ALTERNATE UNIVERSE ONE SHOTS

By writes_danica

5.6K 202 205

Consist of different pairs in their alternate universe. With some genres being romance or tragic. Some are al... More

On Past, Jealousy, and Alcohol
Deaths and Birthdays
The 7th of February
Queen Of My Heart
If Ever You're In My Arms Again
A Trip To Remember
She Used To Be Mine
A New Chapter
Traitor
Promise
Crashed
Haven
Exchange of Hearts
Best Part
More Than Just The Two Of Us
Happily Ever After
To Love You More
Stuck With You
Heartbeat
How Do I Say Goodbye
Rewrite The Stars
Midnight Rain Strangers
Perfect
Wish Granted
The Sound of Goodbye
Can't Help Falling In Love With You
From Here To Eternity

Someone Like You

227 4 0
By writes_danica

SOMEONE LIKE YOU

A CAMBIO AU

"Come in!" Sigaw ko sa kumakatok.

"Good morning, Mama!" Bati sa akin ni Emma at may dala dala na dalawang mug.

"Good morning too, anak." Ngiti ko naman sa kanya.

"Here's your favorite coffee. I made that myself, Mama." Proud na sabi ni Emma at inabot sa akin ang isang mug.

"Thank you, My Emma." Kuha ko sa mug at sumipsip ng kaunti rito.

Tinignan ko ang anak ko na mukhang excited na excited para sa araw na ito at ang aga niya pa talagang nagising.

"Mukhang excited na excited ka ah." Biro ko pa sa kanya.

"Of course, Mama." Sagot niya at nag grin pa sa akin. "It's your wedding day!"

Matapos lahat ng gulo dito sa Las Espadas at natapos na rin ang pananakot ni Alice bilang killer groom ay masasabi kong payapa na ang buhay ko. Nalaman na rin namin na si Vida at Emma ay iisa kaya naman masayang-masaya ako na kasama ko na ang anak ko. Magagawa ko na ang plano ko na matagal ko nang gustong gawin.

Ang pakasalan ang taong pinaka mamahal ko.

"Sa ating dalawa anak parang ikaw ang ikakasal sa sobrang excited mo." Biro ko nalang sa anak ko.

"Of course I'm excited Mama. You're marrying Papa and I waited for this for long kaya." Malawak na ngiti niya lang sa akin.

Ako rin, anak, matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.

"Mabuti pa anak, magready ka na at mamaya lang dadating na ang magaayos sa atin." Ngiti ko sa anak ko.

"I prepared breakfast downstairs, Mama. Let's eat na muna at maaga pa naman."

"Okay, tara na at let's see kung masarap ang luto mo." Pang-aasar ko sa kanya.

"Of course, it's masarap. Manay taught me na kaya how to cook, Mama." Tawa lang ni Emma sa akin.

Napailing nalang ako sa kanya at tumayo na sa kinauupuan ko. Sabay kaming lumabas ng kwarto at dumiretso na kaagad sa dining para makapag almusal.

Well tama naman si Emma at ang sarap nga nang mga niluto niyang pagkain at naparami kami ng kain. After breakfast ay naligo na rin kami para makapagbihis na.

Si Fabio kila Vito muna nagpalipas ng gabi dahil na rin sa pangungulit ni Manay.

Sa huli ay nagkapatawaran na kaming lahat at naka move on na. Naging magkakaibigan na kami at masayang masaya si Emma na magkasundo na ang Papa at Dad niya. Naging magkasundo na rin sila Emma at Luna na parang magkapatid na ang turing sa isa't isa. Masaya na rin ako dahil masaya si Emma.

Baka raw himdi matuloy ang kasal kung magkikita kami ni Fabio. Wala naman kaming nagawa ni Fabio kundi ang sumunod. Kaya nung nagising ako kanina ay nanibago ako na wala akong katabi sa kama.

Maya maya ay dumating na rin sila Manay sa mansion kasama ang mga mag-aayos sa amin. Napag-usapan kasi namin na dito nalang kami sa mansion aayusin ng mga stylist.

"What a lovely bride you are, Camila." Compliment sa akin ni Tessa.

Nakasuot na ako ng puting fur bathrobe at nasa isang gilid lang ng kwarto ko ang wedding gown ko na nakasabit pa sa mannequin.

"You look a very lovely bridesmaid too, Tessa." Sagot ko naman sa kanya at ngumiti.

Nakasuot siya ng off shoulder na light yellow na gown na damit ng mga bridesmaids ko.

