Chapter 40: Penthouse

604 18 7
                                    


"Mommy?"

Nanlaki ang mata ko at nabitawan ang unan. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Jungkook at tila naguilty sa ginawa namin.

"Daddy..?" naguguluhan nitong tawag.

Halos nakapikit pa ang mata ni Azi habang nakatingin sa'min. Agad ko naman siyang nilapitan.

Nakakahiya, shet. Nakita pa ng anak ko yun? HUHU.

"Azi.. Go back to sleep na uli." awkward kong sambit.

"Ba't mo po siya Mommy nihuhurt?" tanong nito at tinagilid ang ulo na parang naguguluhan sa nangyayari.

Hays, ang conyo naman nito. Anak ba talaga kita? Char. Pero wait anong sasabihin ko?

Na pinalo ko yung tatay niya kasi manloloko siya since birth? Ay joke lang pala. Hindi niya nga pala ko niloko- pero ganon pa din yun!

"Uh.. May ano kasi! May lamok k-kasi baby.. Kaya pinalo ni Mommy hehe." pagdedepensa ko at napakamot pa sa ulo.

"Okay.. I'm sleepy again."

"Sleep po kayo dito sa tabi ko ah..? Tatakot po ako eh." dagdag niya.

"Hah?" gulat kong sambit.

"Sure." sambit ni Jungkook habang malokong nakangiti sa'kin.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Dito ka po.." sambit niya at hinila ako sa tabi niya.

"Dito ka din po." dagdag niya at hinila din si Jungkook sa kabila.

"Yay!" tuwang tuwang sambit ni Azi.

I guess wala na kong magagawa kundi sundin ang anak ko. Ano pa bang magagawa ko? Hays. 

Mga ilang oras ay tulala pa din ako. Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sitwasyon namin. Kahit ganitong bagay lang masaya na ko. As long na masaya si Azi, masaya na din ako.

Tulog na naman ata si Jungkook, baka pwede na kong humarap kay Azi.

Ganoon na nga ang ginawa ko, humarap na ako agad.

SHET.

Kala ko tulog na!!

Gulat itong nakatingin sakin, siguro ay nagtataka kung ba't gising pa din ako. Same vibes na ba kami? Comment down below. Chos!

"Bat gising ka pa?" bungad kong bulong.

"Di pa ko inaantok.. Hindi lang ako makapaniwala na nandito kayong dalawa." sambit nito at napakamot sa ulo na tila nahihiya.

Nanlaki naman ang mata ko nang kinuha niya ang kamay ko. "Thank you.." dagdag niyang bulong niya na tila napasaya talaga namin siya ngayong araw.

Natigilan naman ako ng saglit. Hindi ko maiwasang hindi matouch na sinabi niya. Kahit naman ako, ganoon din ang nararamdaman. Ang saya saya ko, sobra. Kung pwede lang magstay sa moment na 'to baka nagawa ko na.

"Salamat din.." sambit ko.

"May kapalit.." dagdag ko.

Parang nadissapoint naman siya sa sinabi ko at nagiintay sa kapalit na sasabihin ko. Gusto ko tuloy tumawa ng malakas.

"Kantahan mo 'ko." nakangiting sambit ko habang nakatitig sa mga mata niya. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

How i miss those eyes. Hindi ko ata makakalimutan ang mata niyang yan. Napangiti naman siya bigla sa sinabi ko ngunit napalitan din 'to ng pagiging seryoso.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Kde žijí příběhy. Začni objevovat