Apostle Thirteen: The Return...

By altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... More

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 57: KING

96K 2.6K 1.5K
By altheadelarama

Chapter Fifty Seven: KING

KLIO POV

What the hell was that?

Alam ko na matagal ng pinag-aagawan ng dalawang yun ang kapatid ko but I didn’t expect Caleb to react like that. Lagi lang syang kalmado at tahimik sa isang tabi isa pa, wala man lang sinabi si Lyra.

“Jireh!”

Nakita namin si Jireh na naglalakad patungo sa labas kung saan hinila ni Caleb si Lyra. Mukhang balak pa yata nyang sundan yung dalawa.

Parang alam ko na kung bakit nya kami in-invite sa party nyang ito.

“That’s enough, Montenegro”

Humarang ako sa harapan nya pero mukhang wala syang balak makinig at bakas sa itsura nito ang pagkairita. Nilampasan nya lang ako at nagpatuloy maglakad sa may pintuan.

“Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat?” tumigil sya sa paglalakad at nakatuon naman ang atensyon ng lahat sa amin.

“Even I, her brother wouldn’t agree sa proposal mo…”

Well, kung hindi lang nauna si Caleb, baka ako ang umawat sa kanila at hinila palayo si Lyra. I know na iba ang rason nya kung bakit nya ginawa yun but it wouldn’t change the fact na walang magbabago kahit mag-propose o magpakasal pa sila ni Lyra.

“Bro-brother?”

“Magkapatid sila?”

Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ko, iilan lang ang nakakalam na kapatid ko talaga si Lyra pero hindi na iyun importante sa ngayon.

“Mukhang marami pang sikreto si Lyra na hindi natin nalalaman…” saad ni Prime.

“Hindi ko alam kung anong pinaplano mo o kung anong pakulo ito pero hindi matatapos ang gang war sa ganitong paraan katulad ng iniisip mo”

This war is not only between him at sa mga Apostles, it’s also about us. What lies between us lalo na sa pagdating ni Ophiuchus.

“Hindi ka ba talaga nag-iisip? Mas lalo mo lang pinapalaki ang gulo”

Knowing that Caleb is also an Apostle at kung pagbabatayan ang  kakayahan nito, siguradong mas lalaki lang ang gulo lalo na sa pagitan nilang dalawa.

Si Caleb ang tipo ng tao na hindi sumusuko agad kahit na sobbra ng nasasaktan at sa ginawa ngayon ni Jireh mas lalong hindi nya hahayaan na makuha nito si Lyra.

“Ako lang ba ang nakakaramdam na hindi na tayo kailangan dito?” napalingon ako kay Isly na nasa isang sulok.

Itinumba nito ang baso nya at kumalat ang tubig sa mesa bago umalis si Isly sa lugar. Bumaling ulit ako kay Jireh na nananatili parin sa kinatatayuan nya.

“You’re declaring a war not to Bloody Maria but to Leo, not to her but to us, the Apostles at walang pagbabago yun sa ginawa mo noon”

“This is why I hate immature person, iniisip lang nila na as long as it is love, they can conquer all” si Capricorn na mukhang naiinis na din sa mga pangyayari.

We served as an audience sa palabas nyang ito at hindi ako natutuwa sa bagay na yun at maging ang lahat ng naandito.

“Is it wrong to think like that?”

Nabigla kami ng magsalita si Jireh at humarap sa amin. Alam ko na tanga ang isang ito pero hindi ko alam na sasagadin nya talaga ang katangahan na yun.

“Is it wrong for me to think that I can conquer the world with just one hand as long as she is holding the other one?”

“Jireh”

Haiz, ang hirap talaga kapag ikaw lang ang matanda sa lugar na ito at lahat puro bata, isama pa na mukhang walang balak makinig ang mga ito.

“Tanga” this time si Scorpio naman ang nagsalita.

Normally, kapag ganitong usapan aalis na ang isang ito o magsisimula na ng away but I’m surprise na nagsasalita sya ngayon.

“Baka nakakalimutan mo kung ano at sino kami…” dagdag pa nito.

Tumingin si Jireh sa bawat isa sa amin, sa bawat taong naandoon, saka tumigil ang tingin nya kay Scorpio.

“We are an Apostle at ang mga bagay na sinasabi mo, gawain lang yan ng mahihinang tao…”

Natahimik kaming lahat ng biglang sipain ni Prime ang isang bangko bago umalis din sa lugar. Kasunod nun, umalis din sa lugar ang iba pang member ng Helena maliban kay Yola at naiwan na lang kami sa loob.