"So saan niyo balak maghoneymoon ni Fabio?" Pang-aasar niyang tanong sa akin. "I'm sure hindi kayo dito sa Pinas."

"We're going to Italy." Tawa ko naman sa kanya.

Doon namin napagkasunduan pumunta dahil doon din kami unang pumunta noon as partners for business matters noong nagtatago pa ako sa dilim. Pinangako ko sa sarili ko na babalik ako roon sa oras na malaya na ako sa nakaraan ko.

"Lah, si Ate Camila may naalala oh!" Tawang pang-aasar ni Tsoknut sa akin.

"Anong naalala mo doon, Ate? Mukhang ano ah." Pang-aasar niya pa lalo sa akin.

"Loko ka Tsoknut!" Tawa ko sa kanya. "Walang ganun hoy!"

"Alam mo, Camila, isa lang ang gusto ko sayo." Saad naman ni Manay habang naka ngisi.

"Ano naman po iyon, Manay?" Tanong ko sa kanya.

"Iyon ay yung uwian mo kami ng apo." Sagot niya sa akin at nagtawanan silang tatlo.

"Magseselos si Emma sa inyo n'yan, Manay." Tawa ko nalang din sa kanila.

"What did we miss?" Tanong ni Luna sa amin na kakapasok lang kasama si Emma.

Parehas lang din sila ng suot sa mga bridesmaids maliban kay Emma na medyo na iba ng kaunti dahil siya ang maid of honor ko.

"Yung groom miss na nung bride natin." Sagot ni Tsoknut.

"Hindi yung ganung miss, Tsoknut." Iling ni Tessa at natawa.

"Pero parang ganun na rin ata." Pang-aasar niya sa akin at nilingon ako.

"Totoo po yan Tita Tessa." Tawa ni Emma sa akin at ngumisi. "Kahit tulog po si Mama, hinahanap niya pa rin si Papa."

"Emma!" Pout ko sa kanya.

"It's the truth." Ngisi niya pa sa akin.

"Bakit mo naman ako inilaglag ng ganyan." Tawa ko nalang sa kanya.

Napuno lang kami ng kwentuhan habang inaayusan ako. Nang okay na ang ayos ko ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nilapitan ang gown ko. White sweetheart neckline gown ito na may mga burda. Hinaplos ko ito habang nakangiti.

Excited na ako sa mga paparating na araw sa amin ni Fabio na magkasama.

"Halina at isuot mo na iyan, Camila." Saad ni Manay.

Lumabas na ang mga nagayos sa amin. Tinulugan nila ako na isuot ko ang gown ko pati na rin ang veil ko. Ang laki ng mga ngiti ni Emma at Luna habang nakatingin sila sa akin na suot suot ang gown ko.

"Papa doesn't know what hits him when he sees you later sa aisle, Mama." Emma said

"Agree with you Ems, Tito Fabio will surely be shock by your beauty Tita Cams." Luna added and nodded.

"Mga bolera rin kayo eh noh, mana kayo sa mga tatay niyo." Tawa ko sa kanilang dalawa.

"I agree with you, Cams." Tawa ni Tessa. "Parehas ka ba naman nilang nabola eh."

"Isa ka pa Tessa, gagatungan mo pa eh."

"Mas bolera si Papa kasya kay Dad kung ganun." Tawa pa ni Emma sa akin.

"Ewan ko sa inyo, ang dami niyong alam." Pabiro kong irap sa kanila.

"Ate Camila! Andyan na raw yung sasakyan!" Sigaw ni Tsoknut mula sa labas ng kwarto.

"Ito na Tsoknut!" Sagot ko naman sa kanya.

Nauna akong lumabas ng kwarto at sumunod naman sila sa akin sa likod ko. Inalalayan pa nila ako pababa ng hagdan dahil baka matipalok ako sa gown ko na may mahaba haba ring train.

Nasa baba na rin ng mansion sila Manay at Tsoknut na hinihintay kami. May mga photographers na rin na kumukuha ng mga litrato namin. Nang makababa kaming lahat ay nagkaroon pa ng maliit na pictorial sa sala ng mansion bago kami umalis.

"Wow! Grabe ka talaga Ate Camila!" Mangha na saad ni Tsoknut nang makita ang bridal car na sasakyan ko.

"Woah!"

"What the hell!"

"I assume this is Fabio's doing?" Tanong sa akin ni Tessa at tumango ako.

Isang horse carriage ang naghihintay sa amin. May salamin ito at bubong para panangga sa sikat ng araw dahil mainit na mamaya.

