Pagkatapos ng naging usapan namin ay hindi niya pa din akong kinakausap. Ang tanging huling sinabi niya lang ay gusto niyang makasama si Azi ngayon.
Hindi naman ako makatanggi, dahil may karapatan pa din siya sa anak namin.
"Shet, wag mong sabihin ngayon niya lang nalaman na anak niya si Azi?!" bulong ni Paulheen sakin. Tumango lang naman ako.
Kasalukuyang nagtatago si Azi sa likod ko. Nahiya kasi siya bigla. Napatingin naman ako kay Jungkook na tila gustong gusto niya ng mayakap uli si Azi. Agad namang sumikip ang dibdib ko.
"Azi.." tawag ko sakanya at pinantayan siya.
"He's your father.."
Nanlaki ang mata ni Azi sa sinabi ko at agad tumingin kay Jungkook. Lahat kami nagulat nang biglang tumakbo si Azi palapit kay Jungkook atsaka niyakap ito agad.
Niyakap din naman siya pabalik. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa sobrang saya. Akala ko noon kapag nakilala ni Azi si Jungkook ay magagalit siya dito.
Napatingin naman ako kay Jungkook na naiyak na. Shit, last na kita kong umiyak siya ay nung naghiwalay kami nine years ago.
Hanggang ngayon di pa din nagsisink in sa utak ko na siya ang tatay ng anak ko.
Halos hindi mapaghiwalay sila Azi at Jungkook sa buong pagiikot namin dito sa Disneyland. Parang saling pusa nga lang ako eh. Inis.
Anak ko din yan! Hello?
Kahit gusto ko man yung sabihin ay hindi ko magawa dahil ngayon lang naman sila nagsama. Hays.
"So ano? Jungkook, ikaw na bahala sakanila." sambit ni Paulheen.
"H-huh?! S-sabay tayo!"
"Ha? Ano? Sorry di ako nakapagcotton buds ngayong araw. Di kita marinig. K bye, babush! Ingat mga teh!" paalam ni Paulheen atsaka hinila si Mina palayo.
Napatingin naman ako kay Jungkook na buhat si Azi na tulog na.
Agad naman akong nagiwas ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinila ang bewang ko palapit sakanila.
"Ang layo mo masyado."
"Ah.. Uh nga pala, akin na si Azi baka nabibigatan ka na. Atsaka uuwi na kami--"
"Sa tingin mo ba papayagan kong magbiyahe yung mag ina ko ng ganitong oras?"
Sa sinabi niyang yun, dun ko narealize na gabi na pala at magsasara na ang Disneyland. Napakagat labi nalang ako at napatingin sa sapatos ko.
"Sa condo ko tayo matutulog."
"WAIT HA?!" sigaw ko sa gulat.
"Gabi na, Dianne. Baka mapano pa tayo sa daan. May condo naman ako dito malapit."
"K-kahit na! Ano nalang iisipin ni Cin--"
Hindi na ko nakapagsalita dahil sa mabilis na halik iginawad niya. Sumakto pang nagfire works nang maglapat ang labi niya sakin.
Gulat pa din ang mata ko nang matapos. "My planned wedding with her is already canceled." casual nitong sambit.
Habang ako naman ay tulala pa din. SHUTANES. ANO?!
"H-ha? P-paano?"
"Nakipagaway ako kay Mama."
"ANO?!"
"I just realize that it's time to choose my happiness. So i chose you."
Hindi ko maiwasang hindi mamula sa sinabi niyang yun. Hanggang sa kotse ay tulala pa din ako sa nangyari.
So wala na sila ni Cindy?
Wala na? As in?!
Para tuloy akong baliw ngayon ngumingiti magisa. Shocks! Nababaliw na ata ko?!
"Can you tell me everything about Azi..? I want to know him.. I want to know more about him." sambit niya na parang nahihiya pa sa'kin.
Napangiti naman ako dun. "Nung ipinanganak ko si Azi. He's not healthy unlike the other babies i saw at the hospital that time. Sabi nila mahina daw yung puso ni Azi. Kaya ayun, never kaming gumala ng ganito kalayo. Actually, first time lang ni Azi makapunta sa kahit saan.. Kaya naman ang saya niya."
