya sa akin kung sino si Ophiuchus tutal mukhang ayaw naman sabihin sa akin ni Caleb ang totoo kesa i-sacrifice pa ang buhay nya?"

If that's the case, malapit lang talaga si Ophiuchus sa amin. Kilala nya ito pero hindi nya pwedeng sabihin sa akin ng harapan kaya gumagawa sya ng paraan para isipin ko ang bagay na ito.

"Anong iniisip mo?" si Akagi.

"It makes me think, the Apostle Ophiuchus..."

Ang sabi nya, may mga butas sa lahat ng mga nangyari simula pa noon ng nag-aaral pa kami sa Wimbledon. Kung butas lang din ang pag-iisipan, isang tao lang ang alam ko.

He looks perfect but there are flaws in his moves.

I need to break down lahat ng nangyari noon. I had an accident at nagka-amnesia ako, the first person happened to be there was Caleb then dinala nya ako kay Christine.

That time, the first person na naghanap sa akin was Klio and Persona. Then I went to Ateneo at pumasa sa exchange student program at nakilala ang Helena Gang.

Kilala na ni Caleb ang Helena bago paman ako lumipat sa Wimbledon but then, hinayaan parin nya akong umalis. Ibig sabihin, nang mga oras na yun, may isang tao na lagging nagmamatyag sa kilos ko para kay Caleb.

Then Apostles started to show up and that was also the time na pumasok din si Caleb sa Wimbledon.

The plan was perfect to conceal my identity, para lituhin sila na ako si Bloody Maria but...

But how come na nalaman ni Prime agad ang katauhan namin Caleb sa umpisa palang? Pinagpilitan pa nya ito sa lahat kahit na hindi nya mapatunayan.

Ibig sabihin, may alam si Prime sa mga butas na yun na tinutukoy ni Isly at kung hindi ako nagkakamali, the Thirteenth Apostle Ophiuchus...

"Akagi, call all the Apostles..."

"Eh?" para namang nabigla si Akagi sa sinabi ko at nanlalaking matang tumingin sa akin.

"We will unveil the mask of Ophiuchus..."

THIRD PERSON POV

"Caleb"

Pumasok si Kneel sa loob ng kwarto kung saan naandoon si Caleb. Tinitingnan nito ang tatlong katana ng pamilya Aragon at parang sinusuri isa-isa. Hinugot ni Caleb ang pangatlo at pinagmasdan ito. Halos kumikinang pa ito sa talas ng blade ng katana kahit na ginamit nya na ito noon pa kay Lyra ng maglaban sila.

"The owner of Red Ferrari Enzo..."

Patuloy lang na tiningnan ni Caleb ang katana sa kamay nya habang nasa likod naman nya si Kneel na kinakabahan sa kung anomang naiisip ng kaibigan. Huminga ito ng malalim saka sumagot.

"It's Jireh..."

Yun ang nakalagay sa information na ibinigay nya noon kay Caleb. Ito din ang dahilan kung bakit hindi masabi-sabi ni Caleb kay Lyra ang bagay na ito dahil alam nyang masasaktan lang si Lyra.

Ngumiti si Caleb magkaganun pa man, hindi parin ito humaharap kay Kneel. Mas humigpit ang hawak nya sa katana at saka sinubukan itong i-slash sa hangin.

"Stop it Kneel, hanggang kailan mo ba ako balak lokohin. We both know na hindi si Jireh ang may-ari ng Red Ferrari Enzo..."

Ibinalik ni Caleb ang katana sa saya nito saka humarap sa kaibigan. Sobrang bigat naman ng pakiramdam ni Kneel sa sinasabi nito. Kakaiba ang katahimikan sa mansion na para bang sila lang talaga ni Caleb ang tao doon.

Kung sabagay, kanina pa nya napupuna ang bagay na ito, wala ang mga underlings nila sa mansion.

Bukod sa boses nilang dalawa at malalim nyang paghinga, wala na syang iba pang nararamdaman sa lugar kung hindi tension at kaba.