“So all that left is the Apostle huh”

LYRA POV

“Lyra”

Agad kong binawi ang kamay ko kay Caleb kaya napahinto ito. Nang humarap sya sa akin ay agad sumalubong sa mukha nya kamay ko.

“Aray! Bakit mo ako sinampal?”

“Wow, so totoo pala sya akala ko panaginip lang…”

Kalma Lyra, isipin mo lahat ng nangyari simula ng dumating ka. Napatapik ako sa nook o, sira ulo talaga ang Sungit na yun. Kasi naman akala ko magpapatayan na, tapos dadanak ng dugo, handa na nga akong manapak kanina tapos si Jireh. Si Jireh…

Kailangan kong bumalik…

Tumalikod ako kay Caleb at nagsimulang humakbang palayo. Hindi pwedeng matapos ito sa ganito lang, hindi pwede na wala akong ginawa at tumunganga lang. Nakaksira ng image ko yun bilang si Bloody Maria.

Ano bang tumatakbo sa isip ko?

 “Don’t”

Napatigil ako ng maramdaman ang kamay ni Caleb sa bewang at balikat ko. Nakayakap sya sa akin mula sa likod at pinipigilan akong umalis. Sobrang higpit ng hawk nya pero pakiramdam ko, bibigay ito anomang oras.

“Caleb kailangan kong bumalik sa loob…”

“Ayoko”

“Caleb, ano ba!”

“Tell me, is it a yes?”

Is it a yes? Parang angrewind sa utak ko yung sinabi kanina ni Jireh at pilit na iniisip yung sinabi nya. Galit sya sa akin kaya possible na trap lang yun para madali syang makapaghiganti sa akin but…

Why it feels so real? Talaga bang mas pinili nya ako kesa sa kapatid nya? Ano bang dapat kong isagot?

Bakit ba ako ang-iisip? It is not an exam or what para pag-isipan ko ng ganito. Gusto nya lang bang guluhin ang utak ko o ganito nya ako kamahal na handa nyang iwan ang lahat?

“Then what if ako ang propose sayo?”

Napatigil ako sa sinabi ni Caleb. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin at humarap sa kanya.

“Hindi yan ang Caleb na kilala ko. Wag mong ibaba ang sarili mo dahil sa nangyari kanina.  You felt challenged kaya ginagawa mo ito…”

Bahagya syang napaatras at napangiti sa sarili. He is smiling but then ramdam ko ang sakit sa bawat ngiting yun.

“When it comes to him, pakiramdam ko matatalo ako that’s why I need an assurance Lyra. Pagod na akong maghintay at manuod lang sa isang tabi. Pagod na pagod na ako! All this time, ang tanga ko dahil hinayaan ko lang na makuha ka nya pero pagod na ako Lyra, pagod na ako and it so unfair na ako lang ang nakakaramdam nito.”

Saglit syang tumigil at humarap sa akin. He’s confuse, bother and broken. Kailangan ko syang pakalmahin because I know he will break down kapag hindi ko ginawa yun.

“If you can end it with him, why don’t you do the same thing for me? You can’t have us both Lyra alam mo yan… Tell me too that it’s over and set me free dahil pagod na ako”

“Caleb”

Ano bang dapat kong sabihin at gawin sa kanya? Fuck! Hindi ko nga alam kung naiintindihan pa nya ang sinabi nya o naririnig talaga ako.

“Alam mo ba na napakasama mo para saktan ako ng ganito?”

“Caleb”

He is broken at hindi ko alam ang gagawin ko. All this time Caleb shouldered all this pain at lahat yun lumalabas ngayon.

“I had enough of this game of yours Lyra”

Sa isang iglap, parang may tumapik sa balikat ko at bago ko pa namalayan, isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya na nagpatumba sa kanya sa kinatatayuan nya.

“Then shut the fuck up!”

Halata sa mukha ni Caleb ang labis na pagkagulat, lumapit ako sa kanya at lumuhod saka ko hinawakan ang necktie na suot nya at hinila ito. Kung pagod na sya, pagod na din ako pero ang makita syang nagkakaganito ng dahil sa akin…

Hindi ko hahayaan ang bagay na yun.