"Tita Cams, this looks like something out of a fairytale ah." Compliment ni Luna.

"The princess and her knight in shining armor." Pa ngiti ngiti lang na dagdag ni Emma.

"Sana naman walang masamang pangitain ang mga kabayo na iyon." Saad ni Manay at napailing. "Yung huli kang sumakay sa kabayo ng naka wedding gown naging killer bride ka Camila."

"Hay nako, Manay. Masyado kang worried. Wala nang mangyayaring ganun ngayon." Ngiti ko lang naman sa kanya.

"Magchichikahan nalang ba tayo rito, Mama or gusto mo pang ikasal kay Papa." Pang-aasar ni Emma at binuksan ang pinto ng carriage.

Natawa nalang ako bago sumakay ng carriage. Pang dalawahan ito kaya naman after kong sumakay ay sumunod sa akin si Emma. Sila Manay sa ibang sasakyan sasakay pero nakasunod lang sila sa amin.

Naunang umalis ang puting Lexus na lulan sila Manay at Tsoknut. Sumuno naman na umandar ang puting Mercedes-Benz na lulan sila Tessa at Luna bago nagsimula umandar ang sa amin. Nakatingin lang ako sa harapan habang lumalakad kami habang sa Emma ay sa salamin naman ang focus.

"Mama," Tawag sa akin ni Emma.

"Bakit, 'nak?" Tanong ko sa kanya.

"Do you think I'll found someone like Papa?" Tanong niya sa akin at tinignan ako ng malalim sa mata.

"Of course you will, anak." Ngiti ko sa kanya at hinaplos ang pisngi nito.

"I'm sure Elias will love and treasure you." Dagdag ko pa sa kanya.

"You think so, Mama?"

"Oo naman, hindi ka niya iniwan kahit na itinutulak mo siya palayo noon." Ngiti ko naman sa kanya.

"At andyan pa rin sila hanggang ngayon para sayo. Kaya naman sigurado ako na iingatan ka niya, anak." Dagdag ko pa sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

"Katulad nalang ng Papa mo, Emma, hindi niya ako iniwan kahit sa pinakamadilim pa dako ng buhay ko. Lagi niyang pinaparamdam sa akin na mahal na mahal niya tayo." Saad ko habang may namumuo ng luha sa mga mata ko.

"Don't cry, Mama. Masisira ang make up mo." Ngiti ni Emma sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Ikaw kasi, nak, pinaalala mo pa." Natatawa ko nalang sagot sa kanya ay pati siya ay natawa na rin.

Maya maya lang din ay nakarating na rin kami ng simbahan. Agad na bumaba si Emma sa carriage at inalalayan din ako pababa. May lumapit sa amin na isa sa mga wedding organizer at inabot sa akin ang wedding boquet.

Nauna nang pumasok sa loob sila Manay at kami nalang ni Emma ang naiiwan dito sa labas ng simbahan. Inayos pa ng kaunti ni Emma ang veil ko dahil medyo nagulo ito.

"Miss Emma, pasok na po tayo sa loob para makapagsimula na po ang wedding entourage." Saad ng wedding coordinator.

"Sige na Emma, pasok na sa loob." Dagdag ko rin.

"I'll see you later, Mama." Sagot naman niya sa akin bago sumunod sa wedding coordinator papasok sa loob.

Bumuntong hininga ako at mas humigpit ang kapit sa boquet? Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Wala nang makakapagil pa sa araw na ito hindi katulad noon na nauwi sa isang mapait na trahedya.

Nagsimulang tumugtog ang orchestra sa loob kaya alam kong nagsisimula na sila sa loob. Mga dalawang minuto rin ang lumipas at biglang nagiba na ang pinapatugtog orchestra. Ito na ang hinihintay kong bridal march. Naging diretso ang tingin ko sa nakasarang pinto ng simbahan at hinintay na bumukas ang mga iyon.

Nang bumukas ang mga pinto ang una nakita ng mga mata ko ay si Fabio na nasa dulo ng altar na nakatitig lang at naka-ngiti sa akin. Nasa tabi niya si Vito na tumayo bilang best man niya sa kasal namin. Sinuklian ko iyon ng isang maliit na tango at ngiti bago ako nagsimula maglakad patungo sa kanya.

Nadako naman ang tingin ko sa gitna nang aisle kung saan naghihintay sa akin si Manay at Lola Guada para ihatid ako sa altar at ipaubaya na ng tuluyan kay Fabio.