"Then who is it kung hindi sya?"

Sigurado si Kneel na si Jireh ang may-ari ng Ferrari Enzo na gustong pumatay kay Lyra. Kaya buo ang loob nito na sumagot kay Caleb.

"Kneel..."

"Caleb, tell me..."

Kung sinoman ang pangalan na babanggitin ni Caleb, handa si Kneel na patayin ito. Since mahal na mahal ni Caleb si Lyra, handa nitong gawin ang lahat at ganun din sya para sa kaibigan.

"Kneel, tama na..."

Napalunok si Kneel, wala sa itsura ni Caleb ang pumatay o magsimula ng gulo. Gusto lang nitong sabihin kung anoman ang nalalaman nya para matapos na ito.

Nalaman nya ang tungkol sa katauhan ni Ophiuchus ng maglaban silang dalawa. Lahat ng sinabi nito sa kanya, ang mga kilos nito't galaw, alam na alam nya yun dahil iisa lang ang nagturo sa kanilang dalawang makipaglaban.

"That day ng maaksidente si Lyra, nasaan ka?"

Nagulat si Kneel sa tanong ng kaibigan. Wala na sana syang balak magsalita pa pero mukhang imposible ang bagay na yun.

"Ano bang sinasabi mo? Nasa Japan ako alam mo yun..."

Tama, yun ang pagkakaalam ni Caleb, tinawagan pa nya ito ng araw na yun kaya sigurado sya sa bagay na ito pero hindi nya naisip na pwedeng recorded na lang ang lahat at talagang pinalano nya ito.

"The info that you showed me, pangalan ni Forex at Jireh ang naandoon but then sa mga info na nakuha ni Lyra, it's Forex and Kanata Edogawa. Ilan lang kayo na nakakaalam ng totoong pangalan ko. Lowell is with Klio and Persona that only left you as the culprit ng mga oras na yun..."

Napahakbang papalapit si Kneel at naikuyom ang kamao nito, sa isang banda, biglang nagbago ang aura nito at napalitan ng galit.

"Pinagdududahan mo ba ako!? After ng lahat ng ginawa ko para sayo? Caleb, lahat ng utos mo sinunod ko!"

"And that what makes me bother more..."

Parang sasabog sa kaba at pagkabigla ang puso ni Kneel. Para syang sinasaksak sa likod ng ilang beses at hindi sya makahinga. Masyadong maliit ang kwarto na ito para sa kanila ni Caleb na gusto na nyang lumabas.

"During my fight with Scorpio, pinigilan mo ako non, hindi dahil sa nag-aalala ka talaga sa akin, kung hindi dahil sa natatakot ka na baka malaman ko ang totoo kaya naman sumunod ka at nagmasid hanggang sa matapos ang laban namin."

"At bakit ko naman gagawin yun..."

Gumawa ng sarili nyang investigation si Caleb tungkol sa nangyari kay Lyra noon at hindi nya ito ipinaalam kahit kanino, maging kay Kneel o Lowell.

"Dahil ang unang tao na naghanap kay Virgo matapos ang aksidente ay walang iba kung hindi si Scorpio. After what happen, bumalik ka sa scene para masigurado kung patay na ba si Lyra o hindi and Scorpio happened to see you. Natatakot ka na baka biglang maalala ni Scorpio ang bagay na yun at sabihin sa akin..." (ref. Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum: Chapter 4)

Sigurado si Caleb na kapag nakita ni Scorpio si Kneel, mamumukaan sya nito at makikilala. Hindi man agad agad, pero sapat na yun para paghinalaan nya si Kneel. (ref. Apostle Thirteen: The Return of the Queen: Chapter 47)

"at ang mas nakakapagtaka sa lahat, si Prime Yvanovinch. Buong akala ko, may butas lahat ng plano ko dahil sa pagdating ni Jireh sa buhay ni Lyra pero dahil yun sa ikaw mismo ang kinukuhaan ko ng information. Nang magalit ka dahil hinayaan ko si Lyra noon nabarilin ni Prime, nilapitan mo agad ako para konprontahin dahil kung hindi mo ginawa yun, magugulo lahat ng plano mo..." (Ref. Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum: Chapter 54)

Huminga saglit si Caleb at saglit na tumigil. Pinagmasdan nya kung anong gagawin ni Kneel o magiging reaction nito.

