From Ash to Flame

By SunsetsAndDawns

461 47 6

- A story of finding happiness, purpose, love, and all the good things in life - Flame Salazar, a twenty-four... More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue

22

10 1 0
By SunsetsAndDawns

Maaga akong ginising ng mga halakhakan at sigawan nina Jerwin at Janjan. Rinig ko ring pinapatigil sila ni Lola Clarita pero sige pa rin sila sa hiyawan.

"Good morning babies," sabi ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA," tawang-tawa pa rin sila Jerwin.

Napansin kong nakaupo rin si Steel sa tabi ko habang hawak-hawak ang, teka, marker? Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. I looked at my reflection and... "STEEELLL!!!" I screamed on top of my lungs.

Huminto sila sa pagtawa nang bigla akong bumangon at dumiretso sa gripo para maghilamos. I hate you Steel!

Nang matapos ako'y tahimik lang silang kumakain. Umupo ako sa tabi ni Lola Clarita. "Good morning, 'La. Happy birthday po," sabi ko.

"Magandang umaga rin, Apo. Salamat. Mamaya ha? Magluluto ako ng pancit na paborito ko," sabi naman ni Lola.

Naging tahimik ang bahay. Pansin kong panay ang sulyap sa akin ni Steel pero hindi ko siya nilingon. Tse, manigas ka riyan!

"Ate Flame, punta raw po tayo mamaya sa mall," sabi ni Jerwin.

"Ay kayo na lang, sasamahan ko kasi si Lola sa palengke, 'di ba 'La?" lumingon ako kay Lola saka ngumiti.

"Ah... eh... Oo nga pala, mamamalengke kami nitong si Flame mamaya," sagot naman ni Lola.

I saw how Steel's eyebrows furrowed. Natahimik naman ang lahat nang tumayo ako at naunang naligo. I don't know why I feel like this. Konting bagay lang naman 'yon pero ang tindi ng inis ko.

"Lola, tara na po?" tanong ko nang matapos akong mag-ayos. Good thing, I always bring extra clothes and stuff with me whenever I leave home.

"You go with us. Hatid na namin kayo," malambing na sabi ni Steel.

I walked first and sat on the backseat. Bahala siya, ayaw ko siyang tabihan. Bakit ba, nakakainis e. Nang huminto ang sasakyan ay agad akong lumabas at naglakad.

"Apo, huwag mong bilisan at ako'y napapagod," rinig kong sabi ni Lola.

"Ay sorry 'La. Oo nga, hays. Sorry po," I answered.

Marami kaming pinamili ni Lola. Pancit lang dapat ang lulutuin niya pero bumili na rin ako ng ingredients for fried chicken at shanghai.

"Ang dami naman yata nito Apo."

"Okay lang po 'yan 'La. Para may maibigay rin po tayo sa mga kapitbahay niyo." Ngumiti ako kay Lola.

Pauwi na kami nang may madaanan kaming nagtitinda ng mga damit. Nahagip ng paningin ko ang isang bestida. I'm sure, bagay 'to kay Lola. I bought the duster and gave it to Lola.

"'La, para po sa inyo. 'Di ko alam bibilhin e hehe. Happy birthday po," sabi ko.

I was shocked when Lola Clarita hugged me. "Salamat Apo. Napakalaki niyong tulong ni Steel. Pagpalain kayo ng Diyos."

When we arrived at their house, wala pa sila Steel. I helped Lola in preparing the ingredients. Ako na rin ang nagbalot ng shanghai. Good thing, I used to help Ashley before.

"'La, alam niyo ba, may kambal po ako tapos mahilig din 'yon magluto. Kaso nasa heaven na po e, kasama sila Mommy," pagkukwento ko.

"Mag-isa ka na lang sa inyo, Apo?"

"Opo 'La. And I only have two friends po, si Carl at Steel. Pero syempre, Steel's special po. 'La, pa'no po kayo niligawan ni Lolo... ano nga pong pangalan?"

"Ay ineng, ang Lolo Emilio niyo, hindi iyon nanligaw."

Gulat akong napatingin kay Lola. "Po? E 'di ba sabi po nila, no'ng mga panahon niyo po, kailangan ligawan ng lalaki ang babae? Ipagsibak ng kahoy, ipag-igib, gano'n po?"

