The Last Stop (Completed)

بواسطة Dominotrix

187K 4.2K 1K

Si Sophia Velasco, 40 years old and still single. Ito na ang huling biyahe niya kung gusto niya pang makabin... المزيد

Unang Kabanata: Sophia Velasco
Ikalawang Kabanata: Si Sophia Velasco, 40-year-old Virgin
Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl
Ika-apat na Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang Reluctant Cougar
Ika-anim na Kabanata: Si Sophia Velasco, Denial Queen
Ikapitong Kabanata: Si Sophia Velasco, Puro na lang si Sophia Velasco
Ikawalong Kabanata: Sa Likod Ng Ngiti Ni Joseph Valle
Ikasiyam na Kabanata: Si Mysty Siya, Si Mysty Ako. Sino ba si Mysty?
Ikasampung Kabanata: Concerned o Selos?
Ikalabing-isang Kabanata: Imbestigador
Ikalabindalawang Kabanata: Sa Ngalan Ng Ina
Ikalabintatlong Kabanata: White Lies
Ikalabing-apat na Kabanata: Ang Mabilis na Pangyayari
Ikalabinlimang Kabanata: Paglisan
Ikalabing-anim na Kabanata: Akin lang si Joseph
Ikalabingpitong Kabanata:Mahal Mo, Mahal Ko
Ikalabingwalong Kabanata:Himala
Ikalabingsiyam na Kabanata: Maghihintay Ako
Ikadalawampung Kabanata:May Puso Si Mrs. Valle (Saging Siya)
Ika-21 Kabanata:Linlangin Mo
Panimula sa Pangalawang Arko:
Ika-22 Kabanata: Tuloy Pa Rin
Ika-23 Kabanata: Si Mr. Tisyu
Ika-24 na Kabanata: J.E.V.
Ika-25 Kabanata: Bakas ni Mr. Valle
Ika-26 na Kabanata: Father Figure
Ika-27 Kabanata: Ang Nalalaman ni Joey
Ika-28 Kabanata: Kape at Gatas
Ika-29 na Kabanata: Lihim
Ika-30 Kabanata: Ang mga Antonio
Ika-31 Kabanata:Kumusta? Paalam, Ama.
Ika-32 Kabanata: Ang Paghaharap
Ika-33 Kabanata: Ang Nagbabalik, E.J.V.
Ika-34 na Kabanata
Ika-35 kabanata
Ika-36 na Kabanata
Ika-37 Kabanata
Ika-38 na Kabanata
Epilogue
Author's Note

Ikalimang Kabanata: Si Sophia Velasco at si Gil Velasco

5.3K 142 41
بواسطة Dominotrix

Dali-daling nag-ayos si Sophia ng kanyang sarili. Parang na-conscious siyang bigla sa presence ng binata. Hindi naman siya dating ganoon. Bakit nga ba sa t'wing darating ang binata ay may kabang dulot sa kanya.

"Hindi, magso-sorry lang ako sa ate mo, eh naglalambing lang." Dahilan ni Joseph. Hindi siya makatingin ng diretso kay Gil o kay Sophia. Sa sobrang kaba ay kay Gil niya pa inaabot ang bulaklak.

"Bakit sa akin mo inaabot? Ako ba si Ate?" sabay nangiti ito at ginulo ang buhok ng kaibigan.

Lumapit ito kay Sophia at inabot ang bulaklak habang nanginginig nginig pa ang mga kamay. Hindi talaga siya makatingin ng diretso kay Sophia.

"Sorry! Nabigla lang ako kahapon."

Tinanggap ni Sophia ang mga bulaklak, natatawa siya sa itsura ni Joseph, halata niyang kinakabahan ang binata.

"Wala na 'yun. Parehas naman tayong nabigla." Inamoy niya ang mga bulaklak na bigay ni Joseph. Napakatagal na nang huling beses na nakatanggap siya ng ganitong mga bulaklak. Binuksan niya ang ref at kinuha ang isang lalagyan ng tubig. Tinapon niya ang malamig na tubig at muling pinuno ng tubig na galing sa gripo at doon nilagay ang mga bulaklak.

