Boss Series 1: Playboy Boss

By drklife

4.4K 183 2

Sa mundong marami ang gustong maranasang magmahal at mahalin, makakakilala si Aki ng isang lalaking hindi niy... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Anniversary
Chapter 19 -Anniversary Pt. 2
FOR IMAGERY PURPOSES
Chapter 20 -Anniversary Last Part
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 13

80 5 0
By drklife

"I guess you're ready" ani ng isang lalaking may sigla ang boses, nakasuot ito ng puting polo at puti ring pantalon na pinarisan ng puting sapatos

Sa iba baduy kung titingnan pero sa mga mata ni Aki ay para siyang nakakita ng angel na nahulog mula sa kalangitan

"Hey! You still there" nawala ang pagkatulala niya ng hawakan nito ang magkabilang pisngi niya

Ano ba tong nangyayari sakin?

"O-Oo naman, s-siguro kulang a-ko sa tulog" pagmamaang-maangan niya at iniwas ang mga mata nito sa kaniya

Stephen smiled "Na gwapuhan ka sakin noh? I know I'm handsome, pero wag mo na ipahalata"

Namuo ang pagpula ng pisngi niya at ramdam niya iyon. Kahapon lang ay pinasukatan siya nito, ngayon naman ay panay ang ngiti nito sa kaniya

"Tumigil ka nga! Saan ba tayo? Sa sementeryo ba?"

Linggo ngayon at death anniversary ng mommy ni Stephen kaya maaga silang nagising pero mas maagang nagising si Stephen para magluto ng pagkain at nilagay ang mga iyon sa tupperware at pagkatapos ay sa picnic basket

"Sementeryo? Hindi ah, just follow me. I'll lead the way come on"

Naglakad ito at sinundan lang ni Aki, wala naman itong sinabi sa kaniya kung saan sila pupunta pero base sa daang tinatahak nila ay hindi sila lalabas ng resort

"T-Teka! Time out muna, h-hinihingal na ako" habol ng kaniyang hininga ay napaupo si Aki sa puting buhangin

"S-Sorry, sige upo muna tayo. Medyo malayo na rin naman tayo kaya pwede na ring dito na tayo mag stop" umupo rin si Stephen malapit sa kaniya at ibinaba ang picnic basket na dala nito

"Dito? Paano?" takang tanong nito

"Wanna know a story? It's not so good story and I'm not a good story teller so listen to me carefully"

Bumuntong ng malalim na hininga si Stephen, he's not ready to talk about this but it's good to have someone to talk to

"I was 20 years old that time when me and my mom decided to go the beach. She can't walk, talk, and she's too pale for a long ride. She insisted because it's one of our dreams to be on the beach and watch the sunset" tumingin ito sa dagat at may mapaklang ngiti ang lumabas mula sa mga labi nito "She has stage 4 cancer that time, ayaw niya na ng treatment dahil sabi niya matanda na siya at sumang-ayon naman ako ayoko na rin naman siyang nahihirapan. She died in front of me I'm holding her hand that time while she's laying down on her moving bed, we watched the sunset after non unti-unti kong nararamdamang malamig na yung kamay niya and then when I called her personal doctor it's too late to bring her to the hospital"

Bakas sa mukha nito ang sakit habang kinukwento ang nangyari sa kaniya at ng kaniyang ina. Si Aki naman ay hindi namalayang may luha ng lumabas sa kaniyang mga mata, parehas lang silang dalawa ni Stephen na walang nang ina

"Cremate si mom, at ang huling habilin niya ay ihagis ang abo niya sa dagat that's why she's not on the cemetery she's on the sea. And she really loves rose flower" hawak nito ang pulang rosas at ihinagis sa dagat at tumingin sa dalaga na may ngiti sa mga labi "And that's my story, how was it?"