Dahan dahan ang naging lakad ko hanggang sa narating ko ang gitna ng aisle. Nilingkis ko ang ang mga braso ko kila Manay at Lola at sabay sabay kaming nagpatuloy sa paglalakad. Nadako naman ang tingin ko kay Emma na katabi si Elias at nagpupunas ng luha habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya para naman hindi na siya umiyak. Naluluha na rin ako sa saya na nararamdaman ko pero pinipigilan ko lang ang mga iyon.

Sa wakas ay narating na namin ang dulo ng altar. Nakasuot si Fabio ng isang puting three piece suit at itim na necktie. Nakaayos din ang buhok nito na naka slick back ngayon. Nagmano muna sila kila Manay at Lola bago lumapit sa akin.

"Alagaan mo siya, Fabio." Sabay na sambit ni Lola at Manay at sinuklian ito na malawak na ngiti ni Fabio.

"Makakaasa po kayo, aalagaan ko po ng husto si Camila." Sagot niya sa kanilang dalawa bago dumako ang tingin niya sa akin.

"Ready to be Mrs. Serrano?" Alok niya ng kamay sa akin.

Tinanggap ko iyon at ngumiti sa kanya bago sumagot.

"Ready as I ever will."

Pinaglingkis namin ang mga braso namin at nagtunggo na kami sa harap ng altar. Inalalayan ako ni Fabio na umupo sa upuan namin bago siya umupo.

"We are all gathered here today to witness the wedding of Camila Dela Torre and Fabio Serrano." Anunsiyo ng pari para sa lahat nang naroroon.

Nagsimula na rin ang seremonya at hindi namin binitawan ang kamay ng isa't isa. Hinintay lang namin matapos ang homily ng pari at ang iba pang seremonya bago kami makapanumpa ng pagmamahalan namin sa isa't-isa.

"Do you, Fabio Serrano, take Camila Dela Torre as your lawfully wedded wife?" Tanong ng pari kay Fabio.

"I do," Sagot ni Fabio habang nakatingin lang sa akin.

"Do you, Camila Dela Torre, take Fabio Serrano as your lawfully wedded husband?" Ako naman ang sunod na tinanong ng pari.

"I do," Kaagad kong sagot habang pinisil ang mga kamay ni Fabio.

"The rings, please." Saad ng pari at kaagad na lumapit sa amin si Luis para iabot ang mga singsing namin.

"You may now say your vows."

Nauna akong kumuha ng singsing at hinawak ang kaliwang kamay ni Fabio.

"Hindi pa ako lubusang nakaka pagpasalamat sa iyo Fabio para sa lahat ng ginawa mo para sa akin." Panimula ko. "Mula nang nilagtas mo ako sa sunog hanggang sa tinuruan mo akong maging malakas at sa lahat ng pagmamahal na binigay mo sa akin kahit sa mga panahon na hindi ko pa kaya ang ipakita ang tunay kong nararamdaman para sayo."

Naluluha ako kaya naman pinunasan ko muna ang mga mata ko bago ako nagpatuloy.

"Patawad kung pilit kitang pinapalayo noon, alam kong nasasaktan ka sa mga iyon. Pero hindi ka pa rin talaga lumayo at talagang hindi mo kami iniwan, kami ni Emma."

"Maswerte ako na ako ang minahal mo, Fabio. Kaya naman na buong buo na ako, heto ako at bininigay ko ang sarili ko sayo bilang asawa mo. Pangako ko sayo na ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na meron ako para sayo na matagal kong naipagkait sayo."

"I, Camila, take you Fabio, to be my husband, my partner in life and my one true love. I will cherish our union and love you more each day than I did the day before. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand, my heart, and my love, from this day forward for as long as we both shall live."

Isunuot ko na ang singsing sa daliri ni Fabio na hawak hawak ko. Tinignan ko na kinuha ang isa pang singsing bago ulit tumingin sa akin at ngumiti.

"Camila, kailan man ay hindi ako nagsisi na ikaw ang minahal ko. Unang sulyap ko palang sayo noong pinakilala ako ni Ate Sharon sayo, alam ko na agad na ikaw ang mahal ko. Kaya laking pasasalamat ko noong nailigtas kita sa sunog noon dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mahalin kita."

"Oo naging matigas ka at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. Pero alam ko deep inside ay mahal mo rin ako at si Emma. Kailangan lang namin hinintay ka na mging handa para iparamdam iyon at hindi nga ako nagkamali na hinatayin ka dahil ngayon lubos mong pinaparamdam na mahal mo ako."