Si Gil ay nanatiling clueless sa mga nangyayari. Ramdam na ramdam niya ang pagiging extra sa tagpong iyon.

"Mind telling me what's going on?" tanong ni Gil na may pagkasarkastiko ang boses.

Habang nagsasalita si Gil ay dirediretso namang pumasok si Diosa na ikinatulala ng lahat. Tinext nga pala ni Sophia si Diosa kagabi at sinabing baka pumunta si Joseph base na rin sa napag-usapan nila.

"Nandito na ang nilalang na hindi lang Diosa ang pangalan, diosa pa rin ang kagandahan."Sigaw ni Diosa na parang nasa isang beau con.

Lumapit si Gil at bumeso kay Diosa.

"Hoy! Norman, may pintuan kami, baka naman gusto mong kumatok?" reklamo ni Sophia sa kanya.

Hindi naman siya pinansin ni Diosa dahil na rin siguro sa Norman ang tinawag niya dito. Nakatuon ang pansin ni Diosa sa mga bagong bulaklak na nasa lalagyan ng tubig.

"Ang ganda ng bulaklak. Pero bakit nasa pitsel? Diyos ko! Ang chaka, halatang hindi nakakatanggap ng bulaklak at walang vase." Iskandalosang pagkakasabi ni Diosa.

Sinabunutan siya ng palihim ni Sophia na ikinatuwa naman ni Joseph na nasa harap pa rin nila.

"Ay! Ito ba yung kinukwento mong friend ni Gil? Isang sigaw ng Bet ng Bayan nga diyan mare! Yung G# ha!" pabirong sabi ni Diosa

Nagulat si Joseph at hindi napigil ang ngiti sa narinig sa kaibigan ni Sophia.

"Ikinukwento niya ako? Ano namang sabi niya?" Halatang curious na curious si Joseph sa mga napag-uusapan nilang dalawa.

"Na maniac ka, delingkwente, hinawa mo ng pagka-maniac si Gil, inalok mo siya ng sex, mga ganoong bagay lang naman."

Parang napahiya naman si Joseph, iba kasi ang inaasahan niya na sasabihin ni Diosa. Wala pala ni isang positibong bagay ang napag-uusapan ng dalawa tungkol sa kanya. Naisip niya tuloy kung dapat ba siyang matuwa na napapansin siya ni Sophia o hindi.

"Si Diosa ang galing magbiro!" sabay muli nitong sinabunutan ang kaibigan. Umarte silang tatawa-tawa pero sa totoo lang ay nainis na sa kanya si Sophia sa pagiging prangka niya. "Huy, don't mind him, palabiro talaga yan."

"Him! Sure ka d'yan teh! Her ako HER!" may diin ang bawat salitang iyon ni Diosa.

Nabaling naman ang atensyon ni Joseph kay Gil na kanina pa tahimik. Hindi na kumportable ang pakiramdam niya lalo na at may bisitang iba si Sophia na hindi niya naman kakilala.

"Pare bihis ka na, pasok na tayo."

"Napansin mo pa pala ako? Kanina pa ako nakatayo dito wala pang sumasagot ng tanong ko ni isa sa inyo eh. Ano bang nangyayari dito? Inalok mo si Ate ng sex?" wika nito na halatang walang maintindihan sa nangyayari.

"Ay true! Kahapon pumunta sa akin ang ate mo, inalok raw siya ng sex nitong jugets na ito. So akala ko naman, hinain ng ate mo ng bongang bonga ang sarili niya, yun pala sinampal niya ang friend mo. Ewan ko ba sa ate mo, feeling teenager."

"Ha! Nag-away kayo?" gulat na gulat na sabi ni Gil. "Akala ko ba umalis na lang siya kahapon bigla?" usisa ni Gil sa Ate niya.