"A-Ahmm" nagbaba ang tingin nito "H-hindi ko alam sasabihin ko"

Stephen chuckled at hinawakan ang baba niya para iangat ang kaniyang mukha "You don't have to feel pity on me. I'm fine, yes it hurts pero kung ikukulong ko yung sarili ko sa panahon na iyon hindi uusad ang buhay ko I have to live my life to the fullest. And, thank you for listening to me ikaw lang ang taong sinabihan ko about sa mommy ko. Ang pamilya lang ni Dylan ang nakakaalam even Rendell doesn't know the whole story and also dad. So thank you so much"

Sabay silang napatingin sa papalubog na araw. Mababakas sa mukha ni Stephen na okay na siya, pero sabi nga nila hindi naman nasusukat ang pagiging maayos ng isang tao dahil lang sa nakangiti siya. Humans are great pretender, they can hide their feelings in front of so many people

"Kainin na natin to, sobrang lamig na ito"

Isa-isang nilabas ni Stephen ang mga pagkain sa picnic basket. Carbonara, chicken cordon bleu, sushi, at isang maliit na white round cake na may rose flower na design sa itaas

"Ikaw nagluto nito?" manghang tanong niya

"Y-Yeah, but not the cake. I'm not good at baking" napakagat na lamang si Stephen sa kaniyang labi

"Hindi ko alam na magaling ka palang magluto"

"I learned from Dylan, he's graduated as a culinary student"

Sabay nilang pinagsaluhan ang pagkain nasa harapan nila. And Stephen's right, his cooking skills are still in good state. Halos maubos na ni Aki ang Carbonara

Inawat ni Stephen si Aki dahil halos hindi na ito humihinga sa patuloy na pagkain "Slow down! Mamaya hindi kana makatayo sa sobrang kabusugan!"

--

Hindi ko namalayan na madilim na ang paligid, masaya kami ni Stephen habang nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay na pwedeng mapag-usapan

"Bakit hindi ka nagtatanong?" nag angat ito ng tingin at saktong nagtama ang mga mata namin

"Para saan?" sambit ko habang hawak ko ang isang bote ng tubig

"About my whole life, about everything. Hindi ka ba nagtataka kung bakit iba ang pagpapakilala sakin ni Dad sa publiko?"

"Hindi. Una sa lahat, alam ko namang anak ka sa iba ng tatay mo matagal ding nanilbihan ang papa ko sa pamilya niyo si Rendell lang talaga ang nakita kong bata na naglalaro sa lahat ng sulok ng mansion niyo..." uminom muna ako ng tubig at huminga ng malalim para humugot ng lakas sa mga susunod ko pang sasabihin "Pangalawa, hindi ako interesadong mangialam sa buhay ng iba. Oo nga at sikat ka at ang pamilya mo saang sulok ng mundo kilala kayo. Pero ito tandaan mo, every politician has a dark secret"

"D-Dark secret?" nakakunot noo na ito ngayon na parang hindi alam ang ibig kong sabihin

"Shunga ka ba? Teka..Wala munang amo amo ngayon ah baka ikaltas to sa sahod ko!"

Tumawa ito ng nakaloloko na para bang nagbibiro ako "Oo hindi ito kaltas sa sahod mo. Treat me like I'm one of those friends of yours who really needs to survive to live well"

Umayos ako ng upo at mata sa matang nakatingin sa kaniya "Lahat tayo hindi perpekto, kahit ang mga artista hindi perpekto, at mas lalong lalo na ang mga pulitiko. We are humans after all. Kaya naman ipinakilala ka sa mundo biglang isang ganap na Miller na anak nila Anthony Lennon Miller at Elizabeth Miller ay para maka-iwas sa issue na ikasasama ng imahe at pangalan nila sa publiko" huminga ako ng malalim bago ipagpatuloy ang mga sasabihin ko "Ito nalang isipin mo, illegitimate child ka man atleast nakukuha mo gusto mo. Hindi katulad ko na legitimate child pero baliwala sa bahay, mas maswerte ka pa din kumpara sa mga batang nasa lansangan walang makain at matutuluyan. Ang daming scenario na ganiyan Stephen, maging thankful ka nalang dahil kahit na inililihim ang totoo mong pagkatao sa publiko ay may sapat na buhay ka na nakakamit. Atsaka kilalanin mo lang ang daddy mo napakabait na tao non—"