Naluluha na ako sa mga sinasabi kaya naman pupunasan ko ang mga mata ko pero naunahan na niya ako. Pinunasan niya muna ang mga luha ko bago siya nagpatuloy na magsalita.

"Pinapangako ko sa iyo na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko. Kayo ni Emma ang mahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Mas lalo kong ipaparamdam sayo ang pagmamahal na meron ako para sa iyo Camila. Lalo't na ngayon na malaya ka na sa nakaraan mo. Kaya tulad mo, ibibigay ko sayo ang buong buo ko bilang asawa mo."

"I, Fabio, take you, Camila, to be my friend, my lover, the mother of my children and my wife. I will be yours in times of plenty and in times of want, in times of sickness and in times of health, in times of joy and in times of sorrow, in times of failure and in times of triumph. I promise to cherish and respect you, to care and protect you, to comfort and encourage you, and stay with you, for all eternity."

Isuot na sa akin ni Fabio ang singsing sa daliri ng kaliwa kong kamay at nagawa niya pang halikan iyon.

"By the power vested in me, I hereby pronounce you husband and bride!" Malugod na anunsiyo ng pari sa amin.

"You may now kiss the bride."

Hindi na kami kailangan sabihin ulit ni Fabio. Kaagad kaming naglapit sa isa't isa bago niya itinaas ang veil ko at parehas kami may mga malalaki ngiti sa mukha namin. Inilapat ang mga labi niya sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa mga kamay habang tinutugon ko ang mga halik niya sa akin.

Nagpalakpakan ang mga nasa simbahan noong mga oras na iyon pero hindi ko pa rin binitawan si Fabio. Nang kapusin na kami ng hininga ay tsaka lang namin inihiwalay ang mga labi namin sa isa't-isa at tsaka nakangiting humarap sa mga tao na nasa simbahan.

"I present to you Mr. and Mrs. Serrano!" Anunsiyo ng pari at nagpalakpakan ulit ang mga tao.

Binuksan na ulit ang pintuan ng simbahan at naglakad na kami palabas ni Fabio na magkahawak kamay. Nang nasa labas na kami ng simabahan ay sinalunong kami ng pagsaboy nila sa amin ng bigas kaya naman natawa kami parehas habang papunta kami sa carriage.

Si Emma ay kay Vito na sasabay papunta sa reception dahil hindi na kami kakasya rito.

"Masaya ka ba, mahal?" Tanong sa akin ni Fabio nang nasa loob na kami ng carriage at umaandar na.

"Masayang masaya, mahal." Sagot ko naman sa kanya at sumandal ako sa kanya at hinaplos niya ang buhok ko

Napatingin ako sa singsing na nasa kamay niya at hindi ko maiwasang mapangiti dahil ito na iyon. Kasal na kami ni Fabio at legal na mag-asawa.

"Let's all welcome, the newlyweds, Mr. and Mrs. Serrano!" Masayang anunsiyo ng emcee pagpasok namin.

Sinalubong kami ng palakpakan hanggang sa makarating kami sa pwesto namin. Inalalayan ako ni Fabio na umupo bago siya umupo sa tabi ko. Wala na ang veil sa akin dahil iniwan ko na iyon sa carriage.

Nagsimula na ang reception namin at napuno lang ng tawaan ang bawat sulok ng lugar dahil sa mga kwento na kwinekwento nila.

"Oras na para ibato na ating lovely bride ang kanyang boquet." Anunsiyo ng emcee kaya naman tumayo ako sa pwesto namin at pumunta sa tabi ng emcee.

"Emma, bakit ka andyan?" Tanong ko sa anak ko nang makita ko siyang kasama ang mga magtataka sa boquet.

"Ma, I'm over the legal age na kaya and I'm not married so I'll join."

"Talaga naman oh, Emma. Nakipagpilosopuhan ka pa sa Mama mo." Iling ni Fabio kay Emma.

"Papa, totoo naman kasi. Parang naman ako na kaagad ang makakakuha ng boquet kung makareact kayo ni Mama." Tawa ni Emma sa amin dalawa.

"Paano kasi Emma, ayaw nila Tito Fabio at Tita Cams na ikaw ang sunod na ikakasal or kahit ikasal in the near future." Tawa ni Luna at siniko si Emma.

"Mukha ngang ganun Luna." Tawa rin ni Emma. "Sige na Mama, ibato mo na yan!"

Natawa naman ang mga bisita sa naging banter namin at napailing nalang ako bago ako tumalikod at naghanda bago ihagis ang boquet.