“Kung pagod ka na tumigil ka na, kung ayaw mong nasasaktan ka eh di lumaban ka. Wag kang magdrama dyan na parang isang talunan. Don’t you remember that you are Leo, the Apostles King?!”

“Lyra”

Shit, because of that, yung pagkabangag ko napalitan ng inis. Tinitigan ko si Caleb na nakatulala parin sa ginawa ko, napipikon na ako. Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa necktie ni Caleb kaya mas lalo syang napalapit sa akin.

“O baka gusto mong suntukin ulit kita dyan para matauhan ka…”

Kanina, pinaghilahan nila ako ng walang nagawa at hindi ako papayag na hindi ako makakaganti, nagmukha akong tanga dun ah.

Biglang sinapo ni Caleb ang mukha nito at pinadaan sa kamay nya ang mga hibla ng buhok bago tumingin sa akin ng nakangiti. Teka, ok na ba sya?

“Just now, my heart skips a beat and it’s your fault…”

Bigla kong binitawan ang pagkakahawak sa necktie nya at tumayo saka tumalikod dito. Kanina nagdradrama tapos ngayon, bumabanat. Aba matinde! May sayad!

“Hindi ako kinikilig. Tumayo ka na dyan, the party isn’t over…”

Inayos ko ang maskara ko at pabalik na sana sa loob ng makarinig kami ng sunod-sunod na putok.

Shit! Mukhang magpapatayan na sila dun ng wala ako.

THIRD PERSON POV

Agad na tinungo ni Scorpio ang pintuan para umalis na din pero hindi pa man ito nakakalabas ay muli syang bumaling sa loob at lahat napatingin sa may hagdanan kung saan naandoon ang isang pamilyar na tao.

Si Ophiuchus.

“That’s all? Akala ko pa naman magpapatayan kayo, yun pa naman ang hinihintay ko” saka ito ngumiti sa kanila.

Hinugot ni Jireh ang baril ito at ganun din ang iba pero bago paman niya ito maiputok, dalawang bala na ang kumawala sa dalawang baril at nag-ingay sa loob ng venue.

Dalawang bala na mula kay Aries at Pisces.

They are know sa paghawak ng baril, isa na mabilis humawak at isa na accurate bumaril.

“That was close… really close…”

Hinawakan ni Ophiuchus ang maskara nito na muntikan ng malaglag ng tamaan ng bala mula sa dalawa. Pinuntirya talaga ng mga ito ang maskara nya para malaman ang pagkatao nito pero mabilis nya din itong nahawakan.

Inayos nito ang maskara nya at humarap ulit sa mga Apostles maging kay Jireh at Yola na handa na ring sumugod sa kanya. Ngumiti ito at naupo saka bumaling sa lahat.

Inilibot nito ang paningin sa mga Apostles na parang nagbibilang saka napapalakpak sa sarili nya.

“I see, since wala na si Taurus at Sagittarius mukhang kailangan na ng mga bagong Apostles.” At mula sa likod nito, inilabas nya ang dalawa pang maskara ng mga Apostles.

Ang maskara ni Sagittarius at Taurus.

“Ah I forgot, nasa akin din pala ito…” sunod naman ay ang maskara ng Gemini.

“Fuck you”

Susugod sana si Cly kay Ophiuchus ng bigla syang hilahin ni Helen pabalik para pigilan. Alam nila ang kakayahan nito since nakaharap na nila si Ophiuchus at hindi sya papayag na maulit uli ang nangyari sa kanila.

“I thank you”

Isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Ophiuchus at saka hinagis hagis ang mga maskara at sinalo. Para lang itong gumagawa ng magic tricks na mawawala sa kamay nya ang mga maskara at lalabas sa ibang bahagi ng katawan nya.

“But I’m surprise na hindi ko makita si Cancer at Aquarius, I thought reunion ito and then…” saka ito napangiti kay Yola.

Yun ang isang bagay na sinigurado ni Jireh, na lahat ng Apostles na buhay ay makakarating sa araw na ito pero wala silang idea sa pagkatao ng dalawa pang Apostles.

They thought it was Genesis but then, bigla na lang itong naglahong parang bula ng hindi nila nalalaman at si Vienne, they also lost contact on her.

“The King and Queen of Apostles?”

Napakuyom ng kamay si Jireh, muli na namang bumalik sa utak nya ang nangyari kanina ng biglang hilahin palayo ni Caleb si Lyra. Mabilis nitong itinutok ang baril kay Ophiuchus pero nagulat sya ng nasa harapan na nya ito at nakatutok ang hintuturo nito sa dulo ng baril nya.