Tumayo na ito dahilan para hindi ko matapos ang mga sasabihin ko

"Let's go, mag gagabi na baka madilim na nang sobra pag nagtagal pa tayo dito"

Sumunuod naman ako sa kaniya, habang nagalakad kami napansin kong nasa malayo ang tingin niya mukhang malalim ang iniisip

"Okay ka lang?" tanong ko

Tumango lang ito bilang tugon at nagpatuloy muling maglakad. Mukha mali ata ako ng sinabi sa kaniya, napaka gaga ko talaga!

--

After naming makauwi ay dumiresto ako kaagad sa kwarto ko to freshen up. It's my mom's death anniversary, every year I spent my whole day reminiscing my happy memories with my mom. Habang humahampas sa buong katawan ko ang tubig na nanggagaling sa shower hindi ko maiwasan mag flashback ang mukha ni Aki at ang mga sinabi nito, maybe I am lucky hindi na siguro ako hihingi pa ng kahit ano even my true identity ayoko ring pag piyestahan ng publiko ang pagkatao ko. I'm tired faking my smiles to everyone

Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko ang phone ko to check if someone texted me or called me at sakto naman na si Drew iyon

From: Drew

Hey bro! Kailan uwi mo? Miss kana ng mga girls dito

Napailing nalang ako ng mabasa iyon at pagkatapos ibinaba ko na ang phone ko sa side table para kumuha ng damit, sando at cargo shorts lang ang isinuot ko at bumaba na para kumuha ng tubig. I have a lot of work to do at bukas uuwi na kami at back to normal na

"Gising ka pa pala" nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko si Aki na nakaupo sa single sofa and she's still wearing the same clothes mukhang walang balak maligo to

"Yeah. Ikaw? Di ka ba naaalibadbaran sa suot mo? No offense nangangamoy kana"

"Huh? Puta!"

I chuckled as she stood up and started smelling herself. Uto uto nga itong babaeng ito

"Demonyo ka!" binato niya sa akin ang throw pillow "hindi naman ako nangangamoy! Gagong to!"

Pagkasabi niya non ay dumiresto siya sa kwarto niya at padabog na isinara ang pinto niyon. Nagtungo naman ako sa kusina to fetch my water ng nakareceive ako ng email galing kay Carlos

"What?" sambit ko

"Wag moko englishin diyan! Alam mo namang tumutulong ako sa pesteng close case mo diba?"

"So what?"

"Demonyo ka!"

"Ano nga kasi iyon? Hindi ako nakikipagbiruan tukmol!"

He breath heavily before talking to me. I hope that this news is a good one kung hindi masasapak ko talaga 'to pag nakita ko ito. I don't care if he's a hell great lawyer after all!

"This one is a good news fucker!" sigaw nito kaya naman iniwas ko saglit ang cellphone ko na hawak ko para hindi matuluyang mawalan ng pandinig "Jackpot to bro"

"Spill it fucker! You're wasting my precious time!"

"So ito na nga, may lead na ako about sa family ng lalaking hinahanap natin. Good thing my dad is really cooperative ni hindi nga ako tinanong kung para kanino itong kagaguhang ginagawa ko—"

"Just go straightforward asshole! Paligoy ligoy ka pang tarantado ka!!"

"Chill my man, actually I already sent you the pictures and damn man I am fucking waiting for you to see it! Bye fucker!"

Binaba na niya ang tawag, and of course out of mg curiousity I opened my email to check if he's telling the truth though I trust him but still I need to check it

As I opened his email, my jaw dropped seeing the picture he sent to me it's a family picture of Zachiel Ramos. I took a closer look on the picture and I also printed it in a photo paper so I can see it clearly, somethings odd about this picture the setting, the background, and even the lady who's holding the young Zachiel in her arms she seems so familiar to me

I examined the picture again, I think this picture was taken long years ago. Bigla nalang tumunog yung cellphone ko dahil nga nakabalik na ako sa room ko nung tumawag si Carlos, it's Rendell

"Hey!"