"Ikaw din ang naghack sa system ng Helena Gang para magbigay ng information kay Prime tungkol sa mga plano ko at sa pagkatao ni Lyra. Since ang tanging pinapagawa ko lang sayo ay kumuha ng information, hindi mo din masabi kung ano ba talaga ang plano ko dahil wala akong pinagsasabihan nito kaya kailangan mo si Prime para alamin ang mga bagay na ito para sa iyo."

Sa madaling sabi, ginamit nya si Prime para kumilos ito para sa kanya ng hindi namamalayan ng isa.

"Paano mo ipapaliwanag ang Ferrari Enzo na nakaregister sa pangalan ni Jireh?"

Yun lang ang pwede pang panghawakan ni Kneel para sa sarili nya. It's pretty obvious na pangalan ni Jireh ang nakalagay doon.

"Gaya nga ng sinabi ko Kneel, sayo ako kumukuha ng information. Possible na ginawa mo lang ang information na yun para mapagtakpan ang pagkatao mo..." at isa pa, magkaiba ang information na nakuha nila ni Lyra.

Ginamit ni Kneel ang totoong pangalan ni Caleb para i-register ang sasakyan na ginamit sa pagtangkang pagpatay kay Lyra. Bukod pa doon, iilan lang silang nakakaalam ng totoong pangalan nito.

"Kaya ba sinunog mo ito pagkabigay ko sayo?" (Ref. Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum: Chapter 63)

"That time, I felt something weird sa information na binigay mo. It all points out kay Jireh. Hindi ko alam kung bakit ganun kalaki ang galit mo sa mga Montenegro pero alam ko that time, may tinatago ka sa akin. Mas napatunayan ko ang hinala ko nung birthday ni Jireh"

Humarap si Caleb kay Kneel, this time, wala na syang takas sa lahat ng information na hawak nya at kung ideny pa nya ang bagay na ito, hindi na alam ni Caleb ang gagawin.

"Nung time na tinawagan kita, hindi ako tumawag para magpasundo sayo, tumawag ako para kumpirmahin ang isang bagay. Hati ang celebration ng birthday ni Jireh, sa dalawang magkaibang lugar at oras. Yung isa, para sa mga guest ng pamilya nila at yung isa, tanging mga Apostles at Helena Gang lang ang nakakaalam. That time, nagpakita din si Ophiuchus sa aming lahat. Paano mo nalaman ang lugar na yun kung hindi ka Apostle? At papaano mo ako napuntahan sa lugar na yun ng ganung kabilis? Dahil ung umpisa palang, naandoon ka na"

Sinigurado ni Caleb na nakapatay ang GPRS nya ng araw na yun, kapag iyon ang isinagot ni Kneel, mas lalo nya lang itong mahuhuli. Wala na syang pwede pang idahilan sa bagay na ito maliban na lang sa aminin ang totoo.

"I see, kaya ayaw mo ako papuntahin nun dahil mas lalong tatama ang hinala mo." (Ref. Chapter 57)

Dahil kung hindi nagpunta si Kneel ng gabing yun, pwede pang ideny ni Caleb ang lahat, ng mga nalalaman nya. Parang naiintindihan na nya ngayon si Jireh, mahirap tanggapin ang katotohanan lalo na kung importanteng tao sayo ang mawawala.

Handa kang magpakatanga para sa kanya.

Iyun din ang dahilan kaya hindi nya masabi kay Lyra ang totoo ng malaman nya ito. Kaibigan nya si Kneel, kababata nya ito at parang kapatid na. Isa pa, ang laki nyang tanga na ngayon nya lang naintindihan ang mga bagay na ito.

