Chapter 36: Revive

786 25 4
                                    

I rushed into the hospital. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko.

Azi..

Naiyak pa ako sa daan habang nagbibiyahe papunta ospital. Halos lahat ng mga mata ay nasa akin, ngunit bibigyan ko pa ba yun ng pansin?

My son is in danger.. I don't care about anything. I just want to see him. Yun lang yung hiling ko sa mga oras na ito.

"A-ate.. Wag mong ibababa yung tawag. Nandito na ko." umiiyak kong sambit sa telepono nang makarating sa entrada ng ospital.

"Dianne, Kumalma ka lang. Nasan ka na ba? Pupuntahan kita diyan." rinig kong sambit ni Kuya sa'kin.

"Love, sayo mo na yung phone. Susunduin ko lang si Dianne sa entrance." rinig kong dagdag niya.

"Kaye, papunta na si Kuya diyan." sambit ni Ate sa telepono.

Binaba ko na naman ang tawag at napaupo sa waiting area. Doon na ako napahikbi.

What happen to him..? Bakit ganon? Bakit nandito siya uli? Pag naiisip ko palang yung takot at sakit na nararamdaman ni Azi ngayon ay hindi ko na kinakaya.

He's my everything.. My son is my everything.

"Dianne!" rinig kong sigaw ni Kuya at niyakap agad ako. Ramdam ko naman ang mabilis niyang paghinga sa yakap niya sakin.

Agad naman akong umiyak sa balikat niya. "Si Azi? Nasan si Azi?!" natataranta kong tanong.

Napansin kong umiiyak na din si Kuya dahil pulang pula na ang mata nito. Ngunit hindi siya makasagot sa'kin na lalo pang mas nagpakaba sa'kin.

"Si Azi?! Nasan siya sabi?!"

"Kumalma ka lang Dianne.. Please.." pagaalo niya sakin.

"Nasan nga siya?! Sagutin mo ko! Pupuntahan ko siya!"

Ngunit hindi niya pa din ako sinasagot na tila natatakot siya sa mga pwede kong gawin.

"Bingi ka ba ha?! Anak ko yong nasa sitwasyon na toh! Nasan siya Kuya! Sagutin mo ko, putangina!" sigaw ko sa sobrang galit at frustrate.

"Nasa emergency room siya Dianne!" sigaw niya sa'kin.

"B-bakit? Bakit siya nandun? Anong nangyari sa anak ko..?" pag mamakaawa ko.

"Nagaagaw buhay si Azi.." bulong niya.

Tila gumuho ang mundo ko sa mga oras na yun. Parang nawalan ako ng hininga sa mga oras na yun sa gulat at takot.

Tama ba yung narinig ko..?

"N-nirerevive nila si Azi, Dianne." dagdag niya.

"A-ano..?"

Napaawang ang labi ko at napaurong sa sinabi niya. Parang kong pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

Na kahit anong ahon ko sa sarili ko ay hindi ko magawa. I feel like dying in pain when i heard those words. Every word suffocates me.

Hindi pwede mangyari 'toh. They're not reviving Azi! Hindi siya patay, para gawin yun.

Hindi.. Hindi.

"Can you stop pranking me?" di makapaniwalang sambit ko at tumawa pa ng peke.

"Hindi siya nirerevive diba..? Hindi siya namatay..? He's not dead!" sigaw ko at mas lalong nagbagsakan ang mga luha hanggang sa bumagsak na ako sa sobrang panghihina.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now