"Kailan ang uwi niyo?" his voice sounded so cold

"Tomorrow, why?"

"Don't tell Aki I called you okay? Pupunta ako sa bahay mo by wednesday I need to talk to her"

Hindi na ako hinintay na makasagot at bigla nalang pinatay yung tawag. The next thing I did was to search for some info's about Mr. Zachiel Ramos

I didn't even know na nakatulog na pala ako sa mesa ko, I woke up around 10:00 am and took a shower nagsuot lang ako ng polo shirt at ripped jeans together with my nike white shoes. Pagkababa ko ay gising na si Aki her hair is still wet kaliligo lang ata

"Good morning" masigla niyang bati at ngumiti pa sa akin

I just nodded, I don't like talking too much today. Nagluto na siya ng breakfast and as usual it's bacon, sunny side up egg, fried rice and a hot chocolate coffee. I still silent the whole breakfast meal and didn't even stare at her, I somehow felt mad about last night the conversation with my brother

"Hindi mo ba talaga ako pakikinggan?" I looked at her, her face is now irritated

I raise my right eyebrow confused "You say something?"

"O, diba hindi ka nga nakikinig!" padabog siyang tumayo at nilagay ang plato niya sa sink at humawak siya sa bukasan ng ref "Tinatanong lang naman kita if anong oras ang flight natin. Damuho ka wala ka man lang imik"

I sighed. I thought it was so serious "3:00 pm, you can do anything you want before 2:00 pm. Mag swimming ka sa dagat kung gusto mo"

"Ayoko. Hindi ako marunong lumangoy. At saka ilang maleta ang dala, kung hindi ka ba naman kasi ogag akala mo ay maglalayas sa bahay ang peg mo"

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na siya sa kusina. Good thing. I sipped my coffee checked some emails. Well, it's all about work and of course my dumbass friends na nag aayang mag night out today since babalik naman na daw ako ng Manila. It's great, I can relax my self for 1 week

--

Pag baba palang namin ng eroplano nararamdaman ko na ang polluted air ng Maynila! Joke. Dala-dala ko lang ang maleta ko habang yung kay Stephen hatak hatak ng mga guard ng paliparan, sosyal

"You can go home first" sambit niya habang sabay kaming nag lalakad

"Saan ka pa ba pupunta?"

"Dad's office, wanna come?"

"No. Thanks. Nakakatakot ang daddy mo pag nasa opisina, mas okay na akong makita ko siya bilang gobernador"

Tumawa lang ito, paglabas namin ng airport ay naka abang na ang BMW sa tapat namin, aba mukhang bumili ng bagong sasakyan ang loko. Nilagay ko na sa back seat yung maleta ko at naupo ako sa passenger seat nag seat belt na din ako at ganoon din ang ginawa niya

"Asan mga gamit mo?" tanong ko habang siya naman ay nakahawak sa manibela ng sasakyan

"Nasa bahay na 'yon for sure"

Napakunot nalang ako ng noo, oo mga naman madali nalang niyang ipapick-up iyon kung sakaling di kaya ng sasakyan niya. Ikaw ba naman magdala ng anim na melta dinaig pa artista

Nagmaneho lang ito pero dinalaw ako ng gutom kaya naman umorder na kami sa drive thru ng Jollibee

"What do you want?" tanong niya habang unti-unting binubuksan ang bintana ng kotse

"Spaghetti, coke float, sundae at fries"

Tumingin lang siya sa akin na para bang nagulat sa sinabi ko. Libre naman daw kasi niya kaya no need ng magpakipot, sayang ang grasiya!. Nag order lang siya ng fries at coke float, busog pa daw siya dahil may pa buffet kanina yung resort puro kasi seafood iyon kaya hindi din ako masyado nag enjoy

"Here" inabot niya sakin yung pagkain "kakainin mo yan dito?" dagdag niya

"Oo! Alangan namang titigan ko lang ito baka mabusog ako pag ganon" sarkastikong sabi ko sa kaniya

Nagdrive na siya ulit at halata namang dahan dahan iyon dahil nga kumakain ako ng spaghetti. Medyo traffic ngayon sa may EDSA ang iba kasi ay maaga ang Christmas
vacation kaya rush hour na para sa malling at galaan. Taray! Sana all!