"Nako Apo, oo ganoon nga, ngunit iba si Emilio. Ipinaalam niya ako sa mga magulang ko at nang pumayag sila'y dali niya akong pinakasalan. At noong mag-asawa na kami'y saka niya ako niligawan. Araw-araw na may rosas, harana, pinagsilbihan. Sabi ni Emilio, relasyon daw ang pinapatagal at hindi ang panliligaw. Tama naman siya dahil siya lang naman ang una at huli kong minahal."

Lola Clarita and Lolo Emilio really loved each other. I was touched by their story and the thought of me and Steel suddenly crossed my mind.

Swerte ni Lola, first love niya, iyon na. Ako kaya? Matitiis kaya ni Steel ang lahat para sa amin? Kaya kaya naming lagpasan lahat ng pagsubok? Tatanda rin ba kaming magkasama?

I was taken back to reality when I heard Janjan's loud voice. "Lola! Ate! Tingnan niyo po, may notebook, lapis, crayon, at bag na po ako!"

"Ako rin po, may sapatos na pang-basketball at pang-iskwela," sabi naman ni Jerwin.

I saw the two boys holding plastic bags. Nang ilabas nila ang mga laman no'n ay pareho kaming nagulat ni Lola. Steel just bought them school supplies, shoes, and clothes. May bola rin ng basketball at art materials.

"You... You bought these?" I asked without looking at him.

"Yes, I also bought a cake for Lola and of course, this one's for my baby," he answered and handed me a paper bag.

I opened it and saw a croptop. When I examined it, I saw it's design and smiled. There's a cute chibi girl holding her cheeks. Her eyes are on fire and there's also a word 'FIERCE' printed on it.

"That is you, baby. You look like that when you're mad," sabi niya.

"Am I this cute when I get mad?" I asked him back.

"Yes, you are cute but please, don't do it often. Your silence is my weakness."

"Ikaw kasi e, kung ano-anong trip mo. Kainis!" I told him and pouted my lips. Now I understand why Jonathan acted that way when Chester was with him, ang cute pala.

"Sorry baby," bulong niya.

"Nako mga Apo, ay tapatin niyo nga ako ano. Ako nama'y hindi nangingialam pero matanong ko lang, kayo ba'y nag-ano na? Iyong alam niyo na. Minsan kasi'y biglang naiinis ang isang dalaga'y dahil naglilihi. Kayo ba'y..."

"Nako Lola hindi po. Myghad. Lola no. I mean, hindi nga, 'La. Wala po," depensa ko.

"Masyado pong defensive 'tong girlfriend ko 'La pero hindi po, ni hindi ko pa po ito nahalikan," magalang namang sagot ni Steel.

Girlfriend? Tama ba ang rinig ko? Did he just call me his girlfriend?

"Ay parang Emilio rin pala itong si Steel ano? Siya sige, baka nalalapit na ang dalaw mo ineng kaya ganyan."

"Sino po si Emilio, 'La?" naguguluhang tanong ni Steel.

"Ay Lola, oo nga po e. Baka malapit na hehe," sabi ko. Steel shouldn't know who Lolo Emilio is. Mamaya lumaki pa ang ulo no'n, sabihing husband material siya.

I looked at the kids who were still busy with their new things. Buti na lang talaga, 'di nila narinig. Ito naman kasing si Lola, jusko. Ako? Naglilihi? Isa pa 'tong Steel na 'to. Baka nga tama si Lola, PMS lang 'to.

"'La, pahinga na po kayo. Ako na po ang magluluto," rinig kong sabi ni Steel.

"Marunong ka?" tanong ko.

"Yes. I know my future wife doesn't know how to cook so it's good that I do," mapanuyang sabi niya.

Tse! Matalsikan ka sana ng mantika. Kala mo ha.

"Hey, baby. Don't eat yet, hindi pa time. You may have sandwich there, may binili kami kanina sa Good Taste, 'yon na lang ang kainin mo," sabi ni Steel nang nahuli akong kumukuha ng shanghai.

Nangalkal ako sa mga pinamili nila. The kids were taking a bath, gusto raw nila isuot ang mga binili ni Steel. Okay lang naman daw 'yon since nadisinfect naman sa mall ang mga damit na 'yon.

"Steel, asan dito? 'Di ko mahanap. Ang dami naman kasing plastic, oops, no offense," sabi ko saka tumawa.