"Oo nga, pagkatapos ko siyang sampalin, umalis na lang siya bigla." Patay-malisyang sabi ni Sophia, mailusot lamang ang nangyari kahapon.

"Sandali-sandali bakit ba kayo nag-away?"tanong ni Gil sa dalawa

Nagkatinginan lang si Joseph at Sophia. Wala ni isa sa kanila ang maka-alala kung bakit nga ba sila nag-away. Hindi rin nila alam ang dahilan na ikinagalit ng bawat isa. Para bang bigla bigla na lamang ang pangyayaring iyon.

"Mamaya ko na ikukwento sa iyo. Magbihis ka na male-late na ako sa first period ko."

Ipinagkibit balikat na lamang ni Gil ang sinabi ng kaibigan. Pumasok na siya sa kwarto at nagbihis na, ayaw naman niyang ma-late ang kaibigan ng dahil sa kanya.

"Ako ba hindi mo aalukin?" tanong ni Diosa kay Joseph habang hinihintay na magbihis si Gil?

"Sandali may lason ako ng daga dito. Iaalok ko sa iyo, bawal tumanggi ha!" kanina pa nainis si Sophia sa kaibigan. Nalaman tuloy ng kapatid niya ang buong istorya dahil sa kadaldalan nito.

"Ay! Busy ako."wika ni Diosa.

...........

Alas-onse na ng natapos ang last period ni Gil. Paglabas niya ng building ay nakita niyang naghihintay sa labas si Joseph. Nagulat si Gil dahil hindi naman usually na ginagawa ni Joseph ang hintayin siya mismo sa labas ng building. Madalas kasi ay nagkikita na lamang sila sa bench na madalas tambayan ni Joseph.

"Dude!" masayang bati ni Joseph sa kanya na lalong pinagtaka niya. "Kain tayo! May masarap na kainan diyan sa labas. Libre ko."

Tono pa lang ng boses ni Joseph ay naintindihan na ni Gil ang lahat. Halata mong may hihinging pabor ang kaibigan sa kanya.

"Dude, anong kailangan mo?" tanong ni Gil

Inakbayan siya ni Joseph na prang batang naglalambing habang nakangiti.

"Mamaya ka na mag-usisa. Wala akong pabor na hihingin, may mga itatanong lang ako. Basta kumain muna tayo."sagot nito

"Sagot mo ha! Wala akong pera dito."

"Sabi ng Oo eh."

Napansin ni Gil na hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ng kaibigan na para bang nanalo ng isang pangkabuhayan showcase. Tinungo nila ang parking lot kung saan naroon ang kotse ni Joseph.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang sinasabing restaurant ni Joseph. Alam ni Gil ang lugar na iyon at hindi mura ang mga nase-serve na pagkain doon para sa estudyante lamang na gaya nila. Isa itong korean restaurant "Jang Ga Nae" (O iyan libreng advertisement pa)

"Dude! Wala akong pera ha! At ayokong maghugas ng pinggan."muling paalala ni Gil sa kaibigan.

"Oo nga!" madiin na pagkakasabi nito na parang nakukulitan na kay Gil sa paulit ulit na sinasabi.

Umupo sila sa isang table na malapit sa may glass pane. Sa gitna ng table ay may charcoal na stove kung saan pwede kang mag grill. Walang gaanong kumakain ng mga oras na iyon, ang peak hours daw kasi ng restaurant na iyon ay tuwing alas-sais ng gabi.

Umorder si Joseph ng Galbi jjim, Teokbokki, Woo sam Kyup, Cha dol, Galbi Tang at kimchi pancake. Nagulat si Gil sa dami ng inorder ni Joseph kasya na iyon sa apat na tao.

"May kasama pa ba tayong kakain?" tanong niya dito

"Wala na! Ikaw anong order mo?"

"Gago ka ba? Dalawa lang tayo, sobra pa sa atin iyon. Libreng soup na lang!"

