Chapter 3: Fix Marriage

1.2K 41 11
                                    

----------

Kaye's POV.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa canteen. Hindi pa din ako makapaniwala na sobrang lawak ng school na toh. Like, mahal nga talaga ang binabayad nila Mommy.

Natigilan naman ako nang may babaeng tumigil sa harap ko.

"Hello hija. Can we talk?" nakangiting tanong niya sakin.

Tinagilid ko pa ang ulo ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit gusto niya ko kausapin.

Maputi ang balat niya kaso mas nangingibabaw putla. Okay lang ba siya?

Napagpasyahan naming umupo muna para mas makapagusap kami ng ayos.

"Do you want something to eat po? I'll pay--" pagwoworry ko.

"No worries. I'm fine." pagpigil niya sakin at hinawakan ang kamay ko para umupo na muna ako.

"Sino po pala kayo..?" nahihiyang sambit ko.

Dahil hindi ko talaga siya kilala. Wala kong matandaang nagkita na kami noon.

"Im Jungkook's mother." sambit niya.

Spell nga nga mga teh?

Ngayon ko lang napansin na pareho pala sila ni Jungkook ng mata. Wait legit ba toh?

"Oh..." gulat kong sambit.

Natatameme ako. Hayp.

"You're Dianne Gonzaga right?" tanong niya at nginitian ako. Tumango naman ako.

Paano niya ko nakilala?

"Yes po. I'm sorry Maam pero di ko po binully si Jungkook." nakapikit kong sabi at halos paiyak na.

Mamaya kaya siya nandito diba!? Para ipaguidance ako or what!

Natawa naman siya dun. Eh?

"Hindi yun ang pinunta ko dito hija." natatawa niyang sabi.

Eh ano? Huhu. Infairness, marunong naman pala siya magtagalog.

"A-ano po ba ang pinunta niyo dito? Tanda ko po wala pa kong ninakaw this week- charot." i joked.

Natawa naman siya lalo. Eh di ko alam kung bakit ako kilala ng Mommy ni Jungkook! Like duh? Ako kilala? Oh my gosh ha.

"Calm down hija. Actually your parents and i met in Seoul. Im really glad that i met them though. They are one of a kind.. They're the kindest." pagkwekwento niya na parang napakabait talaga ng mga magulang ko.

Galing ng Pilipino iwagayway! Charot.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Kung ganon po hinahanap niyo po ba si Mommy? Nasa Japan po siya ngayon." malungkot kong sambit.

"Ikaw ang pinunta ko hija." she casually said.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Spell nga nga? (2)

"I want you for my son. Be my son's wife, Dianne."

"H-ho??!" sigaw ko sa gulat.

----------

"WAAAH! Anong sabi mo?! Bat di ko toh alam?! Napaghahalataang favorite ka ni Mama masyado! Ampuchi!" sigaw niya at umirap.

"May boyfriend ka na Ate. What do you expect? At sa tingin mo ba gusto ko tong nangyayare?!" sigaw ko sakanya.

𝙢𝙖𝙧𝙧𝙞𝙚𝙙 𝙩𝙤 𝙟𝙚𝙤𝙣 𝙟𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙤𝙠 - completed [JEON JUNGKOOK] Where stories live. Discover now