We Meet Again, My Runaway Bri...

By Lady_Bianx

129K 3.6K 86

[COMPLETED] Fiarra Charlotta Shryte, a 20 year old woman and Lurd Demhon Verotome Scendon, a 23 year old man... More

We meet again, My runaway bride
Author's Note:
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 27

3.2K 80 1
By Lady_Bianx

FIARRA’S POV

“Kahit kailan hindi ka mananalo sa akin, Fiarra!” sigaw niya, pitong metro ang layo niya sa akin, habang mahigpit ang hawak sa baril na nakatutok sa akin.




Maganda siya. Akala ko mabuting tao siya, pero ang totoo ay  napakasama niya. Halos lahat ng masasamang ugali ay taglay na niya.




Nanginginig ang mga kamay niyang may hawak na baril. Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin.




Gusto kong humakbang paatras ngunit, bakit ganito? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Para akong nakatali. Nakatali? Oo tama, patayo akong nakatali sa isang poste gamit ang mga kadenang nakatali palibot sa buong katawan ko.




Malapit na siya, unting hakbang na lang ay malapit na siya sa kinatatayuan ko. Nakikita ko na ang mala demonyong ngisi na naglalaro sa mga labi niya.



“Paki usap, itigil mo na ito.” Pagmamaka awa ko sa kanya.




Nababalot ng takot at pangamba ang puso’t isipan ko. Takot na bigla niyang iputok ang baril, at pangamba sa kaligtasan ko at ng batang na sa sinapupunan ko.




Hindi ko alam kung ano ang nangyari at kung paano ako napadpad sa abandonadong lugar na ito, kung nasaan ako ngayon.




Ang tanging naalala ko, ay nakasakay ako sa bridal car kasama ang driver at ni Artheni, papunta sa simbahan kung saan kami dapat ikakasal ni Demhon.




Si Demhon! Panigurado nag aalala na siya para sa akin! Gaano na ba ako katagal sa abandonadong lugar na ito? Hanggang ngayon suot ko pa rin ang wedding gown ko, gayundin si Artheni na suot pa rin ang pang abay na damit.




“Sa tingin mo, papayag akong maging masaya kayo ni Demhon?” Nanggigigil na tanong niya, sabay tutok at diin ng baril sa sentido ko.




Napapikit ako sa sakit, dahil sa ginawa niya. Diyos ko, help me... Someone please, have mercy, help me... Demhon, nasaan ka na ba?




Huminga ako ng malalim. Iminulat ko ang aking mga mata, at tiningnan siya sa mismong mga mata.




Ano ba ang kailangan at gusto mo, Artheni?” tanong ko sa kanya.




Inalis niya ang baril na nakatutok sa akin. Bahagya siyang umatras bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.




“Simple lang naman ang gusto ko.” Tiningnan niya ako sa mga mata, bago nagpakawala ng isang mala demonyong ngiti. “At ‘yon ang mawala ka,” aniya.




I bit my lower lip. I need to think fast...




“Do you want to kill me?” seryosong tanong ko sa kanya.




Napatigil siya saglit, na para bang hindi niya inaaaahan ang tanong ko.




Pagak siyang tumawa, “Gusto mo na bang mamatay?”




Umiling ako. “O-of course not!” sagot ko.




May sinenyasan siya sa bandang likuran ko, hanggang sa may lumitaw sa harapan kong naka fully black suit na lalaki. Tinanggal nito ang mga kadenang nakatali sa akin, pagkatapos ay hinila ako palapit kay Artheni.



“May ipapagawa ako sayo, kapalit ng buhay mo,” wika ni Artheni, kaya nabuhayan ako ng lakas ng loob.




“W-what is it?” tanong ko sa kanya.


“Hold this things.” Iniabot niya sa akin ang isang ballpen at puting papel pang liham.




Nagtataka ko siyang tiningnan, “Ano ang gagawin ko sa mga ito?” tanong ko sa kanya.




Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin, gamit ang baril na hawak-hawak niya, “Huwag kang bobo, Fiarra!”




Itinuro niya ang maliit na bakanteng mesa sa sulok. Inipon at hinila ko ang dulo ng  suot kong gown. Humakbang  ako palapit sa mesa na itinuro ni Artheni. Ramdam ko ang presensiya niya sa likuran ko, kaya alam kong nakasunod siya sa akin at paniguradong nakatutok sa akin ang baril niya.




Inilapag ko sa mesa ang ballpen at papel. “Ano ang gusto mong isulat ko rito?” tanong ko, nang hindi siya tinatapunan ng tingin.




Pumwesto siya sa harapan ko. “Isulat mo lahat ng mga masasakit na salita, na alam mong makakapanakit kay Demhon, at makakatulong para magalit at kalimutan ka niya.” muli siyang ngumisi, “After that, ihahatid ka ng mga tauhan ko sa mismong panamahay mo, para kumuha ng mga importanteng gamit na kakailanganin mo. Umalis ka sa bansang ito. Make sure na wala kang pagsasabihan or else papatayin ko lahat ng mga mahal mo sa buhay!” Pagbabanta niya.




For your baby Fiarra, do it!


-




“Alam ba ni Artheni, kung saang bansa ka pumunta at tumira?” tanong ng kaibigan ni Demhon na si Jakell, pagkatapos kong isalaysay ang buong pangyayari, tatlong taon na ang lumipas.




Matapos ang party, ay bigla nila akong hinila palayo kila Khryte, sa isang sulok para kausapin at tadtarin ng mga tanong. Hindi nila kasama si Demhon, dahil matapos nitong kumanta ay naglakad ito palabas at hindi na bumalik.




Ayaw nila ako payagang umalis hangga’t hindi ko sinasabi ang totoo, kaya napilitan akong magkwento at magpaliwanag sa kanilang tatlo.




“Anak ba ninyo ni Demhon, ‘yong batang buhat-buhat ni Khryte? Hindi pala kayo nagkabalikan ni Khryte? Bakit nawala rin siya tulad mo?”  sunod-sunod na tanong ni Jake, kakambal ni Jakell.




“Ikaw ba iyong nagtangka sa buhay ni Demhon?” tanong naman ni Khlyde.




Itinaas ko ang dalawang kamay ko, para patahimikin sila. “Pwede isa-isa lang?” sarkastiko kong paki usap sa kanila.




I took a deep breath, “Walang alam si Artheni, kung saang bansa ako pumunta at tumira. Iyong batang buhat-buhat ni Khryte, yes! Anak namin siya ni Demhon. Her name is Demhoirra, and she's the real reason why bumalik ako dito sa Pilipinas. Hindi kami nagkabalikan ni Khryte. Actually ngayon lang ulit kami nagkita. I don’t have any idea kung bakit siya nawala nang umalis ako. I just used his name sa letter, because siya lang ang kilala ni Demhon na naging ex-boyfriend ko. Lastly, hindi ako ang nagtatangka sa buhay ng kaibigan ninyo, okay? I'm a very busy person, halata naman siguro? Wala akong time para magtangka ng buhay ng isang tao. Bumalik ako for Demhoirra, and also for Artheni,” mahabang sagot ko sa kanila.




Pumalatak si Jakell. “Kung hindi ikaw ang may pakana ng death treats messages, sino?”




Nagkibit balikat ako. “I don't know.”

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 169K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
2.2K 952 34
"I am your Knight and you are my Princess. In my whole life, I am with you and I want to be with you forever. I used to be your bestfriend but I love...
43.5K 836 47
THIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Ran...
76.1K 1.3K 44
If someone is meant to stay in your life, they will. No matter how far they seem to drift somehow they'll still be attached.