Habang ine-enjoy ni Gil ang pagkain ay napansin niyang hindi gaanong makakain si Joseph. Para bang bumubwelo ito sa kanyang nais sabihin. Hindi na napigilang magtanong ni Gil, lalo na nang maalala niya ang nangyari kanina.

"So kamusta pala ang sampal ni Ate? Ako nga hindi pa nasasampal noon eh. Ginalit mo siguro talaga kaya ka nasampal. Ano ba kasing nagyari."

"Ayun masakit. Hindi ko alam kung anong nangyari basta the next thing I know hinubad ko na ang damit ko tapos niyaya ko na siya."

"Niyaya ng....?" sabay ngiti ni Gil ng pilyo sa kaibigan.

"Ng ano... yung..sex."

"Eh bakit nahihiya ka ngayon?" sabay tawa ng kaibigan.

"Tumigil ka nga, kumain ka na lang. Mamaya pag-uwi mo sa bahay niyo mag-hi ka sa ate mo yung malapit na malapit. Sa bango ng hininga mo dahil sa mga kinain natin I'm sure knockout yun." Sabay nangiti si Joseph. Anupa't sa twing maalala niya si Sophia ay napapangiti siya.

Basang basa ni Gil ang kaibigan. Nagiging madalas na ang pagbanggit nito sa pangalan ng ate niya. Mukhang alam na nito ang mga itatanong niya kaya dinala siya dito.

"Di ba sabi mo kanina may mga itatanong ka, Ano nga pala iyon?" tanong dito ni Gil

Nag-alinlangan naman sa pagtatanong si Joseph. Kinakabahan siya na baka masamain ng kaibigan ang mga tanong niya. Mahalaga para sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Gil at ayaw niyang masira iyon.

"Hindi ba talaga nagka-boyfriend ang ate mo?"

Nginitian ng pilyo ni Gil ang kaibigan sabay pinagalaw pa ang kilay nito na parang nang-aasar.

"Tinamaan ka ano?"

"Nagtatanong lang, tinamaan na kaagad? Sagutin mo na lang yung tanong ko. Bayad mo na yun sa mga kinain mo."

"Ewan, bata pa ako noon, pero sabi ni Mama nagkaroon daw yan ng boyfriend si ate. Nagpa-alam sandali na magtatrabaho abroad yung lalaki tapos hindi na nakabalik. Nabalitaan na lang daw ni Ate na nagpakasal na pala sa abroad. Siguro nasaktan si Ate at medyo matagal naka-move on. Noong naka-move on na nga siya, hindi na siya kabataan." Kwento niya dito. "May tanong ka pa?" patuloy pa ni Gil

"Wala bang nanliligaw sa ate mo?"

"Wala, ikaw ba naman ang nakakulong sa bahay ng beinte-quatro oras, makakakita ka ng manliligaw. Sabi ko nga magliwaliw naman siya paminsan minsan."

"H'wag na! Papalabasin mo pa ng bahay eh busy nga." Saway ni Joseph sa kaibigan. Mas gusto niya ang ideya na nasa loob lamang ng bahay si Sophia at siya lang ang nakakakita.

"Umamin ka nga sa akin. May balak ka bang ligawan si Ate?"

"Abno! Curious lang ako. Maganda naman kasi ang ate mo, matalino naman, maganda ang personality, pero bakit single pa rin?" dahilan niya

"Kahit crush wala talaga? Hindi mo crush si Ate?"

"Magagalit ka ba kapag meron?"

"Alam mo kung ano man ang binabalak mo, hwag mo nang ituloy kung hindi ka seryoso." Wika ni Gil na may halong pagbabanta.

"Ano bang sinasabi mo?"patay-malisya si Joseph na kunwari ay hindi alam ang sinasabi ni Gil

"Pare, tayo pa ba ang mag-gagaguhan? Ililibre mo ba ako ng walang dahilan?" sabay tinapik ni Gil ang kaibigan.