Nahiga na agad ako kwarto ko dahil medyo pagod sa biyahe. Inabot din kami ng 30 minutes sa EDSA! nakakahilo nga eh kasi puro u-turn si Stephen para makauwi kami kaagad. Hindi na din siya bumaba ng kotse kasi may pupupuntahan nga siya at sa daddy niya 'yon. Napatitig nalang ako sa kawalan ng maalala si papa, naalala ko pa kung paano ko siya tinarayan nung huling usap namin

Kumusta na kaya siya?

Iniisip niya kaya ako?

Gusto niya ba ako makita?

Tumayo nalang ako dahil sa mga iniisip ko at nagpalit nalang ng damit dahil amoy biyahe iyon. Nag shower na din ako para mas fresh, wala si Dylan pati ang magulang niya. Ang tahimik tuloy dito sa bahay, na iimagine ko na buhay ni Stephen if umalis sila Dylan dito, he's going to be so lonely and alone in this huge house

"Why are you staring at the ceiling?"

Nagulat ako ng marinig ang boses na iyon, hindi ko namalayan yung oras gabi na pala

"Umuwi kana pala, magluluto na ba ako? bakit wala sila Dylan?"

"They moved out yesterday, Dylan informed me three months ago that their house was finished"

Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Iniisip ko lang to kanina tapos nangyari na. Lumapit ako bahagya sa kaniya pero napaatras din ng na amoy ko ang alak na nanggagaling sa katawan niya

"Please.......Stay here Aki. I don't want to be alone"

He held my hand and hug me so tight, balak ko sanang bumitaw pero bigla ko nalang narinig ang mga hikbi niya. Umiiyak siya kaya tinapik ko nalang ang likod niya habang nakayakap sakin

"Iiyak mo lang yan, nandito ako huwag kang mahihiyang magsabi sa akin. Shhh tahan na"

Nung narinig niya iyon mas lalo niya lang pinakawalan ang mga luha niya. Mabuti na iyon kaysa naman ikimkim niya yung sakit diba? Hindi yon maganda sa katawan

"Thanks" sambit niya ng bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin

"Walang anuman" I smiled

"Stay with me, don't leave me here. Nasanay na akong kasama ka. I don't want to be alone in this house.......Please"

Hindi ko alam pero tumango nalang ako bilang tugon. Hindi ko maintindihan pero gusto kong manatili dito. Gusto kong nasa tabi niya ako. Ayokong iwan siyang miserable ang buhay at nag iisa, nakakaawa siyang pagmasdan at kulang nalang ay isigaw niya sa buong mundo na kailangan niya ng makakasama. Nakakalungkot na sa murang edad niya nag iisa nalang siya sa malaki at magarbong bahay na ito

--

NOTE: Baka nagtataka kayo kung kaninong POV na ang nababa niyo. Tatlong POV nalang ang meron, nilagyan ko lang ng POV sila Dylan at Rendell para aware kayo sila kasi yung natitira sa boss series. Kung baga heads up lang mga sis.

POV nalang ni Stephen, Aki, at siyempre ni Author ang nandito basta pag may nakita kayong "--" ganyan sign na yon na panibagong POV na it's either Stephen's, Aki's, or Author's POV.

Ayon lang para malinawan kayo :)

Continue Reading

You'll Also Like

20.6K 769 29
Ang hindi mo inaakala, ay mangyayari pala. Lori Mendez is just an ordinary 23 years old woman whose working at a coffee shop. Simula nang maulila si...
1.9K 282 30
She's a freelance writer. At katulad ng mga bida sa mga storya sa pocket books na ginagawa niya ay, malambing siya, maharot, at maganda syempre. Ku...
4.9K 724 30
Isa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buha...