Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 58: THE DEAL

99K 2.4K 791
By altheadelarama

Chapter Fifty Eight: THE DEAL

CEMETARY

ISLY POV

“Mekachii…”

Inalagay ko ang bulaklak sa ibabaw ng puntod nito sunod ay sinindihan ang kandila. It’s been a year simula ng mamatay sya, although Sagittarius is dead, hindi ko masasabi na nakuha ko na ang hustisya para sa kanya.

I know na darating si Ophiuchus sa party ni Jireh, kung hindi ako agad aalis sa lugar nay un, possible na malaman nya kung ano ang mga plano ko.

Para umabot sa ganito, napakatuso nya talaga.

The Thirteenth Apostle, Ophiuchus

One thing I learned ng pumunta ako sa party ni Jireh, syempre hindi ako nagpunta doon para lang makisaya pumunta ako doon para siguraduhin ang isang bagay…

At mukhang tama nga ako sa hinala ko tungkol sa pagkatao nya. Kung iisa-isahin ko lahat ng butas sa mga pangyayari, I will end up in that conclusion at alam ko naisip na din ito ni Caleb.

“Lyra once said na ok lang maging masama kung masama din ang lalabanan mo. Ok lang naman kung maging masama ako hindi ba, Mekachii?”

Sa ngayon, imposible na matalo ni Lychii si Ophiuchus dahil naiipit sya sa sitwasyon kay Caleb at Jireh. Hindi ito pwedeng magpatuloy ng ganito kung hindi, kaming lahat ang maiipit.

Kailangan ko na ding kumilos.

 

KLIO POV

Ang sakit ng batok ko, that was a close fight at ang mas nakakaasar, it took all of us para malabanan si Ophiuchus. Ganun sya kalakas at kabilis.

Jireh didn’t say anything at parang automatic na nag-alisan na kami sa lugar, hindi ko na rin nakita si Caleb at Lyra. Sobrang bilis ng mga pangyayari pero naaalala ko ang bawat detalye ng laban.

Alam ko, nakita ko na dati ang paraan na yun, kung papaano lumaban si Ophiuchus, pero hindi ko maalala kung saan at sino. Sino ang kapareho nayng lumaban at kumilos?

Shit!

Aatakihin yata ako sa puso dahil sa babaeng ito. Anong ginagawa nya dito at bakit dyan pa sya sa hagdan nakaupo? Pwede naman syang pumasok sa loob, kanina pa ba sya dyan?

Dahan-dahan akong lumapit kay Lyra at naupo sa tabi nito. May mga root bear in can sya sa harapan nya. Kumuha ako ng isa at uminom.

Ilang minuto din kami sa ganung sitwasyon, walang kibuan, walang sagutan, basta nakaupo lang at umiinom.

“Kuya”

Anak ka ng puta! Bumara yata sa lalamunan ko yung buong lata ng bigla syang magsalita at isa pa,

“Bakit ganyan ang mukha mo?”

“Did you just call me Kuya?”

“Joke lang yun, tara inom tayo…” napatawa sya at saka itinaas yung in can nya at itinama sa hawak ko. “Cheers!”

Napangiti naman ako sa sinabi nya. Hindi ko na hinangad na tawagin nya akong kuya as long as mapatawad nya ako sa ginawa ko.

What happened back there sa party ni Jireh was a total shock isama pa ang biglang pagdating ni Ophiuchus. Oo nga pala, hindi ko pa sya nakakausap tungkol doon.

“Look what you’ve done”

“Ano na naman ang ginawa ko?” playing innocent huh.

Ganito ba nya takasan ang problema nya, nagmamaang maangan sya na walang alam o di kaya, inaasar lang ako ng isang ito dahil wala syang magawa sa buhay.

“About Caleb & Jireh”

Kung tutuusin, mas gusto ko si Caleb kesa kay Jireh dahil alam ko na kahit anong mangyari, proprotektahan nya si Lyra at ipaglalaban kahit patayan man but what Jireh did all this time started to moved me.

Ganun nya kamahal si Lyra.