I heard him click the stove. Yes, Kuya Alfredo brought stove and gas tank here last night. Oh 'di ba, ang bait ni Steel. Pwede na siyang kunin ni Lord.

"Here, eat. And don't ignore me again." I ignored what he said.

Tse, buti pinaalala mo. Galit nga pala ako sa'yo. I just ate silently while he was, uh, staring at me. I know I'm pretty pero nakaka-conscious pala.

"Quit staring," I told him and rolled my eyes.

He moved closer to me and whispered, "I can stare all day at the things I own, no buts."

"Sino namang may sabi sa'yong sa'yo ako?"

"There, you said it."

"Tanong naman 'yon. Do'n ka nga! 'Di ko pa limot ang ginawa mo sa'kin kanina. Kala mo ba!"

"You're cute when you're mad, baby. But stop doing that, it makes me want to kiss you."

Nabilaukan ako sa sinabi niya. He wants to what? He handed me a glass of water and when I accidentally touched his hand, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa ugat ko. I looked away. Grabeng Steel.

"Kuya, Ate, tapos na po kami. Bagay po ba?" tanong ni Jerwin.

He and Janjan showed us their pogi pose. They looked really good wearing the clothes Steel bought for them.

"Pogi naman ng mga babies namin. Smile kayo dali," I said and took a picture.

"Someday, we'll have our own. But for now, sila muna," bulong ni Steel.

Ba't ba 'to bulong nang bulong? Jollibee ka nga, bubuyog na pabida. Tse!

Nakita ko namang suot ni Lola Clarita ang bestidang binili ko sa palengke kanina.

"Hala Lola, bagay po sa inyo," wika ko.

Nag-peace sign pose naman si Lola. Aba, tumi-teenager ha? We took pictures of them at meron din 'yong kasama namin sila.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

Lola blew the candle and clapped for herself. The sparkle in her eyes didn't leave and her sweet smile didn't fade. This... This is what happiness feels.

Inutusan niya sina Janjan at Jerwin na magbigay ng handa sa mga kapitbahay. Sakto naman ang pagdating ni Kuya Alfredo at ang pagbalik ng mga bata kaya sabay-sabay na kaming kumain.

"Lola, ang sarap po ng pancit," I told her.

"Salamat Apo. 'Yan lang kasi ang kaya kong lutuin at saka mura rin ang mga rekado."

"Ate, ito lagi naming handa 'pag birthday, Pasko, New Year, pati po 'pag dinadalaw namin sila Mama, Papa, at Lolo sa sementeryo," said Janjan.

"Opo Ate tapos 'di naman po nakakasawa kasi masarap po ang luto ni Lola," sabi naman ni Jerwin.

These kids are really amazing. Lola Clarita raised them well. Hindi sila gaya no'ng ibang mareklamo at maarte. I'm glad that Steel made his way to help them out.

"Lola, kain po kayo ng cake. Masarap din po!" sabi ni Janjan.

Nang matapos kaming kumain ay nagpicture ulit kami. I will surely miss these kids and Lola.

"Ay, 'La, bukas po pala, kailangang pumunta ang mga bata sa school para po maienroll na po sila. Ako na lang po ang sasama," sabi ni Kuya Alfredo.

"Ay maraming salamat naman, Apo. Sige at gigisingin ko sila nang maaga. Salamat din, Flame at Steel. Pagpalain nawa kayo ng Diyos."

"Bye Ate and Kuya. Mamimiss po namin kayo. Promise po mag-aaral kami nang mabuti ni Ading."

This is the hardest part in meeting someone who gave you so much to remember – the time when you need to go home.

"My baby alright?" tanong ni Steel nang mapansing nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Uhuh, namimiss ko na sila agad," I answered without looking at him.

"Gawa na tayo?"

"HOY!" sigaw ko sa kanya. "Nababaliw ka na ba? Bwisit ka," sabi ko.

Malakas siyang tumawa ngunit tumahimik din nang nilingon ko siya ulit. Tss, takot ka pala e.

"But seriously, I will miss them too. No worries, Kuya Alfredo will keep us updated," sabi niya.

Naidlip muna ako sa biyahe. Nang makauwi ako'y agad din akong nakatulog at maging siya ay umuwi na rin at nagpahinga.

Good night Ash. Your Spend a Day in an Amusement Park and Ride a Ferris Wheel are done.

Continue Reading

You'll Also Like

63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
437K 6.2K 24
Dice and Madisson
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...