Sandaling napaisip si Gil at sumeryoso ang mukha.

"Ano na nga pala ang itatawag ko sa iyo kapag nagkatuluyan kayo ni ate? Kuya na ba?" Natawa silang dalawa sa sinabing iyon ni Gil.

..........

Mag aalas-sais na ng nakauwi si Gil sa bahay. Wala na roon si Diosa at halatang hinihintay siya ng kanyang ate Sophia. Mukhang magpapaliwanag ito tungkol sa nangyari kahapon.

"Ate, hindi na kailangan. Sinabi na sa akin ni Joseph ang lahat ng nangyari kahapon. Hindi niya raw sinasadyang yayain ka niya ng sex."

Nilapitan ni Sophia ang kapatid at niyakap.

"Wala akong magawa! Hindi mapigilan ng ate ang alindog niya. Pero hindi kami nagkasala sa iyo, Shobe." Animo'y isang mabigat na episode ng MMK ang palabas.

"Ano bang sinasabi mo? Sabi ng wala kaming relasyon. At bakit mo ba ako tinatawag na Shobe, hindi tayo Chinese at pambabae 'yon."

"Anong gusto mo Sisterette?"

"Ate ha!"

"Joke lang! Pero paano yan, mukhang ang Ate mo ang gusto at hindi ikaw. Naging panakip butas ka lamang." Patuloy na pagbibiro nito.

"Tigilan mo nga ako. Babae ang gusto ko at hindi lalaki. I have nothing against the likes of ate Diosa pero hindi nga ako bakla."

"Kasi wala ka pang pinapakilala sa akin." Dahilan ni Sophia

"Eh ikaw ba, may pinakilala na sa akin? Wala pa rin naman di ba?"

Maya-maya pa ay napako ang usapan nila kay Joseph.

"Ate, paano kung ligawan ka ni Joseph? Hypothetical lang ha, h'wag kang mag-assume."

"Si Joseph? Mahirap bunso, una sa lahat mas bata siya. Yung mga gaya noon hindi pa makakapagseryoso sa relasyon. Ayoko namang kumuha ng lalaki na ang past time eh maglaro ng Dota sa computer. Pangalawa, baka kung anong sabihin ng iba, mahirap na. Baka husgahan nila si Joseph at sabihing katawan ko lang ang habol niya."

"Ate, ilang taon na lang, kailangan mo na ng plantsa para diretsuhin ang mga kulubot sa balat mo. Hahantayin mo pa ba iyon? Mahirap tumanda ng mag-isa. Bakit si Mama, mas bata ng higit yung asawa niya ngayon, di ba? Gusto ko rin naman sumaya ka,"

paliwanag ni Gil sa ate

Alam naman ni Sophia ang bagay na iyon. Kahit siya ay natatakot isipin ang araw na ikakasal na si Gil at iiwan na lang siyang mag-isa.

"Wala ka bang nararamdaman kay Joseph? I swear, kaninang umaga nang inabot ni Joseph ang bulaklak, kitang kita kong kakaiba ang ngiti mo. Noon lang kita nakitang ngumiti ng ganoon. Aminin mo nga sa akin ate, may gusto ka ba sa kanya?"

Damang dama ni Sophia ang kabog ng kanyang dibdib sa tanong na iyon ng kanyang kapatid. Para bang anumang Segundo ay sasabog ang kanyang puso sa lakas ng pagpintig noon.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

6.2K 254 60
This is Kings Of Valentine #2- Our Tangled Strings. I never believed in red strings, cause it's just a myth that made people believe in love. Love w...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
145K 6.3K 54
Gay story #3 Hindi. Ayoko sa baklang iyan! Ayoko sa kanya! Kahit anong gawin niya ay nakakairita sa paningin ko! Nakakairita siya! Sobra! Ayoko sa ka...
14.3K 481 53
Einalem December Zurbano is suffering from an illness. It causes her to seek for her death. She wanted to end her suffering not until a man came and...