Chapter 31: Badnews

515 19 3
                                    

"Mommy, where's my Daddy?"

Natigilan ako sa biglaang tanong ni Azi sakin. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama ni Azi para matulog na. Akala ko tulog na siya.

Hindi naman ako makasagot sa tanong niya. I can't say that his Dad was here. Ayokong maexpose siya sa komplikado naming relasyon ng Papa niya.

Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yung sinabi niya. Where in fact, na andami ng nagsasabing may asawa siya.

Sa tingin niya ba, mapapaniwala niya uli ako? I'm done trusting him. I'm so done. Pagod na kong masaktan ng paulit uli.

"He's far away.." agad naman akong nagiwas tingin para di mapansin ni Azi na naluluha ako.

"Where?"

"I don't know, baby. Just sleep okay? Bawal sa baby ang nagpupuyat." sambit ko at hinarap siya para himasin ang buhok niya.

"I want.."

"To see him.." bulong niya bago nakatulog.

Pagkapikit ng mata niya ay tsaka na nagbagsakan ang mga luha ko. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Hindi pa ba sapat si Mommy..?" bulong ko sakanya.

"Sorry anak.. Pero hindi ko hahayaang makilala ka niya sa ngayon.. Patawarin mo ko." umiiyak kong bulong bago hinalikan ang ulo niya.

--

Kinabukasan, ganon uli ang naging cycle. Hindi pa din maalis sa usapang naganap samin sa kotse.

"Sino ba kasing nagsabi na may asawa ako?" tanong niya sa mababang boses at mabilis na iginilid ang sasakyan atsaka mabilis na prineno ito. Halos mapasigaw naman ako sa gulat.

"You're my only wife.. So tell me, why would i be scared?"

Napayukom naman ang kamay ko. Hindi ko namalayang nagbagsakan na ang mga luha ko.

Bakit ka ba ganyan..? Bakit paulit uli mo nalang akong niloloko?

"Can you please stop lying to me? Durog na durog na ko.. Wag mo na kong lokohin uli.. Hindi ka ba napapagod na lokohin ako ha?!" umiiyak kong sambit.

"Pagod na ko magpabitag uli sa mga salita mo! So stop acting like everything is okay! Because it will never be okay!" malakas na sigaw ko sakanya.

"Aalis na ko. And please, don't bother me again. Don't bother my life again." mariing sambit ko at binuksan ang kotse para umalis.

Narinig ko naman ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit huli na ang lahat nakasakay na ko sa taxi bago niya pa ko maabutan.

Iniling iling ko ang ulo ko para maalis iyon sa isipan ko.  Pagkadating ko sa trabaho ay halos lahat ay nakatingin sakin at pinagbubulungan ako.

"Hala teh, nyanyare ghorl bat sila nakatingin satin? May muta pa ba ko?" gulong gulong sambit ni Lea sa tabi ko.

"Hayaan mo nalang." sambit ko at hindi nalang ito pinagtuunan ng pansin.

Napabuntong hininga naman ako nang makaupo ako sa upuan ko. Tingin ko ay kumalat yung nangyari samin kagabi. Tingin ko ay hindi kinalat ni Justin na ako yung babae dahil hindi pa naman ganon kalala ang nangyayari.

Naiimagine ko na ang mangyayari kung naconfirm talaga nila na ako yun. Handa na din ako.

"Hala ghorl?! Oh my god?! Ikaw ba toh?!" sigaw ni Lea sakin at pinakita ang cellphone niya.

Kasalukuyan kaming nasa pantry ni Lea ngayon nag titimpla ng kape.

"Ang sabi dito.. Kabit daw yung  ghorl ng Boss natin."

"Grabe teh, ang daming basher ni ate ghorl. Hindi naman ikaw toh diba? Hays, bat kasi nakatalikod. Absent pa ko kahapon, kaloka."

Kinuha ko naman ang cellphone ni Lea at tinignan ang mga comments dun.

"I pity his Fianće though."

"Oh, she looks like someone. She's familiar!"

"Woah, i can't imagine she's doing that. I'm sure she's getting paid. What a thot."

"Such a slut. I hope she'll get what she deserve."

Napayukom naman ang kamay ko at hindi ko namalayang nagbagsakan na naman ang mga luha ko.

"Uy gagi, teh! Bat ka umiiyak. Jusmiyo!" natatarantang sambit ni Lea.

Agad ko naman siyang niyakap at humagulgol sa sakit. Sabi ko na nga ba dito din toh papunta.

Bat ko ba hinayaang sirain niya na naman yung buhay ko?

"Don't tell me ikaw yung girl?" kalmadong tanong ni Lea.

Tumango naman ako at lumayo sa yakap.

"He's the father of my son, Lea." ani ko at malungkot siyang nginitian.

"TANGINA?!?! YUNG BOSS NATIN?! ERPATS NI BABY AZI?!?!?!"

--

Inexplain ko kay Lea lahat. Halos umiyak pa ito sa pag kwekwento ko sa nangyari saming dalawa.

Galit din siya kay Jungkook pero sabi niya dapat pa din daw ipakilala ko si Azi bago mahuli ang lahat.

Sinabihan ko din siya na wag na munang isabi sa iba ang katotohanan. Ayokong may makaalam ng sitwasyon namin bago ako magresign.

Napagpasyahan ko na talaga ngayon na magresign. Ayokong dumating sa point na ako na yung paalisin sa kompanyang toh dahil sa mga issue na nangyayari.

Alam kong nakakapanghinayang kung aalis ako agad agad. Pero mas mainam na din ata yun dahil yun naman talaga yung plano ko.

I'm just carried away by my feelings towards him. Akala ko kasi, magiging okay pa kami. Kahit friends nalang.

But i guess, kahit friendship ay hindi kami papayagan ng tadhana. Fate is too bad for us. And i can't blame it for that. Tanggap ko na naman noon pa na hindi talaga kami para sa isa't isa.

Kung may rason man para maglapit kaming muli ay si Azi yun. At hanggang dun nalang iyon.

Tinuloy ko nalang ang trabaho ko at nagfocus nalang dito. Pansin kong minsan ay ay tumitingin tingin sakin na kaofficemate ko pero hindi ko na iyon pinapansin.

Mamimiss ko din 'tong kompanya sa mga susunod na araw. Pero mas okay na din yung gagawin ko.

Nang matapos ako ay sinandal ko nalang ang sarili ko at nagrelax. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko sa pagod, mabuti nalang at tapos ko na lahat kaya di ako mapapagalitan.

Nagising akong nagkakagulo ang lahat at yung iba ay paimpit impit pang natili na parang may artistang dumating.

Anong nangyayari?

"Teh, may badnews ako!"

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang lumapit si Lea sakin na hinihingal.

"Anong nangyayari? Ano yun?" naguguluhan kong sambit habang nakatingin sa mga kaoffice mate ko.

"Yung ano.." hinihingal niyang sambit.

"Yung ano?"

"Yung Fianće ng ex mo nasa baba! Hinahanap ka!"

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at agad kinabahan.

"Ano?" gulat kong tugon.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now