Chapter 19: Sino

580 22 5
                                    

Halos mapasigaw naman ako nang magising akong nasa ibang kama ko. Agad naman akong napahawak sa damit ko at napahawak sa labi ko.

"Anong nangyare?!" bulong ko at tinignan ang damit ko.

Lumuwag naman yung paghinga ko nang makitang yun pa din yung suot ko kagabi..

Pero wait..

NASA CONDO PA DIN AKO NI JUNGKOOK?!

Napanganga ako nang makitang nasa condo pa nga din ako.

Shit, may boyfriend ako. Ano nalang sasabihin sakin ng buong pamilya ko sa ginawa kong toh?

Paano kung nabuntis ako?

"Chill, nothing happened." halos mapatalon naman ako nang makitang nakabathrobe lang si Jungkook sa harap ko habang may hawak na tray ng pagkain.

"Anong ginawa mo sakin ha?!" sigaw ko.

"When we.."

"When we.. What?!" i hysterically said.

"When we kissed.. you fainted." natatawa niyang sambit.

Napaiwas naman ako ng tingin.

"I thought you had a boyfriend? Hmm.. Don't tell me I'm your first kiss." sambit niya habang nakangising nangaasar.

Nakakaasar. Ang saya niyang gawing chips ahoy. Legit.

"Shut up. Aalis na ko." iritado kong sambit at sinuot na ang heels sa paa ko.

"Do you know what i learn from our kiss last night?"

"Oh my god?! Can you stop! Geez! Shut up!" sigaw ko at nagtakip sa tenga.

Nakakahiya talaga, nakakainis. Nakakabwiset.

Tumawa naman siya ng malakas sa ginagawa kong pagtatakip sa tainga.

"Nalaman kong YSLMB ka."

"YSLMB?"

"You Still Love Me, Baby." sambit niya at kinindatan ako.

Halos mabato ko na siya sa sobrang taas ng confidence niya. Grabe ha?

"Di ka sure." sagot ko.

"Aalis na ko." seryoso kong sambit at tumayo na.

"Can you promise me one thing before you leave?" sambit niya at tingin ko ay seryoso na siya ngayon.

"Ano?"

"Pangako mo sakin na hindi mo ko iinvite sa kasal mo kung sakaling ikasal ka man sa iba." sambit niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Pain and regrets are way too visible from his eyes. It's like he pleads to make me stay.

Bigla namang kumirot ang dibdib ko. Mas lalo pa akong nasaktan nang nginitian niya pa ako ng malungkot.

Binaba niya ang tray na hawak niya at nilapitan ako. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko. I can't move.

Nang makalapit siya ay niyakap niya ko.

"Kung pwede lang kitang hawakan ng mahigpit para hindi ka makaalis ay baka ginawa ko na noon pa.." he whispered like he's going to cry.

"Sorry for being late.." bulong niya at mas lalo humigpit ang yakap sakin.

Hindi ko namalayang niyakap ko na din pala siya pabalik kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko.

--

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now