“Ang dali mo talagang basahin Jireh…” saka nito pinitik palayo ang baril nito.

“Shall we start the real party?” saka pumalakpak si Ophiuchus at mula sa lugar, isang classical na music ang umalingawngaw sa paligid.

Napalingon si Ophiuchus ng isang bala ang pakawalan ni Yola sa harapan nya sunod nun ay tumalon ito at naupo sa isa sa mga upuan.

Napatigil sila at nag-isip, hindi nila pwedeng sugurin si Ophiuchus ng ganun ganun lang. Mabilis ito at mautak bukod doon, sigurado sila na may pinaplano din ito.

Tinap ni Ophiuchus ang paa nito sa sahig habang nakupo at naghihintay sa kung sino man ang susugod sa kanila. Biglang umatake si Clytemnestra sa kanya at sa sandaling yun, tumigil si Ophiuchus.

Tumalon ito mula sa bangkong kinauupuan at ng bumagsak ito sa likod ng bangkuan ay malakas nyang sinipa ito dahilan para tumama sa sikmura ni Cly.

Tinuntungan naman ni Scorpio ang likod ni Clytemnestra na pabagsak sa sahig at isang malakas na sipa ang binigay nito kay Ophiuchus. Iniharang nito ang kamay para maiwasan yun ngunit sa gilid naman ay naandoon si Pisces at nagpaulan ito ng bala.

Yumuko si Ophiuchus at hinawakan si Scorpio sa may damit saka inihagis sa malayo sunod naman ay hinawakan nito ang kamay ni Pisces at itinutok ang baril sa sahig dahilan para lumayo ang iba pa sa kanila.

Susugod din sana si Capricorn pero sinipa ni Ophiuchus si Pisces papunta sa direksyon nito. Sunod sunod pang putok ang kumawala mula sa baril ni Jireh, tumakbo si Ophiuchus para iwasan ito pero nahablot ng latigo ni Helen ang paa nya.

Hinila ni Helen ang latigo kung saan nakatali ang paa ni Ophiuchus, natangay ito sa paghilang iyun ni Cly at sa kabilang dulo kung saan sya babagsak ay naandoon si Aries at nakaambang na ang kamao nito.

Sumipa sa ere si Ophiuchus kaya iwasan ang kamao ni Aries matapos ay umikot ito at saka hinila ang latigo at ipinulupot sa leeg ni Klio. Dahil hawak ni Helen ang latigo ay natangay din ito at natumba.

Siniko ni Klio si Ophiuchus pero hindi nya ito matamaan, napayuko na lang ito ng nasa harapan na nya si Capricorn at Scorpio na parehong nakaambang sumuntok sa ikalabing tatlong Apostles.

Napaatras si Ophiuchus ng tamaan ito ng suntok mula sa dalawang Apostles, sa sobrang lakas nun ay nagkalamat din ang maskara nito.

“You know how to do the shit things huh”

Bago paman makarecover sa suntok nay un si Ophiuchus, sunod sunod pang bala ang patama sa kanya. Agad na hinila nito ang kurtina sa may bintana at pinangtaklob sa katawan nya. Nabutas ang kurtina at bahagyang nasira dahil sa mga bala ng baril ni Jireh at Pisces pero nang angatin ni Aries ito ay wala si Ophiuchus sa kabilang bahagi.

Napabaling na lang sila ng biglang sipain ni Yola ang isa pang kurtina sa kabilang bahagi at mula doon lumabas si Ophiuchus na nakaharang ang kamay sa katawan para protektahan ang sarili. Ginamit nitong camouflage ang isa pang kurtina para makapagtago.

Tumalon ito papalayo papunta sa balcony at saglit na tumigil. Huminga ito ng malalim at tiningnan ang lahat sa loob na hinihingal dahil sa nangyari.

“Seriously, hindi na ako natutuwa…”

Serysosong saad ni Ophiuchus sa kanila at saka tumingin sa mga ito. Ang kaninang nakangiting itsura nito ngayon ay ay seryoso na at parang handing pumatay sa susunod na atake na gagawin nya.

Pinatunog nito ang mga daliri habang nag-iisip samantalang ang mga Apostles ay nasa loob lang at naghihintay sa susunod nitong gagawin.