Kahit sinoman ang piliin nya o kung anoman ang gawin nya, labas na ako doon at isa pa, hindi naman magpapadikta ang babaeng ito kahit kanino.

“Sisihin mo ang parents natin, bubuo lang sila, isang Dyosa pa...”

Nanisi pa at yung sinisi, mga taong patay na. Tsk, ang hiraap maging kuya ng isang ito, kung buhay lang ang magulang naming, ano kayang sasabihin nila sa kanya?

Pero kung buhay man sila, sigurado ako na hindi magiging ganitong klaseng babae si Lyra at possible na hindi nya din nakilala yung dalawa.

“You’re starting a war...”

“Oh really? Then totoo palang nakakamatay ang sobrang kagandahan...”

Tangina, seryoso ako dito tapos yung sagot nya parang nakakagago. Yung totoo Lyra, hindi mo din alam ang gagawin at isasagot mo kaya binabara mo ako ng ganito?

Tiningnan ko sya at doon ko napansin sa mga mata nya na tama ako. Napasubsob ako at ngumiti.

Shit, this girl. Kailan ka ba matututong magexpress ng totoong nararamdaman nya?

“But you know, you need to make up your mind, hindi habang panahon lagi ka na lang ganito. You must choose between the two of them Lyra kahit na may masaktan pa…”

Parte na talaga ng buhay yun, ang masaktan at kung hindi sya mamimili sa kanila, mas lalo lang masasaktan si Caleb at Jireh. Isa pa, kapag nakapamili na sya sa kanila, one of them will learn to move on hanggang sa maging ala-ala na lang ang lahat ng ito, ang lahat ng nangyari sa kanila.

Alam ni Caleb ang bagay na yun, dahil iyun din ang sinabi nya kay Jireh.

Just accept the fact that you are now a memory to her, and stay there.

Yun ang sinabi nya kay Jireh. Nakakatawa…

Napabaling ako kay Lyra ng tuunog ang cellphone nito, nanatili lang syang nakaupo at hindi sinasagot ang tawag sa kanya.

“Hindi mo ba yan sasagutin?”

“Hayaan mo syang maghintay, istorbo…”

Anak ka ng nanay mo talaga oh, lumapit ako sa kanya para kuhanin ang phone nito, mamaya importante pala ang tawag na yun.

“Ako na ang sasagot…”

Pero bago ko pa makuha ang phone nya ay bigla nya itong sinagot at itinapat sa tenga nya saka ako tinitigan ng masama.

“Oh? Problema mo?”

Hindi ko marinig at maintindihan ang pinaguusapan nila pero mukhang kakilala nya lang yung tumawag. Maya-maya, bigla nya itong pinatay at saka itinabi.

“Who’s that?”

“PLDT, hindi daw nagbabayad ng internet si Akagi…”

What the fuck? Nang ganitong oras, tumayo si Lyra at nagpagapag. PLDT ba talaga ang tumawag sa kanya? Bakit ganyan ang tingin nya?

Para syang papatay sa itsura nya.

THIRD PERSON POV

Nagtuloy tuloy lang ng pasok si Lyra sa isang Art Museum, sa likod sya dumaan dahil sarado pa ang museum sa ganitong oras.

Isly called her at sinabi na magkita sila sa lugar na ito. Alam nya na ito din ang nagiwang bukas sa isa sa mga pinto para doon sya dumaan.

Tiningnan nya ang mga painting sa loob habang dahan-dahang naglalakad. The last time she went here was when she confronted Aquarius which is Yola at ngayon, si Isly naman.

Isang bagay lang ang naiisip nyang dahilan kung bakit sila nagpunta at nagkita dito. Napapikit si Lyra at naalala ang araw na yun, the bombing at Wimbledon at ang pagkamatay ni Shin Mekashime.

Until now, she felt guilty sa pagkamatay nito. Unlike Liam na sya mismo ang pumatay, Shin died trying to protect her.

Isang bagay na ayaw nyang mangyari dahil iyun din ang dahilan kung bakit namatay ang kaibigan nya noon. Nagpanggap itong sya sa harap ng mga kidnappers para hindi sya madamay at masaktan and because of that, they’ve died.

