Chapter 17: Rain

557 22 2
                                    

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napaurong. Agad akong tumakbo palayo kahit pagewang gewang pa ko sa paglalakad.

"Shit.. I need to go." bulong ko.

Agad akong bumalik kung saan ko iniwan si Paulheen. Pero wala na siya dun.

"Nasan na siya?!" frustrated kong sambit sa sarili at inikot ang mata sa buong paligid.

Tinanong ko pa ang bartender kung nasaan siya, sabi maman nito ay nagmamadali daw na lumabas kanina.

Agad naman akong lumabas sa bar para hanapin siya. Ang tanging naiisip ko nalang ngayon ay gusto ko ng umuwi.

Hindi ko na kaya pang magstay dun sa bar na yun.

Bakit ba kasi lagi ko siyang nakikita?

Hindi pa ba sapat na nagkita na kami ng ilang beses?

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sana si Paulheen pero nakita kong may text sya kaya binuksan ko agad ito.

Paulheen:

Sorry naiwan kita. Si Mina kasi.. Inaatake bigla ng lagnat. Sorry dai, babawi ako promise. Love you.

Tila nawala ang inis ko kay Paulheen nang mabasa yun. Naguguilty tuloy ako na niyaya ko pa siya. Feel ko ang abala ko. Asar.

Agad na akong pumunta kung saan ako nagpark.

Ngunit natigilan ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Shit! Kung minamalas ka nga naman." i cussed.

Hindi ko alam kung nakailang mura na ko ngayon sa sobrang malas ko. Kainis.

Agad kong ginawang proteksyon ang bag ko sa ulo ko.

Tatakbo na sana ako ng mabilis para makasilong dahil sensitibo ako pag dating sa ulan. Ngunit natigilan ako nang may lalaking humarang sakin na may hawak na payong.

Nagangat tingin ako at nagulat nang makitang si Jungkook ang may hawak ng payong para sakin.

"Get out of my way." mariing sambit ko.

Pero tila hindi niya ko narinig. He just stood there looking at me like he's a statue or something.

Tanginang yan, kung gawin ko kaya siyang statue sa museum?

"I said get out of the way!" iritadong sigaw ko at pilit siyang tinutulak paalis.

Ngunit parang walang epekto ang tulak ko sa laki ng katawan niya.

"Can you stop holding an umbrella for me?! I can handle myself." inis kong dagdag.

"Pucha, bingi ka ba? Aalis na ko sabi. Bahala ka na nga." sambit ko at naisipang sa ibang way nalang dumaan kahit mas mababasa ako.

Aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.

"S-stay with me.. Kahit ilang segundo lang.. kahit ilang segundo lang." sambit niya gamit ang paos na boses.

Parang bigla akong nanlambot at natulala sa sinabi niya. I can't even move a single step away.

Mabilis ko namang inalis ang yakap niya sakin.

"Nababaliw ka na ba? You're drunk!" sigaw ko sakanya.

Sinuntok ko naman siya ng malakas sa dibdib ng paulit ulit.

"Sabi ko aalis na ko diba?! Padaanin mo na ko!" hindi ko alam na umiiyak na pala ko at humihikbi.

Shit, umeepekto na ang alak sakin. I can feel na iiyak ako anytime.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now