“I decided…” biglang naging alerto ang lahat ng magsalita ito matapos ang mahabang katahimikan.

“The next time we will see each other, that will be our last fight,” saka ito tumalikod sa kanila.

“Bumalik ka ditong duwag ka…” si Scorpio.

“Duwag?” napatawa si Ophiuchus. “You should thank me dahil ieextend ko pa ng ilang araw ang buhay nyo…”

“That thing na meron kayo at pinaghahawakan nyo, sulitin nyo na dahil isa-isa ko yang kukunin sa inyo…” saka ito tumalon sa balcony paalis sa lugar.

Sinubukan pang habulin ito ni Klio pero ng dumungaw sya sa balcony pababa ay wala na ito.

Mabilis na tumakbo si Lyra pabalik sa lugar, hindi ito mapakali dahil sa sunod sunod na putok na naririnig nya. Mababaliw na sya na hindi man lang sya nakasali sa isang bagay na ipinunta nya talaga dito.

Lumiko si Lyra sa may kakahuyan para magshortcut, doon na lang sana ulit ito dadaan sa balcony kung saan sya dumaan kanina. Paliko na ito sa may dulo ng may biglang tumalon sa harapan nya at mabilis na tumakbo sa opposite na direction nito.

Sa sobrang bilis nitong kumilos, para lang itong anino na dumaan sa harapan nya. Nilingon ni Lyra ang taong yun pero dahil sa madilim ay hindi nya naaninag ang mukha nito isama pa na nakasuot ito ng maskara.

Maskara ng isang Apostle.

“Ophiuchus!”

Napasigaw si Lyra pero ng tuluyan ng makaharap ito ay wala na ito sa paningin nya. Tumingala si Lyra sa balcony at nakita nya ang kapatid na nakadungaw dito.

“Tsk, naisahan ako dun ah…”

CALEB POV

I watch Lyra running towards the venue. Feeling ko ang tanga ko dahil hinayaan ko ang emosyon ko na makontrol ako but somehow, gumaan ang pakiramdam ko.

Dapat pala, noon ko pa ginawa yun…

Jireh proposed to her at lahat kami hindi inaasahan ang bagay na yun. Aaminin ko natakot ako, natakot ako sa pwede nyang isagot because I know that time, kung hindi ako pumigil at humarang sa kanila, she would say yes.

Tumigil ako sa paglalakad at napasandal sa isang puno, sobrang lalim na ng gabi at hindi ko alam kung anon g nangyayari sa kanila sa loob. Wala na akong lakas na bumalik pa doon.

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang contacts. Sobrang nanlalambot ang kamay ko na hindi ko man lanng ito mai-scroll.

She didn’t say no or yes, ibig sabihin may pag-asa pa. Yun lang naman ang pwede kong gawin ngayon, ang umasa.

“Kneel”

Itinapat ko ang cellphone sa tenga ko at mahinang nagsalita. Hindi ko nga alam kung naririnig pa nya ako mula sa kabilang linya sa hina ng boses ko.

“Caleb?” he answered. “Ok ka lang ba?”

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, before ok na sa akin na makasama lang si Lyra.

“Kneel, please… don’t come”

“Ano bang sinasabi mo? Caleb, dyan ka lang pupuntahan kita…”

Then nang maaksidente sya, I want to give her a normal life katulad ng iba, malayo sa mundong ginagalawan namin ngayon.

“Wag Kneel, ako na ang nakikiusap sayo”

But now, I want more of it. I want her, her everything and it makes me greedy being like that. Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Nagiging masamang tao ka na gusto mo sayo lang sya at sayo lang ang atensyon nya?

“Caleb, hintayin mo ako dyan…”

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakasandal sa punong ito, nangalay na din ang paa ko at napabagsak ako.

I’m protecting her kahit noon pa and now is not the time para tumigil ako dahil lang sa pagiging makasarili ko.

Napaangat ako ng mukha kay Kneel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan naman nya saka ako hinila patayo.

“You came… Didn't I tell you not to come?”

“Sorry…”

Inanalayan ako ni Kneel at tinulungang tumayo saka dahan-dahan naglakad paalis sa lugar.

I decided, the mask of Ophiuchus. I will reveal it.

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
5.7M 18.4K 5
Heartless, ruthless, and merciless-four legendary gangster princesses bound by their thirst for revenge. They are the four Fujiwara sisters. Despite...
363K 16.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...