People who tried to protect her always die, not because they are weak but because she is weak. Too weak to protect them.

"Naaalala mo ba yung sinabi mo noon?"

Napadilat si Lyra ng marinig ang boses ni Isly. Nakatayo ito sa likod nya ngayon habang nakatutok ang isang baril sa ulo nya.

Once na matapos ang gulong ito, I will give you the right para patayin ako.

Yun ang sinabi nya kay Isly uring Shin’s burial at wala syang balak na talikuran kung anoman ang sinabi nya. (Ref. Apostle Thirteen: Welcome Ad Infernum: Chapter 56)

"Oo"

Ngumiti si Isly at saka ibinaba ang baril nito. Gusto nya lang ipaalala ang bagay na yun kay Lyra kaya nya pinapunta ito dito and its good to hear na hindi pa nya nakakalimutan ang bagay nay un.

Naglakad si Isly katapat ni Lyra at tiningnan dina ng painting sa harapan nila. He knows na malapit ng matapos ang bagay na ito and for them to succeed, a big sacrifice will be needed.

“Isly”

Pinagmasdan ni Lyra ang katabi nito, alam nya na hindi sya papatayin ni Isly, hindi pa sa ngayon dahil hindi pa tapos ang gulong ito at kapag nangyari man yun, sisiguraduhin nya na nakahanda sya sa bagay na ito.

“Lychii remember this, the one who will kill Ophiuchus is me.”

Humarap si Isly kay Lyra at nagkasalubong ang mga tingin nila. Posible kaya na kilala na din ni Isly si Ophiuchus?

“Ophiuchus was there during Jireh’s party but he is not one of us… Since you are Bloody Maria, maiisip mo din ang bagay na yun.”

Gusto mang magtanong ni Lyra ay hindi na nya nagawa, biglang bumukas ang pintuan sa may likuran nila at isa-isa ng nagpasukan ang mga bisita sa museum.

Humarap sya ulit kay Isly pero nakatalikod na ito sa kanya at naglalakad na papalayo. Naiwan naman si Lyra na kinatatayuan nito habang pinagmamasdan si Isly papalayo.

Kinakabahan sya, yun ang nararamdaman ni Lyra hindi sa kung anong mangyayari kung hindi sa kung anong plano ni Isly.

DYLAN POV

Akala ko ba bawal na ang bullying? Bakit hanggang ngayon binubully parin ako ng mga ito?

“Dali na tawagan mo na sya” si Skye.

“Bok” humarap ako kay Yola pero umiwas lang sya ng tingin sa akin at itinuloy ang nilalaro nya.

“Wala akong narinig”

Bakit ba ako lagi ang pinapagawa nila sa ganitong bagay? Nakakatakot kaya si Lyra, bakit kasi dapat ko pa syang tawagan?

After the party, hindi pa nagpapakita sa amin si King hindi nga rin ito pumunta dun sa isa pa nyang party sa bahay nila, buti na lang nagawan nila Pamela ng paraan yun pati ng magulang ni King kung hindi nakakahiya talaga.

At dahil ganun nga, nag-aalala kami para sa kanya pero hindi namin sya makita at ma-contact at si Lyra na nga lang ang last resort namin.

Kinuha ni Skye yung cellphone ko di-nial ang number ni Lyra, bago ko pa ito mabawi ay nagsimula na itong mag-ring.

Shit! Lumalabas lahat ng lamig sa katawan ko at naninigas ang kamay ko, isama pa na bulto bulto ng pawis ang pumapatak mula sa noo ko.

Nakailang ring na pero walang sinasagot, kahit papaano nakakahinga ako ng maluwag. Kapag hindi nya sinagot ibig sabihin, hindi ko na din kailangang kausapin si Bloody Maria.

Napabuntong hininga ako at papatayin na sana ang phone ng biglang may magsalita sa kabilang linya.

“Oh Ophiuchus, kailangan mo?”

“HINDI AKO SI OPHIUCHUS!”