Masyado syang nabulag sa pagmamahal nya kay Lyra at sa selos kay Jireh na hindi na nya naisip ang posibilidad na ito.

Pinagmasdan ni Caleb si Kneel, alam nya na nag-iisip pa ito ng ibang palusot sa sasabihin nya pero handa sya.

"Kneel, let me tell you the reason kung bakit ka naandito," saglit itong tumigil at huminga ng malalim.

"It is about the death of Isly Ressurreccion, right?" Nagulat si Kneel sa sinabi ni Caleb.

"Ang head mistress ang nag-ayos sa pagkamatay ni Isly at ang mga taong sinabihan nya lang ay ang mga Apostles, sinigurado nya ang bagay na yun. Since wala kaming access kay Ophiuchus dahil hindi pa alam ang pagkatao nya, possible na may tao sya na kumikilos para malaman ang bagay na ito katulad ng kung papaano nya nalaman ang iba pang impormasyon tungkol sa mga Apostles."

Tumingin ng diretsyo si Caleb kay Kneel at saka napangiti ng mapait. Saying those words in a friend, para na din nya itong sinesentensyahan.

"Without knowing this at kung tama nga ako sa pagpunta mo dito, don't you think its weird? Hindi ka naman Apostle kaya imposible mong malaman ang tungkol sa pagkamatay nya unless gaya nga ng sinabi ko you are him..."

Sa itsura ni Kneel, doon nakumpirma ni Caleb ang totoo, na kahit na hindi na ito magsalita pa o kumilos, sa tingin palang nito sa kanya, alam na nya ang tumatakbo sa utak ni Kneel.

Napahawak sa mukha nya si Kneel sunod ay sa tyan nito saka kumawala ang isang malakas na tawa. Sobrang lakas nito na para bang iyun lang ang pwede nyang gawin sa mundo.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hinubad nito ang maskarang bumabalot sa mukha nya at pinakita nya ang totoong ugali nya. Kung sino ba sya talaga at kung anong kakayahan nya.

"Tama ka, ginamit ko ang talino at lakas mo... Bakit? Simple lang, dahil pinatay mo ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. Nang patayin mo si Master, hindi lang isang guro ang kinuha mo sa akin, inalisan mo din ako ng ama kaya wala kang karapatan na gamitin ang pangalan nya matapos ng ginawa mo. At si Lowell, sinakripisyo mo sya para lang protektahan si Lyra... Ginamit kita Caleb, tulad ng paggamit mo sa amin..."

Noon paman, naisip na ni Caleb ang bagay na yun at masakit lang isipin na dahil sa kanya kaya nasasaktan at nahihirapan ngayon si Lyra. He targeted Lyra dahil ito ang kahinaan nya, kung mawawala si Lyra, mawawala din ang lahat sa kanya.

Pero ang hindi nya maintindihan ay ang galit ni Kneel sa mga Apostle at sa mga Montenegro.

"At para makaganti sa iyo, lahat ng importante sayo, kukunin ko, papatayin ko hanggang sa maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko... Lahat ng iyun, ibabalik ko sayo ng buong buo at ganun din sa mga Montenegro..."

Noon paman nya gustong malaman ang connection ni Kneel kila Jireh pero wala syang makita. Mukhang bago pa magumpisa ang lahat ay binura na ni Kneel lahat ng pwede nyang malaman sa pagkatao nito at sa nakaraan nya.

"then one last thing bago mo ako patayin..."

Kalmadong saad ni Caleb. Sigurado na sya sa bagay na ito pero gusto parin nya marinig kay Kneel ang totoo.

"The thirteen Apostle Ophiuchus... is it you Kneel?"

Lumapit si Kneel sa dalawa pang katana sa harapan nila at hinugot nito ang kauna-unahang katana. Iyun din ang katanang ginamit ni Caleb para patayin ang ama nya.

Ngumiti sya kay Caleb at saka sumugod dito bago pa nito namalayan.

"I am..."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.4M 27.9K 43
A Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent h...
227K 10.2K 48
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito n...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...
473K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...