Nang maihagis ko iyon ay napuno ng hiyawan at humarap kaahad ako para makita kung sino ang makakakuha ng boquet.

Lo and behold, si Emma nga ang nakakuha kaya naman napuno ng katyawan.

"Nako, Elias, paano ba yan?"

"Marami pang bantay si Emma dala dalawang tatay niya ang bantay."

"Emma, sinadya mo talagang saluhin yan, ano?"

"Elias, kahit Ninong mo pa ako, hindi ka kaagad makakapagalok ng kasal kay Emma." Tawa ni Vito kaya pati si Fabio ay natawa rin.

"Boto ako sayo Elias pero hindi pa ngayon, subukan mo lang na itanan yang si Emma." Pabiro niyang pagbabanta.

"Ninong tsaka Tito naman eh." Reklamo ni Elias at napahawak sa likod ng ulo.

"Don't worry Papa and Dad hanggat walang approval ni Mama walang kasal na magaganap." Ngisi ni Emma sa mga tatay niya.

"Oh ano kayo ngayon, Fabio at Vito. Approval ko lang pala hinihingi ng anak niyo." Tawa ko doon sa dalawa.

"So ano Tita, pwede na ba?" Pagbibirong tanong ni Elias sa akin.

"Hindi pa pwede!" Sagot ko sa kanya. "Sa akin muna si Emma matagal pa bago ko siya ipaubaya sayo."

"Nice try, Elias but you heard Mama, it's a no for now." Tawa naman ni Emma kay Elias.

Nagpatuloy lan ang kasiyahan namin hanggang sa unti unti nang umuwi ang mga bisita at sa huli ay kami kami nalang din ang natira.

"Anong pinaguusapan niyo diyan, ah?" Tanong ko kila Vito at Fabio na nagbubulong-bulungan.

"Si Fabio kasi nagtatanong paano ka raw niya gagapangin sa kama." Natatawang sagot ni Vito at kaagad naman akong namula.

"Mahal!" Hampas ko sa balikat ni Fabio. "Anong klaseng tanong naman iyan?!"

"What? First time palang natin at wala naman akong alam kung anong gusto mo so I'm asking from someone with experience." Ngisi niya sa akin.

"Cams, tinatanong din niya kung saang posisyon daw natin nagawa si Emma at gagawin din niya sayo baka sakaling may mabuo raw." Halakhak pa na tawa ni Vito at mas lalo akong namula.

"Apaka ano naman Fabio!" Hinampas ko pa siya lalo.

"Sinagot mo naman ba?" Tanong ko kay Vito.

"Siyempre naman, oo, para naman may kapatid na si Emma." Proud niya pang sagot sa akin.

"Isa ka pa talaga bwiset ka!" Hinampas ko na rin sa Vito dahil sa hiya.

"Hoy, Cams! Masakit!" Reklamo niya sa akin. "Nagbibiro lang ako."

"Ewan ko sa inyong dalawa."

"Kalma na, mahal." Halik ni Fabio sa sentido ko at inilayo ako kay Vito. "Nagbibiro lang kami sa mga sinabi namin."

Nang gumabi na ay nagpaalam sa akin si Emma na kila Luna raw siya magpapalipas ng gabi dahil first night daw namin ng Papa niya at ayaw niya raw makaistorbo. Kaya naman kami lang ni Fabio ang magkasamang umuwi sa mansion.

"Mahal na mahal kita, Mrs. Serrano." Saad ni Fabio sa akin pagkasara niya ng pinto ng mansion.

"Mahal na mahal din kita, Mr. Serrano." Sagot ko naman sa kanya bago ko siya hinalikan ng mariin sa labi.

Kaagad naman niyang tinugon ang mga iyon at pinalalim pa ang mga halik niya sa akin.

I'm glad that I found someone like you who loved me at my worst and continues to love me at my best. 

END

Continue Reading

You'll Also Like

267K 17K 47
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
639K 29.1K 42
Needs editing [ the destiny series #1] 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒖𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒂𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒃𝒖𝒕 𝒅𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏 𝒑𝒖𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆𝒎 𝒕𝒐𝒈...
34.2K 3.4K 12
Maybe sometimes love needs a second chance because it was not ready for the first time 🥀... Ekansh Malohtra a youngest buisness tycoon (28).. A man...
443K 17.6K 48
Vikram, a senior officer, prioritizes his duty above all else, much like his father, ACP Rajendra. He has three siblings: one is an officer, and the...