"I'm always worried about him.. So I sacrifice my career for him. And it was worth it. Everything about Azi.. Feels worth it to me. I don't know why.." nakangiting pag kwekwento ko.
"He's a happy kid though. Kahit alam niya na wala ka noon sa tabi niya hindi niya pinaparamdam sakin na kulang yung pagmamahal ko sakanya."
Natigian naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nginitian ko naman siya na parang sign na okay lang dahil paiyak na naman siya.
Hays, ang iyakin niya pag kay Azi.
Buong biyahe ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa anak namin. Hindi siya napapagod magtanong ng magtanong. Hindi rin ako napapagod sagutin siya ng sagutin.
"We're here." sambit niya nang makarating kami.
Halos mapanganga naman ako sa laki ng building. Everything about the building scream luxury to me.
Siya na ang nagbuhat kay Azi dahil daw baka mahirapan pa ko. Halos lahat ng tao ay nagtitinginan pa sa'min sa lobby.
Shocks, ganda ko ba? Chos, naalala ko nga pala may kasama kong Kpop-Idol like, hello?
Agad na kaming dumiretso sa elevator. Mga ilang floor pa ang nadaanan namin bago kaming makarating sa condominium niya.
Nang makarating kami ay agad akong nagulat nang may makitang guard sa pintuan ng condo niya.
Nakipagusap pa siya ng japanese sa mga ito hanggang sa pinapasok na din kami. Tingin ko ay nagtataka dahil may dala siyang bata at may babae siyang dala.
Wait, baka nagulat lang sa bata noh? Hindi sa babae? Feel ko andami niyang babae eh. Agad namang naginit ang ulo ko.
"May dinadala ka bang babae dito?"
SHIT, BAT KO SINABI YUN?!
Ang malakas niyang tawa ang umalingawngaw sa buong lugar. Agad naman akong namula at agad siyang pinalo.
"Pag nagising si Azi! Ang ingay mo!" inis kong sambit at kinuha na sakanya si Azi.
"Chill, wala kong dinadalang babae dito." pagdedepensa niya.
"Pake ko?! Bahala ka na nga!"
Tinawanan niya lang naman ako uli sa sinabi niya. Agad namang akong nagmartsa papunta sa pintuang nakita ko.
"CR yan."
"Bwiset." inis kong bulong.
Wala na kong nagawa kundi sumuko dahil hindi ko naman kabisado ang lugar.
Sinundan ko nalang siya at nagulat ako nang may secret passage pa pala siya papunta sa kwarto niya.
Sa kwarto niya makikita halos ang buong Tokyo. Agad naman akong napanganga sa ganda nito. Ang hilig niya talaga sa mga gantong churvanes.
Hays, sabagay. Ang ganda naman kasi pag may ganto sa bahay o kung saan.
Agad niya namang hiniga si Azi sa kama. Mabuti nalang at hindi nagising si Azi sa tawa niya.
"U-uh kung gusto mo magpalit ng damit.. May damit ako diyan." awkward niyang sambit at tinuro ang cabinet.
"ANO?! MAY DAMIT KA NG PAMBABAE DITO?! SABI KO NA NGA BA! MAY BABAE KA TALAGA! PAG KATAPOS MO KO BUNTISIN!" pinagpapalo ko naman siya ng unan.
Halos dun ko na nilabas lahat ng hinanakit at galit ko sakanya.
"Tama na!"
"Aray!"
"Dianne!"
Nang matapos ako ay halos medyo lumuwag ang pakiramdam ko. Finally! Nakaganti na din.
"Wala kong pambabaeng damit okay?! What i mean is, you can wear my clothes-"
"Mommy?"
Patay.
---
AUTHORS NOTE:
I just want to say thank you sa pagsupport dito sa story ko. Sad to say, pero last chapter na po yung next na update ko. Thank you po ng madami sa mga nagcocomment at nagbabasa. For three years. Finally, Matatapos ko na din. Maraming maraming salamat. Mamimiss ko kayo! ♡
#JungKaye lang matatag. Charot!
-missjae