Agad kong naisigaw ng marinig kong magsalita ito. Baliw ka talaga Bloody Maria, hindi ako si Ophiuchus, bakit kailangan mong sabihin yon?

“Ah hindi ba, akala ko si Ophiuchus na ang tumawag eh…”

God, bakit po ba napapalibutan ako ng mga bullyng tao? Di po ba nila alam na masama ang bullying?

“Kailangan mo, Cristobal?”

Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas ng loob na meron ako. Kailangan ko na ding sabihin agad baka kasi bigla nyang i-end ang call.

“Nakita mo ba si King? Nandyan ba si King? Magkasama ba kayo ni King? Nasaan sya? Ok lang ba sya? Ilabasa mo sya? Nagtanan nab a kayong dalawa? Nasaan si King?”

Sa sobrang kaba ko biglaan at mabilis kong sinabi ang bagay nayan at hindi ko alam kung naintindihan nya ang mga sinabi ko.

“Bakit nyo sa akin hinahanap si Jireh? Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tuta?”

“Para mo namang sinabi na tuta si King at isa pa, sayo lang naman lagi tatakbo yun eh”

Grabe, ang sama mo talaga Lyra. Matapos ng lahat ng ginawa sayo ni King ganito lang ang sasabihin mo. Hindi kaba nagaalala para sa kanya?

“So hindi lang pala ako hanapan ng mga nawawala, oval na rin pala ako ngayon…”

“Hindi yun ang ibig kong sabihin”

Ang hirap naman kausapin ng babaeng ito, lagi nya akong binabara at hindi lang yun, sila Prime, Skye at Bok, parang dedma lang at walang naririnig, hindi man lang ako tulungan dito.

“Lyra!”

Sa sobrang frustration ko hindi ko na napigilang hindi mapasigaw. Nakakaasar na, masyado nila akong pinagtritripan at pinagkakaisahan.

“Isang beses na magsalita ka pa, sisiguraduhin ko na yun na ang huling salita na masasabi mo”

Parang nagtaas lahat ng balahibo ko sa pagsasalita nya. Grabe talaga ng aura ng babaeng ito, salita palang nya, kinikilabutan na ako mabuti na nga lang at wala sya ngayon dito sa tabi ko kung hindi paniguradong tsugi na ako.

“Prime, ikaw na nga ang kumausap dito”

“It looks like na hindi nya rin alam kung nasaan si Jireh”

Ni hindi man lang kinuha yung cellphone sa kamay ko. Feeling ko ginamit lang akong bait nito para magkahint kung nasaan si King eh.

“What’s going on?”

Niloud speaker ko ang phone ko para marinig din nila. Kahit nga siguro hindi ko na gawin yun, maririnig at maririnig parin nila dahil sobrang tahimik dito na tanging boses lang naming ang maririnig mo.

“Gusto mong malaman?”

Finally, kinuha ni Prime at phone sa kamay ko at itinapat ito sa bibig nya. Bigla akong kinilabutan ng magsmirk sya, mukhang may naiisip na namang kademonyohan ito.

“Then learn to say please…”

Halos lahat kami parang naging bato sa sinabi nito. Confidence Prime, confidence. Ang lakas ng loob nyang sabihin yun kay Bloody Maria, sobrang taas ng pride ng Queen of Gangsta na para ka na ding humihingi ng milagyo kapag nagsorry o nag-please sya.

“Ginagago mo ba ako?”

Baliw ka Prime, you are looking for your death threat.

“Oo”

Mas lalo mo syang ginagalit sa ginagawa mo, Prime. Hindi ako magtataka kung bigla na lang bumukas ang pintuan at iluwa nun si Lyra na may dalang chain saw at nakangiti ng parang baliw at hahatiin sa maliliit na piraso ang katawan ni Prime.

“Asa ka…”

JIREH POV

I look at my phone to see a lot of miscalls, hindi lang galing sa mga kaibigan ko pati sa pamilya ko. Masyadong lutang ang utak ko na nakalimutan kong birthday ko nga pala at may mga bisita sa bahay.

Maybe I should make a public apology o di kaya personal kong puntahan ang mga bisita namin. Ayokong makasira ang bagay na ito sa imahe ng Montenegro Empire.

Inioff ko ang phone ko at inihagis ito sa passenger seat. Dito na din pala ako nakatulog sa sasakyan at ang malala, hindi ko alam na nakarating ako sa Wimbledon na ganito ang itsura.

Sinuklay ng mga daliri ko ang buhok ko saka bumaba ng sasakyan para makalanghap ng sariwang hangin. Masyado akong nasasakal sa kinalalagyan ko ngayon at kailangan kong huminga.

Naglakad-lakad ako at nag-inat, napatigil ako ng sumalubong sa gawi ko si Isly. Umalis sya agad sa party at hindi nya naabutan si Ophiuchus pero sigurado ako na alam na din nya ang nangyari.

“Isly”

Tumigil sya sa harapan ko at ngumiti. Dati kung saan-saan ko sya nakikita, sabi nila wala daw syang sense of direction. Yun din ang paniniwala ko bago ko pa nalaman na isa din syang Apostle.

“What a surprise, plano ko pa namang tawagan ka”

Tawagan? Sa lahat ng tao sya ang hindi ko ineexpect na kakausap sa akin. Wala rin naman syang sinabi ng iabot ko sa kanya ang invitation para sa party ko.

Kung pagmamasdan mo, parang wala sya lang ang walang pakeelam sa mga Apostle. Meron pa palang isa, yung Elizalde na yun.

“For what?”

“Wala lang, kakamustahin ko lang kayo ni Lychii…”

“Nang-aasar ka ba?”

Nandun sya sa party ko at kitang kita naman nya kung anong nangyari, kung papaano agawin ni Caleb si Lyra at ng umalis sila sa venue. Nang-aasar yata talaga ang isang ito.

Paalis na sya ng bigla syang bumalik at naglakad papalapit sa akin ng nakangiti. Medyo secluded ang area na ito kaya walang dumadaan na estudyante o CCTV camera kaya walang evidence na makukuha kung may gulo mang mangyari dito.

"Alam mo ba na may kasunduan kaming dalawa na once na matapos ang gulong ito, ako mismo ang papatay sa kanya"

Parang nabingi ako sa sinabi nya, sinasabi ba nya na sya ang papatay kay Lyra? Bakit nya sinasabi sa akin ang bagay na ito? Kung biro man ito, hindi nakakatuwa.

"You..."

Bigla ko syang hinawakan sa kwelyo at iniangat pero kahit ganun, kalamado parin ang mukha nyang nakatingin sa akin.

Noon pa man alam ko na mautak talaga si Isly, he is Libra at yun ang kakayahan nya pero hindi ko naisip na aabot ito sa ganun. Based sa nakita ko sa kanila ni Lyra, naging malapit na magkaibigan silang dalawa.

Pero nakalimutan ko yata na isa din syang Apostle.

"Sya mismo ang nagsabi nun, kapalit ng buhay ni Mekachii."

Mekachii? Shin Mekashime… Kung hindi ako nagkakamali, sya yung lagi nyang kasama sa Wimbledon at nagpanggap din na Libra. Sya din yung kumidnap noon kay Lyra but he died sa Wimbledon bombing noong isang taon. Kung ganun si Lyra ang pumatay sa kanya. Hindi, imposible yun, hindi yun magagawa ni Lyra.

"Kung gusto mo talaga syang iligtas, isang bagay lang ang pwede mong gawin…"

Ang patayin ka, yun lang ang choice ko, hindi ba? Kung papatayin ko sya, hindi nya mapapatay si Lyra.

Shit... ang batang ito, pinalano nya lahat ito.

Itinaas ko ang baril ko at itinutok sa kanya. Matalino sya, totoo ang bagay na yun pero kung physical na lakas din lang, wala syang laban sa isang tulad ko.

Talaga bang nagpapakamatay sya at sinasabi nya sa akin ang bagay na ito.

“I’m telling you, kung hindi bangkay ko ang makikita mo, bangkay ni Lychii ang aabutan mo…”

Hinahamon ba nya ako?

“Fuck!”

LYRA POV

Nasaan ba kasi ang lalaking yun? Hindi nga ako hanapan at oval, naging tagahanap naman. Anak ng putcha.

Isang lugar lang naman ang alam ko na pupuntahan ng Sungit na yun. Imposible naman na hindi nila naisip yun. Nirereto yata ako ng mga ito eh.

Hanggang ngayon napapaisip parin ako sa sinabi ni Isly. Kung gusto kong malaman ang katauhan ni Ophiuchus, kailangang iconsider ko lahat na kalaban ko.

Hindi dapat ako magtiwala kahit kanino man dahil kung tama nga si Isly, nasa paligid lang naming si Ophiuchus.

May kutob din ako na kilala na ni Caleb kung sinoman yung hinayupak na yun at ayaw nyang sabihin sa akin.  Hindi, possible na wala talaga syang balak sabihin sa akin simula pa nung una. Balak ba na naman nyang solohin ang lahat?

Dirediretsyo lang akong pumasok sa Wimbledon habang naghahanap ng mapaprkan. Sumalubong sa akin ang mga haliparot sa Wimbledon na kung saan saan na lang naglipana.

Kailan pa naging Luneta ang Alma Matter ko? Ano bang ginagawa ng Head Mistress nay un at naglipana ang mga taga Makati dito?

Kinuha ko ang phone ko at wala man lang nakakaalalang magtext sa akin o tumawag. Buti pa yung mga hinayupak na network na yun, araw araw akong pinapadalhan ng subscription kahit na dinededma ko.

Saan kaya nagsuot yung masungit na yun?

Kung magsesenti sya, pwede na yung sa rooftop o kaya yung oval, pwede din yung HQ nila. Ah mali, demolished na nga pala yun. Sa canteen? Sa classroom?

Ang OA, baka nakatulog lang sa sasakyan nya yun ng dumating dito at nakalimutan ng tumawag.

After ng bombing, nabago na yung ibang posisyon ng building at parking area dito although madali namang hanapin yung iba. Ang tanga ko lang na naligaw ako dito ng first day ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagdradrive hanggang sa makakita ako ng parking area. Walang masyadong sasakyan doon at malaki ang lugar.

Si Isly…

Oo nga pala, dito sya nag-aaral. Pinagpalit nya ang Harvard sa Wimbledon, what a brat? Oo brat sya, di lang halata…

Tinanggal ko yung seatbelt ko at pababa na ng mapansin kong nasa harapan nya si Jireh at

Fuck the packing tape!

Bakit nakatutok ang baril ni Jireh sa kanya? Masama ang kutob ko dito. Teka anong nangyayari? Role playing lang ba ito?

Agad akong bumaba ng sasakyan ko at tinangay ang katana na nakalagay lang sa likod. Kung pwede lang na patigilin kahit ilang segundo ang utak para hindi ko maisip ang bagay na yun, ang posibilidad na gawin ni Jireh ay ginawa ko na.

Bilis, bilis pa!

Bakit ba parang napakabagal ng pagtakbo ko at mas lalo silang lumalayo sa paningin ko? Bilis…

Hindi ko maintindihan, akala ko ba tanggap na nya ang lahat? Akala ko ba ok na sa kanya? Ano ito? Palabasa lang ba ang lahat ng ginawa nya simula ng araw na yun?

“Jireh Wag!”

Kasabay ng malakas na sigaw na yun, ang malakas na putok din ng baril nya. Sa harap ko, unti-unting bumagsak si Isly sa sahig, nakatalikod sya sa akin pero nakikita ko ang pagagos ng pula nyang dugo sa sahig.

Si Isly…

Humarap ako kay Jireh, seryoso ang mukha nito at walang panghihinayang. Walang takot syang tumingin sa akin at itinaas ang baril nito patutok sa akin.

Jireh, bakit?

Continue Reading

You'll Also Like

57.4K 785 2
ACTION | ROMANCE A K E M I Meet Akemi isang tahimik na babae at malamig kung tumingin. Bumalik sa pilipinas para hanapin ang mga pumatay sa kanyang m...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
361K 16.6K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
285K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...